KANINA pa nakatunganga si Railey sa tambak na folder sa ibabaw ng kanyang mesa. Hindi niya alam kung alin ang uunahin sa mga ito. Mula nang mangyari ang gulo sa opisina noong nakaraang linggo, hindi na niya pinabalik si Elisse. Nag-aalala siya sa kalagayan nito. Kaya pinatira niya ito sa isang safehouse para masiguro na ligtas ito. Hindi niya alam kung ano ang kayang gawin ni Justine laban kay Elisse kahit pa sabihing nasa loob na ito ng kulungan. Wala pa siyang nakuhang kapalit ni Elisse kaya si Arriane muna ang tumatayong sekretarya niya bukod sa trabaho nito sa reception. Hindi sanay si Arrianne sa trabaho ni Elisse kaya kahit siya ay nahihirapan din. Ayaw naman niyang

