Chapter 18

2236 Words
LIBERTY DISTRACTED ako buong biyahe papunta ng France. Hirap na hirap akong alisin sa aking isip ang naging sagutan at palitan namin ng maanghang na mga salita ni Dad. Pakiramdam ko may kung anong ugnayan sa pagitan namin ang tinapos niya na. I’m a professional when it comes to work, pero ngayon nahihirapan talaga ako. Pagdating ko sa France kanina lang ay nagpadala agad ako ng message kay Anarrah tungkol sa taong pakay ko. Hanggang ngayon hindi pa ito nag-reply. Medyo natagalan yata ngayon si Anarrah. Nanatili lang muna ako sa labas pero dahil sa inip ay naisipan ko na rin puntahan ang lugar kung saan ako mag stay. Dahil may apartment naman ako rito sa France kaya doon na ako tutuloy. Hindi ko gusto ang luho, gaya sa mga mamahaling hotel. Parang mas nangangati ako sa lugar na gano’n. Feeling ko mas safe pa para sa akin kung sa damuhan na lang matutulog. Binaybay ko ang daan kung saan malapit ang tinambayan ko na lugar. Malapit lang naman doon ang lokasyon ng apartment na pag-aari ko. Syempre ibang name ang gamit ko ng binili ko ‘yun. Advance kasi ako mag isip, tingin ko kasi magagamit ang lugar kapag may mga biglang misyon gaya nito. Tiyak ako sa mga oras na ito ay malinis na ang apartment ko. May isang tao lang akong pinagkakatiwalaan sa aking lugar. She’s blind, pero mas malinis at pulido siyang kumilos kaysa sa mga taong malinaw na nakikita ang lahat. Masasabi ko rin na mas may respeto ito sa kapwa. Para sa iba malayo ang lugar na aking pupuntahan. Ngunit mas gusto ko ang maglakad. Pagdating ko sa lugar , palabas naman na ang sinabi kong babae. Hindi ako nag-salita at hinayaan lang namakalapit ito sa aking pwesto. “Cassie, nandito ka na. Malinis na ang apartment mo.” ani ni Ciere. “Ang lakas talaga ng radar mo Ciere.” wika ko naman sa babae sabay hawak sa kamay nito at lagay ng pera. “Naamoy kita e, ‘wag mo na akong bayaran. Sobrang dami mo ng tulong sa akin Cassie.” Mahinhin na sabi ni Ciere. Sa totoo lang wala ako noon sa sarili ng magpakilala ako kay Ciere, kaya ibinagay ko na lang sa pangalan niya ang pangalan na gagamitin. Sino ba naman ang makapag-isip pa ng tama kung sapo mo sa iyong kamay ang iyong tagiliran na agos ng agos ang dugo? “No! Take it. Mas gusto ko na tulungan ka kaysa ang makinabang ay mga buwaya. By the way, Ciere nakita mo ba ang asawa mo?” “Hindi pa! Bulag ako remember. Just kidding. Mahirap hanapin ang taong ayaw magpa-hanap. I decided to stop Cassie. Kung hindi ako pumunta sa France, hindi ako mabubulag at maghihirap ng ganito. Tama na siguro ang paghahanap.” sagot ng babae sa akin. Sa tuwing kausap ko ito nararamdaman ko ang pagod at pagdurusa niya. Gustuhin ko man siyang tulungan hindi ko magagawa. Dahil ang asawang hinahanap niya ay hindi na ang taong ‘yun ngayon. May asawa na itong iba at sobrang panganib na kalaban niya ang mga ito. “Anong plano mo?” tipid na tanong ko. “Gaya ng advise mo. Uuwi na ako sa Pilipinas. May shelter na akong mapupuntahan—” “What? Shelter? Sa pamilya mo—” “Ayaw nila sa akin kasi pabigat na ako.” “Tang ina!” lihim akong napamura. Sandali kong kinalikot ang phone ko na agad din naman nakatanggap ng sagot. “May tita ako sa Pilipinas, sa kanya ka titira. Hindi ka naman pabigat, tutulungan ka namin mag bagong buhay. I don’t take no for an answer.” Tuloy-tuloy na sabi ko sa babae na bukas sara lang ang bibig ngunit walang boses at salita na lumabas. “Mamayang gabi, may susundo na sa’yo Ciere.” dagdag ko pa. “Ang bilis naman.” “Hindi ka pa aalis. Pero siya ang makakasama mo sa pag-uwi mas okay na nandoon ka na sa kanya. Umuwi ka na Ciere at maghintay.” tugon ko sa babae. Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Lalo na’t nais na siyang tapusin ng taong minsan niyang minahal sa ibang katauhan. Hinatid ko ng tanaw si Ciere hanggang sa makapasok na ito sa building kung saan siya nakatira. Ako ang may gawa noon. Halos lima sa katabing apartment niya ay mga bantay na ako ang nagpadala. Malakas kasi ang kutob ko na si Ciere ang taong hinahanap namin n0on pa. Dahil wala na ang babae ay tumuloy na ako sa loob at dumiretso sa aking apartment. Sobrang linis at bango ng loob ng aking apartment. Bigla tuloy akong nahalina na magpahinga muna. Sa dami ng nangyari sa buhay ko ngayon, hindi na yata mawawala sa akin ang maging pakialamera sa buhay ng mga aping babae. Nahiga ako ng sandali sa sofa bilang pahinga ng pansamantala pero hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nang magising ako ay pasado alas kwatro ng hapon at panay na ang kalam ng sikmura ko. Alam ko naman na walang pagkain sa apartment kaya nagmamadali akong pumasok sa kwarto para makaligo agad. Lalabas ako para makakain. Saktong katatapos ko lang maligo narinig kong tumunog ang phone ko. Dalli-dali ko iyong kinuha. Hindi nga ako nagkamali si Anarrah ang nagpadala ng message. [“Sorry, late na ako. May singkit kasing pasaway na kanina pa ako ayaw tantanan. Pilit niyang sinisira ang mga harang ko. Gusto niyang makilala kung sino ang karibal niya. Kung alam niya lang kung sino ako, baka naglulupasay na siya ngayon. Tungkol sa details na hinihingi mo, around 6pm today kakain ang Don sa isang restaurant for alliance meeting. Marami ang naghahangad na mamatay ito, kaya mag ingat ka Larimar. Ilan sa pagkain na ihahain ay may lason. Tandaan mo, lahat ng may sarsa ay may lason. Don’t let the Don die. Malilintikan na ang lahat oras na mawala siya. Pati buhay maapektuhan. Panahon na para gumawa ka ng papel sa buhay ng Lolo ni Mero. Pagkakataon mo na!”] Laman ng mensahe ni Anarrah. Masyadong busy ito dahil sa lalaking mula sa Alteza. Kung alam lang ni Anarrah na may contact ako sa loob ng grupo baka pati ako kalabanin niya. Nang naisip ko na baka kilala ako ng Don ay agad akong nag-alangan. Dahil ito mismo ang set ng blind date ko sa apo niyang tanga. Magtatanong pa lang sana ako kay Anarrah may follow up na agad ito. [“Hindi nila nakita ang tunay na itsura mo. Tanging si Marrick lang. Pwede mo ngang i-deny ‘yun ngayon. Kaya mo na ‘yan ang mahalaga safe ang identity mo at sikreto. Kilos na, baka biglang mapaaga ang meeting. By the way, may surprise pa—but I won’t tell you para masupresa ka talaga.” ] Nang mag sink in sa akin ang aking nabasa ay paspas na akong nagbihis. Mabuti na lang walang dress code sa restaurant. Ang problema ko na lang paano makakapasok? Tiyak ako na close ang lugar ngayon for regular dinners. The usual get up, white shirt and fitted jean and black leather jacket ang sinuot ko. Ayokong magmukhang mahina sa mata ng iba kaya naman mas pinipili ko ang damit na mag aangat sa akin. Sa basement parking ng building ako tumuloy. Napangiti ako agad ng makita ang may mga nakatabon na sasakyan. Imbis na kotse ang gamitin ko, pinili ko ang ang Kawasaki Ninja 650 2025. Bago lang ito at isang beses ko palang nasakyan. Ramdam ko agad ang panginginig ng aking mga laman dahil sa labis na excitement. Kinuha ko sa likod ng aking relo na suot ang kasing laki lang ng munggo na device. Doon kami mag-uusap ni Anarrah siya ang magiging mata at gabay ko. “On your GPS, Larimar. Don't worry, hindi ka naman mahahanap ni Krypt.” narinig kong sabi ni Anarrah. “Done! Thanks Anarrah!” “Wala ‘yun. Bagay naman kay Krypt ang pangalan niya. Umalis ka na Larimar, para makasabay mo ang kotse ng Don. The first assassination will happen at road 6908. Tatlo sa east, talo Northwest at dalawang kotse ang tatambang sa 7201 road. Handa ng matanda sa mangyayari pero mas magandang mag pakitang gilas ka na.” tuloy-tuloy na sabi ni Anarrah. Sa isip ko naman klaro ko ng nakikita ng mga target. Binuksan ako ang pinto ng isang kotse na pag-aari ko. Kinuha ko sa loob ang isang itim na bag. Agad kong in-assemble ang paborito kong laruan. Nang matapos ko ‘yun ay isinuksok ko na agad sa aking suot na jacket. Sumpa ako sa aking motor tsaka isinuot ang tinted helmet na bulletproof din. Ni rebolusyon ko muna ang makina ng motor tsaka humarurot paalis. Sa tuwing magmamaneho ako ng motor pakiramdam ko tuluyan na akong nakalaya. Walang kahit anong makakasakal sa akin kahit pa ang hangin. 500 meters na lang at road 6908 na kaya hinanda ko na ang aking sarili. Bago pa man makaputok ang mga nagtatagong hitman ay isa-isa na itong nag-laglagan sa kanilang mga pwesto. “Mahusay Larimar. Ingat ka sa dalawang kotse. High power gun ang gamit nila. Bawat kotse may tatlong sakay.” ani ni Anarrah. Parang walang p*****n na nagaganap sa kalsada dahil walang ingay ng palitan ng putok, kasi nauunahan ko na sila. Nang makatapat ko ang kotse ni Don Martin medyo bumagal ako, laking gulat ko pa ng magbaba ng binta ng kotse ang matanda habang may ngisi sa labi. “Mahusay ka hija!’” wika ng matanda na medyo ikinagulat ko pa. Pero ng makita ko ang signage, humarurot na ako para unahan sila. Mabuti na lang din walang nakapag-sabi sa mga na sa kotse na may kalaban na iba. Nakalapit ako ng husto sa mga kotse at madali kong natapos ang anim na lalaki. Napangiti ako dahil sakto lang ang na gamit ko bala. “Good job.” wika ni Anarrah. “Good job sa ating dalawa.” pag-uulit ko naman sa sinabi niya. Sandaling hinintay ko pa ang kotse ng matanda na maharan ang takbo ng daan ako sa aking pwesto. Nang sabihin ni Anarrah na parating na ang mga taga-ligpit ay sumunod na ako sa kotse ng matanda. Inabutan ko pa sila at iniwan sa kalsada. Narating ko ang lugar kung saan gaganapin ang alliance meeting. Lakad na ako ng pumunta sa lugar. Iniwan ko na sa kabilang kanto ang motor ko. Mukhang umaayon naman sa akin ang lahat dahil mukhang nasa tema ang suot ko na damit. Pero kinabahan ako ng sa entrance nakita ko na may scanner. “Lumakad ka na! Makakapasok ka.” biglang sabi ni Anarrah kaya napatingin ako sa phone ko. Ano ba ang naisip ka na ‘yun? Ako pa ba ang hindi makakapasok e si Anarrah ang kumikilos. “Thanks A.” Walang kahirap-hirap akong nakapasok sa loob kaya wala na akong sinayang na panahon. Agad akong nag-matiyag at ng may pagkakataon pinalitan ko ang isang chef na siyang nakatoka sa mga lason. Binaliktad ko ang posisyon ng pagkain na dapat may lason. Lahat ng pagkain na ‘yun ay hindi mapalapit sa Don liban sa isang putahe na siyang paborito ng matanda. “ Ako ang magiging fairy godmother mo Don Martin.” ngising sabi ko bago dispatsahin ang iba pang mga lason na dapat ihahalo naman sa mga inumin. Lumabas ako sa kusina na para bang walang nangyari. Sa stockroom ako pumunta at doon inalis ang chef uniform. Nailing na lang ako sa mga taong nasa loob ng silid. Bago kasi ako makarating ng kusina may mga na linis na akong kalat. “May kukuha sa inyo mamaya at dadalhin kayo sa damp site kung saan kayo bagay.” ani ko sabay sara muli ng pinto. Muli akong nag-ikot sa lugar hanggang sa narating ko na ang hall. Buti na lang nakita ako ang QR code na pina-scan ko, higher member ang nakalagay at hindi basta member lang. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang party. Buong akala ko pa naman ay normal na meeting. Mauuna pala ang kasiyahan bago ang meeting. Dahil sa posisyon ko magagawa kong makapasok sa close door meeting at doon ako gagawa ng papel sa buhay ng Don. Pass 9pm ng makita kong papasok na sa meeting room ang lahat ng pwedeng makisali kaya naman sumunod na ako, pero bago makapasok may nakabangga pa akong lalaki na naka-mask ng kulay asul na halos bumagay sa kulay ng kanyang mga mata. “Careful.” ani ng lalaki na parang pamilyar sa aking pandinig. Pinoproseso pa ng utak ko ang aking boses na narinig ng hatakin na ako ng lalaki dahil isasara na ang pinto. And that goddamn door won’t open until the meeting is over. “You owe me one, Miss.” sabi pa ng lalaki na tinitigan ko lang tsaka nilampasan. Kung tutuusin wala akong utang sa kanya. Dahil kung 'di siya haharang harang sa akin tiyak naman na hindi ako mahuhuli. Pinili ko na maupo sa dulong bahagi para sa akn pinaka-safe na pwesto 'yun. Napangiti naman ako ng makitang kumain na ang ibang mga lalaki, na siyang utak sa assassination ng Don. "Literal na 'wag kang uupo sa umpukan na ang pinag-uusapa n kung paano ibabagsak ang iba." ani ko sabay tayo ng makitang nakahain na sa harap ng Don ang pagkain na may lason. "What the heck, woman?!" bulalas ng mga lalaki na mataas ang posisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD