MERO'S POV.
HALOS mabulunan ako ng sarili kong laway kakatawa pagpasok ko sa loob ng aking silid. Her reaction is indeed priceless. At least nagawa ko rin siyang ilayo kay Marrick. Hindi ko hahayaan na madaling makalapit muli si Marrick sa kanya. Kung ano man ang dahilan ni dad para utusan si Marrick na suyuin at kunin ang loob ng babae ay malalaman ko rin.
Kung ito’y bahagi ng plano o ikinakasa pa lang na laro ng Lolo. Hindi ko sila hahayaan na may idamay na ibang mga tao lalo na’t babae. Si Mom na ang huling babaeng gagamitin nila alang alang sa hangad na pamilya na hindi rin nila nagawa na makuha.
Dahil sa mga ginawa ko at nangyari. I decided to take a bath and get some sleep. Naisip ko na gabi na ako pupunta sa baba para maglibot. Napakagat labi na lang ako ng maalala ang pagpunta sa kumpanya ng mga Russo.
“Jackpot na lang talaga kung bukas magkikita pa tayo ulit.” wika ko. Hindi naman sinabi ni Maximus na personal kong i-meet ang babae. He just said na make sure that the lady in Russo family will attend his wedding.
Naligo gaya ng plano at pagkatuyo ng buhok ko ay nahiga na ako sa kama. Bago tuluyang makatulog nakita ko pa ang mukha ng dalaga. Asar na asar ngunit walang plano magpatalo.
“Sana LG ganyan ka na rin tulad ng babaeng ‘yun.” ani ko at tuluyang dumilim na ang lahat sa akin.
Pass 7pm ng magising ako dahil sa malakas na ring. Agad na kinapa ko ang aking phone pero hindi ‘yun ang tumutunog. Hindi ko pa man gustong bumangon pero wala naman akong pagpipilian. Sa nakabukas na laptop ko ako pumunta. Pinindot ko ang answer button at agad bumulaga sa akin ang mukha ni Maximus na balot ng gintong maskara.
“Mukhang nag-enjoy ka d’yan.” bating panimula ni Maximus.
“Enjoy? This country is one of the place na hinding hindi ako mag-enjoy. Alam mo ang dahilan. Dito ko nasira ang lahat.”tugon ko sa aking kaibigan.
“Hindi ba’t may ibang paniniwala na kung saan nagsimulang masira ang lahat doon din muling magsisimula ang bagong kabanata ng pagbuo. Make sure bukas makakausap mo ang mga Russo. Do whatever it takes para makapunta ang dalagang Russo sa aking kasal. May kailangan kaming pag-usapan ng personal.” tila may pakahulugan na sagot ni Maximus sa akin bago muling ipaalala ang tunay na misyon ko sa bansang ito.
“I will do that. I already talked to Hugi. Babalik na rin siya soon. May mga inaayos lang.” kalmadong sagot ko bago ilapat ang aking likod sa sandalan ng upuan.
“Good! Hindi basta mga mandirigma ang miyembro ng Alteza. Isa tayong pamilya. Ang sakit ng kalingkingan damay ang buong katawan. At sa bawat batas na ating sinunod dumarating lagi ang isang desisyon na naiiba sa nararapat basta usapang mahal sa buhay. Better to unwind first, before meeting them. Malay mo matipuhan ka ng matandang Russo at ikaw ang ipakasal sa kanyang apo.”
“OVER MY DEAD HOT AND SEDUCTIVE BODY! Aning aning ang babaeng ‘yun!” bulalas na kotra ko agad sa sinabi ni Maximus.
“‘Wag kang magsalita ng tapos. Minsan iba ang sinasabi ng bibig sa laman ng puso dahil pinanaig ang isip na kung tutuusin naguguluhan naman din. Malay mo having her on your side and life would be a win-win situation for the both of you. Sige na Mero, may gagawin pa ako. Just make sure na darating siya sa oras ng kasal namin.”
Plano ko pa sanang sumagot sa mga palaisipang sinasabi ni Maximus ng patayin niya na ang tawag. Talagang kung minsan hindi lang ang gold mask niya ang creepy kundi pati na rin ang kanyang mga sinasabi. Dahil sapul ng magkakilala kami malakas na ang impluwensya ni Maximus sa akin nahulog ako sa malalim na pag-iisip.
Inabot ako ng 8:30 pm bago nakababa. Kung hindi pa kumalam ng tuloy-tuloy ang sikmura ko hindi pa ako matatauhan. Ang hirap palang mag-isip kung sarili mong isip nilalaban ka maging ang kutob na iyong nararamdaman. Simpleng damit na lang ang sinuot ko dahil wala naman akong planong umalis pa ng hotel. Medyo wala na ring mga tao.
I think ang iba ay tapos na mag dinner at baka nga nasa mga gimikan na. Ang basang ito ay maraming magagandang lugar para puntahan. But after that day, nawala ako ng gana na tingnan o ni sulyapan ang magagandang lugar dito o sa iba mang bansa dahil mukha niya na luhuan ang nakikita.
Maybe she thought that I ruined her. Pero ang totoo mas nasira ko ang sarili ko ng araw na iwan ko siyang umiiyak.
“Oops! Sorry…. Hey! Ikaw yung receptionist. I believe you're half Italian and half Filipino.” wika ko sa babaeng magang maga ang mata.
“S-sir pakisabi naman sa girlfriend mo sorry na. Nainis lang ako sa kanya kasi pangit ang tawag sa akin. Sir, I need this job. Ako lang mag isa sa bansang to! Nasa Pilipinas na ang mga magulang ko.” utal at luhaan nasabi ng babae.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayoko naman siyang yakapin dahil medyo ‘di ko gusto ang yumakap sa mga babaeng hindi naman mahalaga sa buhay ko.
“Teka! Umiiyak ka kasi na alis ka sa trabaho dahil sa girlfriend ko. Tama ba?” tanong ko sa babae na halos kulapol na ang make up sa mukha.
“O-opo. I admit naman po na mali ako sa ginawa ko. Pero sana ‘wag akong maalis sa trabaho—”
“Pang FAMAS award ah!” singit naman ng anghel ang mukha pero may sungay naman ang ugali.
“M-ma’am please—”
“Ayoko ng mahina. Kung na alis ka sa trabaho mo. Hindi hihinto ang mundo. Find another job. Panindigan mong matapang ka. Kapag nagawa mo ‘yun hahanapin kita at ako mismo ang tutulong sa'yo para mas maging magaan ang buhay mo sa bansang ito. Hindi laging susi ang katapangan, gamitin mo ang utak mo para sa susunod hindi ka uuwi na luhaan at talunan. The management decision was already final.” tuloy-tuloy na sabi ng babaeng parang mas gumanda sa mga mata ko. Maldita, mayabang at umaapaw ang confidence sa sarili pero may puso siya at matalas na isip.
“Nauunawaan kita. Patawad sa ginawa ko. Mukhang nasira ko talaga ang moments n’yo—”
“No! That's fine. Wala kang nasira.” agap na sagot ng babae. Mukhang nag-background check ang babae bago gawin ang paghihiganti sana.
“He's not my boyfriend. Ako ang taong ayaw na binabastos at hinihidian. But I think it's a lesson learned. I'm sorry it won't happen again. And here's my card, call me kapag nagawa mo na ang magtagumpay na makahanap ng wasto at akmang trabaho para sa’yo. I need to go.” wika ng babae. Bago tuluyang lumakad palayo.
I guess I mis-judged her. Mukhang may karapatan namang mag yabang, mag-maldita, magma-tapang at magpaka-mataas ang babae.
“Bagay kayo sir. Ligawan mo. Paamuin mo ang wild cheetah.” sabi ng receptionist bago magpaalam para umuwi na.
Hindi ko na isip na ang pagiging savage na pananalita pala ay mas mabilis na pang gising sa taong nakukuntento na sa mga bagay na kulang para sa kanya.
“You gave me another face of realization.” iling na sabi ko. Tumuloy ako sa restaurant. Hinanap ko pa ang babae ngunit hindi ko na ito nakita.
*************************
I'm about to seek my revenge sa babaeng nanlaglag sa akin kanina sa kumag na lalaki. Pero ng malaman ko ang sitwasyon niya at kalakaran ng hotel. I changed my mind. Akala ko maganda ang pagpapalakad sa hotel kasi one of the top ito. Pero mali pala ako. I pursue the management to fire her. Alam ko na may naghihintay na magandang kinabukasan sa kanya sa labas ng hotel na ito.
Natulog ako ng sandali after manood ng kung anu-ano pero ng magising ako nakita ko na marami na palang tawag si Dad.
I call him back at nalaman ko na hinahanap pala nila ako kanina pa. Gladys called them asking kung nandoon ba ako. Kaya hinanap nila ako at nalaman na nasa hotel ako. Dad told me na may importante raw na bisita sa kumpanya bukas at kailangan nandoon din ako. I said okay at natapos agad ang tawag. Kumilos naman ako agad para maghanda na umuwi.
Naabutan ko sa baba sa may lobby na umiiyak ang receptionist sa fake boyfriend ko. Medyo naiinis ako pero nangibabaw ang tama.
I talked to her the way kung paano ako magpayo at sumuporta. Buti na lang gets ng babae. Nang masabi ko na ang gusto ko umalis na rin ako. Wala naman akong magagawa sa sitwasyon lalo na’t may taong ayaw sa akin. Umalis man ako sa hotel na tiyak ko naman na may baon akong aral mula sa kagagahan ko.
Pagdating ko sa mansyon humingi agad ng tawad si Gladys sa akin na tinawanan ko lang. Nagkwentuhan kami ng mga nangyari, at masasabi ko sa lahat ng ginawa kong mga kalokohan si Gladys lang ang hindi ako nagawang husgahan.
“Masyadong strong and independent woman ka. Iba ang atake mo sa mga bagay pero it doesn't mean na masama ka at walang pakialam sa iba. Kuhang kuha ko ang ugali mo.” wika ni Glad ng pareho na kaming tumayo sa upuan.
“Thanks, sapat na sa akin na may ikaw na nakakaunawa at nakakakilala sa akin mg husto.”
“May darating din para sa'yo. Maniwala ka lang.”
“Nge… ‘Wag na lang baka kagaya pa ng kumag sa hotel.”
“Sus…tulak ng bibig kabig ng dibdib.” kantyaw pa ni Gladys.
“Never! Over my dead flawless body.” tatawa tawang sabi ko sabay takbo paakyat ng hagdan.
Habang tumatakbo naman ako, nakikita ko ang mukha ng lalaki. Natigilan lang ako ng makita ko sa aking gunita ang mukha ni Ro.
"Hindi ako mahuhulog sa bitag ng kalahi mo Ro! Walang lalaki ang mananakit sa aking muli." ani ko sa aking sarili bago muling lumakad pataas.