PAGKATAPOS mapaliguan ang alaga ni Katheryn ay pinakain na niya ito. “Naku, Katheryn, huwag mo siyang masyadong pakainin ng marami. Magiging mabigat ang katawan niyan. Mahihirapan ka lang,” sita ni Manang Mely, ang isa sa kasama niyang katulong, nang makita nito na pinapakain niya si Mam Precy. “Okay lang po iyon, Manang. Kailangan po ni Mam Precy na makakain ng maayos. Mas mabilis po ang paggaling niya kung maayos siyang makakain,” aniya habang sinusubuan ang matandang alaga. “Umaasa ka ba na gagaling pa siya? Ilang taon na siyang ganyan. Pang-anim ka na nga na nag-alaga sa kanya. Pero hindi pa rin gumagaling. Baka hanggang mamatay na lang siya ay ganyan pa rin ang kalagayan niya

