MERO’S POV.
I THOUGHT that encounter will stop them pestering my precious time. Pero nasa dugo nga pala ng taong ‘yun ang dugo ng aking ama. Kung saan akong lugar pumunta lumilitaw ang kapatid ko sa ama na si Marrick. I know what he wants.
Ang sirain ang mga bagay na ginagawa ko. Pakiramdam ko tuloy ipinatapon ako ni Maximus sa bansang ito para lang asarin sa pesteng kapatid ko at sa dalagang kailangan ko pang sadyain para lang makumbinsi na dumalo sa kanilang kasal. Akala mo naman hindi matutuloy ang kasal nila without that woman.
Palabas na ako ng lobby ng hotel na tinutuluyan para sa huling taong aking kakausapin, bago puntahan ang pamilya Russo. Ngunit bago ako tuluyang makalabas nakita ko na agad si Marrick. Bihis na bihis ito, parang may pinaghahandaan. Umakto akong hindi nakikita ang lalaki at nilagpasan ito ng magsalita.
“Kuya, Nandito ka pala?” wika niya sa akin.
The guts of this man to call me Kuya. Halos hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa. Dahil ang nanay niya ang kept woman ni Dad. Pinakasalan lang ni dad ang aking Ina dahil sa kagustuhan ni Lolo.
“Bakit bawal ba ako rito?” balik na tugon ko naman.
“I’m not saying that! Nagtataka lang ako kasi mahal ang hotel na ito e, wala ka namang kinuha sa mga binihay ni Lolo sa’yo—”
“Really? Nagtaka ka pa talaga. Well, kung ang naging basehan mo ay sarili mo ay imposible nga. Pero remember, I’m attorney Melvert Ross Martin. Isang akong, high paid lawyer at the early age. Hindi ba’t nakatala ‘yun sa guinness book of world record. I bet you can beat me, pero mali ako. Hindi ka nagmana sa nanay mo.” insultong sabi ko sa kay Marrick na halata namang galit na galit na sa mga oras na ito. Nakakuyom na kasi ang kanyang mga palad tila gusto na niya akong saktan.
“Iwasan mo ak Marrick. Pero kung masukista ka, then so be it. Marami pa akong pwedeng sabihin sa’yo para sirain hindi lang kumpyansa mo kundi pati na rin katinuan mo—”
“Manang mana ka sa lolo mo! Demonyo kayong pareho.” putol niya sa akin.
Aaminin ko ayokong maihahambing sa matandang Martin dahil kulang ang salitang demonyo kung ilalarawan siya base sa kanyang mga nagawa. Lahat naman ng tao may kanya kanyang demonyo sa katawan na tinatago. Pero hindi ko pa rin gusto ang matulad sa aking Lolo. Ayokong ma talo ako ni Marrick kaya naman ngumisi ako sa kanya na mala demonyo. Total ‘yun ang tingin nila sa akin, gagampanan ko na at huhusayan ko pa.
“Ungrateful!” ngising sabi ko habang may pag-iling ng ulo.
“Kuhang kuha mo ang ugali ng ating ama. Kung ‘di dahil sa demonyo na lolo ko hindi mo mararanasan na yukuan at bigyan ng respeto kahit pilit lang ng mga tao na mas mababa ang antas ng pamumuhay sa’yo. Being Martin makes you human, Marrick. Kung dahil lang naman sa iyong ina at ama, wala ka naman sana sa maayos na estado ngayon. Aminin na natin na batugan si dad at walang narating. Kaya sana maiba ka sa kanya, ‘wag lahat ng katangian niya sundan mo. I advise na kunin mo ang ibang mga mahusay na katangian ng lolo. Kasi given na sa’yo ang pagiging demonyo. I believe you inherit that demonic attitude to your mother and father.” dagdag ko pa nasabi. I enjoyed his reaction. Damang dama ko ang aking pagkapanalo.
Wala naman ng sinabi o na sagot si Marrick kaya naman umalis na ako. Pero bakit kaya gano’n? Hindi nagtagal ang sayang nararamdaman ko dahil natalo ko ito dahil sa kayang kaya ko itong paglaruan. Is it because I no longer want to win? Ano nga ba ang gusto ko ngayon sa buhay ko?
Nang makita ko na nakahanda ang kotse na aking gagamitin ay agad na akong sumakay doon. I start the engine and drive it away without looking back sa pwesto ng aking half brother. After an hour of drive narating ko ang lungga Hugi.
“Finally your here! Akala ko magha-heart to heart talk pa kayo ng little brother mo.” kantyaw ni Hugi sa akin.
“Tang ina mo! Hindi ako mahilig maglambing at kumariño ng lalaki. And to be honest alam n’yo naman na hindi ko siya basta kapatid kundi kaaway na rin.” bwelta ko naman kay Hugi na tumawa lang ng malakas.
“Harsh!” ngising wika ni Hugi matapos tumawa.
“Babalik ka na ba Hugi? We know your in pain, but living alone here won’t help you get through—”
“Babalik na rin ako. Sisiguraduhin ko lang na maayos ang lagay ng mga taong mahalaga sa akin. Her loss won’t stop me from doing what’s right. By the way, nakausap ko na ang isa sa Monaco leader he’s willing to cooperate. Pagod na siya sa pagiging tagasunod ng maling gawain. But to make sure of his loyalty— ipasok n’yo ‘yan!” putol ni Hugi sa akin bago tumawag sa kanyang tauhan. Laking gulat ko na isang babaeng puno ng itim ang katawan ang bitbit ng tauhan ni Hugi.
“Putang ina mo Hugi! Ano ‘yan?!” gigil na mura at tanong ko.
“Ikalma mo ang bayag mo. Siya ang may gawa niyan sa sarili niya.” Balewalang sabi ni Hugi.
“Ibalik n’yo na ‘yan na alibadbaran ang kaibigan ko.” utos ni Hugi sa kanyang tauhan ako naman ay tahimik lang.
“She’s the unwanted daughter of that leader. I kept secret, na ayaw nilang lumabas. Half Filipino, so I used her at the same time to protect her.” paliwanag ni Hugi. Dahil sa ayoko ng mga babaeng sinasaktan iniba at dineretso ko na ang pakay ko sa kanya. Madali naman na settle ang lahat kaya hindi na rin ako nagtagal sa lungga ni Hugi. Hindi ko mawari, akala ko sa lungga lang Hugi ako hindi komportable pero parang sa buong bansa na ito pala.
I sent a short notice sa kumpanya ng mga Russo that tomorrow, I’ll pay a visit on them. Tumugon naman ang secretary ng matandang Russo at anak nito. Dahil sa wala akong magawa ay dumaan lang ako sa isang simpleng coffee shop to sip a coffee and find a peace for a short time. Sa una okay naman ang lahat hanggang sa pumasok ang sakuna. The woman in the hotel came at kasama si Marrick. Hindi ko alam ko anong relasyon nilang dalawa hanggang magsalita si Grims.
[“New target ‘yan ng kapatid mo. I located a picture sent by your dad to him. Mukhang may mapapala sila sa mga Russo. They set them up for a blind date. Kung ano man ang plano ng tatay at kapatid mo sa babae pihadong kaugnay sa’yo. Kilala mo naman sila hindi ba? I’ll send some convos I hacked, then you’ll decide.”] tuloy-tuloy na sabi ni Grims. Maasahan talaga ito kahit kailan o anumang oras. Hindi nagtagal ay may email na pumasok sa aking phone. Nabasa ko ang convo ilan lang sa sinabi ni dad at Marrick ang nagmarka sa akin.
"Unahan at talunin mo si Mero. Make her yours. You’ll everything belongs to him kapag nakuha mo ang babaeng ‘yan. I promise I’ll fücking defeat him. Ilalagay ko siya sa lugar dapat niyang kalagyan.” 'yan ang mga katagang tumatak sa akin.
Grims was right, may kung ano sa babaeng Russo kaya nais nilang makuha. Kung isa ito sa laro ni Lolo, I won’t allow them to defeat me. Ako ang mananalo at habang buhay na magiging bara sa lalamunan nila. I watch them carefully. Na libang naman ako dahil panay ang salubong ng kilay ni Marrick, mukhang inulit na naman ni Ms. Russo ang strategy niya. Napansin ni Marrick ang presensya ko kaya nag-feeling close sa babae na agad namang nakaramdam ng kakaiba. Luminga ito at tumama ang tingin sa akin. In just 3 seconds nagkahulihan agad kami ng tingin.
She is not a typical woman. May apoy at paninindigan sa kanyang mga mata. Dahil sa pagkatitigan naming dalawa ng babae ay walang pasensya na binagsak ni Marrick ang tasa ng kape.
“What the hell?” bulalas ng babae kay Marrick na mas galit lalo ang itsura. I smile ng makitang hindi nagustuhan ng babae ang nakita kay Marrick.
“What the hell? You're flirting with a random guy while I’m here! Sinong matinong tao ang natutuwa kapag sinabihan o inakusahan ng ganyan?” asik ni Marrick na agad tinamaan ng sapak sa mukha.
“Damn you, idiot? You look at his direction first. Tapos ako ang minamasama mo. And to clarify things; walang tayo at hindi kita kaanu-ano. Flirting is not my cup of tea. Wala akong landi sa katawan na hindi normal sa isang tao. I’m sorry but I’m not interested in man, na ubod ng delingkwente at bastos ang bunganga.” may diin na sabi ng babae na halatang pinal na.
“Malandi ka lang—urghhhh!”
“Isang salita pa, uubusin ko ang ngipin mo.”
Ako na nanonood lang ay napailing sa aking nakita. Imbis na tumambay pa sa coffee shop ay tumayo na ako para umalis. Wala na rin naman ang katahimikan na aking nais.
“Hey!” tawag sa akin ng babae. Marahan lang naman akong lumingon sa kanya.
“What?” bored na sabi ko.
“Date me, dahil pulpol ang date ko—”
“Sorry to turn you down, miss. I’m not interested in dating a brutal woman. Besides, you're not my type.” putol ko sa babae.
Sadyang sinabi ko ‘yun para makuha ang atensyon niya at mawala na ng husto kay Marrick. Sa totoo lang wala naman akong pupuntahan pero hindi ko gustong sumalo ng date mula sa tuta kong half brother.
“W-What? Brutal woman and not your type! Ang yabang mo, kutis binabae ka naman.”
“Whoa! Kapag ayaw sa’yo ng lalaki binabae na agad. Miss Russo hindi ko lang talaga tipo ang tulad mo. Gusto ko ay ang babaeng makariño na pino hindi kariño brutal at barubal. I believe I have nothing to do with you and your date, kaya aalis na ako. I’m a busy man, kaya nga ayoko ng husle na babae.”
Puno ng pang-aasar na sabi ko tsaka tumalikod diretso sa aking kotse, Nakita ko kung gaano nagliyab ang mata ng babae. Mabilis kong pinasibad ang kotse dahil kumpyansa naman akong susundan niya ako lalo na’t na sa akin na ang buo niyang focus.
“Good job baby, follow me. Mas ligtas ka kung malayo ka kay Marrick.” ngiting sabi ko.
Nang marating ko ang hotel hindi na ako nagtangka na lumingon sa paligid. Ramdam ko naman na may naka-sunod sa akin, kung noong una si Marrick lang ngayon dalawa na sila. Isa lang naman ang pagkakatulad nila. ‘Yun ay galit sila sa akin.