LIBERTY
DAHIL may isang salita si Lolo at Dad na tuloy pa rin ang mga blind dates ko. Isa pa wala naman kaming something ni Mero kahit pa girlfriend and boyfriend ang tawagan namin sa isa't isa, na basically pang aasar lang niya sa akin.
And we won't have a thing, that's for sure. Dahil sa sunod-sunod na blind date medyo nakaramdam ako ng pagod. Imagine facing different men, na may mga tama sa utak. Talagang nakakapagod. Nakakapagod mag timpi na hindi sila saktan. Hindi man pisikal kundi berbal.
Pero hindi pa ako maaaring magpahinga dahil may dalawa pang natitira. After that two dates. Titiyakin ko na pupunta ako ng France to pay a visit sa baluarte ni Don Martin. I wanna know more about him. Malakas ang kutob ko na may mga nakatagong lihim sa likod ng pagbaha ng dugo.
Batid ko na hindi basta simpleng rivalry ang lahat. Maaaring may kalaban sa labas ngunit ang tunay na malaking kalaban ay nasa loob ng bahay ng mga Martin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
Lahat dapat ng nalalaman ko o conclusion ay dapat kong i-report kay Kyrpt pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko kasi kapag ginawa ko ‘yun nagtataksil ako. Na kung tutuusin ay pagtataksil naman sa ahensyang pinamumunuan na ni Krypt. Maybe my loyalty only belongs to his father.
Nababaliw na nga siguro ako dahil may iba akong naiisip na hindi maganda sa paligid. Minsan parang kalaban ang tingin ko kay Krypt lalo na’t ang Martin ang usapan namin. Pakiwari ko may alam siya sa aking nakaraan na ama at si Maximus lang ang may alam. Pagod nga lang siguro talaga ako.
“Ang layo at pogi naman yata ng iniisip mo girlfriend ko.” literal na napalingon ako ng parang narinig ko ang tinig ni Mero.
Nailing na lang ako ng mapagtanto na imposible ‘yun dahil na sa Pilipinas na ang lalaki. Wala rin akong update na nakuha mula sa tauhan ko about him kung umalis o aalis siya papunta ng ibang bansa.
“May sira na ata talaga ang ulo ko.” ani ko sa aking sarili. Hindi naman literal na laman siya lagi ng isip ko. Pero bigla siyang susulpot kapag nalilito na ako sa aking nararamdaman, hindi para makatulong kundi para mas magdagdag ng kalituhan.
Nagpatuloy na lang ako sa aking pagtunganga sa kawalan. Total in two days time, makakalaya na ako sa obligasyon ng pakikipag-blind date.
*************************
NANG bumalik ako galing ng Italy, dala-dala ko sa isip ko ang mga mabilisan na pangyayari doon. Para bang ang dali kong na attached sa bansa na dati ayokong balikan.
“It's not the country, it’s Lady Liberty Gail Russo!” sawsaw naman ng utak ko. Na hindi ko gustong ayunan. Liberty is out of my league.
Not just her, lahat siguro ng babae. I'm not a woman hater, but I’m freaking afraid to hurt someone again. Naniniwala ako sa karma. I think, what I did to that little sweet girl way back is my ultimate karma.
Nasira ng tuluyan ang pamilya ko. They got divorced and no one wants me except my grandfather. Lolo naiwan at kinalaban ko. Hurting woman is curse.
Dahil sa trauma ni Mom, her brain chose to forget everything in her past including me. Sobrang sakit ng parusa ng karma. And that thought made different person. Maaaring sabay sa gulo ang bibig ko sa usapan. But the truth is, hindi ko pa nararanasan ang uminit ang tumbong sa performance sa kama. I'm still a virgin! No one knows that except Maximus.
“Ang laki talaga ng pinagbago mo Mero, mula ng umuwi ka galing ng Italy.” untag ni Maximus sa akin.
Akala ng lahat seryoso si Maximus sa buhay lagi. Pero ang totoo may pagka Boy Abunda ito kalimitan. Intregero ang lalaki lalo na sa amin na malapit sa kanya.
“Pagod lang ako!” sagot ko sa kanya.
“Well, good for you.” tugon ni Maximus na nagpataas ng kilay ko. Ang sabi ko pagod ako pero ang sagot ng loko good for you.
“Talaga lang?” ‘di makapaniwalang sagot ko sa kanya.
“Yeah! Sa lahat ng pagod, ikaw ang laging nakangiti kahit sa kawalan nakatingin. Is something going on between you and Lib?”
“W-What? Are you delusional, Maximus? Ang bruhang babaeng ‘yun ba ang tingin mo magpapaligalig sa isip ko?” bulaslas na sagot ko kay Maximus na paraan ng pagtatanong.
Biglang nagregudon din ang puso ko dahil sa nabanggit niya ang pangalan ng babae na halatang close sila dahil sa first name niya ito kung tawagin.
“So, Mali pala ako ng hinala.” tipid na tugon ni Maximus.
“Mali talaga.” ani ko naman.
“Mukha ngang mali ako. Hindi ka naman obvious na tuliro at guilty. Hindi naman kasi masarap maligalig ang isip. Mas masarap kapag puso ang naliligalig.” wika ni Maximus na nagpamaang sa akin.
“Lokohin mo na lahat ‘wag lang ako Mero. Why don’t give it try—”
“No! Not now, not her! Hindi ko priority ang babae sa buhay ko. Kailangan ko ay ang pagbabago.” putol at pinal ko nasabi kay Maximus na tumango lang sa akin tsaka itnuro ang mga papeles na nasa kanyang table.
Kinuha ko ‘yun tsaka ako lumabas ng kanyang opisina. Ang hangin sa kanyang opisina tila sinasakal ako. Para bang naglolokohan kami ni Maximus.
Lumabas ako ng kumpanya at pumunta sa isang coffee shop sa tapat lang ng building. Dala ang laptop ay pumasok ako sa loob at pumuwesto sa table na permanente ng may nakalagay na reserve.
Nilaan na nila sa akin ang spot na ‘yun kung saan tanaw ang mini garden. Binuksan ko ang aking laptop, hindi para magtrabaho kundi para bisitahin ang mga taong hindi ko magawang puntahan at harapin ng personal.
Unang sinilip ko ang aking Ina. Katulad ng dati masaya ito pero may pagkakataon na parang nakatanaw sa malayo.
“I miss you Mom. Pero hindi ko sisirain ang katahimikan at kasiyahan ng buhay mo. Kaya sana patawarin mo ako kung hindi kita magawang bisitahin. Hindi mo rin naman ako kilala.” ani ko habang naka-focus sa mukha ng aking Ina ng tutok ng hidden camera.
Isinunod ko namang bisitahin ay aking Lolo. Napagtanto ko na sa iba pala ako galit Hindi sa kanya. Galit ako sa paraan niya at sa mga ginawa niya pero hindi mismo sa kanya.
Malapit na Ang 80’th birthday niya at alam ko na ‘yun na rin ang signal para bumalik ako. Dahil sa oras na tumuntong na sa edad otsenta si Lolo matic na bababa na siya sa kanyang posisyon, sa kumpanya man at oraganisasyon.
Pagkakataon ko na para magawang baguhin ang legasiya. Hindi maaaring isa sa mga kapatid ko o si Dad ang humalili sa akin. Mas magiging magulo at madugo ang lahat kapag nagkataon.
“Konti na lang Lo babalik na ako. Ako naman na ang bahala sa lahat. Basta sana sabihin mo ang lahat sa akin.” sabi ko habang haplos ang screen ng laptop.
Malayo na si Lolo sa dating siya na ubod ng tikas. Natigilan naman ako ng biglang bumaling ng tingin si Lolo sa lokasyon kung saan naroon ang pinakamaliit na hidden camera na ipinalagay ko.
“I'll wait you.” ani ni Lolo kaya parang natauhan ako. He knows. Alam niya na may mga camera’s na ako ang nagpalagay. Pero hindi niya ginawang alisin. Hinayaan niya na updated ako sa lahat.
“Anong plano mo Lolo?” tanong ko bago bisitahin ang huling tao na nais kong makita ngayong araw. Medyo nahirapan kami namakapasok pero walang mahirap kay Grims. Magagawan niya ng paraan ang lahat.
Nang bumugad sa aking ang mukha ng babae kusa akong napangiti kasunod ang tuksuhan ng mga staff ng coffe shop. Ako lang naman kasi ang lagi nilang costumer. Sadyang close sila kapag pumasok na ako. Para na rin sa seguridad namin. Tiniyak ko naman na hindi sila lugi sa akin.
“Ang ganda n’yan sir!” ani ng lalaking staff.
“Syempre maganda dapat. Pogi ni sir e,” segunda naman ng babaeng barista.
Umiling lang ako sa kanila bago sandaling tinitigan ang babae. Sa mga oras na ito, nakikita ko si LG sa kanya.
“Malabong siya ‘yun Mero.” sabi ko sa loob ng aking isip. Bago ko tapusin ang pagbisit tinitigan ko pa ang babae sabay sabi, “Ang layo at pogi naman yata ng iniisip mo girlfriend ko.” wika ko sabay tawa at alis sa screen ng actual footage galing sa mismong mga hidden cameras na naka-install sa mansyon ng Ina ni Liberty.
Sinimulan ko na ang mga trabaho ko kasabay ng aking daily routine na pagkakape. The main goal today, ay ma settle ang ilang deals under ALTEZA. Kasunod ng mga negosyo ni Maximus na kailangan ng legal assist. Tapos ibang side hussle. After that, negosyo ko naman at ang negosyo ni Lolo. Hindi alam ni Lolo na matagal ko ng napasok ang mundo niya at isa ako sa taong pilit binabago ang kanilang kalakaran.
SAMANTALA……
SA ISANG pagpupulong na pinamunuan ng kaisa-isang anak ni Don Martin, nagaganap ang mga planong magpapatalsik sa matanda sa kanyang pwesto.
“Oras na para alisin ang matanda! Kailangan na ng bagong pinuno ng organisasyon. Ako ang dapat na maging pinuno, dahil kung si Mero ang upo tiyak katapusan na nating lahat!” wika ng lalaki na nagpa-ingay sa mga kasama na business man para sa iba’t ibang opinyon. Hati ang kanilang mga opinyon sa usaping ito. Dahil kahit na matanda na ang Don alam nilang mas umigting ang pagiging mabagsik at makapangyarihan nito hindi lang sa bansang France kundi pandaigdigan.
"This is a clear betrayal!" ani ng isang lalaki na nasa dulo.