“SO ANY plans for today? Wala ka bang planong lumabas? O may balak kang puntahan? Available ako ngayon,” nakangising bati ni Arnilo nang pumasok ito sa opisina ni Railey nang umagang iyon. Napakamot ng batok si Railey. Umagang-umaga ay nandito na naman ang kaibigan niya. Hindi siya makapaniwalang may inaasikaso itong trabaho. Panay kasi ang pag-iistambay nito sa opisina niya. “Wala ka bang trabaho at nandito ka na naman?” Sinulyapan lang ito ni Railey ngunit ibinalik din niya agad ang atensyon sa binabasa niyang report. “May mga tao naman akong binabayaran para magtrabaho. Kayang-kaya na nila iyon,” katwiran ni Arnilo sabay ngisi sa kanya. Napailing na lang si Railey. “Ang sabihin m

