LIBERTY
PARANG sandali lang naman akong na shock dahil sa presensya ng lalaking bwisita. Oo bwisita at ‘di bisita. Imagine nagmamadali pa ako para lang pala sa kanya. Pero ng na proseso ng utak ko ang sinabi nitong human size linta, parang mas doon uminit ang ulo ko. May ilang eksena ar scenario kasi akong nakita.
“Humanda kayo sa akin! Wala akong binigyan ng karapatan na kahit sino para kapitan ang kumag na ito!” gigil na ani ko sa loob ng aking isip habang nakasalubong ang aking kilay.
“Hija, batiin mo naman ang ating bisita.” untag ni Lolo kaya pinilit kong kalmahin ang aking sarili tsaka dahan-dahan na tumayo at hinarap ang bisita.
“Nice meeting you—!”
“Melvert. I mean Melvert Ross Martin. Pleasure to meet you Ms. Russo.” pakilala ng lalaki na parang naging sipa sa aking kaluluwa.
Martin din siya at mas dama ko ang pag-sulak ng dugo sa lalaki sa ibang dahilan kaysa sa ka date ko kahapon. Parang biglang nag-activate ang demonyita kong katangian dahil sa katauhan ng lalaki.
“But you call me Mero—”
“How about Ro?” putol ko sa lalaki na parang nagulat naman.
“Nah! Already disowned that nickname. Masyadong childish ang Ro noon kaysa sa Mero ngayon.” sagot niya na mas nagpalinaw sa akin ng kanyang tunay na katauhan. Siya nga ang lalaking iyon. Ngunit bakit parang humuhupa ang galit at pagkamuhi ko sa kanya.
“‘Wag kang gaga Liberty! He ruined your teenage life. Get back to your senses.” kastigo ko sa aking sarili.
“Mukhang na starstruck sa'yo ang apo ko attorney Martin.” wika ni Lolo na pumukaw sa akin.
“Attorney?” patanong na sabi ko.
“Yes, I am. If ever na may maging problema ka amidst by the law you can call me. And I’m very much willing to help.” sagot naman ng lalaki. Lihim na na pairap naman ako. Well, at least ‘di ako binigo ng kumag. Kaya pala wala akong ka amor-amor sa lalaki kahapon at mas nakuha ng impakto na to ang atensyon ko ay siya naman pala ang hinayupak na ‘yun.
“Thanks, I'll keep in touch, boyfriend.” sabi ko naman na halos ang boyfriend ay walang sounds.
Naupo kaming apat sa sofa. Magkaharap kaming apat. Mero is with my Dad. Habang ako naman ay nasa tabi ni Lolo. Hindi pa man nakakapag-bukas ng topic ay may dalawang babae na pumasok. Tingin ko ay nasa HR department ang mga ito galing. They serve coffee and pastry. Pero hindi nakatakas sa akin ang paghalpos nila sa bisita namin.
“Mr. Martin may lahi ba kayong magne?” maldita na tanong ko sa lalaki. Habang nasa likod nila ni Dad ang dalawang babae. Nag-salubong naman agad ang kilay ng damuho bago sumagot.
“Tha last I checked. Wala kaming lahi na ganyan.” tila asiwa na sagot ni Mero.
“Oh I get it! Sorry, I just asked for confirmation only. So malinaw naman na wala sa'yo ang deperensya. Nasa kamay ng mga hitad na ito.”
“Liberty!” saway ni Dad sa akin.
“Hija!” kalmadong wika naman ni Lolo para kunin ang atensyon ko.
“Lo, Dad don't you get it! Kanina pa may mga haliparot na babae mula sa company natin na, basically panay ang landi kay Mr. Martin without his consent. Hindi ba’t nakakahiya ang ganyang klaseng behavior. Oo at nasa ibang bansa tayo, but we implemented the rules of professionalism. God! I just saw two of the leeches. Don't you dare talk back! Kakalbuhin ko kayong mga blandina kayo.” mahabang sabi ko. Sulak na sulak talaga ang dugo ko sa hindi ko mawari na dahilan. Lalo akong naurat ng matingnan ko si Mero na nakangiti while saying without voice “Thanks girlfriend.”
Dahil sa inis ay kinuha ko ang tasa ng kape na nasa aking tapat. Dahan-dahan akong sumimsim sa tasa ng kape ng magsalita si Lolo.
“Oh sorry Mr. Martin for that. Mabuti na lang matalas ang mata ng apo ko. Tipong, territorial girlfriend.”
Halos nai-buga ko ang kape ng marinig ang sinabi ni Lolo. Ang lalaki naman ay mas lumawak ang ngiti.
“Actually, I have important things to say about me and your granddaughter. We’ve met a few days ago and we have a good connection that leads us into inte—”
“Mr. Martin baka naman mali ka ng mga pinagsasabi.”.
“No. You said that I’m your boyfriend, right?”
“Yeah! Boyfriend. Lalaking kaibigan, that all!”
“God! I didn't fail this time. Okay love birds. Kaya pala ang linaw ng mata ng apo ko. Well, hinay-hinay lang. Kasal muna bago alam n’yo na pero pwede rin namang testing para kapag na sure ball diretso na ang happiness.” ubod saya na sabi ni Lolo.
“Dad! Let them enjoy themselves. Sabi nga ni attorney Martin few days palang. Marami pang maaaring mangyari. Hindi ba attorney?”
Parang gusto kong halikan si Dad sa ginawa niya ngayon na depensa para sa akin.
“Mero na lang po. Total soon enough magiging isang pamilya na rin tayo.” sagot ng lalaki sa aking ama.
Katakot takot na irap ang ginawa ko. Nahulaan ko na ang plano niya. Ang asarin ako at ilagay sa hot seat lalo dahil nabasa niya sa galaw ni Lolo na atat na itong magkaroon ako ng karelasyon.
“That sounds great, hijo!”
Hindi na ako umapela dahil sumenyas si Dad sa akin. Nagpatuloy ang usapan at nasabi na ng ulupong kung anong pakay niya. I already received the email of the invitation. Pero pinadala pa rin ni Maximus ang lalaking ito. So that means kaya pala siya nakialam noon dahil sa lalaking ito. Mukhang naisahan ako ng lalaking ‘yun. Pero ano nga kaya ang plano niya? Why did he help me? Is he expecting something from us?
“Nek-nek mo!” mahinang sabi ko bago tumayo at magpaalam sa tatlong lalaki. Dadalhin ko lang naman ang dalawang babae sa tamang lugar nila.
“Teka lang apo. Hindi ka pa sumasagot sa sinabi ni Mero.” awat ni Lolo, habang ang dalawang blandina ay nangangatal na. Ano sila ngayon? Pipiliin nila ang haharutin nila. Ngayon pa na dapat sa akin lang atensyon ni Mero.
“Of course pupunta po ako. Lalo na’t nandoon si Mero.” tugon ko naman sabay ngiti ng matamis pero ng bumalik ang tingin ko sa dalawang babae, ipinakita ko sa kanila paano ngumiti ang pamangkin ni Satanas.
Lumakad palapit sa pinto. Sumunod naman agad ang dalawa. Nang makalabas na kami huminto ako at binalingan ang dalawa.
“Just wait, madadagdagan pa kayo.” ani ko sabay check ng cctv footage ng kumpanya.
Habang binabalikan ko ang cctv footage, umuusok ang ilong ko dahil sa pitong babae pala ang lumingkis sa kumag. Dinala ko ang dalawa sa conference room. Doon namin hinintay ang lima pa. They attempt to say something. Ngunit hindi ko sila hinahayaan. 5 minutes ang lumipas at sabay sabay pumasok ang lima. Gulat na gulat sila dahil ako ang nakaharap. Alam naman nila kasi ang ugali ko.
“Hi! No one is allowed to talk except me. Alam n’yo na siguro ang kasalanan n’yo ngayon. So, punishment na lang ang pag-uusapan natin.” ani ko sa pito na babae. Isa isang nag-iba ang itsura ng mga babae kaya naman ang gaan sa pakiramdam.
“Ikaw, you touched him sensually at the entrance of the company. Kaya gusto ko ikuskos mo sa entrance ng kumpanya ang nangangati mo na kepay. You! sa lobby, I want you na kumindat maghapon kahit walang tao. Ikaw naman sa elevator, gusto kong maghapon kang sumakay sa elevator at magtutuwad doon. And the two of you na nag-alambitin sa kanya sa men’s comfort room, gusto kong bumitin kayo sa pinto ng men’s room. Finally, kayong dalawa na huli. I want you both, na magtimpla ng kape non-stop, ay kayo mismo ang iinom. Para naman magka-nerbyos kayo. Ang pag-aari na ng Russo hindi na pwedeng pakialam ng iba. Kung ayaw n’yo naman sa pinapagawa ko. E’di pag-dusahan n’yo na ang habang buhay na unemployed all over the world. I keep my eyes on you guys. Babantayan ko kayo. Kapag huminto kayo, sisiguraduhin ko na hihinto na rin ang mundo n’yo.” seryoso at panganib sabi ko sa pito.
Kung tutuusin nakakatawa ang mga pinagsasabi ko sa kanila. Pero ‘di ako matawa. Nagngingitngit pa rin ang kalooban ko sa tuwing naaalala ang mga kagagahan nila.
“I am the lady of the Russo family. My words can ruin your life and your family too. In 10 minutes, I want to see all of you do what I said.” final na sabi ko sabay tayo at lakad palad ng silid.
Inayos ko ang aking sarili tsaka bumalik sa opisina ni Lolo dala ang ngiti ng tagumpay. Para namang nagulat ang tatlo sa pagdating ko. Isa-isa nila akong tinignan na waring may sinusuri o hinahanap na mali. Nang tumapat ako kay Mero nagsalita ito.
“What did you do this time, girlfriend?” tanong ng lalaki sa akin.
“Teaching them a lesson that they won't forget in their entire life, boyfriend.” mala demonyong sagot ko sabay ngisi. Napataas naman ang kilay ng lalaki habang si Dad at Lolo naman pala ay nakamasid sa aming dalawa waring mga aliw na aliw pa.
“Kaya mo pa ba Mero? Pinanganak akong badass.” dagdag ko pang sabi sa lalaki.
“I love ass, baby. And let me correct you. Sutil, maldita, self-centered and bruha ka talaga girlfriend.” pang asar na sabi ng lalaki sa akin na mas nagpa-lawak ng ngiti ko. Naiinis ako sa kanya pero I won't let him win.
“Thanks for the compliment, sweetie boyfriend.” ani ko bago ako umupo sa tabi ni Lolo na niyakap pa ako. Akala ata ni Lolo paglalambingan ang ginagawa naming dalawa ng lalaki. Hindi niya alam nagsisimula na akong bumuo ng plano para paluhurin sa hilaw na munggo at asin si Mero.
They talk again as if hindi nauubusan ng pag-uusapan ako naman ay naghihintay ng tamang oras bago manood sa phone ko ng ganap. Saktong 10 minutes nga ay nagsimula na ang mga babae. Hindi ko mapigilan ang kiligin at mapa-bungisngis sa tuwa. Kasalanan naman kasi nila kaya pag-dusahan nila ng husto ang punishment. I take a full accountability, kapag mali ko. Sa totoo lang minor lang naman itong ginawa nila sa lalaki, pero ewan hindi ko sila magawang patawarin. Maybe because I want him not for sweet or intimate things but in other ways.
“You seem so happy, hija.” puna ni Lolo na tinguan ko lang.
“Oo nga, ano ba ‘yan?” si Dad naman iyon.
“Nothing Dad. Hindi ako makasabay sa inyo. So I just watch funny videos. Did I disturb you guys?” inosenteng sagot at tanong ko. Sabay naman silang umiling, kaya binalingan ko si Mero na diskumpyado ang tingin sa akin.
“Bruhilda!” asik niya na nginitian ko lang ng matamis. Kusang gumalaw ang kamay niya para haplusin ang kanyang braso kaya napahalakhak ako then say sorry kuno.
“Simula palang ito Mero.” sigaw ko sa aking isip sabay evil laugh at pasada ng nakakalokong tingin sa lalaki mula ulo hanggang gitnang parte ng kanyang katawan.
Ang saya lang kasi halatang apektado ang kumag. Ewan ko na lang kung maging mabuti pa ang tingin ko sa kanya e, sari saring masamang tawag ang ipina-pangalan ko sa kanya.
"Ingat lang girlfriend baka magising kang hinahanap hanap mo na ako." patutsada ng lalaki sa akin na tinawanan ko lang.
Ang mga matatanda naman playing dumb kahit na sobrang natutuwa sa sitwasyon. Si Mero lang kasi ang sumabay sa amats ko at halatang ayaw magpatalo. Kung alam lang nila na itong lalaking ito ang sumira sa paniniwala ko sa mga tao, kaya ayoko ng lalaki sa buhay ko.