Eliza POV Tutok na tutok ako sa pag-aanalisa sa mga numerong nakaprinta sa mga dokumentong pinapaggawa ni Sir Enzo sa akin na nakalimutan ko na na tanghali na pala. Ni magmeryenda o uminom man lang ng tubig ay nakaligtaan ko ng gawin. Marami akong nakitang discrepancies at mga kahinahinalang withdrawal transactions na tantiya ko umabot na rin ng milyones. Hindi basta-basta mapapansin ang difference dahil iba-iba ang account na ginagamit. Malaki ang labas na puhunan at expenditures ngunit maliit ang pasok na profit. I wonder why hindi ito na napansin at na-audit ng tama ng mga accountants. For the last past five years ay same scenario. May account na pumapasok na nagbibigay ng maliit na kita ngunit malaki pa rin ang kawalan sa kumpanya. Mabuti na lang talaga at hindi pa rin naluluge ang

