LIBERTY
“SA WAKAS TAPOS NA RIN!”
Sigaw ko pag-labas ng restaurant kung saan ko kinita at pinag-tyagaan na kausapin ang huling lalaki na nasa list ng aking blind date.
“Malaya ka na Liberty! Graduate ka na sa dress to kill na floral at heels na ang sarap ikaskas sa violin!” dagdag ko pa habang patalon talon na naglalakad papunta sa aking kotse.
Totoong masayang masaya ako dahil sa wakas tapos na ang pagpapanggap na dalagang mahinhin kahit na balasubas naman talaga. Dahil base sa deal namin ni Lolo at Dad once matapos ang blind date at wala akong natipuhan ay ako na ang bahala na maghanap ng aking mapapangasawa.
As long as, paninindigan ko na wala akong nagustuhan sa kanila dahil si Mero ang type ko. Ligtas ako sa pamimilit nilang dalawa. Halata naman kasi masyado na gustong gusto nila na maging bahagi ng aming pamilya si Mero. Sino ba naman aayaw sa status ng lalaki na kayang buhatin ang buo naming angkan? Pero sa totoo lang, ayoko na gamitin si Mero ng Lolo at Dad ko.
Kahit pa siya ang lalaking sumira sa tiwala at paniniwala ko sa good intentions ng mga taong lalapit sa akin. Hindi ko pa rin hahayaan ang pamilya ko na gamitin siya. Kung tutuusin, sa ginawa niya sa akin natulungan niya akong gawin ang sarili ko na mas matapang at hindi na balat sibuyas. But for my own sake. Gagawin ko pa rin ang paniningil.
Pagpasok ko sa loob ng aking kotse na heavily tinted, agad akong nagpalit ng damit na kumportable ang aking katawan. Matapos mag-palit, inangat ko ang upuan sa passenger seat para kunin doon ang aking passport. One of the passports that I used when I traveled for work.
Halos anim na passport ang hawal ko at isa doon ang aking original passport. Pupunta ako sa France kaya ginamit ko ang passport na mukhang walang gagawin na masama. I just need to put some piercings on my left eyebrow and my nose, then I'm good to go.
Nang maayos ko na ang aking sarili. I dial my father's no. Hindi naman nagtagal ay may sumagot na mula sa kanyang numero, pero hindi ko gusto ang aking narinig.
“Hello! Who is this? If your looking for Mr. Russo he’s in the bathroom right now—”
“Who the fück you are?” putol ko sa baba na nasa kabilang linya. Siguro nagtataka ito. Hindi kasi naka-save sa phone ni Dad ang no. ko. I know that, because I’m the one who erased it.
“What? I'm being nice to you…Then your acting too much—”
“Tang ina ka! Kapag tinatanong ka sumagot ka! Sino ka? At ano sa buhay ng tatay ko?” bulalas na sabi ko na may kasamang mura. Napipikon na kasi ako. Ayoko sa lahat ay pabebe na babae. Isa pa parang kilala ko na rin kung sino siya.
“Li—Ma’am Liberty!”
“Yeah at your hell-vice! Last time I checked, you're just an intern. Bakit nandyan ka na ngayon sa posisyon na pinapakialaman ang cellphone ng tatay ko? Do you want me to guide you in hell? Alam mo ang ayoko sa lahat, yung mapagpanggap—”
“Hey princess! What do you want?”
Singit na dad na halatang inagaw sa babae ang phone. Hindi ko tuloy nagawang tapusin ang mga gusto ko pang sabihin.
“Don't call me princess anymore! Mukhang nag-jowa ka dad ng pang little miss Philippines. I don't need anything from you. I just want to say that I'm done with that fücking blind date and I’m taking a vacation near the country.” tugon ko naman halata namang guilty ang tatay ko dahil nasamid pa siya ng marinig na sinabi kong nag-jowa siya ng pang little miss Philippines.
“It's not what you think—”
“It is dad! Don't deny it. Nasasaktan ang unano mong jowa. Kukuha ka na lang kapalit ni Mom, hindi pa pasado na taga kuskos ng pwet niya. I'm dealing with that woman when I come back. I’ve seen a lot of women bumping around you. Lahat sila hindi nakalapit ng husto. Why her? Iba siguro ang pabango ng isang ‘yan. Lamay ba dad?” putol ko sa aking ama. I know, I crossed the line but I need to. Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng ito. Eme ko lang na pagbalik ko kakastiguhin ang babae, pero ang totoo ngayon palang hinahalukay na ng tauhan ko ang pinagmulan niya.
“That's enough Liberty Gail! Parang hindi mo na ako ama sa mga sinasabi mo. Hindi mo na ako ni respeto!” galit na wika ni Dad sa akin.
“Have you been a real father to me? Because Lolo did. But you, I don't remember. You are always just on the back of him waiting for him to act as my father. Respeto, you don't respect me in every way, especially when it comes to my decision and what I want. Shock? Well, matagal ko itong kinikimkim at hinayaan lang sa loob ko. Remember this Dad, If that woman is safe, clear and worth it, I let you have her. But if not, itago mo man siya sa impyerno hindi ko siya titigilan. By the way, did Lolo know about this? I love to say this big news to him—”
“Enough! Tumigil ka na! You're acting too much. Akala mo naman may karapatan ka sa buhay ko Liberty.” gigil na sigaw ni dad sa cellphone. Masakit sa tainga ang boses niya pero mas masakit ang sinabi niya sa akin.
“Yeah! Anak mo nga lang ako. Wala akong karapatan sa buhay mo dahil MATANDA ka na. Well, let me say this. Total na sa legal age na rin ako. Sperm donor ka lang ng nanay ko. Mula sa araw na ito wala ka na ring karapatan makialam sa akin. Oh I forgot, wala ka naman talagang pakialam. addio straniero!” ganting sabi ko naman.
I don't know what that woman does to my father. Bakit siya umabot sa ganito? Marami na akong babaeng na wipe out sa landas ni Dad, pero never siyang naging ganito sa akin. Hindi niya ako na nagawa ni minsan na pagsalitaan ng hindi maganda at kahit masakit na mga salita. Kahit pa totoong ‘di siya nagpakaama at si Lolo ang halos gumawa noon maayos si Dad na tao. Hindi ganito.
“If that's what you want Lib. I will give it to you.” mahinang ani ni Dad bago patayin ang tawag.
“Putang ina ka! Humanda ka sa aking babae ka!” sigaw ko sa loob ng aking sasakyan.
Dahil sa babaeng ‘yun sa isang iglap itinakwil ako ni Dad. Kung sabagay may nasabi rin akong lagpasan, pero ganito na ako noon pa. Siya, siya ang nagbago dahil sa babaeng ‘yun. Medyo matagal na nga rin pala. Para sa akin kung may babae nararapat para sa aking ama ay si Gladys ‘yun hindi kung sino lang. Kinalma ko ang aking sarili bago gumawa ng hakbang. I dial another no., in just two rings she picks up the phone.
“Lib, tapos na ba ang date—?”
“Glad, gusto kong pumunta ka sa mansyon ni Lolo at doon muna manatili. Aalis kasi ako for vacation. Deserve ko naman ‘diba? Glad, listen carefully. May intruder ulit. I want you to be my eyes on the mansion. Hindi ito basta babae lang, iba siya—”
“Lib, is it about me? Don't do this. Let your father be happy. Hindi natin pwedeng ipilit ang ayaw niya. I'm just a servant—”
“No! You're not a servant. You're my second mom. Please help me. Iligtas natin si Dad.”
“Umiiyak ka ba Lib? What happened?” alalang tanong ni Glad sa akin.
“He disowned me. Given naman na maldita ako at balasubas, pero ngayon lang niya ako ginanito. Akala ko okay ako, masakit pala, Glad. Tatay ko pa rin kasi siya.” tugon ko sa babae. Hindi ko alam bakit umiiyak ako? Unang beses ito na nakaramdam ako ng pain from him.
“Tahan na Lib. Tahan na anak. Sige, pupunta na ako doon. Enjoy your vacation to clear your mind. Ako na muna ang bahala sa kanila.” puno ng suyo at pagmamahal na sabi ni Glad.
“Thanks, Glad. I love you.” tugon ko naman. “I love you too. Ingat ka.” sagot ni Glad.
Kahit paano gumaan ang dibdib ko matapos makausap si Glad. Mula sa parking area pinasibad ko ang aking kotse papunta sa airport. The moment I hit the parking area of the airport. I call my Lolo and talk to him.
“I know about that affair, hija. Ilang ulit ko ng sinupil ang dad mo pero ayaw niya talaga. I just hope, magising siya bago mahuli ang lahat.” paliwanag ni Lolo sa akin.
“I get it Lolo. Pero alam mo bang itinakwil niya na ako—?”
“What the hell? That idiot!”
“Calm down, Lolo. I'm okay, umiyak lang sandali. By the way, Glad will stay with you two. Ikaw ng bahala sa kanya Lolo. Lalayo lang muna ako ng sandali. Hindi ko akalain na hindi pala ako masasaktan ni dad pisikal kundi emosyonal. I need to go, Lo. Ingat po.” ani ko sabay patay ng tawag.
Nakikipaglaro sa akin/sa amin ang babaeng ‘yun pagbibigyan ko siya. Total hindi pa naman gano'n ka loaded ang schedule ko. Nang tawagin na kami para sa boarding, agad na akong kumilos. Isang traveling bag lang naman ang dala ko. Pag-lapat ng pwet ko sa upuan na para sa akin pumasok agad ang detalye na aking kailangan. Thanks to Anarrah. One of the best talaga when it come to security, details and hacking.
Base on the details it seems normal. That normal thing is the key. May mali talaga. Parang plantsado ang lahat.
“You messed the wrong Russo.” ani ko sabay tabi ng aking mini laptop. Nagsimula kasi ang byahe, at ibig lang sabihin noon ay hiwalay ang personal na buhay sa trabah0.