THIRD POV.
HABANG abala si Mero sa kanyang ginagawa na mga trabaho. Nakatanggap ito ng tawag mula sa kanyang tauhan na siyang gumagalaw para sa kanya sa organisasyon ng kanyang Lolo. Bumangon ang nakatagong galit ni Mero laban sa kanyang ama na noon ay kontrolado pa lalaki. Kahit na hindi ito naging mabutting ama sa kanya binigyan pa rin ni Mero ng halaga ang lalaki bilang isa sa nagbigay buhay sa kanya.
“Sir, talagang hindi na paawat ang iyong ama.” ani ng lalaki a kabilang linya. Agad namang napsandal si Mero sa upuan at bahagyang napa-masahe sa kanyang ulo.
“Talagang kating Kati na siya na makuha lahat kay Lolo para sa mga batugan at tanga niya pang anak! Make sure, na mas malaking papel ang makukuha mo sa organisasyon in behalf of Azur Quibell. Tipong hindi uusad ang botohan oras na hindi siya sumang-ayon. Kailan ba ang secret meeting.”tugon naman ni Mero sa lalaki.
“Na sigurado ko na po. Nagsisimula na po ang meeting ngayon. Maganda ang pangakong plataporma ng iyong ama, habang sinisira ka niya sa mata ng iba.” sagot naman ng lalaki.
“Ganyan talaga kapag display lang ang mga ulo. Hindi ginagamit. Who would trust him, gayong mismong pamilya kanyang kinakalaban. Bistado naman ng lahat na inutil sila ng mga anak niya.”
“Hating hati nga po ang opinyon ng lahat. But your father pull some trigger. Na aalisin mo raw ang mga business ng hindi kaalyado—”
“That’s bullshit! Alam na nila ‘yan dapat. Bakit pa ako mag-aalaga ng mga taong pwedeng patayin ako. Let him talk, I watch all of you. Ganitong gawain mo, use one of our dikoy. Gumawa ng maliit na gulo na makakapag-pataranta sa aking ama. Salamat sa tulong at loyalty Lino.” Putol ni Mero sabay sabi ng kailangan gawin. Batid ng lalaki na may nakikinig sa kanila ni Lino. Hindi pa man na hingi ng tulong si Mero ay lumitaw agad sa screen ng kanyang laptop ang nagaganap na meeting.
“Peace!”bahagyang sigaw ni Mero na matic alam na ng mga taga coffee shop. They vanish as if they didn’t exist. Ito ang gusto ni Mero sa lugar na ito. After mawala ng mga staff, kumunekta si Mero sa earpiece ni Maximus.
“Yes, Mero. Anything you need?” bungad na sabi ni Maximus kay Mero na tiyak na alam na ang sitwasyon.
“Time, little space and someone to do a little job.” Diretso na sagot ni Mero.
“Done! All set.” mabilis na sagot naman ni Maximus.
“Thank you—”
“That’s how family does for everyone. Pay attention to your father. Baka maunawa pa ‘yang mamatay kaysa sa Lolo mo.” Putol ni Maximus sabay putol ng linya.
Si Mero naman ay nauunawaan ang sinabi ni Maximus. Una palang naman ang ama na talaga ni Mero ang puno't dulo ng gulo at awayan. Si Don Martin lang ang gumagawa ng pamamagitan at paglilinis ng kalat. Dahil wala namang nagtangkang sumalungat sa matanda.
Nagpatuloy ang meeting. Nang magsalita ang taong siyang dikoy na sinabi ni Mero, bakas ang pagkataranta sa mukha ng lahat lalo na sa mukha ng ama ni Mero at kapatid. Ang pagtataksil at pagta-traydor ang kaisa-isang bilin na rules ng matandang Martin na ayaw nitong mangyayari. Dahil ang katumbas noon ay habang buhay na paghihirap. Hindi basta kamatayan kundi paghihirap sa buhay na damay hanggang kaapu-apuhan.
“This is not a betrayal. Ito ay advance meeting lang dahil nalalapit na ang kaarawan ni Dad at kanyang pagbibitiw sa pwesto—” nahinto ang lalaki sa pagsasalita bilang depensa ng bumukas ang pinto ng silid.
“Talaga ba anak?” kalmado na tanong ni Don Martin na nagpa-tindig ng balahibo ng mga tao sa silid.
Una ay mga natigilan pa ang mga ito, pero kalaunan ay nagsipag-tayo at bumati sa matandang pinuno.
“Maupo kayong lahat. Panahon na para malaman n’yo ng hayagan kung sino ang taong papalit sa akin sa oras na magbitaw ako sa pwesto. Nais ko lang malaman n’yo na hindi mahalaga sa akin ang opinyon ninyong lahat.” tuloy-tuloy na sabi ng Don.
“Dad! 'Wag ka namang pabigla-bigla ng desisyon.”
“Oo nga po Lolo—”
Hindi na nagawa na ituloy ni Marrick ang sasabihin ng ikumpas ni Don Martin ang kanyang kamay.
“Sadya ba kayong mga bingi, tanga o bobo? Sa pamilya pa lang natin noon pa ay batid n’yo na nawala sa inyo ang magiging pinuno oras na magbitiw na ako. Melvert Ross Martin is the sole heir of my legacy. Yes, you heard it right everyone. Ang apo ko lang na si Mero ang tanging may kakayahan at karapatan na pumalit sa akin bilang pinuno. Inuulit ko hindi ko kailangan ang kahit na anong opinyon n’yo lalo na ng mga lalaking ito na naturingang pamilya ko pero kinakalaban ako. Don’t worry, family won’t be an excuse for punishment. Lahat tayo sa organisasyon na ito ay pantay pantay. Nawa’y maasahan ko ang inyong suporta sa aking apo.” Mahaba ngunit ubod ng linaw na paliwanag ni Don Martin na siyang dumurog naman ng husto sa Ama at kapatid ni Mero.
“I let this meeting slide for once. Pero ang susunod na meeting laban sa akin at sa magiging pamumuno ni Mero, habang buhay na paghihirap ang kapalit. Inaasahan ko na malinaw na ang lahat sa inyo sa mga oras na ito.” Dagdag pa ng matanda. Wala namang nagawa na sumuway o sumalungat sa mga sinabi ng Don dahil alam nila na sa isang pitik lang ng kamay ng matanda maaaring mawala ang lahat sa kanila.
“Umalis kana Lino.” utos ni Mero na ginawa naman ng lalaki. Ngunit hindi nakatakas sa paningin ni Mero ang naging taimtim na tingin ni Don Martin kay Lino.
Habang naglalakad palabas ng lugar si Lino nagsalita si Mero sa gamit ang connecting earpiece sa kabila niyang tainga.
“Extra careful Lino. Nakamasid na sa’yo ang Lolo.”
“I will sir, for now lie low po muna ako.” sagot ni Lino.
“Good! Mag ingat nga. 'Wag mong hayaan na malaman nila kung sino si Azur.”
Matapos ang pag-uusap ni Mero at Lino nawala sa screen ang footage at napalitan ng ibang kaganapan. Wala na sa eksena ang Don at naiwan na lang ay ang ama at tatlong kapatid ni Mero.
“Pinipilit niyang alisan tayo ng karapatan Dad, kailangan iligpit na natin ang matanda.” wika ng bunsong kapatid ni Mero na si Meco.
“Tama, alisin na natin ang sagabal na matanda—”
“Tanga! Kahit mawala ang matanda kung buhay pa rin ang tunay na sagabal wala pa ring mangyayari. The only way to make us safe and billionaire; patayin si Mero at palitan siya sa kanyang pwesto.” ani naman ni Marrick. Hindi agad nagsalita ang ama ng mga lalaki na ama rin ng pinagpa-planuhan nila ng hindi maganda na si Mero.
“Not that past, mga anak. Mas magandang lamangan at sirain n’yo muna si Mero bago tuluyan na alisin sa ating landas.” Mala demonyo na sabi ng ama ng mga lalaki matapos manahimik.
“Tama ka Dad!” sabay na sabi ng tatlo.
“Para mas masakit at pilay ang dalawa, use Mero’s mom. At tiyak ako tapos na ang usapan.” dagdag pa ng lalaki na akala mo ba hindi naging asawa ang babaeng tinutukoy.
Habang nakikita ni Mero ang apat at naririnig ang mga sinasabi nila. Mas higit na nauunawaan ni Mero ang damdamin ng kanyang Lolo.
“Ligtas ang mommy mo. Nag-taas na ng siguridad ang grupo na naka-bantay sa kanya galing sa utos ni Jefe.” untag ni Grims.
“Thanks, hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo ni Maximus. Things won’t be easy to solve.”
“Hindi basta organisasyon ang ALTEZA. PAMILYA tayo ng bawat isa. Your mother will always be safe. Pero oras na bumalik ka na sa inyo, sasama ako. Kukutusan ko lang sa ngala-ngala ang mga kapatid mong bugok.” sagot ni Grims bago mawala na naman sa linya.
Napa-buntong hininga na lang si Mero dahil sa mabilis na mga pangyayari. Bago lisanin ang coffee shop. Sinulyapan muna muli ni Mero ang kanyang Ina at si Liberty. Hindi lubos maunawaan ni Mero bakit tila kasama na sa concern at pangarap niya ang babae.
“Bakit ba Liberty?”
MEANWHILE……
NAKANGITING umalis ng lugar si Don Martin, kung saan idinaos ang meeting ng pagpaplano para patalsikin siya ng kanyang anak at ibang mga apo.
“Don Martin, bakit mukhang masaya ka pa sa nangyari?” tanong ng kanyang kanang kamay. Anak ito ng unang kanang kamay ng matanda na yumao agad dahil sa matinding karamdaman.
“Leo, marami ka pa talagang kakainin na croissant bago masabayan ang alam ng iyong ama. Things are going perfectly, hindi man sakto sa aking plano pero mas maganda pa nga. Ang apo ko na si Mero, ipi-nagpapasalamat ko na hindi nakakuha kahit konting genes ng kabobohan sa kanyang ama. My legacy is finally safe with him.” tugon ni Don Martin.
Kung iba maglaro si Mero, gano’n din naman ang kanyang Lolo. Hindi man sigurado ang matanda pero iba ang kutob nito sa mga nangyayari.
“Tama talaga na nagtiwala ako sa baguhan at batang Davis na ‘yun. Mukhang mas mahusay siya kaysa sa akin.” dagdag pa ng matanda na napahalakhak pa nga.
“Hindi ko man kayo lubos na nauunawaan Don Martin masaya akong nakikita na medyo panatag na kayo.”
“Tulungan mo ang apo ko oras na umupo na siya. Manatili sa na sa mga Martin lang ang loyalty mo. Hindi lahat ng nakikita at alam mo Leo ay totoo. Kapag nakuha mo na ng utak at galawan ng iyong ama , tiyak mauunawaan mo ako. Bilisan mong matuto, dahil halos dalawang taon ka na rin sa akin.”
“Opo, gagawin ko Don Martin.” sagot ni Leo na nakatakdang maging kanang kamay ng susunod na uupong pinuno ng organisasyong binuo ng matandang Martin. Si Don Martin naman ay nanatiling nakangiti buong biyahe. Ngunit ng dumating na sa mansyon ay bumalik ang natural na anyo nito na malamig at mapanganib.