IBINABA ni Railey ang dalang bulaklak sa puntod ng anak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nabuntis niya si Vivienne bago pa man ang schedule ng kanilang kasal. Kung hindi sa ikinuwento ni Nanay Helen ay hindi talaga siya maniniwala na buntis si Vivienne bago ito nawala. Marahil ay alam nito ang bagay na iyon kaya minmadali nito ang kanilang kasal. Dangan nga lamang at hindi natuloy dahil sa masamang pangyayari. Matapos maikuwento sa kanya ang nangyari sa pinagbubuntis ni Vivienne ay inalam na rin niya kung saan ito inilibing. Nang malaman niya kung saan ito nakalibing ay ipinahukay niya ang natitirang abo nito at inilipat sa libingang ipinagawa niya para k

