“BROD, wala pa ba siya?” tanong ni Arnilo na siyang tumatayong best man ni Railey. Napailing si Railey kasabay ng pagsulyap sa suot na relo. “Wala pa naman siya? Normal lang ba na ma-late ang mga bride sa kasal nila?” ang hindi niya maiwasang itanong sa kaibigan. Fifteen minutes ng late si Vivienne. Hindi naman ito nale-late sa mga usapan o date nila. Kadalasan ay nauuna pa nga ito sa kanya. Pero kung kailan naman dumating ang araw na pinakahihintay nila ay saka pa ito na-late. “Iyan ang hindi ko alam. Hindi pa ako ikinakasal kaya wala akong ideya sa bagay na iyan. Bakit hindi mo siya tawagan?” suhestiyon ni Arnilo. Akmang ilalabas ni Railey ang ceelphone niya mula sa suot

