Chapter 5

1811 Words
MERO’S POV. BIGLANG pumasok sa isip ko ang aking lolo at ama. Currently dad is with him. Okay na sila ngayon at tanggap na ni lolo ang bagong pamilya ni Dad. Pero tungkol sa pagiging tagapagmana walang nagbago. Ako pa rin, isa ‘yan sa nakikita ko na dahilan ng aking ama kung bakit pilit niyang inilalapit kay Lolo ang kanyang mga anak. Ngunit masyadong matigas ang ulo ni Lolo, walang makakapag-dikta o utos sa kanya para baguhin ang kanyang naging desisyon. “Iiwan na muna kita. Baka gusto mong makinig muna sa kanila.” makahulugang sabi ni Maximus. He knows na kahit dekada na akong malayo sa pamilya ko marami pa rin akong alam dahil may tainga at mata ako sa bawat sulok ng mansyon at mga negosyo ng aming pamilya. “Wala ka ng kailangan sa akin?” tanong ko sa lalaki. “Wala na. Dito ka na lang makinig para safe. Sisimoy muna ako sa aking Dama.” pabirong tugon ni Maximus. Kung sabagay hindi biro ‘yun dahil totoo naman na lagi siyang nakamata at subaybay sa kanyang Dama. Konti na lang din naman ay magsasama na sila. Pag-alis ni Maximus simulan ko na ang manood at makinig. Bibalikan ko muna ang ilang mga footage pero dahil walang interesante ay nilaktawan ko na rin hanggang sa maaktuhan ko ang pag-uusap ng aking ama at lolo na kasalukuyang nagaganap. “Dad, anong deal na naman ba ang pinasok mo? The Russo family is lower than us—” “Did I ask your opinion? The Russo family is the perfect partner that I’ve been eyeing for the last 5 years. And let me clarify to you, that your opinion and decision doesn’t matter to me. You betrayed me once, kaya ubos na ang pagkakataon mo.” putol ni Lolo sa aking ama na parang latang pinitpit. “Anak mo ako pero mas pabor ka sa suwail mong apo.” asik ng aking ama ng makabawi. Natatawa ako sa aking ama. Sa labis na galit sa aking ina pati akong anak kinamuhian na ng husto. “Apo? Melvert is just my grandchild. Anak ko siya kapalit mo. Matagal ka ng nawalang ng puwang at posisyon sa pamilyang ito dahil sa pangangaliwa mo. Isa lang hiniling ko sa’yo noon. Iyon ay ‘wag bibiguin ang apo ko na asi Mero. Ang sabi ko sa’yo bumuo ka ng pamilyang masaya at pang habang buhay, pero ikaw ang unang tao na nagbigay pasakit at nag-lagay kay Mero sa impyerno. Alam ko lahat ang kabaliwan mo na mga ginawa. Pasalamat ka anak kita kaya humihinga ka pa hanggang ngayon!” bwelta ni Lolo kay Dad na puno ng diin at papamukha. Bago may sipatin sa cellphone na hawak nito. “Ang dalagang ito ang pinili kong maging kabiyak ni Mero. Oras na mangyari na ang kasunduan. Sisiguraduhin ko na mawala man ako sa mundong ito, o kahit ibahin man ni Mero ang legasiya ko. Magkakaroon ng masaya at buong pamilya ang apo ko. Pamilya na bigo mong binigay sa kanya.” muling sabi ni lolo. Napatanga ako ng sandali dahil dumaan sa alaala ko kung paano ako noon suyuin ng matanda maramdaman ko lang na hindi ako mag isa at may pamilya ako sa katauhan niya. “Bakit ba tayo umabot sa ganito lolo?” wala sa sariling tanong ko. “Bakit ibang iba ka kumilos sa harap ng maraming tao? Kailangan ba talaga na dumanak ang dugo para manatili sa posisyon?” dugtong na mga tanong ko pa na wala namang magiging sagot. Hindi ko pa muling nais makaharap ng personal ang matanda. Baka lang lalo lumala ang lahat sa pagitan naming dalawa. Ayokong magamit naman ‘yun ng aking ama laban sa aming dalawa ni Lolo. “He’s been away dad. Ako ang nandito, pati na rin ang iba mo pang mga apo. Isa pa, he betrayed you—!” “Cut the act, son. Alam ko na ayaw mo sa sarili mong anak. You hate him because Mero had the guts to go against me. He never betrayed me. Dahil una palang umamin na siya na hindi niya gustong matulad sa akin. That’s the reason why I chose him to be the only heir of Martin’s family. Kung hindi mo pa rin nauunawaan ang lahat. Diretsuhin na kita, Mero is way more capable than you. Hindi para sa libog lang ang p*********i niya kundi totoong may paninindigan hindi mo katulad. And the last thing, mas may edge ang apo ko sa’yo. Abogado siya habang ikaw na kanyang ama ay abugago pa rin! Grow for yourself, napag-iiwanan ka na anak. ” “You're too much Dad! May karapatan ako at ang iba ko pang mga anak.” “Am I? Sigurado ka bang may karapatan ka? Ang mga anak mo na nuknukan ng arrogante wala pa mang napapatunayan. They will never be part of my family. Anak mo sila, pero hindi ko apo. Hindi mo nauunawaan? Masyado kang mahina. I’ll repeat Mero is the only grandson I will acknowledge next to him is his son or daughter in the future.” “Baliw ka na Dad! Pati yata utak mo naliligo na ng dugo ng mga taong pinatay mo.” Sigaw ng aking ama sa kanyang ama. Sa naging statement ni Lolo may kakaiba akong naramdaman. May mali sa pagkatao ko, ‘yan ang nararamdaman ko. “Siguro nga! Baliw na ang matandang ito. I let you ruin the long lost treasure I’ve been looking for. But now, you can’t do anything. Ganito ako ngayon because you cross the line. Calling his name is my limit. Insulting him is the end. That’s why I crashed you over and over. Zegoma, send this man away.” final na ani ni Lolo habang may lumbay ang kanyang mga mata. My mother lost her sanity after dad and her got divorce. Nahirapan kaming ibalik siya dati. Kaya ng makabalik aking ina hinayaan namin siyang mabuhay ayon sa kanyang gusto. She’s living in Europe, with her family. Filipino family na siyang nag-alaga sa kanya noon sa institution. Ako lang ang nag-iisang anak ni Mom pero limot niya na ako. I’ve watched my grandfather for a while bago ko tapusin ang panood at pakikinig. Every time I did this I felt so drained and lonely. I built myself the way I wanted, para patunayan kay lolo na may mararating ako kahit wala ang anino niya sa aking likuran. Hearing him say that with plenty of words phrasing me, it feels worth it. Na noon parang wala lang sa akin. “I’ll go deeper. Aalamin ko ang totoo kasabay ng pagbabago ko sa legasiya ng mga Martin. Ako ang magpa-pahinto ng pag-baha ng dugo na sa aming angkan nag-ugat.” ani ko sa loob ng aking isip. Tila isa na ring pangako ‘yun na aking tutuparin. Nanatili muna ako sa opisina ni Maximus dito sa Alteza building at nagmumuni-muni. Nang may sumagi sa aking isip. Hirap man at nagdadalawang isip, ang aking ina naman ang binisita ko, not physically. Lumitaw sa monitor ang masayang mukha niya habang naghahanda ng pagkain. Busy ito hanggang sa matigilan at luminga linga sa paligid. Para bang may hinahanap. “Mom sinong nililingon mo?’ tanong ng dalaga na siyang palaki ng aking ina. “I don’t know. Pero recently, bata akong lalaki na nakikita sa aking panaginip.” Pag-amin niya sa dalaga. “Sino po? Gwapo ba—ahhh!!!! Mom naman e, nagtatanong lang.” “Bata ka pa. Pero gwapo siya. Mestizo, matanggap at malamlam ang mga mata. Tinawag niya akong mommy. And it felt so good and real—” “Baka naman po future bf ko ‘yan. Kidding aside, baka po may mga alaala na kayo na nais bumalik. That’s good though.” biro at full energy na wika ng dalaga sa aking ina. Nanikip naman ang dibdib ko sa aking narinig. Maaalala na nga kaya niya ako? “Ano po ang name niya mom?” tanong sa kanya ng dalaga. “M-Mero.” Parang tumigil ang daigdig ko ng muli ko na namang narinig na nasambit ng aking ina ang aking pangalan. Gusto ko pa sana silang panoorin ngunit may alarma na pinadala si Maximus sa amin. Mabilis kong isinara ang laptop at nagmamadaling umalis sa Alteza building. Pagdating ko sa lugar na sinabi ni Maximus, ilang mga bangkay ang nakita ko na nakakalat. “Mero,” tawag ni Maximus sa akin. “ Simulan na ang panggigipit.” dagdag ni Maximus na nauunawaan ko naman agad. MEANWHILE…. NA TAPOS naman ng smooth at maayos ang dinner ni Liberty sa kanyang lolo at Dad three days ago. Ang problema na lang ni Liberty ay ang blind dates na sunod-sunod niyang kailangan puntahan. Gustong gusto naman na matapos ng babae ang mga abala para sa gano’n makapagsimula na ito sa ibang mga gawain. “Lib, heto nga pala ang pitong pares ng damit, bags at sapatos na padala ng lolo mo para sa mga blind dates mo. Ito raw ang mga susuotin mo.” wika ni Gladys na halang kaba at saya ang nararamdaman para sa dalagang kanyang alaga. “D’yan na lang. Kahit ano namang suot ko maganda ako.” mayabang at halatang wala sa mood na sabi ni Lib. Hindi na nagsalita si Gladys at hinayaan na lang ang dalaga. Nang sumapit ang umaga. Nakaabang na agad si Gladys sa kung anong magiging itsura ng kanyang alaga. Pass 9 am bumaba na si Lib na akala mo ay isang modelo sa runway. “Alam ko maganda ako. Pero talaga bang may lace ang panty na isuot sa damit na ito?” Tanging tango at ngiti lang ang na sagot ni Gladys kaya naman naka-simangot na umalis si Lib. Sa isang 5 star hotel dumiretso ang babae. Pagdating ni Lib sa hotel restaurant wala pa ang lalaki. Bawas agad ang gana ng dalaga, ng biglang may lalaking palapit sa kanya. “Anak ng palakang gubat naman oh!” bulalas na sabi ni Lib habang aligaga naman ang huli sa pag-ayos ng pagkakaupo. Mabuti na lang at lumagpas ang lalaki sa akin. "Huh! safe sa mukhang palakang gubat-- halimaw sa banga! God! Dad and Lolo, pang holloween ba ang theme na gusto n'yo?" bulalas muli ng babae, ng isang maskulado na lalaki ang palapit sa kanya pero halihod ang lakad. Wala tuloy sa sarili na napainom ng tubig si Lib. Pero agad ding nasamid ng may dumaan na meztiso pero hindi siya ang pakay. "Pwede sana 'yun." wika ni Lib. Sabay punas sagilid ng labi. "Tubig 'yun at hindi laway." sabi pa ng babae, hanggang sa may biglang naupo na lalaki sa kanyang katapat na upuan. "Hi Ms. Russo! Pleasure to meet you." bungad ng lalaki na ikinairita ni Lib. Okay naman sa ang mukha manyakis lang. "May bagyo ba? ang lakas ng hanging no. 4 agad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD