LIBERTY
“MAY BAGYO BA? Ang lakas ng hangin, no. 4 agad.” sabi ko with roll eyes pa. Hindi kasi ako makapaniwala na may mas yayabang pa sa akin. Dapat ako lang ang mayabang at may karapatan.
“Oh sweetie, ang kayabangan normal na ‘yan lalo na’t may iyayabang naman na yaman.” Sagot pa ng lalaki kaya mas nakaramdam ako ng inis sa kanya.
“Yaman? Ikaw pa ba ang dahilan bakit yumaman kayo? Kung hindi ang sagot mo, kalmahan mo ang kayabangan mo.” patol ko sa lalaki. Feeling ko okay siya, bilang kaasaran.
“Bakit ikaw may napatunayan ka na ba?” bwelta ng lalaki sa akin.
“Oo naman. Bukod sa ubod ako ng ganda, tangkad at talino, marami akong talento at mga achievement na baka kapag sinabi ko ‘di kayanin ng kakarampot na utak mo na lumulutang sa hangin. Be thankful na kahit paano, may concern pa ako sa utak mo. Malay mo maka-survive pa ‘yan. Baka magawan pa ng remedyo soon, lalo na’t hindi na kagaya ko ang makakaharap mo kundi kautak mo na lang.”normal na sabi ko sa lalaki. As for me, that’s normal.
Ewan ko na lang sa iba na mga sensitive. Sabagay mga sensitive lang naman ay ang mga talunan. Feeling hopeless and charity, parang ang batang si Liberty. Pero iba ang kwento ko sa kwento nila. Malakas ako kasi pinili kong maging malakas. Sila pinili nilang dumepende sa ibang tao hayaang manatili sa kahinaan.
“You're unbelievable! Anong klaseng nilalang ka ba? Nahahanginan ka sa akin like bagyo ang tingin mo sa akin. E, ikaw ano ka?” bulalas ng lalaki na waring ngayon lang nakatagpo ng tulad ko na babae. Extraordinary pero dagasa dahil pinagpala sa lahat ng ganda na maaaring taglayin ng isang babae.
“Bagyo rin naman .” simula na saad ko.
“Bagyong ubod ng ganda at lakas. Ako ang tipo ng bagyo na pang international.” sunod na ani ko.
“Ang lala mo!” tulalang sabi ng lalaki. Sa loob ko gumugulong na ako sa tawa dahil parang masamang kaluluwa ang nakikita ng lalaki sa kanyang harapan.
“Ay oo malala talaga ako. Well, back to the topic. Ikaw ang bagyo na pang Pilipinas lang. Dahil sagad na sa signal no. 5. Ako naman pwedeng maging signal no.10. Kaya kong lamunin ang kapwa ko bagyo. Just so you know, kulang pa ang kahanginan mo sa kayabangan na meron ako. Isang guhit pa lang ito sa anemometer ang birada ko. What more kung itodo ko na?”
“You’re crazyyyyy!!” aligagang sabi ng lalaki kaya natawa na talaga ako.
“Grabe siya! Mayabang, tanggap ko ‘yan. Pero baliw, sorry hindi ko matatanggap. Alam mo, I feel so bored already. I think this won’t work out. Mayabang ka, pero mas mayabang ako walang pupuntahan ito. So better let's end this. Sa mundo ko dapat ako lang ang mayabang. Kung may gustong pumasok, higitan niya ako. Please tell to your family, na nahihiya ako. Batid ko na kawalan sa inyo ang hindi ako maging bahagi ng inyong pamilya pero wala akong magagawa. Ayoko sa lalaking mayabang lang dahil lang may pera ang angkan. Gusto ko ‘yung mayabang na kaya akong sampalin ng katotohanan na kahit anong gawin k0, hindi ko siya matatapatan.” tuloy-tuloy na sabi ko sa lalaki.
Totoo ang mga ‘yun pero dahil baliw ang tingin sa akin ng lalaki hindi n’ya iyon seseryosohin. Well, hindi ko na kasalanan ‘yun.
“I—I’ve never imagined that the Russo family had a mental illness.” utal na sabi ng lalaki. Talagang napikon ako sa sinabi niya. Lahatin ba naman kami. Last time I checked, ayos ako liban sa aking ama’t lolo na mga mahilig mag daydreaming. I grab my purse and get my favorite squishy. Nang biglang tumayo ang lalaki na basta na at tumakbo palayo.
“Baliwww….. I won’t marry you!!!” sigaw pa ng lalaki, para naman mag mukhang ako ang kawawa sinapo ko ang aking mukha at pekeng umiyak. Maraming mga espekulasyon ang aking narinig, pero dahil babae ako. Ako ang wagi. Nilapitan pa ako ng waiter to refill my water. Sumisinghot singhot naman ako bago nagpasalamat. Hindi naman nagtagal ang atensyon ng mga tao sa akin kaya pasimple kong sinilip si little Barron. Replika ito ng living giant Barron ko.
“Thanks baby Barron. No, baby you're so cute, kaya. Mana kayo ni na Barbara, Bea at Benson sa akin. Thanks for helping mommy.” sweet na sabi ko sa crocodile squishy na dala-dala ko palagi.
Sa isang property Island na nabili malapit sa Mexico, nakalagak ang mga mahal kong alaga. They’re having the best time sa lugar na ‘yun. Well secured ang lugar. I’m into giant babies, pero may alaga rin ako sa mansyon na maliit pero masunurin. Infact kasama ko pa nga ata ang isa.
“Burn! Labas na, alam ko nandyan ka.” bulong ko sabi sa aking purse, sabay labas ng maliit na hamster. “Makulit ka talaga. Pero for now, tago ka ulit baka mamaya mag-sigawan sila.” Tatawa tawang sabi ko pa sa hamster na agad nagtago.
Paglinga ko sa kabilang dako. Nakita ko sa isang sulok ang lalaking mestizo at na sa akin ang kanyang tingin. Ngingiti sana ako sa kanya pero biglang may ginawa ang lalaki.
“The nerve!” gigil na sabi ko ng irapan niya ako. Dahil sa tapos na ang role ko sa lugar ay tumayo na ako.
“Relax Liberty! At least one down, six more to go, na lang.” pampalubag loob na sabi ko.
Hindi nga ako apektado sa bardagulan namin ng ka blind date ko, pero sa irap ng lalaking ‘yun apektado ako. Nagngingitngit ang kalooban ko, parang mawawala lang ang inis ko sa kanya kung makakaganti ako.
Pero lalabas naman na unreasonable ako at ang reaksyon ko, kasi normal lang naman na gano'n ang maging reaksyon ng mga taong ‘di kilala ang isa’t isa at parang hindi gusto ang nakikita sa kapwa.
Sumakay ako sa aking kotse. Kotseng design for girl, na si Lolo at Dad ang bumili. Customize ito, pero ewan ko ba nasusuka ako sa kulay pink na leather. I want grey or black. Habang nagmamaneho lumikot ang aking purse kaya pinakawalan ko si Burn na ubod kulit. Tangan niya si Barron the squishy na kasing laki niya.
“Sana naging hamster na lang ako para masaya.” wala sa sariling wika ko pero si Burn bahagyang kinagat ang daliri ko.
“Oo na! ‘Di na ako magiging hamster. Wala nga palang magpa-pakain sa’yo at sa iba pa. Bakit ba naman kasi ang dami ko ng anak agad?” natatawa na sabi ko. Si Burn naman ay sa kandungan ko na pumuwesto dala si Barron.
Pagdating sa mansyon ang masayang ngiti ni Gladys kanina ay wala na.
“Tumawag ang lolo mo. Galit na galit dahil sa ginawa ng ka date mo.” untag ni Gladys sa akin.
“Why?” inosenteng tanong ko. Buong akala ko kasi ako ang masasabon ni Lolo.
“Nagpa-presscon ang ka date mo. Announcing na baliw ka! Ayon daig ng lolo mo si Zeus ng greek mythology, sinira ang pamilya ng lalaki. Oo nga pala. Sabi ng lolo mo, never let anyone defeats you. Kahit pa lalaki.” sagot ni Gladys na nagpangiti ng husto sa akin, sa loob ko lang. Hindi ko pinahalata sa babae na masaya ako. Kunwari ay malungkot ko.
“Tumigil ka nga Lib. I know may ginawa ka. Sa tagal kitang kasama, kilala na kita.”
“E, ang yabang kasi. Kaya niyabang ko rin. Akalain ko bang mababaliw pala.”
“Ewan ko sa'yo. Parang palala ka ng palala. Sana lang hindi matuluyan, magpahinga ka na muna.” suko na wika ni Gladys.
“Not bad at all, Burn and Barron.” wika ako sa aking hamster na dumungaw sa aking purse kagat pa rin si Barron.
“‘Wag mong sisirain ‘yan. Sige ka, tinga ka lang sa giant Barron.” paalala ko kay Burn na agad binitawan ang tangan na squishy.
Mabuti pa ang mga alaga ko madaling kausap. Sana lang ‘di matuklasan ni Dad at Lolo ang mga tago kong anak, baka ang mga anak ko pang Giants ang maging cause of death nila. Marami pa namang ayaw sa mga tulad nila. Kung tutuusin naman mas nakakatakot ang tao kaysa sa tulad nila. Pumanhik ako sa taas at pabagsak na nahiga sa kama. Sandali kong pinikit ang aking mga mata ngunit dinilat ko rin. Muling na buhay ang inis ko sa lalaking mestizo.
“Humanda ka sa akin. Kapag ‘di na ako busy, titiyakin ko na maglalaway ka sa akin.” ani ko pero mukha ng lalaki na nakangisi ang aking nakita na waring hinahamak ako.
“Ano baaaaa?! Nakakainis ka!” sigaw ko kaya biglang tumalon si Burn at nagising naman si Bean.
“Nakakainis ka….Nakakainis ka….Mahal kita….” dada ng ibon ko, pero ang nakakapagtaka ay dinugtungan niya pa ng mahal kita ang sinabi kong nakakainis ka.
“Bean that's enough!” saway ko sa ibon.
“Mahal kita…. Mahal kita….. kaya nakakainis ka.” ulit ng ibon kaya naman binato ko na ng mini towel.
“Salbahe ka talaga pag-galit ka bruhildaaa!” tili ng ibon na agad namang tinulungan ni Burn. Kumuda ulit ng kumuda ang ibon pero nagtakip na ako ng tainga.
MEANWHILE….
MATAPOS umalis ang babae center space ng restaurant, tsaka lang nakapag-focus ang lalaki sa taong kausap niya.
It's an emergency trip. May inutos ng biglaan si Maximus kaya walang choice si Mero, kundi ang sumunod sa utos ng kanyang amo, kaibigan at kliyente.
Unang pasok palang ni Mero sa loob ng restaurant, mukha ng ng babae ang umagaw sa kanyang atensyon. Ngunit sa estima ng lalaki, hindi ang tulad ng babae nakita ang babagay sa kanya. Tingin ni Mero may mga nakatagong lihim ang babae.
“Sa wakas na sa akin na ang atensyon mo.” ani ng kaharap ni Mero.
“I'm sorry, jetlag lang to.” tugon naman ni Mero.
“Jetlag? O captivated by the beauty of Liberty Gail Russo. The only heir of the Russo family.”
“What? She’ s Liberty Russo. Fück! Hell no.”
“Bakit Mero?”
“Tang ina ka Maximus! Talagang isusuong mo ako sa impyerno.” wala sa sariling sabi ni Mero.
“That's bad! Stop cursing him. Remember, siya si Jefe.” pilyong saway ng lalaki. Isa ito sa graduate ng miyembro ng Alteza. Pero malawak pa rin ang kalibre ng koneksyon.
“Paano ba ‘yan? In two days, you need to see her and his family. Lupit ni Maximus, meet the Grandfather and Father agad—!”
“Shut up!” tulirong wika ni Mero. After the meeting someone bumps into him and asks for a random talk.
“Baka naman pwede kitang makausap?”
“I'm busy, and the last time I checked. Hindi kita ginugulo kaya ‘wag kayong mang gulo sa mundo ko.” tugon ni Mero.
“Mang gulo? E, ikaw nga ang salot sa buhay namin. Hanggang ngayon ikaw lang ang tanggap na apo ng Lolo—”
“That's not my fault. I'm busy, marami akong kailangan gawin para sa aking kliyente. Wish you the best half brother. Maging abogado ka nga sana.”