“ANONG sinabi ninyo? Nawawala si Keira? Paano nangyari iyon? Anong ginawa ninyo?” sunod-sunod na tanong ni Katheryn sa kanyang ina. Kararating lang niya sa bahay nila sa Puerto Princesa. Mahigit dalawang taon na nang huli siyang magbakasyon sa kanila. Kung hindi nga lang nagka-pandemya ay baka nakauwi na siya ng mas maaga. Inabutan siya ng lockdown sa Singapore kaya hindi siya kaagad pinauwi ng mga amo niya kahit tapos na ang kanyang kontrata. Nang payagan na siyang umuwi ay kinailangan pa niyang kumuha ng medical clearance bago siya makasakay ng eroplano kasama ang iba pang OFW. Pagdating nila sa NAIA, sinalubong sila ng mga tauhan ng OWWA at idineretso sa isang hotel sa Maynila. Doon sila

