Whispering Destiny
Kabanata 6 | Vales Realm II
_____________________________________
Eren
"Mama! Tulong! Tulungan niyo ako!"
Napapikit na lamang ako at napadasal sa pagkawalan ko ng balanse. Tinawag ko na lahat ng santo at kaninununuan ko dahil sa sobrang takot ko sa pagkahulog. Shet 'di ba ito iyong moment na may darating na kaakit akit na prinsipe para tulungan ako? Asan na Lord? Bakit wala naman.
"Tawag mo ako?" Hindi ko alam kung papaano ngunit tumigil ang oras na nagpatigil sa paggalaw ng lubid na tulay bago pa man ako tuluyang mahulog kaya nagkaroon ako ng oras upang kumapit at ibalik ang balanse ko kahit pa nagkaroon ako ng maliit na daplis sa braso.
Akala ko nananaginip lang ako at eme eme ko lang iyong pagkatigil ng oras pero nakumpirma nito ang parang na estatwang ibon sa himpapawid.
Ngunit halos mawalan muli ako ng balanse nang mapagtanto ko ang biglang paggalaw ng tulay habang naglalakad ang isang napakaamong mabalahibong itim at puting pusa.
"Tawag mo ako?" walang kaabog abog na tanong muli ng pusa sa aking isipan habang naglalakad papalapit ito sa akin.
Lord sabi ko prinsipe bakit pusa ang ibinigay mo sa akin? At nagsasalita pa nga?
Nababaliw na ba ako? Pusa nagsasalita? Lord ang hina ko naman sa 'yo. Bakit ka ganyan.
"Ingay mo," ani pa ng maamong pusa bago pumatong sa bisig ko na maliit na ikinatalon ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng simulan niyang dilaan ang maliit kong sugat sa braso.
Gulat man ay hindi na ako nakaangal pa nang makaramdam ako ng pagkalma sa ginawa niyang iyon. Napapikit ako sa sensasyong ito. Sa hindi malaman na kadahilanan ay bigla rin akong nakaramdam ng kakaibang enerhiyang hindi ko mawari na dumadaloy sa aking katawan sa bawat dila niya sa sugat ko.
"Harapin mo ang iyong takot, Eren. Sa paraan lamang na ito magkakaroon ka ng lakas na harapin at talunin ang lahat ng takot na darating sa iyong buhay. Ako si Ranne at tutulungan kita sa pagharap mula rito," sabi niya pa kaya unti unti kong iminulat ang mga mata ko.
Tama siya. Patuloy akong hahabulin ng mga takot na ito kung patuloy ko itong tatakbuhan at kakatakutan. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para harapin ito. Para bang sa sinabi niyang iyon ay natauhan ako.
Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin kasabay ng pagbalik ng oras bago ko napagpasyahang magsimula muli sa paglakad. Hindi ako ganon kasigurado kung papaanong tumigil ang oras. Kasi ba naman nako baka nananaginip lang ako 'di ba. Hindi natin sure.
Pero kahit pa, kailangan kong magpokus sa paglakad ko. Kaya ko 'to. Laban lang.
"Tulay lang 'yan si Eren ka. Huwag kang papatalo 'te," mahinang wika ko sa sarili habang maingat na tinatahak ang daan sa mabuway na tulay.
Sinusigurado kong nasa dulo lang ang tingin ko at kahit kailanman'y hindi ko tinangkang tumingin pababa.
Hindi ko na namalayang nakaabot na ako sa gitna ng tulay habang pigil na pigil ang aking hininga. Malakas na napabuga ako sa hanging kanina ko pa pinipigilan. Nangangatog ang aking tuhod sa pagod at pangamba mula pa kanina.
Nakayanan ko nang makaabot sa gitna ngayon pa ba ako aatras. Ayoko nga. Sayang ang aking pagsisikap dito 'no. At isa pa wala naman talaga akong pagpipilian kundi ang nagpatuloy o magpakahulog na lang. Eme eme lang naman ako.
Sa gitna ng aking pagpapahinga ay may naaninaw akong pusyaw na ilaw mula sa malayo. Halos manlaki ang aking mga mata ng luminaw ito sa aking paningin. Isa itong kutsilyo. Nabigla ako sa pagdating nito at tanging paggilid lang ang aking nagawa na nagresulta sa pagkakaroon ko ng daplis muli sa aking kaliwang braso.
Napadaing ako sa sakit at hapdi na dala nito. Awtomatikong napahawak ako sa duguang braso ko para mapigilan ito sa pagdurugo.
"Anong nangyayari? May tao ba riyan?" nagmamatapang na tanong ko sa dulo ng lubid na tulay ngunit bigo akong makarinig ng sagot pabalik. Ni hindi ko maaninaw ang dulo nito dahil sa medyo madilim sa parteng iyon na natatakpan ng mga puno.
Napakagat ako sa aking ibabang labi at ikinalma ang aking sarili sa pagbuo ng aking takot at pigil hininga muling nagsimula sa paglakad.
"Kaya 'yan. Kaya ko 'to. Woo. Shet, laban!" Pagpapalakas ko sa loob ko. Ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang ay isang batalyong patalim ang ngayong papalapit sa aking direksyon na ikinalaki ko ng aking mga mata.
Takot. Iyon lamang ang namumutawi sa akin sa mga oras na ito. Para bang lahat ng aking inipon na lakas at tapang kanina ay parang kandilang mabilis na naupos. Akmang maglalakad ako pabalik sa aking dinaanan ng unti unting gumuho ang tulay mula sa aking pinanggalingan. Shet. Wala akong ibang pagpipilian.
Sunod sunod na tumama sa aking katawan ang 'di mabilang na patalim.
Tanging pagsigaw at pag-iwas lamang ang aking ginagawa pero parang wala lang nagagawa ang aking pag-iwas dahil sa dami nito. Naiiyak na ako sa sakit pero kahit gano'n pa man ay nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nagawa kong makapaglakad ng iilang hakbang habang nakasuporta ang aking dalawang kamay sa magkabilang haligi ng tulay. Bakit naman ganito? Ano bang klaseng tulay 'to? Galit na galit naman masyado iyong nagpapatama ng kutsilyo. Parang may galit yata sa akin. Shet talaga. Mangiyak-ngiyak na ako sa sakit pero nagagawa ko pa ring mag-isip ng mga eme me sa utak. Ano ka na Eren? Shet ka talaga.
Hindi ko na nakayanan pa ang sakit na nararamdaman ko. Punong puno na ng galos ang aking buong katawan. Halos manlambot ang aking tuhod sa kutsilyong tumama sa aking kanang hita.
"Tama na! Tama na! Hindi ko na kaya!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko ng muli akong matamaan ng patalim sa kaliwang braso.
"Tama na! Parawang awa niyo na!" Nangibabaw ang palahaw ko na iyon sa buong lugar kasabay ng pagtigil ng mga patalim sa kanilang pagtama papapunta sa akin at ang pagtigil ng pagbigay ng tulay.
Tuluyan nang bumigay ang magkabilang tuhod ko sa sobrang sakit at hapdi. Iyak na lang ako nang iyak.
"Fira, Vera, Ari, at Si. Asan na ba kayo? Ayoko na..." iyak ko sa tahimik na paligid.
"Ngayon ka pa ba susuko? Sasayangin mo na lang ba ang lahat dahil sa kakaonting pagsubok at sugat?" Biglang sulpot ni Ranne sa harapan ko.
"Anong konti? Asan ang konting sugat dito?!" Halos mamatay na ako sa rami ng gasgas at saksak sa aking katawan konti pa rin? Gusto ko sana idagdag ang mga bagay na 'yan pero pinigil ko na lamang ang aking sarili.
"Kaya mo. Lagi mong tatandaan. Hindi dahilan ang pagsubok at pagkadapa para matakot at sumuko," sabi pa niyang muli.
Hinayaan ko muna ang sarili ko na umiyak at ilabas lahat ng takot ko mula pa kanina. Kanina pa ako nagmamatapang pero mahirap pala.
Nang makalma ko na ang sarili ko ay kinonsentra ko ang aking sarili sa pagtayo ng aking sarili. Pansin ko na tumigil din ang pagtulo ng sugat sa aking katawan sa pagtigil ng oras.
"Ranne..." pagtawag ko.
"Ikaw ba ang may gawa ng pagkatigil ng oras?" dagdag ko pa. Mula pa kasi kanina na sumusulpot siya ay nangyayari ito. Isa pa isa siyang kakaibang hayop na nakakausap kaya baka nga siya ang may gawa. Alangan naman ako, e 'di lodi na ako niyan.
"Ikaw. Ikaw ang nagpapatigil ng oras," sabi niya na ikinalaglag ng panga ko naagad nasundan ng tawa.
"Niloloko mo naman yata ako," tatawa tawang ani ko. Parang kanina lang iiyak iyak ako sa sakit tapos ngayon tawa na naman. Dati yata akong adik.
Kinalma ko ang aking sarili at wala sa sarili na inisip ang pagbalik ng oras na siya ngang nangyari. Nanlaki ang mga mata ko sa takot na tumamang muli sa akin ang mga patalim ngunit imbis na sa direksyon ko ay sabay sabay itong nalaglag pababa na animo'y nawalan ng momento at pwersa sa pagkatigil ng oras.
Nagulat ako sa nangyari at 'di maiwasang hindi mapatingin sa kamay? Ako ba talaga ang may gawa no'n. Lord naman baka biruan na naman 'to. Alam mo namang seryoso akong tao sa buhay. Mamaya umasa ako niyan, sige ka.
Nawala ako sa pagmumuni muni ko nang makita ang papalapit na paglaglag ng tulay sa aking pwesto. Agad nanlaki ang aking mga mata at pagkatapos ay sinimulan kong tumakbo papapunta sa dulo ng hindi maabutan ng pagkasira ng tulay.
Hindi ko na alintana ang sakit at sugat ko. Nangingibabaw sa akin sa mga oras na ito ang kagustuhan kong makaligtas at mabuhay.
Nakikita ko na ang dulo ng tulay. Konti na lang. Konting kembot na lang Eren. Dali!
Ihahakbang ko na sana ang aking paa sa sahig paalis sa tulay ng mawalan ako ng balanse.
"Shet naman. Bakit ngayon pa!" Inis na sabi ko habang inaayos ang sarili pero huli na at naabutan na ako ng pagkasira ng tulay.
Abot kamay ko na ang dulo pero hindi ko pa rin ito naabot. Bakit? Bakit?
Nagsimula ng manlabo ang aking mga mata kasabay ng pagbagal ng oras ng tuluyan akong mahulog sa tulay na aking inaapakan.
Sa mga oras na ito ay bumalik sa akin ang mga masasayang alaala ko sa buhay. Ganito nga yata siguro kapag oras mo na babalik sa iyong mga isipan ang mga alaala sa nakaraan.
Sa nanlalabo kong mga mata ay nagawa ko pang matanaw ang papalubog na araw bago ako mabilis na bumulusok pababa ng bundok.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆