Chapter 12

1713 Words
MERO’S POV. NAMUMUKOD tangi sa lahat ang babaeng ito. She's capable of doing bad, good and nasty things in one action. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya kaya in some other way kaya naman aliw-aliw ako. Mas tumindi tuloy ang paghahangad ko na mahanap muli ang dalaga mula sa aking nakaraan. Sana nga ganito na rin siya. Mas kaya ko siguro siyang harapin kung ganito ang ugali niya at hindi na tulad ng dati. Natutunan ko sa mga taong dumaan na mas mahirap mag approach at maging totoo sa mga taong malambot at pusong mamon. Kumpara sa taong bulgar at nagpapakita ng kumpyansa sa kanyang sarili. Habang tumatagal na nakikita ko ang ugali ng babaeng ito. May something sa akin na nakukuha niya sa hindi ko mawari ng dahilan. She looked familiar. Ngunit ‘di ko naman matandaan kung saan ko siya nakasalamuha. I know behind those sweet smiles, may ginawa na naman ito sa mga babaeng kanina ay naging cause of delay ng pagpunta ko. Iba man ang paraan ng babae kung paano makipag-usap, magbigay leksyon at magpataw ng parusa dama ko na may nakatagong malambot na parte ang babae. I wonder why she changed. Ano nga kayang dahilan niya? Base kasi sa kwento ng dalawang lalaking Russo, mahiyain ito noon at malambing. “Malamang, nakakilala ‘yan ng hudas na kagaya mo noon!” sita ng aking sariling utak. Hindi ko forte ang makipag-usap ng matagal sa mga taong bago ko lang kakilala. Pero ang pakikipag-usap sa mga lalaki parang naaliw ako. Maybe because of some random topic about the woman in front of me. Na panay ang ngiti habang nakatutok sa cellphone ang buong atensyon. “Ang lala naman ng future babae mo. See it for yourself.” narinig kong sabi ni Grims sa clear earpiece na suot ko. Hindi naman nagtagal ay nag-vibrate ang aking phone. Hindi ko naman ‘yun sinilip at naisip ko na pagdating na lang mamaya sa hotel. Mamayang gabi sana ang aking flight pero nagkaroon ng bagyo kaya postpone ito, hanggang ang typhoon signal at nakataas pa rin. Around 3pm na ng nagdesisyon akong magpaalam. Sabay sabay na nga kaming nag-lunch at merienda. Tingin ko sinusuri din ako ng dalawang Russo. Nang magsabi akong aalis na. They made me promise, na babalik ako para bumisita. Nakakapagtaka naman na ang bilis kong sumagot ng oo. Nagpaalam ako sa kanila maging kay Liberty na isang nakakaloko na ngisi ang binigay sa akin. “Enjoy the view boyfriend.” wika niya sabay balik sa pagkakaupo at panonood sa kanyang phone. Hinatid naman ako ng isa sa assistant ng mag ama. Pero nasa may tapat palang kami ng pantry agaw eksena na ang dalawang babae na kasama namin kanina sa loob ng opisina ng matandang Russo. May ilang nanonood sa kanila at pinapahinto na ang dalawa. “They won't stop. Kahit pa gusto nila until the lady didn't say the magic words.” wika ng lalaking masabay ko. Unti-unti naunawaan ko na ang sitwasyon. Nakakapangilabot si Liberty. Imagine for the past three hours, nagtitimpla at umiinom ng kape ang dalawa. “Their punishment is close to what they've done. That's how Lady Liberty serves punishment.” dagdag pa ng lalaki. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kakaiba. “Pwede bang mag banyo?” tanong ko sa lalaki. “Sure.” tugon naman ng lalaki. Akala ko naman ay baka exaggerated lang ako. Imposible namang alam niya pati mga nangyaring iba. Besides, sandali lang nawala kanina ang babae. But the moment I saw the door of the men’s comfort room. Hindi ko alam kung ano pa bang kayang gawin ng dalagang Russo. “f**k! Sa susunod kasi umayos kayo.” bulalas ng katabi ko na lalaki. Imbis na pumasok pa sa loob ng banyo ay lumihis na ako ng daan at binaybay ang elevator. Kasunod ko naman ang lalaking maghahatid sa akin. Nang bumukas ang elevator napasapo na lang ako sa aking mukha dahil sa babaeng nakatuwad. Ito ang babaeng halos tumuwad na lang ng tumuwad sa harapan ko ng nasa elevator ako pa akyat sa opisina kung saan kami nag-usap ng mga Russo. “Sir, meron pa po ba?” biglang tanong sa akin ng kasama ko. “The heck! Mukhang meron pa.” hindi makapaniwala na sagot ko. Halos matawa ako sa nakita namin sa lobby. “Ang tindi mo girlfriend.” wala sa sariling sabi ko. Ngunit ng makita ang babae na maiyak iyak na habang panay kaskas ng harapan sa may entrance, tumakbo na ako at ginaya naman ng lalaki. Tahimik namin binaybay ang daan papunta sa parking area. Paghinto ko sa aking kotse na dala biglang nagsalita ang lalaki. “‘Wag ka sanang madala sir. Totoo po kasing masyadong territorial ang ugali ng mga Russo. Maybe Lady Liberty marked you as her interest. Haka-haka lang po ‘yun. Ingat po sir.” wika ng lalaki sa akin. Ako naman ay tumango lang at tipid na nagpasalamat. Ngunit bago tuluyang magpaalam nag-iwan ako ng salita sa lalaki. “Babalik ako for sure.” sabi ko tsaka pinasibad ang kotse. Pagdating ko sa hotel room ay agad ko ng binuksan ang video na sinend sa akin ni Grims. Mas detalyado kasi iyon. Nang magsimula ng mag play ang video nakuha agad ng babae ang atensyon ko. Hindi ko sukat akalain na may ganitong klaseng babae. Brutal but makes sense. Nang matapos ang video nagsalita na naman si Grims. “Good luck sa magiging wife mo dude! May lahing bruha!” ani ni Grims sabay tawa. Pakiwari ko na pikon ako sa pagtawag niya kay Liberty na bruha. “Sa'yo rin good luck, oras na makaharap mo na ang hacker na tinatapatan ka sa husay.” “Pikon ka lang.” ganti mi Grims bago mawala sa linya. I decided to clean up myself. Pero nakakatawa lang dahil habang naliligo ako tawa ako ng tawa dahil sa mga alaala kanina na panay ang ukilkil sa aking isip. “Hindi ka lang baliw, brutal at sadista. Bruhilda ka talaga! Para kang evil stepsister ng mga kontrabida. Yung sila na ang nang aapi pero may aapi pa rin. Nakakabaliw kang kasama Liberty.” iling at natatawang sabi ko bago tapusin ang aking paliligo. SAMANTALA… HUMAHANGOS na pumasok sa loob ng silid ni Don Martin ang anak nitong lalaki na ama ni Mero. “Hindi ko natatandaan na pinapunta kita sa aking silid, anak!” kalmado sabi ni Don Martin. Ngunit ang totoo nasusuklam ito sa biglang pagpasok ng lalaki. “Umamin ka nga Dad! Talaga bang wala kayong communication ni Mero? Imposible kasi—” “Dámn yöu! When I said that we don't have any communication. Totoo ‘yun! At wala akong pakialam kung ayaw mo at ng mga anak mong maniwala sa akin! Mahirap magpaliwanag sa mga inutil.” ani ni Don Martin. “Dad! Bakit ba ganyan ka?” “Don't ask that again! Baka mas madurog kayo ng mga anak mo. Kung sakaling nasusulot man ni Mero ang mga anak mo sa mga business deals o ibang mga ginagawa nila. Isa lang ang ibig sabihin noon. Blame yourself, dahil ang kapurulan mo ang namana nila. Hindi makisig na genes ng Martin as a born leader ang dominant sa kanilang laman at dugo. Tanging ang kapulpulan mo bilang ama ang nakuha nila. And please… ‘wag mong ibaling sa akin ang sisi o kay Mero. Kasi kahit minsan hindi ako nagkulang sa’yo. Kahit minsan hindi kayo pinakialaman ng apo ko. Be grateful son. Dahil kahit na hindi naman nananalaytay sa dugo mo ang tunay at buong dugo ng mga Martin na buhay ka ng masagana at protektado.” muling masakit at nakayayanig na paliwanag ng Don sa lalaki. “I'm still Martin Dad—” “You are. In name but not by blood.” putol ng Don sabay turo ng daan papunta sa pinto. “Dad! Kung hindi ako Martin gano'n din si Mero—!” “Mapurol talaga ang utak mo. Ang ina mo ang nagloko na una. You think kung may ginawa akong kabalbalan pababayaan ko.” “You mean—” “Oo! Kaya si Mero lang ang apo ko. Leave now! Bago ko alisin sa inyo ng mga oportunista mo na asawa at anak ang yaman na tinatamasa n’yo kahit wala naman kayong karapatan.” Hindi pa halos tapos magsalita ang Don ay umalis na ang lalaki. Ayaw man ng Don na lumabas ang totoo pero tingin niya kailangan na rin para makatulong na maging dahilan para sa mabilis na pagbabalik ni Mero sa kanyang teritoryo. Nang matiyak ng Don na hindi na siya guguluhin ng lalaki. Pinindot na matanda ang security button. No one can enter his room unless, papasukin ng matanda by a voice command. Ilang beses na kasing may nag-tangka sa buhay ng Don sa loob ng mansyon. Kilala ito ng matanda. Mga taong pinapakain niya sa palad pero gusto pang sagpangin ang kanyang buong kamay. “Umuwi ka na apo. Sana bago ako mawala masabi ko ang lahat ng katotohanan sa’yo. Kailangan kong gawin ang mga ginawa ko para manatiling buhay tayo. Sana maunawaan mo rin ako, Mero.” wika ng matanda na ang mga mata ay nasa larawan nila ng apo noom ito’y edad siyam na taong gulang palang. Sumandal ang Don sa rocking chair at dahan-dahan na pumikit tsaka nagsimula na sariwain ang nakaraan na lagi nitong ginawa. Habang nanood naman si Mero ng balita, biglang sumagi sa isip ng binata ang kanyang lolo. Kasunod ang halakhak ng masayang batang na si Mero habang nakikipaglaro sa kanyang Lolo. “Huli na ba ang lahat Lolo? May pag-asa pa kaya? Patawad iniwan kita. Hindi ko nagawa na panindigan ang pangako ko sa'yo.” ani ng binata sa kawalan. Na biglang nawalan ng gana na manood ng Tv kaya pinatay na lang niya ito at nahiga na sa kama. Hindi naman nagtagal ay bumuhos na ang malakas na ulan kaya naman mas dumagsa ang mga alaala ni Mero sa nakalipas na mga taon sa kanyang buhay. Nang halos makakatulog na si Mero, isang maganda at buhay na buhay na na anyo ng dalaga ang dumalaw sa kanyang gunita, na agad din naglaho at napalitan ng malditang anyo ng babaeng kumuha sa kanyang atensyon recently.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD