“I CAN’T believe that Vivienne did this to you! I thought she loved you that much,” iiling-iling na sabi ni Ronniel bago nito tinungga ang hawak nitong baso na may lamang alak. “Hey, stop that! Nakita mo na ngang nasasaktan ang tao, nang-iinsulto ka pa. Why are you rubbing salt on his wounds? Wala ka bang magandang sasabihin? We’re here to help Railey, ease the pain his bearing right now. So stop saying those words. You’re not helping him at all!” seryosong sabi ni Arnilo. Biglang natahimik si Ronniel sa sinabi ni Arnilo. Si Railey naman ay parang walang naririnig. Tahimik itong lumalagok ng alak. “Easy man, that’s not water,” sita ni Ronniel nang mapansin ang sunud-sunod na pagl

