Chapter 2_ Bruha

1811 Words
LIBERTY IKA NGA ng karamihan; life goes on. Bakit ko ba iisipin ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari? After that day na nakausap ko si Dad at Lolo with the extension of discussion with Gladys; napag-isip-isip ko na for once sumakay muna sa gusto nila. And I hope one day, magising sila na hindi ako para sa mga bagay at plano na nais nila.. Gaya ng dating gawi sa mga nakaraang araw, linggo, buwan at taon ng buhay ko. Ginugol ko ang aking sarili sa maraming training physically, emotionally and mentally. Ilang beses ako umalis ng mansyon pero walang alam sina Dad. Dahil sa si Glad ang pinagkakatiwalaan nila sa akin, once she said na nasa mansyon lang ako maniniwala na sila. Good thing na rin na ang alam nila ay incapable ako doing other things. Mahinang Liberty ang alam nila sa akin, na totally opposite ng totoong ako. When I turned 14 years old naglaho na ang sweet Lib ng lahat. Nawala na ang baby ni Dad at bunsuan ni Lolo. Given naman na mahal na mahal nila ako sa maraming dahilan, pero ang pagmamahal nila sa akin won't guide me sa direksyon ng buhay na gusto ko. Masakit man para sa akin na madala ko sa maling direksyon ang kabutihan ni Glad wala akong magagawa. I just want to be free and do things according sa nais ng isip at puso ko. Hindi ko nakakalimutan ang ilang pangalan ng taong kumuha ng buhay ng aking Ina. Hindi naman siya dapat ang mawawala kundi ako, but a true mother's love—hindi talaga masusukat nino man. Iba-iba ng paraan, pero iisa ang kahahantungan. Ang isakripisyo lahat kahit mismong buhay para sa anak na dinala niya ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan. “Hey Lib! Good to see you here again. It’s been a while since we last saw you here.” mula sa pagkakaupo ko sa isang metal chair habang naliligo sa sariling pawis, napalingon ako sa lalaking bagong dating na agad tumabi sa akin. Imbis na batiin ko siya pabalik ay agad umasim ang mukha ko. Alam ko na agad na may kakaiba na magaganap na obviously ay ‘di maganda. Alam ko rin na hindi ako ang nagdala ng masamang hangin. “Kanina ka pa rito no!” malayong sagot ko sa lalaki habang nakataas ang kanang kilay ko. ‘Wag lang talagang magkakamali ng sagot ang isang ito, mas lalo kong dudurugin ang pagkatao niya. Agad naman na kumunot ang noo ng lalaki waring in-analize pa ang sinabi ko. “Poor head! Na pwersa pa ata sa pagiging nice ko sa kanila ng amo niya.” mahinang ani ko, ng ‘di ko matiis ang nakikita kong confusion sa mukha ng lalaki. “What did you say?” tila mas lalong litong tanong nito sa akin. “Talaga bang gusto mo pang malaman ang sinabi ko? Sa simpleng sinabi ko nga na confused ka na. Dadagdag ko pa ba ang iniisip mo—” Naputol ang sinasabi ko ng biglang tumawa ng malakas ang lalaki waring may nakakatawa talaga. Lalong sumama ang tingin ko sa kanya, pero ang kumag tinitigan ako ng mapagduda bago nagbago sa titig na malagkit. “What the hell?” gigil na asik ko sa loob ng aking utak. Ayaw ko ng isa-tinig at baka mas pumutak ng kakaiba ang kumag na ito. “Sapakin mo na kasi Lib o kaya sipain mo na para less close contact sa kanya. Mukha pa namang walking germs.” biglang sulsol ng isang bahagi ng utak ko na medyo madiriin at brutal. “Tama siya Lib, palayasin mo na ‘yan dahil marami ng nakatingin sa inyo. Baka isipin jowawe mo ‘yan kulugo na ‘yan.” muling may tumining na tinig sa aking utak. At sa pagkakaalam ko ito ang good side ko, pero pasmado rin pala. “Oh God! Wala ata akong pag-asa—” bulalas ko dahil sa mga narinig sa aking isip, pero na putol din agad ang aking sinasabi ng hawakan ng lalaki ang aking kamay. “Lib, may pag-asa ka. May pag-asa ka sa puso ko kasi walang lalaki ang tatanggi sa ganda at katangian mo. Mula ngayon tayo na Lib—” “What?! Anong tayo na? Dream on!” asik ko sa lalaki sabay pitik sa kamay niya na hawak ang aking kamay. “Ouch!” ungot na daing ng lalaki sabay bitaw sa aking kamay. Sandali itong natigilan bago ako tiningnan na wari bang may mali sa akto ko o sabihin na lang na parang bigla akong nagbago gayong nagkakaintindihan at nagkakamabutihan na kami. Sa mundo talaga, hindi lang babae ang mahilig mag assume, may mga lalaki rin pala na assumero kahit na walking bacteria naman. “Makinig ka lalaki. If ever na ‘di mo pa ako kilala ng husto. I'm here to have some fun training nothing more and nothing less—Oo sige na. Given na tumagal ka sa tabi ko pero ngayon dapat ay tumayo at lumayo ka na talaga sa akin bago kita sipain at gulpihin. I don't know saan kumuha ng lakas ng loob o amat ba ‘yan? to say that to me. Pero kung dahil sa pagsasabi ko lang na kanina ka pa rito ang dahilan; well kaya ko nasabi ‘yon bukod sa amoy suka kang binuro pero singaw ang takip. Pa amoy amag na rin ang amoy ng hangin basta tumama sa'yo. While your mouth is like a super dirty imburnal in the Philippines. You know that for sure, dahil may dugo kang Filipino, so get lost walking germs!” walang filter na sabi ko sa lalaki na aligagang inamoy ang sariling katawan at hininga. “Please lang ha! Don't get near me. I promise, next time I won't be nice.” “Nice? Saan bang parte ka naging nice? Beside Filipino ka rin naman na may dugong banyaga.” sagot ng lalaki kaya natawa ako ng malakas. Saan daw bang parte ako naging nice. Well swerte niya nakausap niya ako hanggang ngayon at na hawakan kanina na hindi lumilipad palayo. “Nice pa ako nito baho man, kasi nakakausap mo pa ako without getting hurt. And yes, I won't deny it. I'm half Filipino. Kaya nga bagay na bagay ang lenggwahe sa akin. Lalo na’t masasalamin sa gandang taglay ko ang iba’t ibang magagandang lugar at bagay na makikita sa bansang Pilipinas. So you see, I really don't embrace the flaws of that country that it has. Ganda ng pagiging Filipino ang dala ko samantalang ikaw lahat ng karumihan at kasang-sangan ng Pinas dinala mo pa rito sa ibang bansa. Mayaman ka naman ata, so buy expensive mouthwash, and kahit malamig ligo-ligo rin. And please wash your clothes well, baka sa susunod maging walking tambakan ka na ng basura.” balik ko na sabi sa lalaki. Wala e, parang ganado akong maging mabait today. Well nasa kanya na lang if he takes it as an advice or panlalait? But for me mas magandang lait niya ito maramdaman, para very me talaga ang atake. “How dare you embarrass me in front of others? You’ll pay for it Bruhaaaaa!” sigaw ng lalaki bago kumaripas ng takbo. “Ganyan nga! Run baho man!” sigaw ko pa sa lalaki mas lalong kumaripas ng takbo. Kapag ganito ang akto ng tao sa akin lalo na ang isang lalaki parang ligayang ligaya ang puso ko. Dahil sa nagustuhan ko ang tawag niya sa akin na bruha, tumawa ako ng mala bruha dahilan para lumayas ang ibang mga tao na kanina pa nanonood sa amin. Nang makita kong ubos na ang mga tao sa paligid. Bumalik sa pagiging seryoso ang aking mukha tsaka ko kinuha ang aking phone at i-dial ang numero ng owner ng training camp. [“I want to buy your training camp. Just name your price or else I’ll crash the whole place!”] walang babalang ani kilo sa nasa kabilang linya na hindi na nga nagawang bumati o sumagot ng hello man lang. [“F-fine. Just take it in 100 million—can I ask why suddenly you want my place Ms.Russo?”] Sumusuko na pagpayag ng lalaki sa murang halaga, na sinundan ng curious na tanong. [“Nothing special Mr. Core. I just don't want to see dirt on one of the best and calming places for me to train. My assistant will send you the money and agreement. Please, effective immediately. Remove all the people here, except all the trainers. Mahirap ng wala akong maging kalaro.”] tugon ko sa lalaki na tanging English language ang nauunawaan. So sorry siya ‘di niya naunawaan at maintindihan ng husto ang magiging role ng mga trainer niya sa pananatili sa aking training camp. [“On it Ms. Russo.”] Tipid niyang sagot sa akin. Ako naman ay bumilang lang ng sampo at instant gulo na ang buong lugar. Maraming galit at nagbabanta sa kanila pero ng sabihin ang taong nasa likod ng pagpapalayas sa kanila, they run as if they saw si kamatayan. Ang medyo maingay kanina na lugar ay agad ring tumahimik. Kaya naman abot langit ang ngiti ko na tumayo sa aking upuan para magsimula sa endurance training na paborito ko. Habang ginagawa ang endurance training, nakikita ko sa loob ng aking isip ang ilang mga trainer na lalaki na siyang isusunod kong paluhurin once magkaroon na kami ng combat sparring. “Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang mga yabang n’yo ngayon?” ani ko na walang hingal kahit na patuloy ang ginagawa kong pagtakbo habang may pasan na heavy metal sa aking likod. Buong linggo lang akong magsasaya sa lugar na ito. Dahil bukod sa malayo ito sa aking mansyon kasi nasa probinsya ito, tiyak naman akong magagawa pagtakpan ni Glad ang bawat araw na wala ako sa mansyon. Beside nakumbinsi ko ng mahusay si Glad na isa ito sa paghahanda ko sa magiging date ko sa mga anak ng business tycoon na naka-line sa list ng aking ama at lolo. Ang totoo naman ay I'm always prepared, sa kahit sinong lalaki na ipa-date sa akin. Talagang ayoko lang mag kulong sa mansyon at maghintay sa araw ng unang date ko. Beside after the schedule of those son of b***h, may kailangan akong gawing mission. Isasabay ko na rin ang paghahanap sa lalaking magiging perfect na husband para sa akin. And also need to a meet a special person in my heart. Ang kuya na hindi ako nagkaroon kahit minsan. I need to see him lalo na't gusto na niyang kunin ang prutas na matagal na niyang binabantayan na mahinog sa bakuran ng ibang tao. I don't know. Bukod sa tatay at lolo ko siya lang ang lalaking kaya kong pakisamahan ng maayos. Siguro dahil may tugma kaming layunin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD