Chapter 17

1714 Words
MERO’S POV. BUMALIK akong tahimik sa opisina ni Maximus. Laman ng isip ko ang mga plano na dapat gawin para unahan ang plano ng aking ama at mga kapatid. Hindi ko hahayaan na sila ng manalo. Maraming mapapahamak kung sila ang uupo sa pwesto na babakantihin ng Lolo. Naupo ako upuan na nasa harap ng table ni Maximus. Hindi ako nagsasalita at hinayaan ko lang si Maximus na magsalita kung anong kailangan niya sa akin. Masyadong busy ang utak ko, ang daming gustong gawin at makita. “Too occupied!” seryoso na sabi ni Maximus kaya naman napatingin ako sa kanya. “Pamilya, ‘yan ang kahinaan ko. Minsan pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kaya pati kayo nahihirapan when it comes to family matter. Though, mukhang maayos ang paamilya ko, but every family has a hidden problem and misunderstanding.” dagdag pa ni Maximus. Ako nanatili pa rin na tahimik lang. “Minsan hindi maiiwasan na gawin tayong kalaban mismo ng ating pamilya just to make us safe, learn and be bolder. Ang magulang at pamilya natin ang unang lilinang ng ating kaalaman, karakter at kakayahan. Kaya lang minsan akala natin sila ang mahigpit na kaaway. Take it positively Mero. ‘Wag puro conclusion and sistematic. Kapain mo sa isip tsaka mo i-proseso sa puso.” makahulugang wika ni Maximus. Sa kanyang sinabi medyo parang naliwanagan ako ng konti. Natatalo lang ako ng tama sa mali. “Minsan ang akala mo mali, ‘yun pala ay ang tama at mas makakabuti. Tandaan mo, nababali ang tama at nagiging mali vise versa. I know you're a lawyer, Mero. Kung tutuusin ang propesyon mo ang isa sa pinaka-makasalanan na propesyon sa lahat. Maaaring hindi ka gano’n kagaya ng iba, pero oras na humawak kayo ng kaso kahit mali ilalaban mo para maging tama. Most of the time, ganyan din ang galaw at isip ng isang taong nagmamalasakit at nagmamahal sa kapamilya. ‘Wag mong gawing komplikado ang madaling scenario.” paliwanag pang muli ni Maximus. Sa aming dalawa ako ang madaldal at hindi siya. Pero ngayon ako ang tahimik at nakikinig habang siya ang maraming nasasabi. But every word he said to me made sense. Tumikhim ako ng bahagya bago sumubok na magsalita. “Nakakapagod Maximus. Ang tagal kong malayo sa kanila pero heto sila ako pa rin ang target. Dahil lang sa kayamanan at status.” “Gusto mo ng katahimikan? Gawan mo ng paraan. Get the position and make Martin’s Legacy different. Tigilan mo na ang pagkilala sa iyong ama at mga kapatid na kadugo. They were just liabilities that gave a lot of trouble. Sila ang perpektong halimbawa ng mga taong pinakain, binihisan at binigyan ng kalayaan sa mga luho pero ang gusto pa rin alisin sa landas ang taong nag-angat sa kanila. Wala ng pag-asa ang mga ‘yan Mero. Don’t let them get near you. Dahil lahat ng pagkakataon na maibibigay sa kanila susulitin nila mawala ka lang sa kanilang landas. Truth hurts, Mero.” tugon ni Maximus sa akin na alam ko naman na totoo, pero nagawa kong isang tabi dahil siguro kahit paano magulang ko pa rin ang malupit na ‘yun. “Cutting ties is indeed hard. Ganito na lang, I tell you something. Your dad paid 5 millions to someone close to the man whom your mother thinks is her husband. Oo tama ka ng narinig, tatay mo ang nagbayad sa co-worker ng lalaking nag-aalaga sa mommy mo para mas mabaliw. Luckily Don Martin discovered it earlier, kaya nga gumaling ang mommy mo agad. And that person died, sa mismong kamay ng Lolo mo. Hindi ka pa rin kumbinsido? Tatay mo ang ilang ulit nagtaka na lasunin ka when your thirteen, doon nagsimula ang away at sakitan nila ng mommy mo. You see, at the early age that f*****g man wants you die. Magising ka na Mero—” “H-how did you know that?” utal na tanong ko kay Maximus na agad namang napailing. “Napurol yata ang utak mo basta usapang pamilya. Sino ba ako Mero? You think may makakaligtas na detalye sa akin.” sagot naman niya. Biglang may pumasok sa isip ko pero imposible naman na gawing big deal ni Maximus ang tungkol doon lalo na’t hindi niya alam ang tungkol sa bangungot ko dahil sa dalagita na ‘yun. “Ask me Mero? Baka alam ko ang sagot.”dagdag niya pa. Ako naman ay napailing dahil ang lame ng tanong. Hindi akalain na naapektuhan ang buhay ko dahil lang doon. “I have nothing to ask.” tipid na sagot ko pero kita ko sa mata ni Maximus na naaliw ito sa usapan. “Fine! Tapusin mo na ang pinapagawa ko.Then I want you do me favor. Dapat magawa mo na agad. Dahil soon magiging busy na tayo.” Tanging tango lang ang naging tugon ko kay Maximus. Sa lahat, kapag siya ang kausap ko mas madaling nababawasan ang bigat na aking nararamdaman kahit pa marami itong mga sikretong inilalabas.Nakakatuwa lang hindi na ako na gulat sa ginawa ni dad kay Mom at sa akin. Siguro noon pa wala na talaga akong inaasahan sa kanya at baka kaya hindi ko pa siya magawang alisin sa buhay ko, dahil hindi niya pa naabot ang sukdulan ng pasensya at galit ko. Maraming mga dokumento ang inayos ko at ilang kontrata rin ang nagawa kong ipasa. Pareho kaming busy ni Maximus dahil marami kaming hawak na negosyo at iba pang mga side hustle. Minsan naisip ko na lang na pinaparusahan na lang yata namin ang aming mga sarili. Pass 4pm ng pareho kaming mag angat ng ulo mula sa laptop. Walang kain maghapon para bang pakyawan ang trabaho naming dalawa at kailangan ay makakota muna. “Done boss!” pabirong sabi ko sa lalaki. “Welcome back Mero. Time to go home. By the way, you should go now. My flight ka pa mamayang alauna ng madaling araw.”ani naman ni Maximus sa akin. “Ha? What flight?” “Remember my favor? Gusto ko pumunta ka sa France, ikaw mismo ang makiramdam sa paligid. Bumisita ka na rin sa mommy mo. Hindi ito pakiusap Mero. It’s an order from your boss.” “M-Maximus,” “Matigas ang ulo mo, given na ‘yan ma pa baba at taas. 'Wag mong hayaan na mahuli ka sa mga ganap. Pay them a visit once. Walang makakaalam kahit ang grupo. Baka hindi sapat ang manood sa monitor, wala kasing emosyon ‘yun. Tao ka hindi robot Mero, kung may pagtingin ka pa sa ama mo at kapatid. Naniniwala ako na mas mahalaga ang Lolo at mom mo, sadyang tinitiis mo lang sila dahil hanggang ngayon sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa kanila. Alam ko lahat Mero, alam ko. Hindi mo kailangan sabihin sa akin nauunawaan kita.” Hindi ko alam ang isasagot ko kay Maximus kaya hindi na lang ako nagsalita hanggang sa may kunin ito sa drawer ng kanyang table. Lumapit ako sa kanya at inabot ang hawak niya. Passport at plane ticket. “When I said no one knows, I mean it. Gusto ko pagbalik mo ikaw na ulit si Mero. Ayoko ng emosyonal na kanang kamay.” Huling sinabi ni Maximus nauna pang umalis sa akin sa opisina. I found a brother in him. Para siyang kapatid na handang umalalay at sumalo sa akin sa oras na nahihirapan at nalilito ako. Nang umalis ako sa opisina, dumiretso ako sa aking apartment. Sa isang subdivision na medyo private. I live simple. Pero ang totoo front lang ‘yun dahil sa loob ng aking bungalow apartment maraming mga sikreto ang nakatago. Isang travel bag lang ang inihanda ko. Ripped jeans paired with white body fit t-shirt, sunglass, leather jacket and cap ang isusuot ko pag-alis ng Pilipinas. Tiyak naman ako na tirik pa ang araw kapag dumating ako sa France. I took a cold shower and ate dinner. Habang naghihintay ng oras ng pag-alis ko sa bahay, may mga ilang dokumento muna akong binisita. Hindi ko na hinangad ang umidlip dahil sa eroplano ko na ‘yun gagawin. While browsing, may nakita akong kontrata na ang kapatid kong si Marrick ang may hawak. Kung ano man ang pumasok sa utak ko ay hindi ko alam. I approved the contract and sent an invitation for a meeting to him. Ilang araw bago ang pagbibitiw ni Lolo sa posisyon. Ubod tagal pa noon pero hindi naka-halata si Marrick, ano pa nga bang aasahan sa mapurol niya na utak. “It’s getting exciting. Mukhang tama si Maximus, mas magiging masaya oras na hindi ko na sila makita at makilala bilang bahagi ng buhay ko.” wala sa sariling sabi. Around 10:30 pm umalis na ako sa aking apartment. Mabilis lang naman lahat ng proseso ko dahil sa business class, ako kinuha ni Maximus ng upuan. Eksaktong 1 am nagsimula ng magmaneobra ang piloto. Ako naman ay agad ng nag-relax para maka-idlip na rin. MEANWHILE….. DUMATING sa Martin mansion si Marrick na ubod ng saya. He’s walking like a king, na nakasakop ng isang kaharian. Dahil sa na approved na isa sa haligi ng organisasyon ang proposal niya at kontrata. Nais ni Marrick patunayan ang sarili sa kanyang Lolo. Ngunit wala man lang emosyon na pinakita ang matanda kundi pang insulto. Nasa sala ng mansyon ang Don mga oras na ‘yun. Para namang mga kabute na nagsulputan ang iba ng makalapit na si Marrick sa matanda. “Hindi mo talaga magawang maging proud sa akin Lolo, kahit ako ang maraming ginagawa para sa’yo.” ani ni Marrick. “Masyado kang mayabang, pero tanga ka naman. Gusto mong maging proud ako sa’yo? Paganahin mo ang utak mo gaya ng kay Mero. Kaso lagi kang nalalamangan at nauutakan ni Mero—” “Bullshit! Mero… Mero… Mero… Laging siya kahit wala naman dito.” mura ni Marrick na halatang sisegundahan ng mga kapatid at magulang ng magsalita si Don Martin. “Leave the mansion kung ayaw n’yo ng marinig ang pangalan ng apo ko. Marrick mali ako sa sinabi ko na mag-isip ka gaya ni Mero. Dahil kahit anong gawin mo hindi mangyayari ‘yon. Mero is far different to all of you.” wika ng matandang Martin bago umalis sa harap ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD