LIBERTY
“LIBERTYYYY!” galit na sigaw ni Dad sa akin ng makita ang mga babaeng kasama namin sa opisina na nag-serve ng kalandian, este kape ay nakabulagta na habang may pakisay-kisay pa ang mga katawan.
Ngayon ay kinuha na ng mga medic ang dalawang babae na mukhang nag-palpitate na mga ng husto ang mga puso. Dahil na rin sa dami ng mga nainom na kape. Deserve naman nila. Landi pa more! Well, so far tingin ko nakuha na nila ang tamang timpla para mapuno ng nerbyos ang kanilang katawan. Hindi na nila uulitin na kalabanin ako.
“Lower your voice!” sita naman ni Lolo kay Dad habang may pigil na ngiti.
“Papa! Look what she's done.” ungot ni Dad.
“I know! We will compensate them. Lib ikaw ang may gawa hindi ba?” tugon ni Lolo na waring nagagalit na matatawa.
“Ewan ko lang kung mapigilan mo pa mamaya ang ngiti at gigil mo sa akin.” wala sa sarili na sabi ko. Though I felt sorry naman kahit konti, pero deserve talaga nila e.
“What? Ano pa ba ang ibang ginawa mo—?” bulalas ni Dad na ‘di ko na hinayaan na matapos ang tanong.
“I just let them know that doing thing like that makes me angry. Nakakatuwa ba ang kalandian nila Dad? They're not just giving a bad impression to our company. Their trying yo get my man! Sinong papayag sa gano'n? Well, kung meron man na ibang papayag. Well, not me! Ayoko na may nakikialam sa pag-aari ko o minarkahan ko na bilang akin!” tuloy-tuloy na sabi ko sa aking ama sa harap nila ni Lolo.
Nang narealize ko ang mga pinagsasabi ko parang gusto ko na lang lumubog sa sahig at mawala na agad sa harap nilang dalawa. Pero parang ang saya pa ni Dad at Lolo. Tinapik pa ni Lolo ang balikat ko bago nagsalita.
“I'm so proud of you hija. Finally, natutunan mong umamin sa damdamin mo sa isang tao sa aming dalawa ng Dad mo. Russo genes may be a bit stubborn, territorial , arrogant and self-centered. Pero kapag nagmahal ang isang Russo walang ibang mas nagiging matimbang kundi pagmamahal. Kahit pa galing sa kaaway na angkan taong ‘yun hindi maawat ang puso ng isang Russo. Kidding aside. Mukhang lahat ng sinabi kong katangian ng angkan natin sa'yo apo. Goodluck kay Mr. Martin este Mero.” tunog masaya na tuloy-tuloy na sabi ni Lolo sa akin.
Iba naman ang dating noon sa akin. Parang ang gaan. Lintik na ‘yan kaya ko lang naman sinabi na akin si Mero dahil ayoko ng any kind of destruction sa lalaki. I want him to focus on me. Why? Kasi ako lang naman ang magiging kalbaryo ng buhay niya.
“But, don't do it again, okay!” Habol na sabi ni Lolo kaya naman napangiwi ako. Ang Lolo naman ay napailing, batid niya na may iba pa akong ginawa.
“Anak bigla tuloy akong nag-alala sa'yo. Because you know, too much love is not good for anyone. It might ruin you and let you suffer in so much pain. Sakit na hindi kayang lunasan ng kahit anong painkiller na tabletas. Sana mas mahalin mo ang sarili mo anak. Dahil hindi ka namin inalagaan ng matindi pa sa isang ina para saktan lang ng ibang mga tao. You are born to have everything in life. Pero hindi ko sigurado kapag usapang pag-ibig na. Hindi na saklaw ng kakayahan namin ni Papa ‘yan. We can pull some trigger. Pero ang pag-ibig hindi basta mapipilit kahit pa tutukan mo ng ilang de calibre na baril.” tila tunog pakiusap, na may pag-aalala at puno ng pagmamahal na sabi ni Dad. I really appreciate him today.
Amang ama ang datingan niya sa akin ngayon. Maaaring noon pa naman ganito na siya. Sadyang bulag lang ako dahil tingin ko ay hinahadlangan at kinakalaban nila ako sa aking mga gustong gawin sa buhay.
“Thanks Dad! I really appreciate you. Don't worry, I love myself so much that I won't let anyone hurt me. Promise hindi tayo aabot sa tutukan ng baril. Pero hindi ko naman maipapangako na makaiwas ako na mapikot ng Martin na ‘yun. Halata namang patay na patay agad sa akin.” sincere na aking sagot, na sa huli hinaluan ko naman ng yabang.
.
“Really? Patay na patay pala sa'yo e, ba’t parang baliktad. Parang ikaw ang papatay para sa kanya—”
“Medicccccc!!! May dalawa pang nakabulagta na babae sa men’s room.” sigaw ng isang babae kaya naman natigilan kami ni na Lolo at Dad. Sinipat ako ng sabay ng aking Lolo at ama ako naman ay patay malisya.
“What did you do?” mahinahon na tanong ni Lolo.
“Wala po! e, kasi feeling generous po ako today, Lolo. Akala ko type nilang maging paniki dahil sa pag-bitin sa katawan ni Mero. So, I let them do what they want. Gusto nilang maging paniki, ibinigay ko lang.” inosenteng sabi ko sa dalawa habang inilalabas na ang dalawang babae. Maldita na at masama ang ugali. Pero sa totoo lang ‘di ako naawa sa kanila.
“God! Ito na nga ba ang sinasabi ko sa’yo noon pa Papa!” mahinang wika ni Dad sabay sapo sa kanyang ulo.
“Son, mas malala ka pa noon.” maingat na sagot ni Lolo sa aking ama.
“No Papa! Malala ang apo mo.” kontra ni Dad na sa huli na tawa na lang.
Dahil sa nahinto kaming maglakad ay muli kaming nagpatuloy. Inakay ko silang dalawa. Pero ng naalala ko ang babae sa elevator, parang gusto ko na lang na mag hagdan kami pero huli na ang lahat.
“Jesus Christ! Liberty Gail!” sabay nilang sabi na halatang gulat na gulat na hindi malaman ang gagawin.
“Calm down. Gusto niya maging palaka/dancer na mahilig mag twerk. Pinagbigyan ko lang. Mana po ako sa inyong dalawa, mabait at mapagbigay.” kalmadong sagot ko kahit na nakaka-asiwa na ang itsura ng babae.
“S-sir ‘di ko na po kaya.” ungot na daing ng babae na maya-maya pa bago sumara ang elevator ay kinuha na rin ng medic. Sa totoo lang naawa ako sa mga medic lalo na sa kumuha sa babaeng nasa elevator hirap na hirap.
“Kawawa naman.” mahinang sabi ko.
“See, may puso ang apo ko na anak mo.”
“Lolo?”sabat ko naman.
“May puso ka kasi naaawa ka sa babae—”
“No Lolo! Sa medic po ako naawa. Pahirap ang mga hitad na ‘yan sa kanila.” putol ko sa aking Lolo na halos nag-ilang linya ang malalim na mga guhit sa noo.
“I told you dad! Iba si Liberty sa lahat.”
“Well, I agreed.” sumusuko na sagot ni Lolo.
Ako naman ay lihim na natatawa. May mali nga sa ginawa ko, pero hindi kami aabot sa ganito kung ‘di sila nauna. Gaya ng paulit-ulit kong sinasabi hindi ako santa para maging mabuti sa lahat.
Simple lang naman ang rules ko sa buhay. “Ang kay Liberty ay kay Liberty! Regardless, kung payag ba ito o hindi. Basta akin ay akin. Touch mine, siguradong sisirain ko mundo nila.”
Pagdating namin sa lobby may kumpulan ng tao doon. Akala ko safe na ako ng tuluyan pero ng nasa entrance na kami, nakabulagta na ang babaeng doon ko pinarusahan. She looked tired, messy and injured. Hindi nagsalita si Dad at Lolo but I know na alam na nila na ako ang may gawa noon. Wala ng iba pa.
Sabay sabay pa rin kaming umalis sa company. They insisted on having dinner with me but I refused. Ilang emails na kasi ang natanggap ko mula kay Krypt tungkol sa assignment na binigay niya sa akin.
Kailangan ko na iyong mabisita para alam ko na ang magiging galaw ko sa susunod na mga araw. Lalo na't mukhang double purpose na ang magiging atake ng aking misyon.
Pagdating ko sa mansyon diretso agad ako sa aking silid. Tumawid naman ako sa extension na siyang secret hideout ko sa mansyon na ito ako lang ang nakakaalam na may extension ang aking silid. Ang mansyon kasing ito ay sa mommy ko. I leave here, alone without dad when I turn eighteen. Habang si Dad kasama si Lolo sa Russo old mansion.
Naupo ako sa aking upuan at agad na hinanap ang emails ni Krypt. Sa una mga normal na detalye ng p*****n at mga na patay ni Don Martin ang nakita ko. Pero tulad ng sabi ng iba, kakaiba ang utak ko. What I saw on the report? Changed my way of thinking about the ruthless Don Martin. Tila isang committed, maalaga, mapagmahal at good provider ang nakita ko na matanda. Siguro naka-relate ako sa kanya. Dahil sa pareho kaming papalag at lalaban ng p*****n oras na pakialam ang aming pag-aari.
“I wonder, ano pa kayang malalaman at makikita ko sa pamilya mo Mero?”
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa hanggang makarating ako sa medyo off na detalye. I felt something in my core sympathizing with Mero.
“Gaga! Ano malambot ka na agad?” usig ng aking isip na agad ko namang sinalungat. Mas nag-focus ako sa pagbabasa, kaya mas lalo kong naunawaan ang lahat.
As I go along. Nakabuo na ako ng magiging atake at plano. Napa sabi na nga lang ako sa sarili ko na “Buti na lang hindi masyadong malala ang pamilya namin!”
Dahil kung ikukumpara sa pamilya ni Mero tinga lang ang mga kalokohan at karumihan na nagawa ni Dad at Lolo.
“I'm sorry Mero, trabaho lang walang personalan. Saka na kita pepersonalin kapag tapos na ako sa Lolo, Dad, Tita, at mga fake brothers mo na may mga tama sa utak!” ani ko bago nag-unat at tumayo para pumunta na sa aking silid. Oras na rin kasi ng pagpunta ni Gladys sa aking silid.
3 minutes palang ng tumawid ako ay dumating na nga si Glad. Magkasama kaming bumaba at sabay na kamain. Tulad ng nakagawian nagkwento siya sa akin at ako rin.
Halos mautas nga ng tasa si Gladys sa mga kamalditahan na ginawa ko pero sa huli nag-paalala pa rin siya sa akin. Hindi niya ako basta in-ayunan, kumbaga kinuha niya muna lahat ng detalye bago ako pagsabihan ng mga mali na ‘di ko na dapat gawin.
For me, mas nakakatulong ‘yun sa akin.
“Thanks, Glad. Paano na ako kung wala ka?”
“Ako ang paano na kung wala ka? Ikaw na lang ang pamilya ko.” tugon ni Glad sa akin kaya niyakap ko siya. Sa piling ni Glad nagiging normal na tao at babae ako.