“ANG GANDA-GANDA naman ng anak ko! Para kang prinsesa sa suot mong trahe de boda. Ang sosyal mong tingnan!” natutuwang sabi ni Aling Virgie sa anak. Bahagyang natawa si Vivienne sa sinabi ng ina. Siya man ay hindi rin makapaniwala sa transpormasyong nangyari sa kanya pagkatapos siyang malagyan ng make-up at maisuot ang damit pangkasal. Ang buong akala niya ay sa panaginip lang mangyayari ang lahat ng pinapangarap niya. Bata pa siya ay pinangarap na niyang makapagsuot ng magandang trahe de boda sa araw ng kasal niya. Hindi niya akalaing matutupad iyon sa pamamagitan ni Railey. Wala kasi sa tipo ni Railey ang magpapatali sa iisang babae. Pero salamat na lang at may pagka-pakialamera

