“SIGURADO ka bang gusto mong dalhin ang mga ito sa bodega? Baka naman nabibigla ka lang. Pag-isipan mo muna,” paalala ng mayordoma kay Railey. “Sigurado na ako, Manang Elsie. Ito na ang tamang oras para tuluyan ko ng ibaon sa limot ang mga alaala ni Vivienne,” sagot ni Railey habang binabantayan nito ang dalawang kasambahay na nag-aayos ng mga naiwang gamit ng dating nobya. “Naku, sayang naman ang mga damit na iyan kung itatago lang. Ang mabuti pa siguro ay ipamigay mo na lang. Baka makatulong pa iyan sa ibang tao.” Napa-buntung-hininga si Railey. “Hindi na, Manang. Hayaan na lang natin iyan na nakatago. Ayokong makita iyan na ginagamit ng ibang tao. Ayoko ring isipin na may ibang t

