“KAILAN po kaya siya magigising, dok?” nag-aalalang tanong ni Railey sa attending physician ni Vivienne. Isang linggo na mula ng ma-rescue nina Erika ang nobya. Mas naunang dumating sa nasusunog na bahay ang grupo nina Sherwin bago ang mga bumbero. Nagtataka man ay hindi na nag-usisa si Railey. Alam niyang may pambihirang kakayahan ang mga bagong kaibigan. Nagpapasalamat na lang siya at nailigtas nila si Katheryn. Dahil kung umasa lang siya sa mga, bumbero, baka hindi na nila naabutan ang nobya. Kinilabutan si Railey nang maisip ang bagay na iyon. Kung hindi nakaligtas si Katheryn sa sunog, hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Baka sabay sila ni Vivienne na paglamayan.

