PAGKATAPOS ng pag-uusap nina Katheryn at Aling Elsie ay ipinahatid siya ng mayordoma kay Aling Mona sa maid’s quarter. Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kuwartong iyon. Pagdating nila roon ay naabutan nilang walang tao sa loob. Maluwang ang buong kuwarto. Marahil ay kasing-luwang nito ang sala ng mansion. Napansin niya na may tatlong double deck sa loob. Mayroon ding built-in cabinet at malaking flat screen TV. “Ito ang higaan ni Keira.” Nilapitan ni Aling Mona ang pang-ibabang bahagi ng double deck na nakadikit sa tabi ng bintana. “Dito ka muna at maghahanda ako ng makakain mo.” Biglang nakaramdam ng hiya si Katheryn. “Naku, huwag na po. Hindi pa naman ako nagugutom.” Sobra naman

