Chapter 3

746 Words
"Hijo, maaari ba kitang nakausap?" Tanong ni Ava sa akin habang nakasilip sa pintuan ng opisina ko. Matanda na si Ava. Ayaw ko lang siyang tawaging "manang" o "Yaya". She is more than that. Sinenyasan ko siyang pumasok at maupo sa visitor's chair. "Yes, Ava?" "Mali iyong ginawa mo," malumanay na sabi niya sa akin. "Mali na i-offer mo sa kanya ang ganoong sitwasyon uli, hijo." "P-Pero, Ava, iyon lang naiisip kong paraan para maging akin ulit siya. I'm not the old Daniel. Nag-bago na ako." "Hijo, kung nag-bago ka na, dapat hindi mo na ini-offer ang bagay na iniwan niya rati. Masakit iyon para sa kanya." Paliwanag ni Ava. "Limang taon na ang nakakalipas, hijo. Pero naalala ko pa rin ang paraan ng pagtingin ni Shaina niya sa'yo. Minahal ka ng batang iyon, Daniel. At kung ang dahilan ng paghahanap mo sa kanya ay dahil may nararamdaman ka sa kanya ay ayusin mo, hijo." "A-Ava, hindi kasi madali ang lahat---" "Pinapalala mo lamang ang sitwasyon, Daniel. Kung gusto mong bumawi, huwag mo nang gawin ang mga pagkakamali mo noon." Tumayo na ito at tinalikuran ako. Akala ko ay tuloy-tuloy na siyang aalis, pero huminto siya sa may pintuan pagka-bukas niya noon. "Siya nga pala, may anak na si Shaina at may asawa na rin. Hindi na siya magiging sa'yo ulit, Daniel." Ilang minuto na ang lumipas bago pumasok sa utak ko ang sinabi ni Ava. "f**k! Hindi puwede!" *** "Mommy! Mommy!" Kumakaway na salubong ni Dustin sa kanya. Tumatalon-talon pa ito at inaabot siya. Gustong magpakaraga ng bata sa kanya. Kinarga niya ito at hinalikan. "Hi, baby!" "Mommy! Mommy! Binilhan kami ni Tita Marites ng maraming chocolate. Do you want some, Mommy? Tinirhan po kita." Nginitian niya ang anak bago muli itong hinalikan. "I saw your Daddy, baby." Nawala sandali ang ngiti ng bata at napababa. Tumakbo ito sa kotse ni Marites. Dahil naka-lock iyon ay hindi nakapasok si Dustin. Lumingon ito sa kanya habang sunod-sunod na sumisinok. "Mommy, let's go back where you see Daddy. I want to see him, too." Tuluyan na itong umiyak. Tumalon-talon pa ito bago napaupo sa tabing kalsada. Lumabas tuloy ang pamewang ng diaper na suot nito. "Baby, stand up please." Pakiusap niya sa anak bago ito nilapitan. Nagpumiglas pa ito bago itinuro ang pintuan ng kotse. "No! No! Mommy! W-want to... to see Daddy. Please! Please! Please!" Mas lumakas ang iyak nito. Hindi niya mapatahan si Dustin kaya lalo siyang natakot. "Baby, stop na, please. Don't cry na, baby. Please, calm down." Patuloy ang pakiusap nito sa anak. Napalabas na rin si Marites ng bahay nila at tinulungan siyang patahanin si Dustin pero wala pa rin "C-Can't bre...ath, M-Mom... can't," nataranta si Shaina ng marinig iyon sa anak. Dali-dali niya itong kinarga at isinakay sa kotse. "Sunod ka sa hospital, Marites." Natatarantang sabi niya bago pumasok sa kotse at mabilis na nag-drive papuntang hospital. Hindi pa rin tumahan si Dustin, Mahina pa rin itong umiiyak kahit hirap na hirap na itong huminga. "Ano bang nangyayari sa'yo, anak?" Dali-dali silang inasikaso sa hospital. Ipinasok sa Emergency room si Dustin kaya hindi niya ito malapitan. Pero nakita niya itong kinabitan ng oxygen. Hindi siya mapakali, nang dumating si Marites ay hindi niya ito masagot. Lumabas ang doktor sa kuwarto pagkalipas ng halos 10 minuto. "Kalmado na po ang anak niyo, Misis. We sedated him and give him an oxygen to help him in breathing. May history po ba ng asthma ang pamilya niyo?" Sandaling nag-isip si Shaina. Umiling siya rito bilang sagot. "Possible po kasing genetics ang probable cause ng asthma ng bata. Maayos na naman siya sa ngayon. Puwede niyo na rin siyang ilabas mamaya kapag nagising siya. Settle your bills at the billing counter na lang, Misis. Una na po ako." Nakahinga ng maluwag si Shaina nang marinig na ayos na si Dustin. "Bakla, ba't dito mo dinala si Dustin? Private 'to, bakla, private." Napapikit na lang siya ng mariin. Ito kasi ang pinaka-malapit na hospital sa kanila at sobrang nag-aalala siya sa anak kaya hindi na niya napansin na private pala ito. "Wala tayong pambayad, baks!" Namo-mroblemang sabi ni Marites. "Gagawa ako ng paraan." Mahinang sabi ni Shaina. She doesn't want to face Daniel anymore but now? She badly needed the money. Hindi niya mailalabas ang anak niya rito sa hospital kaya kailangang na siguro talaga niyang harapin si Daniel at tanggapin ang offer nito. Just be his slave again, Shaina. Just be his slave once again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD