Kabanata 5

2470 Words
Whispering Destiny Kabanata 5 | Vales Realm I _____________________________________ Misty I silently watch their every movement in the screen when a question pops out in my mind. "I was wondering, paano sila nagkaroon ng duplicate mystique? They even used it unconciously a while ago. At paanong hindi natin naramdaman ang kanilang presensya noon pa man kung gayong napakalakas nila?" Naguguluhang tanong ko. Hindi maaaring sila ay nagtataglay ng duplicate na mystique dahil ang pagkakaroon ng kaparehas na mistika sa mundong ito ay napakaimposible. Isa pa sa aking ikinatataka ay kung paanong magkakasama silang lima na nagtataglay ng mistika at 'di man lang sila naramdaman ng mga Elliol? Sino ba sila? Who they really are? ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ Airilyn "Arlo!" sigaw ko. Parang bumagal ang pangyayari sa aking mga mata sa biglang pagsabog ng kalan at ang mabilis na paggapang ng apoy sa aming gawa sa kahoy na tahanan. Palapit na ang apoy kay Arlo. Para akong natigilan sa aking kinaroroonan at hindi malaman ang gagawin nang makarinig ako ng mahinang bulong sa aking kanang tenga. "You can save him," bulong ng kung sinong ponsyo pilato sa utak ko at bigla na lang lumakas ang hangin at unti unting humina ang apoy na dapat ay papalapit kay Arlo. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Arlo at ang biglang pagkaupo niya sa sahig ng unti unti siyang palibutan ng apoy. "Hayaan mo akong tulungan kita," bulong pa sa akin ng boses. Pilit ko itong hinahanap sa aking paligid ngunit tanging ang naglalagablab na apoy lamang ang aking nakikita. "Sino ka?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya pinansin ang tanong ko at nagpatuloy sa pagbulong. "Call my name and I will help you," bulong niya pa ulit sa utak ko at unti unti nang lumalapit ang apoy sa amin at ramdam ko na ang init nito. "Tulong! Tulungan niyo ako!" narinig kong sigaw ni Arlo. Sa nakalipas na ilang taon ay sinisi ko pa rin ang sarili ko sa kanyang pagkamatay. Kailangan kong mailigtas ang aking kapatid. Sa ganitong paraan lamang ay mabago ko ang mapait na sinapit niya. Kailangan kong gumawa ng paraan para sa aking Lune. Nagulat ako sa biglang paglabas ng isang puting agila sa aking harapan. "Yes, that's my name, Lune," nagulat ako sa sinabi niya at napapikit ng nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya na dumadaloy sa aking katawan sa paglapat ng ibon sa aking balikat. "Ate!" Sigaw ulit ni Arlo kaya agad agad akong dumilat at nakaramdam ng napakalakas na puwersa sa katawan ko. Unti unti ng lumalapit sa kanya 'yong apoy na ikinabahala ko. Nakaramdam ako ng biglang paglakas ng hangin na ikinalakas din ng apoy at ikinalipad ng buhok ko. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang mabago ko 'yong nangyari noon. "Use your mystique. You can alter every memory in your mind," bulong niya pa ulit sa isip ko at biglang humangin ng sobrang lakas na ikinaatras at ikinapatay ng iilang apoy na nakapaligid sa akin at kay Arlo. "Paano? Paano ko gagawin ang bagay na 'yan?" Tanong ko pabalik sa kanya. "Nasa ilalim ka ng iyong mga alaala. Anumang nangyayari rito ay gawa ng iyong malayang pag-iisip. Ikaw lamang ang makakapigil dito," sabi niya. Hindi ko man lubos na naiintindihan ang ibig na iparating niya sa akin, gayon pa man ay ipinikit ko ang aking mga mata at inisip na mawala ang apoy, ngunit bigo ako. "Think Airilyn. Think," dagdag niya pa. "Tulong! Tulungan niyo po ako!" Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang paghingi ng tulong ng aking kapatid. Muling nilipad ang buhok ko dahil sa paghampas muli ng hangin na imbis na ikahina ng apoy ay mas lalo lamang nitong ikinalakas. Hangin. Naalala ko 'yong sinabi sa amin ni Vera noon sa isa naming klase, "Fire is composed of air, so without it fire is nothing." Kaya nakabuo ako ng ideya sa isip ko, salamat kay Vera. Kayang palakasin ng hangin ang apoy kaya, kayang kaya rin ng hangin na patayin ito. Ginamit ko ang aking isipin at pinukos ang aking isipan sa paghigop sa hangin. Maliit na napangiti ako nang makitang gumagana ito dahil sa pagliit ng apoy na nakapaligid sa aking bunso. "Stop, Ari, hindi mo pa kakayanin ang pagmanipula ng elementong hangin sa iyong isipan," pagpapatigil sa akin ni Lune sa paghigop sa hangin pero nakita ko iyong takot sa mga mata ni Arlo kaya hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya sa akin at mas pinukos ang aking isipan sa paghigop ng hangin. Hindi maaari. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikitang wala na ang apoy at ligtas ang kapatid ko. Halos mapaluhod ako sa sobrang sakit ng ulo ko pero hindi ko pa rin tinigilan ang paghigop sa hangin. Kahit ngayon lang. Pakiusap. Kahit ngayon lang ay magligtas ko ang bunso kong kapatid. Nakita ko ang unti unting paghina ng hangin hanggang sa tuluyan na itong nawalan. Hindi ko mapigilang hindi tumulo ang aking luha pababa sa aking magkabilang pisngi nang makita ko ang kalagayan ni Arlo na maayos at walang nangyaring masama. "Nagawa ko," naiusal ko kasabay ng sunod sunod na pagtulo ng aking mga luha sa galak na aking nararamadan, pero halos magpagulong na ako sa sahig sa sakit na biglang pumangibabaw sa akin. "I said stop. Pinalala mo lang ang lahat," sabi ni Lune. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Para itong ginigiling sa sobrang hangin sa aking isipan na dumadaloy papunta sa aking mga kalamnan. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking ulo sa sakit na nararamdan at wala akong magawa para patigilin ito. "I won't let you die," sabi niya at parang bulkang lumabas ang hanging hinigop ko mula sa aking katawan. Malakas na napahiyaw ako sa sakit na dala nito. Bago pa man ako mawalan ng malay ay pinasadahan ko ng tingin ng aking bunsong kapatid. Nagawa ko. Nailigtas ko ang aking kapatid. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ Sirene "Tama na! Eren!" Palahaw ko habang pinapanood ang direksyon ng bala papunta kay Eren. "Hindi ka mahina, Sirene," bulong ng kung sino sa isip ko na ikinabigla ko. Pero mas ikinagulat ko ang paglihis ng direksyon ng bala kasabay ng aking muling pagsigaw na ikinaiba nito ng direksyon. "Anong nangyayari?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa kamay kong nanginginig at tuhod kong bumigay na sa sobrang panginginig. Mabilis na naalis sa aking kamay ang atensyon ko ng may maliit na osong puti ang biglaang sumulpot sa aking harapan at bigla na lamang pumatong sa aking ulo. Kapag patong pa lamang ng osong puti sa aking ulo ay nakaramdam ka agad ako ng kakaibang puwersa at enerhiya na ikinapikit ng aking mga mata dahil sa kakaibang sensasyong dala ito. "Magandang umaga Binibining Sirene! Ako si Annie," pagkuwang pakilala ng osong puti sa aking isipan kasabay ng pagkaramdam ko ng pagdaloy ng kakaibang enerhiya sa 'king katawan. Hindi ko na alam ang nangyayari at kung paanong nakakapagsalita ang isang oso. Ang alam ko lamang sa mga oras na ito ay nasa ilalim ako ng kakaibang puwersa at sensasyong hindi ko matakasan. Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nakita kong nakatutok na sa akin ang b***l na kanina lamang ay kay Eren nakatutok. "Pakialamera!" singhal niya sa akin at walang pagdadalawang isip na ikinalabit niya ang kanyang hawak hawak na b***l. Pakiramdam ko ay lumakas ang aking pandama kaya't nagawa kong maiwasan ang bala sa paggulong sa ibang direksyon. Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa. Dala na rin siguro ng aking nagkukumahog na kagustuhang makaligtas mula sa peligro. Ang tanging naglalaro na lamang sa aking isipan sa mga oras na ito ay ang mailigtas si Eren at wala ng iba pa. "Talagang ginagalit mo ako!" singhal niya at biglang nagpaputok ng sunod sunod. Parang may sariling isip ang aking katawan sa pag-iwas sa nga balang pilit na pinapatama sa akin ng lalaki. Sing gaan ng hangin ang aking katawan at rinig na rinig ko ang bawat paggalaw ng mga papatamang bala sa akin. Nagulat ako nang makitang may balang papunta kay Eren kaya agad agad akong na alerto at tumungo sa direksyon niya habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo at paggalaw. "Eren!" sigaw ko at agad iniwas siya sa bala na dapat tatama sa kanya. Hingal na hingal akong tumayo bago tulungan si Eren sa pagtayo, ngunit gayon pa man ay ramdam ko pa rin ang naguumapaw na lakas sa aking katawan. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya pero hindi na siya nakasagot pa nang makarinig ako ng balang patama sa amin mula sa likuran kaya agad akong gumawa ng paraan at iginulong ang katawan naming pareho ni Eren pa iwas mula rito. "Sirene..." garagal na tawag ni Eren sa akin at halos lumugmok ang aking ekspresyon sa aking nakikita. Punong puno ng dugo ang bahagi ng tagiliran ni Eren mula sa tama ng bala. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Alam ko lang ay nandilim ang aking paningin sa dugong aking nakikita at ang 'di mawaring reaksyon at sakit sa mga mata ni Eren. Galit. Iyon ang namumutawi sa akin ngayon. Galit ako dahil akala ko'y maililigtas ko na si Eren mula sa kapahamakan ngunit mali ako. Ito pa rin ako, mahina katulad ng dati na na walang ginawa kundi ang umasa sa mga kaibigan. "Hindi ka mahina Sirene. Lagi mo itong tatandaan. Kailangan mo lamang i-pokus ang iyong sarili sa iyong mga kalakasan imbis na sa iyong mga kahinaan," utas ni Annie sa akin. Parang hinaplos ang aking puso sa sinabi niyang ito. Nagsimulang pumatak ang luha sa aking mga mata sa kanyang mga sinabi. Tama siya. Palagi ko na lang kasing tinutuon sa aking kahinaan ang sarili ko. Ni minsan ay 'di ako sumubok na lumaban dahil sa takot at pangamba kong makasakit ng tao kahit pa'y ako ang ma-agrabyado. Pero iba ang sitwasyon namin ngayon. Kailangan ako ni Eren. Kailangan niya ang lakas ko. Naimulat ko ang aking mata ng muli akong makarinig nang malakas na tunog ng pagputok ng b***l na papatamang muli sa amin. Sa naluluha kong mata ay sinalubong ko ang papalapit na bala sa amin. Sa linaw ng aking mga mata ay kitang kita ko ang bawat paggalaw ng bala maging ang tunog nito na animo'y musika sa aking pandinig. "Le vuk hasr." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang aking salitang sinambit na nagdahilan ng pag-abo ng bala bago pa man ito tuluyang tumama sa akin ng tuluyan. "P-paanong..." Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki sa kanyang sarili sa nasaksihang pag-abo ng kanyang bala. Bagamat maging ako ay gulat at hindi rin makapaniwala sa nangyari ay mas nangingibabaw ngayon sa akin ang kagustuhang iligtas si Eren na hindi ko na makwestyon ang aking kakaibang nagawa. Nakita ko ang aligagang paglalagay muli ng bala sa kanyang b***l. Kaya't agad akong tumayo at tinungo ang kanyang direksyon. Iligtas si Eren. Iyon lamang ang nangingibabaw sa akin sa mga oras na ito. "Tama na. Itigil mo na ang iyong balak na gawin," pagkukumbinsi ko sa lalaking aligaga pa rin sa kanyang ginagawa. "Hindi maaari! Papatayin ko kayong dalawa sa mismong mga kamay ko," puno ng galit at pag-aasam na ani ng lalaki. Hindi ko alam ang ka dahilanan niya at gusto niyang saktan si Eren pero buo na ang loob ko na harapin ang takot ko. "Ao lien dzi mier," utas ko sa mga salitang kahit ako'y hindi malaman kung saan nanggaling. Kusa na lamang itong lumalabas sa aking isipin na wari'y ginagabayan ako sa aking gustong mangyari. Malakas na lumipad ang katawan ng lalaki sa malapit na pader matapos ko iyong sabihin na nag-dahilan ng pagbitaw niya sa kanyang hawak hawak na bala. "Anong ginawa mo? Lumayo ka sa akin!" palahaw niya pero nangingibabaw sa akin ngayon ang kagustuhang matapos na ang kasakiman ng lalaki. Isang metro na lamang ang layo ko sa kanya. Kitang kita at rinig na rinig ko ang takot na namumutawi sa kanyang buong pagkatao. Ibang iba kumpara sa kanina ang lalaking kaharap ko ngayon. Dito ko napatunayan na malakas lamang ang tao kapag may posesyon silang dala dala gaya ng lalaking ito. Ngunit kapag nawala ang posesyong nagbibigay sa kanila ng lakas at kapangyarihan ay nawawala ang tapang nila. Hindi ko na alam ang gusto kong mangyari sa lalaki sa harapan ko. Gusto ko lamang siyang pagbayarin sa kanyang p*******t sa taong mahalaga sa aking buhay at mailigtas kaming pareho. "Parang awa mo na! Suko na ako! Pakawalan mo lamang ako!" Pagmamakaawa niya sa akin na lubos kong ikinabigla. Natigilan ako sa aking paglakad at bahagyang lumambot ang aking mga mata. Lingid sa aking kaalaman na taktika lamang iyon ng lalaki at kinuha ang oras na iyon upang hugutin sa tagiliran ang b***l at mabilis akong patamaan ng isang silencer kaya't hindi ko ito naramdaman o marinig man lang. Sa pagkabigla ko ay hindi na ako nakaiwas pa ngunit bago pa man ito tuluyang tumama sa akin ay naiusal ko ang mga salitang nagpawala ng malay sa lalaki. Bumagal ang oras at halos mapahiyaw ako sa sakit nang pagtama ng bala sa aking dibdib. Nandilim ang aking pandinig at halos wala akong marinig. Naramdam ko na lang ang pagbagsak ng aking katawan mula sa konkretong sahig. Sa pagbagsak ko sa sahig ay mas lalo lamang sumakit ang nararamdaman ko. Parang pinapaso ang aking dibdib sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sakit. "Tama na! Ayoko na!" sigaw ko sa sakit na aking nadarama kasabay ng pagtulo ng luha sa aking magkabilang pisngi. Hindi ko mawari ngunit hindi lamang ang tama sa dibdib ang sumasakit sa akin kundi maging ang aking buong katawan. Rinig na rinig ko ang bawat pagkilos sa aking paligid maging ang aking sariling paghihingalo na ikinasasakit ng aking tainga. Pakiramdam ko ilang minuto lang ay sasabog na ang aking tainga sa sakit. "TAMA NA! ANG SAKIT SAKIT NA!" "Ilabas mo lang ang sakit na nadarama mo Sirene. Nandito lang ako. Ilabas mo ang iyong natatagong lakas," ani Annie. Hindi ko na namalayan ang nangyayari sa paligid ko ngunit rinig na rinig ko ang paggalaw ng lupa at ang pagwarak ng iilang poste na malapit sa amin sa pagsigaw ko. Isinigaw ko lahat ng sakit na nadarama ko at tila nababaliw. Nang mawalan ako ng lakas, sa nandidilim kong mata ay ipinilit ko pa ring tinanaw ang pilit na lumalapit sa direksyon kong si Eren habang unti unti ng bumabagsak ang gusali sa likod niya at si Annie na nakaupo sa harapan ko. Ramdam ko ang pagkadismaya sa kanya kabaliktaran sa aking nadarama sa mga oras na ito. Sa wakas. Nagawa ko. Nagawa kong tumayo at mailigtas ang aking kaibigan. Hindi ako mahina. Hindi na. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD