LIBERTY
TAMAD na tamad pa akong bumangon pero ng mag ring ang telepono na nasa loob ng aking silid ay agad na akong bumangon. Boses ni Lolo ang aking narinig. Wala akong maunawaan sa mga sinasabi niya not until banggitin niya ang tanging palatandaan ko sa taong nais kong balikan.
“Are you sure Lolo? Martin ang surname ng lalaking isisingit mo sa blind date sched ko?” pag-uulit ko pa na tanong.
“Oo apo. He’s waiting for you at the front of the hotel. Same place, pero na sa inyo na kung gusto n’yong umiba ng lokasyon—”
“Fine! Darating po ako. Bye Lolo!”putol ko sa lalaki tsaka nagmamadaling umalis sa ibabaw ng kama para makapag-ayos na rin agad.
Habang naliligo ako iniisip ko kung ano na kaya ang itsura niya. Akalain mo ‘yun kusang lumalapit ang taong matagal ko ng nais parusahan. Sinunod ko si Lolo sa dress code na gusto niya. Effort pa nga ako at naglagay pa ng make up.
Tinawag pa ako ni Gladys ng bumaba ako pero hindi ko na siya pinansin. Iba ang siglang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Binaybay ko ang daan papunta sa hotel. Nasa parking area ako ng may matanaw akong lalaki. Ewan ko ba pero nawala ang excitement na nararamdaman ko kanina. Dahan-dahan akong lumabas at lumakad palapit sa kanya. Habang palapit ng palapit sa lalaki pabigat naman ng pabigat ang aking nararamdaman.
“Glad to finally meet you Ms. Russo.” salubong na sabi ng lalaki sa akin. Nang magsalita siya tuluyan ng nawala ang nararamdaman kong excitement.
“Saan tayo?” malamig na tugon ko sa lalaki. I don’t know hindi ito ang inaasahan ko na lalaki. Pero siya nga kaya ito? Bakit parang lampa naman ay walang sinabi sa buhay?
“Agad? By the way I’m Marrick Rover Martin—”
“Marrick? Ikaw ba si Ro?”putol ko sa lalaki na halatang nagulat at nag-isip muna bago sumagot. “Yeah! Ako nga.” sagot naman niya. Biglang bumalik sa alaala ko ang pinagdaanan sa kamay ng lalaki at mga gangster na barkada nito.
“Something wrong—?”
“Nothing! I just remembered something. Ikaw ba walang naalala?” mabilis na ani ko na tumapos agad sa tanong ng lalaki sa akin.
“Oh I see. Ganyan naman talaga ang isip natin. Oras makakita ng mga magandang bagay, lugar o tao may mga alaalang bumabalik.” masayang sabi ng lalaki. Ako naman ay lalong nagngitngit.
Ang pinagtataka ko lang hindi mabuo-buo ang galit na nararamdaman ko para sa lalaking kaharap. Siguro dahil sa mukha itong mahina at literal na mayabang lang pero bobo. Oo, bobo ang tingin ko sa kanya. Para siyang isang malaking itlog na nabasa ng ulan kaya na bugok. Hindi nga kaya ito si Ro? O baka naman masyado akong nag-expect sa kanya. Pero ang alam ko kay Ro matalino, suplado at disiplinado. Nagbabago nga kaya ang tao? 'Yung maganda ng katangian pumangit pa.
“Gusto mo ba sa hotel na ito? I can book a room—”
“NO! Anong gagawin natin sa kwarto? Better na isang restaurant na lang tayo or coffee shop.” agap na kontra ko sa plano ng lalaki. Mukhang naging manyakis na rin ang halimaw.
Ilang restaurant and coffee shop ang pinuntahan namin pero hindi ko maunawaan bakit parang asiwa ako. Halata ko rin na nasusuklam na ang lalaking kasama ko. Okay naman sa akin ‘yun pero panatag na lugar din ang habol ko. Hanggang sa marating namin ang isang coffee shop na vintage ang dating. Labas palang nakakahalina na kaya naman diretso na akong pumasok at naupo.
“Yung ibang mga pinuntahan natin mas maganda. Bakit dito mo gusto?” ‘di nakatiis na tanong ng lalaki sa akin. Palala ata ng palala ang Ro na ito. Hindi marunong kimilatis ng maganda. Hinayaan ko lang ang lalaki.
Nag-usap kami at panaka-nakang may nagpapalitan ng opinyon sa isang topic. Ang kaso hindi magandang kausap ang lalaki. Parang gusto kong magsisi sa labis na paghahanda sa aming pagkikita ‘yun pala wala naman ibubuga ang lalaki. Dahil sa pangit siyang kausap sibayan ko na lang ang kababawan niya. Hanggang sa mapansin ko na may tinitingnan siya sa bandang likuran ko. Ginaya ko naman siya na parang gusto kong pagsisihan dahil nakita ko na naman an hinayupak na lalaki. Siya lang ang gumawa ng gano’n sa akin.
“Pangako Lib luluhod ang lalaking ‘yan sa atin.” ani ko sa aking sarili sa loob lang din naman ang aking isip. Parang may mahika ang mata ng lalaki. Inaakit akong titigan siya na hindi naman labag sa aking loob. Parang payag naman akong makipag-titigan sa kanya. Pero dahil may kasama akong tanga nasira ang moments namin. Ang weird, galit na galit ako sa sinabi ng lalaki hindi dahil sa flirting words kundi dahil sa sinabi niya nahinto kami sa eye contact ng lalaki.
“Baliw ka na Lib!” kastigo ko sa aking sarili. Bago ibinaling sa kaharap ng inis na aking nararamdaman.
Akala ko todo na ang lahat pero ng yayain ko ang lalaki ay tinanggihan niya ako kesyo hindi niya ako type and hindi siya interesado sa akin. I felt so challenge, tipong ito ang hinahanap ko sa lalaking nagpakilalang Ro.
Pag-alis ng lalaki tinapat ko na agad ang lalaki na hindi ko siya gusto sabay alis. I won’t allow anyone na tapakan ang umaapaw kong ganda, ka sexy-han at dangal. Walang umaayaw sa alindog ni Liberty Gail Russo tanging siya lang.
“Ipa-check ko kaya mata ng kumag?” ani ko sa aking sarili patanong habang nagmamaneho. Late ko ng na realize na sa mismong hotel kung saan naganap ang una kong blind date naka-check in ang kumag.
Bumaba ang lalaki at nagpatuloy lang sa paglalakad ng walang lingon. Para bang malinis ang konsensya at walang babaeng hiniya. I don’t deserve that rejection. Wala na siyang makikitang kasing ganda, yama, talented at matalino na babae.
“Magsisisi ka sa mga sinabi mo sa akin!” wika ko bago bumaba ng kotse at tumuloy sa labi. I ask the receptionist kung anong room ang lalaki pero tinanggihan ako ng panget na receptionist na halatang naglalaway at kayat ang ihi sa lalaki. Dahil sa ayaw ng babae pumayag. I use my charm and connection.
“Iba na ang maganda!” mayabang na sabi ko sa receptionist na masama ang tingin sa akin.
“Ms. Russo sa left side door ng room mo naka-check in ang boyfriend mo.” paliwanag ng manager.
“Thank you, this means so much to me. I commend you sa mga boss for giving me a fair treatment.”
Matapos magpaka-sweet sa lalakia agad na akong pumunta sa pinakamalapit na elevator para makasunod na rin agad sa lalaki. Good thing na halos kakasakay lang din nito sa isang elevator.
Sa Floor 14 kami parehong pupunta. Saktong bukas ng elevator kung saan ako sakay ay siyang daan naman ng lalaki na agad nag-salubong ang kilay ng makita ako.
Feeling ko uubusin ng lalaking ito ang confidence ko. Para kasing pangit na pangit ito sa akin.
“Hindi pa ba malinaw sa’yo na hindi kita type at hindi ako interesado sa’yo Ms. —”
“Liberty. And to cut your fantasy for being the most hot and handsome man in the world. Hindi kita sinusundan. And I just asked you few minutes ago for a date para takasan ang tukmol na ka date ko. Ka date na Lolo at Dad ko ang may pakana.” mataray at mayabang na sabi ko sa lalaki. Syempre fighting dapat. Walang aminan na sinundan ko siya kahit totoo naman. That girl code no. 10.
“Really? Umamin ka na Ms. Liberty bago ka pa madurog.” seryosong sab ng lalaki.
“Hambog na bayot!” gigil na sabi ko. Sari-saring salita ang natutunan ko sa bawat lugar sa Pilipinas na pinupuntahan ko para sa misyon.
“Bayot? May boyfriend ka palang bayot Ms. Russo.”
“What?”
“The receptionist called me. Ipinaalam na nasa tabing silid ko lang daw ang girlfriend ko. Mukhang badtrip sa’yo ang babae kaya sinira ang kunwaring surprise visit mo girlfriend—”
“That witch! Ang panget niya na nga ang daldal pa.”
“So aamin ka na?”
“NO! Tandaan mo lalaki, lahat ng ginawa mo sa akin babalik sa’yo sampung doble.” parang sumpa na ani ko sa lalaki bago ako umalis at nagtungo sa aking silid.
Hindi ako aalis sa hotel na ito hanggat ‘di ko magawang tahiin ng karayom at sinulid ng sako ang bibig ng receptionist na ‘yun. “Never lose the game, Lib!” paalala ko sa aking sarili. Halos limang hakbang palang ako ng magsalita ang lalaking nilayasan ko na.
“By girlfriend. See you in my dreams. Sana hindi ka na hot headed. Mas hot ka kapag seryoso dahil mukhang ubod ng talino at tuso. But when you smile it screams danger but is so alluring." Ani ng lalaki sa mabining tono. It gives me a goose bump.
I remember some told me na “Mapanganib ang ngiti mo ngunit kaakit-akit.”
“Ro—!” sambit ko sa pangalan ng lalaki sa aking nakaraan.
Ngunit nilagpasan na ako ng lalaking ubod ng hambog. He even smiled at me before entering his room and mouthed the word ‘Girlfriend’
Ilang minuto ng sarado ang pinto ng roo ng lalaki pero ako ay nakatulala pa rin. Iniisip ang salitang binitawan ng lalaki sa akin.
“Nagkataon lang ‘yun Lib!” kumbinsi ko sa aking sarili bago tumuloy sa aking silid.
Tumuloy ako sa loob ng aking silid at agad na tumakbo sa banyo. Nagbabad ako sa bathtub para kumalma ang aking isip. Nang lumamig na ang ulo ko, kinuha ko ang telepono at ginawa na ang unang hakbang para sa panget na babae.
"Lintik lang ang walang ganti." ani ko bago simulang mag report sa manager. Lahat ng kaya ko ginawa ko para magmukha akong hopeless sa pandinig ng manager. And I did it.
"Mali ka ng binangga girl! Hindi Liberty ang pangalan ko para lang sa wala."