MERO
“YOU OKAY?!”
Dinig kong tanong ng boses mula sa aking likuran kaya naman agad akong napamulaga. Dahil sa reckless na kilos halos mahulog ako sa kinauupuan ko mabuti na lang at nakabalanse ako ng maayos kaya mabilis din nakaayos ng upo.
Naiwan ako sa meeting room ng Alteza matapos ang isang meeting tungkol sa magiging paglilinis sa parting South America. Maximus let me stay dahil isa ako sa bubuo ng team na makakasama ni Galen sa kanyang misyon. Pero hindi ko namalayan na kung saan na pala napadpad ang isip ko.
“Fück! What's happening to you Mero?” gulat pang bulalas ni Galen dahil sa muntik nga akong mahulog sa aking upuan.
“The heck, Galen! Bakit ka ba basta na lang nasulpot? I thought you have an emergency.” bwelta ko namang ani sa lalaki na tinitigan ako ng kakaiba bago ngumisi ng panunukso.
“Well, I’m sorry for interrupting your day dreaming moments. Na ayos naman ang emergency kaya pinili ko na bumalik. Alam ko naman kasing maiiwan ka rito, better siguro kung sabay nating buuin ang team na makakasama ko na siyang gagalugad ng bawat sulok ng South America.” mapang asar na tugon ni Galen na sabi habang dahan dahan na umupo sa tapat ko.
“Don’t push your luck Galen! Hindi ako nag-daydreaming. I’m just thinking kung kumusta na kaya ang lahat sa buhay ng parents ko ng wala na ako sa buhay nila? At some point Galen, nakakaramdam ako ng pagkamuhi sa sarili ko dahil sa kanila. Marami akong nagawang mali sa ibang tao dahil sa nangyari sa aming pamilya.” Babala ko kay Galen na nauwi rin naman sa pag-amin.
Everyone slightly knows all of our past except sa ibang info namin lalo na kay Maximus. May alam man kami mas pinipili naming manahimik at ‘wag na lang ungkatin ang mga ‘yun bilang respeto sa bawat isa lalo na sa aming Jefe.
“Why don’t pay a visit to them? What I mean is secretly. Minsan Mero akala natin maayos ang lahat but most of the time hindi pala. Kasi umaabante man ang araw, linggo, buwan at taon pero ang isip at alaala natin nakapako pa rin sa panahon at pagkatao na lubos nating inaayawan. Try to resolve that issue by going back from your past, not to regain the pain; pero atleast na balikan mo at masuri kung alin, saan at sino-sino nga ba ang dapat mong harapin para matapos na ang lahat ng kargo mo sa dating si Mero. People change Mero a lot, and so do you, right?” May puntong ani ni Galen pero pilit akong na nahamik hanggang sa dumaan ang mga alaala ng gulo sa pagitan ng aking ama’t ina, kasunod ang mga katarantaduhan ko noon. Kung tutuusin mas malala pa pala ako kay Lolo. Siguro kaya ayoko ng mga paraan niya dahil hugas kamay ako sa dami ng mga sinaktan ko na tao noon.
“Believe me or not, kung gagawing mo ‘yun may matatapos ka. Kasi in that case you’ll end some issue, and your current and present situation na lang ang magiging focus at laman ng isip mo. Unless someone from the past hold your heart, pero nagawang mong saktan. Mahirap talagang subukan na bumalik lalo na kung nandyan pa rin siya at may agam agam ka na nararamdaman na baka may nagmamay-ari na sa kanya. Most of the time Mero sarili lang pala natin ang nagpapahirap at kumakalaban sa atin. Hindi ka mahina at simpleng tao dahil parte ka ng Alteza. I must leave now, para mas makapag-isip ka. May mga tao na naman akong na line up, I’ll send it to you sooner, para ipakita mo kay Jefe. Au revoir, Á bientôt.” mahabang ani ni Galen na talagang napalalim lalo ng iniisip ko.
Ngunit ng magpaalam na ito ay napangiti ako. Being part of Alteza we’re all required to learn a lot of languages. Hindi pwedeng maging hadlang ang ibang lenggwahe sa aming mga mission. Kapag parte ka ng Alteza you must prepare yourself sa isang limitless na pagkatao.
“Merci beaucoup! It helps a lot Galen, thank you. Tama nga yatang silipin ko sila. Parang na miss ko rin ang French girls.” tugon ko naman sa kanya na ngumisi sa akin.
“I doubt it! Tingin ko may dugong Pinoy ang tipo mo. Goodluck, if you need help just say it. Alam mo namang marami tayong willing makigulo sa buhay ng bawat isa.” malokong sagot ni Galen sa akin bago tumuloy na umalis.
Sandaling katahimikan ang namayami sa buong silid ng maiwan akong mag isa. Hindi ko alintana na may mga camares sa loob na nakikita ako maging bawat reaksyon na nagawa ko. After few minutes, hinarap ko ang aking laptop para simulan ang pagbabalik sa nakaraan. Madali ko namang natunton ang lahat except sa isang bahagi ng lugar kung saan naganap ang lahat. Hindi ko na rin mahanap ang taong kasama ko sa lugar na ‘yun. Suddenly parang nabura ang lugar na ‘yun sa lahat ng mapa na waring hindi talaga nag-exist.
“Sino ka ba talaga? Bakit hindi kita mahanap? Paano ko ayusin ang lahat kung putol ang traces ng kwento? Imposible naman na ikaw ang may gawa.” wala sa sariling sabi ko, dahil sa bukod sa nawala ang lugar. Kahit ang event na natatandaan ko ng araw na ‘yun parang hindi nangyari.
I ask Grims for help, pero wala akong napala. He even said na hindi niya kaya. That was the first time na sinabi ng lalaki na may bagay siyang hindi kayang hanapin, pasukin at kalkalin. Ibig lang sabihin no’n ay someone is up for it. Ayaw niyang makabalik ako sa nakaraan para balikan ang pangyayari at taong nasaktan ko. Siguro isa dahilan why I don’t go on a date ay dahil sa date namin ng dalagitang ‘yun. The worst and heartbreaking date. Ako kasi mismo ang nagpahiya sa kanya and let some other teenager bullied her to death.
“Tang ina naman Mero!” mura ko ng halos maramdaman ko ang pain na nararamdaman ng dalagita, sa simpleng pag-sariwa lang ng nakaraan. Ang eksenang ‘yun ang bangungot ko sa napakaraming taon. Hindi ko namalayan na halos may pumatak na naman na ilang butil ng luha sa aking mga mata.
“Hey, If you only knew. Pinagbabayaran ko pa rin hanggang ngayon ang mga ginawa ko sa’yo. I just hope na hindi ka na basta iiyak na lang dahil sa pananakit at pang-bu-bully ng iba. I’m sorry, for ruining you and your thoughts about love and relationship.” ani ko sa aking isip sabay hilamos sa aking mukha, dahil sa isang chat na aking natanggap mula kay Maximus. He needs me at the office ASAP, kaya naman nagmamadali akong tumayo at umalis ng Alteza secret hideout.
Meanwhile….
HINDI malaman ng lalaki na nasa monitor ang tingin kung anong nararamdaman sa nakikita na paghihirap ng kaibigan. He knows everything. Maraming alam ang lalaki na hindi naman abot ng kamalayan ng kanyang kaibigan. Tahimik at mistulang walal kasi itong pakialam, pero mali ang in-akala nila. Lahat sila sinigurado ng lalaki na may ambag siya para sa malaking pagbabago.
Dahil bago pa man pumasok sa Alteza kada isang miyembro, sinisigurado ni Maximus na lahat ng detalye sa buhay ng mga ito kahit simpleng pagpatay ng ipis ay malalaman niya. Walang detalye na malalampasan ng sa gano’n alam ng lalaki paano sila hahawakan bilang pinuno ng kanilang samahan.
Because for him, building an empire and organization ay kailangan na maigting na pagsisikap at pagkilatis ng mga taong papasukin. Sa gano’n malalaman nila kung saan ba ito mahusay at saan itong parte mas dapat hubugin. The first time Maximus and Mero meet each other, aminado si Maximus na iba ang pagtanggap niya sa lalaki. Tipong kaya ni Maximus i-offer maging sarili niyang pamilya na nangyari naman.
As time went by, nakita ni Maximus ang bawat hakbang ni Mero na tila progresibo naman ngunit may bahagi ng kanyang katauhan ang naiiwan sa kanyang nakaraan. And from that, Maximus made a decision. Iyon ay ang baybayin ang nakaraan ni Mero. Maximus made an agreement to Senyor Martin that one day he was the one who’ll send Mero back to their family to rule them all.
Hindi naman basta doon na tapos ang lahat. Maximus made a big investment sa legal na negosyo ng mga Russo para makalapit ito sa pakay niyang tao. At first it was hard for Maximus na makalapit, pero ng makuha ni Maximus ang interest ng babae. He personally encouraged her to break free. Alam kasi ni Maximus na ang pagkakamali sa nakaraan ay matutugunan ng sagot sa hinaharap kung pareho na silang malakas at matatag.
“I’m sorry Mero. I need to do something back then para maging maayos ang lahat sa buhay mo. Hindi habang buhay ay sa Alteza lang iikot ang mundo mo, katulad din ng sa iba na una ng nakaalis, dapat kang magkaroon ng maayos na buhay na isa naman talaga sa goal ng ating samahan.” wika ni Maximus na muling tiim ang titig sa monitor, tsaka mabilis na inalis ang footage sa laptop. Dahil any moment darating na ang taong kanina lang ay minamasdan niya sa monitor. Taong kanyang lubos na pinagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Gano’n pa man bilang pinuno may mga bagay at hakbang si Maximus na isina-sarili niya na lang.
“Magiging maayos at tama rin ang lahat.” dagdag pa ng lalaki. Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pinto ng opisina. Pumasok si Mero na parang hindi dumaan sa pagkakaroon ng agam-agam.
“Hindi ka talaga mabubuhay without me Maxi!” iling na ani ni Mero habang may nakapaskil na ngisi sa labi.
“Whatever?! By the way, send an invitation to the Russo company in Italy.”
“Invitation? For what?”
“Soon enough, ikakasal na rin ako. Buo at nakakamada na ang plano. Wala ng urungan.” sagot ni Maximus.
“Iba ka talaga! Hindi ko alam kung may amats ka o sadyang mahusay kang magkalkula. I’ll send an invitation a soon as possible—”
“Wait, make sure na ang ilagay mo sa invitation ay Liberty Russo. For sure naman na hindi makakapunta ang matatanda kaya ang bata na lang ang i-address.” putol ni Maximus kay Mero.
Tumango naman ang lalaki na waring normal lang ang lahat. Si Maximus naman ang tila naguluhan sa reaksyon ni Mero, pero ng mapagtanto ni Maximus ang lahat, konsumido itong napa-iling.
“Tanga! Wala ka ngang mahahanap kung ni totoong pangalan at apelyido hindi mo alam. Ang babaw mo Mero.” mahinang ani ni Maximus.
“Ano ‘yun? May sinasabi ka ba?” usyoso ni Mero na tanong.
“Nothing! Sadya palang may tangang moments ang lahat ng nilalang ng Diyos.”
Dahil sa hindi nakuha ni Mero ang ibig sabihin at ipahiwatig ni Maximus ay nanahimik na lang ito at ginawa ang utos ng lalaki. Kalakip ng invitation ang tentative date ng kasal. Nakalagay din doon na it’s just an early notice for the wedding invitation. g sa gano'n maramdaman ng taong pinadalhan na importante ito. Nang magawa na ni Mero lahat ng trabaho, in-ukupa muli ng mga alaala ng nakaraan ang kanyang buong sistema na hinayaan naman ni Maximus. Dahil pagdaan ng panahon naging malapit na pamilya na rin sa kanya ang minsang sinaktan na babae ni Mero.