Chapter 04

1038 Words
A/N: Hindi ko mapigilan na mag-shift from First POV to Third POV.? CHAPTER 05 "Ava! Ava! Ready my luggage, I'll be going to---" Napatigil sa pagsasalita si Daniel habang naglalakad sa salas ng makita ang isang babae. 'Hermosa, baby...' Katulad noong una niya itong nakita. Shaina's beauty is incomparable. He just can't compare it to anyone because there is this thing about Shaina that really caught his eyes and makes her more beautiful in his eyes. "D-Daniel..." Maayos niya itong hinarap. Tumitig siya sa kulay abo nitong mata. Mugto ang palibot nito at halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Itinaas niya ang kamay para hawakan sana iyon nang mapansin niyang napapikit si Shaina at halatang natatakot sa susunod niyang gagawin. Nanginginig ang mga kamay nito at mariing nakakagat sa labi. "Open your eyes, Shaina. I won't hurt you," mahinahong sabi niya rito. "Why did you cry?" Umiling lang ito at parang nanghihinang umupo ulit sa sofa na inuupuan nito kanina. "K-Kailangan ko ng pera, Daniel. I-I'm... ahm I'm a-accepting your offer. I'll be your slave once again." Lumuluhang sabi nito sa kanya. Napabuntong-hininga si Daniel. Shaina's crying, she is suffering. "Hindi ko na kailangan ng slave, Shaina." *** SHAINA'S POV Hindi ako tinigilan ni Ava hangga't hindi ko sinasabi sa kanya lahat ng nangyari sa akin noong umalis ako. And I tell her everything. Every pain and suffering. She cried with me and promise to take care of me, again. Gusto niya ring makilala ang anak ko kaya nangako akong lalabas kami sa susunod. Kakaalis lang ni Ava ng marinig ko ang pag-parada ng isang sasakyan sa labas. Si Daniel... At hindi nga ako nagka-mali. Dahil habang papasok pa lamang siya ay may inuutos na siya kay Ava. Napatigil lang ito ng makita ako. Siguro nga ay hindi na mawawala ang takot ko sa kanya na baka saktan niya ulit ako. "Open your eyes, Shaina. I won't hurt you," mahinahong sabi niya sa akin, pero ang hirap paniwalaan. "Why did you cry?" Umiling ako sa kanya at nanghihinang napaupo. "K-Kailangan ko ng pera, Daniel. I-I'm... ahm I'm a-accepting your offer. I'll be your slave once again." Hindi ko na napigilan na muling mapaluha. Hindi ko tanggap na gagawin ko ulit ito pero kailangan. 18 years old lang ako noong pinadala ako ng mga magulang ko rito. Graduate ako ng highschool at undergrad ng college pero walang tumatanggap sa akin sa kahit anong trabaho. Wala kasi ang mga credentials ko. Pinaiwan iyon nila Papa sa akin at hanggang ngayon hindi ko iyon makuha. "Ipinahiya mo ako, Shaina. Hindi kita inalagaan para maging mahina. Umalis ka rito sa pamamahay ko. You left Santorini's mansion a week ago and Daniel's father is mad." Galit na sabi ni Papa sa akin nang umuwi ako at nanghingi ng tulong. "P-Papa, s-sinasaktan ako ni Daniel doon. P-Papa n-nabuntis niya po ako," umiiyak kong sumbong pero isang malakas na sampal lang ang natanggap ko mula sa kanya. "Walang hiya ka! Lumayas ka rito, wala akong anak na disgrasyada at naninira ng kapwa!" "Hindi ko na kailangan ng slave, Shaina," sabi ni Daniel na nagpa-balik sa akin sa kasalukuyan. "P-Pero kailangan ko ng pera, Daniel." "Aanhin mo ba ang pera, ha?" Tumitig ako sa kanya at nag-aalangan kung sasabihin ko sa ang dahilan ko. Pero... paano kung saktan niya rin ang anak namin? Hindi ko kakayanin kung ganoon. "N-Nasa hospital ang anak ko, Daniel," mahinang sabi ko. Hinintay ko siyang mag-salita habang nakayuko ako, pero ilang minuto na siguro ang lumipas, wala itong sinabi. Kaya naman ay dahan-dahan among nag-angat ng tingin sa kanya. *** Hindi malaman ni Daniel kung ano ang mararamdaman niya dahil sa nalaman. Si Shaina m-may anak na. "P-Please, Daniel. Wala akong pambayad sa hospital." Bumuga siya ng marahas na hangin. Bago nag-isip. Kilala niya kasi si Shaina. Hindi ito basta-bastang babae na magpapa-buntis na lang kung kanino. Posibleng akin ang bata, 'di ba? 'Pero paano kung may gumawa rin sa kanya ng ginawa mo?' Napaisip ulit siya. Posible iyon, pero posible rin namang hindi. He would take this risk. 'Maybe, Shaina got pregnant and hide because she's scared of me and now maybe, just maybe, that child is mine' Gulong-gulo ang isip niya. Nagtatalo ang magkabilang bahagi noon kaya nahihirapan siya. Pero kailangan niyang mag-isip ng paraan. "I-Ipakita mo muna sa akin ang bata, tutulungan kita." Kitang-kita no Daniel ang pagka-wala ng kulay ng mukha ni Shaina. At hindi siya ipinanganak kahapon para hindi maintindihan ang ibig sabihin noon. "D-Daniel..." "Anak ko ba iyon, Shaina?" Nanginig pa lalo ang kamay ng dalaga. Bagay na nag-kumpirma ng mga hinala niya. Hindi magaling magtago ng sikreto so Shaina. Masyado itong madaling mabasa at isa iyon sa gusto niya sa babae. Hinila niya ito ng marahan patayo bago sabay silang lumabas. Umiiyak na ito at pinagtitinginan na sila ng mga katulong na nadadaanan nila. "D-Daniel..." Binuksan niya ang pinto at maingat na inalalayan si Shaina papasok. He jog to reach the driver's seat. He put their seatbelts and start the engine. "Where to?" Tanong niya. Nanginginig ang sinabi nito ang address ng hospital. Tahimik siyang nag-drive habang nag-iisip ng mabuti. "M-May pakiusap sana ako, Daniel," maya-maya'y basag nito sa katahimikan. "What is it?" "P-Please don't hurt him like what you did to me." Parang may sumuntok sa puso ni Daniel dahil sa sinabi ng dalaga. Hindi soya umimik at nag-focus lang sa pagma-maneho. He didn't want to open his mouth, baka may masabi na naman siyang pagsisisihan pagkatapos. They quietly reach the hospital and walk towards the room of Shaina's child, or should he say their child? "B-Baby, Mommy is here." Bati nito sa maliit na batang lalaki na nakahiga sa kama at nagba-basa ng discovery book. The boy sequel and grin happily. "Mommy! Mommy! Hug and kiss me!" Hindi mapigilan ni Daniel na mapalunok habang nakatitig sa bata. It was his genes and Shaina's genes mixed together. And their son is so adorable. "Hi!" Bati niya ng dumako ang mata ng bata sa kanya. "Who are you?" Isa na siguro sa pinakamasakit na tanong mula sa batang nabuo nila ni Shaina ang tanong na iyon. He is his father, yet he didn't know him. 'Is it my fault? Or Shaina's?' Tanong niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD