HABANG nasa daan ay hindi maiwasan ni Katheryn na mapatingin sa mga nadadaanan nilang mga bahay. Magagara at malalaki ang mga bahay na nakikita niya. Karamihan sa mga ito ay nagmumukhang palasyo sa sobrang laki. Ang iba pa nga ay may ilang palapag ang taas. Napansin din niya ang mga maluluwang at magagandang garden at lawn ng mga bahay na naroroon. Hindi na siya magtataka kung mga milyonaryo at bilyonaryo ang mga nakatira sa village na ito. Nawili siyang tumitingin sa mga magagandang tanawin ng mga bahay na nadaanan nila. Hindi niya tuloy namalayan na huminto na ang sasakyan sa harap ng mataas na puting gate. Ilang sandali pa ay pumasok na ang sasakyan sa loob ng maluwang

