LIBERTY
“COME ON! SHOW ME WHAT YOU’VE GOT GUYS!”
Sigaw ko sa limang mahuhusay na trainor ng training camp nakabibili ko lang.
Hindi pa man umiinit ang sitwasyon at laban halos gusto na nila na tumakas sa akin.
Wala pa ngang pawis ang kumakatas sa aking katawan parang lumpasay na sila. Akala mo ba mga basang sisiw na nilublob sa drum na puno ng tubig ang limang maskuladong lalaki.
“Guys naman, tara na tayo na kayo d’yan.” pamimilit na sabi ko pa.
“T-tao ka ba? Bakit ganyan ka—?” ani ng isang lalaki na tila sindak na sindak sa aking kakayahan.
“Ikaw naman! Sa ganda kong ito nagtanong ka pa. Of course, I’m a human being na ubod ng ganda.” sagot ko naman sa lalaki na mas lalong na sindak. Para tuloy gusto kong i-check sa salamin ang itsura ko. Bakaa naman nagbago na at ako na lang ang nag-aakala na maganda pa ako kahit hindi na.
“What are your plans? Kill us!” asik ng isa na base sa aking natatandaan ay isa sa pinakamayabang at bully na trainor.
“Of course not! And gusto ko lang ay makilala kayo at ipamukha sa inyo na bago maagyabang unahin muna na patibayin ang tuhod. Honestly, mayabang ako. Gusto ko lagi akong bida, kaya sinigurado ko na may karapatan akong magyabang. Not in terms of money and power, kundi sa sarili ko mismo. I think napatunayan ko naman sa inyo ang yabang ko.”tugon ko sa lalaki na tumingin pa sa ibang kasama waring humihingi ng tulong at nagbabalak ng hindi maganda sa akin.
“Naunahan mo lang kami.” mayabang na sabi ng isa.
“Kasi? Mabagal kayo. Kasi? Lima naman kayo habang isa lang ako. Admit it, hindi laging mas malakas ang lalaki kaysa babae. I hate those kind of men na akala mo hindi mabubuhay ang mga babae kung wala sila. Tayo na o mawawalan kayo ng trabaho? Opps! Career pala. I’ll make sure kahit saan kayo pumunta na bansa; you’ll never had a job kung ‘di n’yo ako mapapasaya sa laban.”
Tila naman nabuhayan ang mga lalaki dahil sa aking banta kaya mabilis silang tumayo. Ilang ulit silang nagkatinginan bago nagtanguan tsaka sunod-sunod na sumugod sa akin.
“Kaliwa, kanan, kanan, yuko then atake!” sigaw ko bago tumilapon ng sabay ang dalawa. Masyadong madaling basahin ang galaw ng mga loko. Memorize ko na agad ang play nilang lima.
“Todo na ba ‘yan? Kung todo na e, ayawan na lang. Makapag-training na nga lang alone.” bagot kong sabi tsaka tumalikod na. Alam ko naman na atake sila kaya napangisi ako. Inihanda ko ang aking sarili para sa isang atake na sure ball tataob ang tatlo. I calculated the distance between us. Nang dama ko na ang yabang nila halos kalahating dipa. I pointed my left toes na parang naka-tip toe tsaka kumuha ng lakas na ibubuhos sa aking kanang paa, binti at hinta.
“1, 2, 3…..” chant ko sa aking isip tsaka mabilis na pumihit gamit ang ang aking kaliwang paa na waring ballerina. Solidong tumama ang aking kanang binti at hinta sa tatlo na as I expected titilapon palayo.
“Fück! Tang ina! Halimaw ka!!!” sabay sabay na daing ng tatlo sa iba’t ibang mura na may galit. Pero ang huli ang pinaka the best. Mas gusto ko ang sinabi niyang halimaw ako kay sa bruha o bruhilda.
“May bayag lang kayo at hilaw na hotdog d’yan sa loob ng pantalon n’yo. Pero that doesn’t mean na dalawa man ang ulo n’yo maiisahan n’yo na ako. Try harder, ‘wag puro bayag ang iyabang. Babae ako at hindi basta babae lang. By the way, kayong tatlo makakaalis na kayo and never show your face to me.” nakapamewang na sabi ko sa tatlo na akala mo talaga ballerina ako, while ang dalawa na nauna kanina na tumilapon ay nakatayo na ay agad na yumuko na sa akin. Basically they’re willing na magpasakop na sa akin habang ang tatlo gusto lang akong hiyain para tumaas uli ang ihi nila.
“You can’t do that–!”
“I can. Remember I’m the new owner of this place. Aalis ba kayo ng payapa o sisipain ko kayo palabas? Have some dignity.”
Matapos kong masabi ‘yun ay umayos na ako ng tayo at muling bumalik sa aking pwesto para lumakad na palayo sa kanila.
“Habang buhay ako. Ako ang magiging tinik sa lalamunan ng mga lalaking mayabang, feeling pogi at abusado.” ani ko sa aking sarili bago pumunta sa field at nag-training muli. Paulit-ulit kong ginawa ang mga training pero ayaw talaga akong pagpawisan.
Para namang normal na sa katawan ko ang gano’n na activity. Idagdag pa na maganda ang klima sa lugar na ito. After ng isang oras. I decide huminto at magpahinga muna bago maligo. Bumalik ako sa bench kung saan nandoon ang aking gamit at phone. Hindi pa man nag-iinit ang aking pwet sa pagka-kaupo ng tumunog ang aking cellphone. A familiar number flashes on the screen. Tila agad nabuhayan bigla ang aking mga ugat at dugo. I grab the phone and answer the call.
“Krypt anong balita?” bungad ko sa caller. Dahil sa labis na excitement hindi ko na hinintay na ito ang unang bumati sa akin.
“Nothing changes on you, agent Larimar.” wika ng lalaki. Ako naman ay napangisi at iling dahil nakita ko sa aking isip ang tiyak na reaksyon ng lalaki. Umiling iling habang salubong ang kilay.
“Do I need to change?” inosenteng tanong ko sa lalaki.
“Tigilan mo ‘yan Lari, hindi bagay sa’yo. Tiyak naman ako na magbabago ka rin oras na maranasan mo sa isang lalaki na maitali sa kama, habang wala kang laban na niroromansa—”
“Yuck! The hell you are talking about! Kinikilabutan ako sa’yo.” asik ko sa lalaki.
“Baka naman na imagine mo agad kaya nalibugan ka—”
“Accidenti a te! mangilabot ka nga sa mga sinasabi mo! Kung wala kang sasabihin na maganda better to end this call—”
“You really didn’t want to know your next target?”
“Say it! But you promise after this, pwede ko ng banggain ang taong ‘yun.”
“Yeah! But let me remind you Larimar, una ang trabaho at tungkulin kaysa sa pansariling hangarin. Your next target is Don Martin. The man behind, sa mga p*****n ng bawat angkan. Unahin mo siya bago ang intesyon mo sa apo. Your one of the top agent Lari, marami ka ng napatunayan. Sana hindi ka sumablay dito. At sana hindi ang batang Martin ang magtatali sa’yo sa kama. Ayokong mabigo kang muli sa taong bumigo sa’yo noon. Mas masakit ang ikalawang kabiguan dahil isa na iyong tangahan. Hindi ka tanga Larimar hindi ba?” paliwanag ni Krypt sa akin na siyang pinuno ng organisasyon.
Ang kanyang ama noon ang humasa sa aking talento. Ngunit na tapos na ang pamumuno nito ng gupuin ng sakit at dalhin sa hukay. Nangako ako sa lalaki na hindi ko iiwan si Krypt sa laban na aming sinimulan.
“Dami mong sinasabi. Hindi ako madaling mauto. ‘Di ka nga na isa sa akin si tisoy pa kaya. Magmaman-man agad ako. Pero hindi ako nangangako ng agarang resulta. Nasa lampas lima ang blind date ko—”
“Fûck! Are you serious?” Bulalas ng lalaki. “Freaking serious! Pagbibigyan ko na, sabi mo nga mahirap mawalan ng ama. Lalo na sa katulad kong walang nagisnan na ina. Ako ng bahala sa matandang Martin, gano’n pa rin ba ang utos mo?”sagot ko naman sa lalaki.
“Gano’n pa rin. Buhay ang inutang, buhay rin ang kapalit. Good luck Lib.” tugon ng lalaki sa akin sabay patay ng tawag.
After that call, parang bigla akong na excite at kinabahan. I suddenly remember Maximus. Maging ang mga naging kasunduan namin. Huling huli na tao sa mundo na babangain ko ay si Maximus. Siya ang nagdala sa akin sa ama ni Krypt. Alam ko na may dahilan si Maximus bakit sa kanila niya ako ipinagkatiwala. Matapos ang maraming taon sa wakas mabibigyan na ng mukha ang tisoy na ‘yun sa kung ano na siya ngayon. I respect Maximus alot. Tinupad ko ang kanyang hiling na ‘wag alamin ang lahat sa lalaki. Pero mukhang oras na rin.
“This will be the last assignment for you, Larimar.” ani ko sa aking sarili bago basahin ang sunod-sunod na chat mula kay Gladys.
“Not now!” bulalas ko sabay takbo sa parking.
Hindi ko alam kung anong naisipan ng Lolo at Daddy ko at gusto akong makaharap. Kulang na lang paliparin ko ang kotse para umabot sa takdang oras. 20 minutes before the said time dumating ako sa mansyon. Nadaanan ko pa sa daan ang kotse ni dad at lolo.
“Susko buti dumating ka. Akala ko katapusan na natin.” aligagang ani ni Gladys.
“ I’ll just prepare myself. Cover my car behind the mansion. Relax, Glad, everything is under control.” ani ko sa babae sa maayos na salita kahit na hinihingal ako. Ito ang advantage ng batak sa training. Agad na akong pumanhik at naligo. Matapos maligo, pikit matang sinuot ko ang isang puti at plain na bestida below my knee. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok na usually request nila.
“You need to impress them, Liberty.” wika ko sa aking sarili bago lumayo sa salamin para tahakin ang daan palabas ng aking silid. Dahil dama ko na may ibang tao na sa loob ng masyon. Marahan akong lumakad at humakbang pababa ng hagdan. Kitang kita ko na hangang hanga si Lolo at Dad sa akin. Ako naman ay naaalibadbaran sa kanilang istura.
Sa dining area kami tumuloy. Mabuti na lang handa lagi si Gladys. Lahat preparado na. Nagsisimula na kaming kumain ng sunod-sunod umilaw ang camera ng cellphone ni Lolo.
“Lolo!”
“Shssss…. For remembrance only.” sagot nito sa akin. Sino ba ang niloko niya? Alam ko na may pag-gagamitan siya ng larawan ko.
SAMANTALA……
MATAPOS makausap ni Krypt si Larimar, agad nitong tinawagan ang taong pinagmulan ng kasunduan na hindi kayang baliin ni Krypt kahit pa nga yumao na ang kanyang ama na kasama sa nagkasundo. Ayaw man ni Krypt pero wala siyang pagpipilian. Ang nakatakda na ay hindi na maaaring baguhin pa. Hindi maaaring angkinin ni Krypt ang bagay, katayuan at babaeng una palang nakalaan na para sa iba.
“Hello, nagawa ko na ang parte ko.” diretsong sabi ni Krypt.
“Good. Mula sa mga oras na ito, hindi mo na maaaring hadlangan si Larimar. Let her find her own way back to the arm of the man she loved.” tugon ng nasa kabilang linya.
“I love her too—”
“I don’t fûcking care! Ang pag-aari ng aming pamilya ay hindi maaaring ariin ng iba.”
“Don’t mess with me Krypt. Sa isang galaw lang ng aking mga daliri, kaya kong gunawin ang ahensya n’yo. Don’t interfere with them. Maraming taon ang dumaan hindi nila nawala sa kanilang sistema ang isa’t isa. Isa pa hindi mo nga napasok ang mundo ni Larimar, kaya doon palang maliwanag na talong talo ka na. This is not a warning Krypton, it’s a threat na tototohanin ko. Thanks for making the deal come true.” tuloy-tuloy na sabi ng tao sa kabilang linya bago patayin ang tawag.
Si Krypton naman ay labis na nakakaramdam ng matinding galit sa mga oras na 'yon. Wala sa bokabularyo ng lalaki na sumuko. “Labas ako sa kasunduan n’yo. Kapag napaibig ko siya, wala ng urungan pa.” wika ni Krypton bago asikasuhin ang laptop na laman ang mga detalyeng dapat niyang malaman tungkol sa taong kanyang mortal na karibal. Paghahandaan ng lalaki ang kanilang posibleng bangaan oras na gumulong na ang misyon ni Larimar.