NAALIMPUNGATAN si Vivienne nang maramdaman ang mabigat na bagay na sumayad sa mukha niya. Pagbukas niya ng mata ay nabungaran niya ang nandidilat na mata ng isang di kilalang babae. Bata pa ang babae. Kung hindi siya nagkakamali ay mas matanda lang ito sa kanya ng ilang taon. Maganda ito kahit kayumanggi ang balat nito. Maayos ang pananamit nito at may makapal na make up. Pero sa unang tingin pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam niya rito. Mukhang hindi ito mapagkakatiwalaan. “Sa wakas nagising na rin ang ambisyosang babae! Kumusta naman ang tulog mo?” nakangising tanong nito. Napakunot ang noo ni Vivienne. “Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?” Akmang tatayo siya pero natigilan siya nang mapansing nakatali ang mga kama

