Kabanata 7

2234 Words
Whispering Destiny Kabanata 7 | Vales Realm III _____________________________________ Fira "Tama na!" sigaw ko habang nakapikit at hawak-hawak ang magkabilang tainga ko. Ayoko na! Ayoko nang balikan ang nakaraan! "Open your eyes, Fira. Face your past it will help you from moving on," bulong ng kung sino sa isip ko. "Ayoko. Ayoko. Hindi ko kakayanin..." pasaring ko kasabay ng panghihina ng aking tuhod. "Hindi ko kaya. Natatakot ako. Natatakot akong kapag binalikan ko ang lahat ay hindi ko na makayanan. Na ang matagal kong binuong harang sa aking sarili ay madalian lamang mawawasak," sabi ko habang may patak na luha na ang tumulo sa mga mata ko. Ramdam ko ang init nito sa magkabilang pisngi ko. "Don't be afraid Fira. You will find that it is necessary to let things go simply for the reason that they are heavy. So let them go, let go of the past. You will not move on if you're keeping yourself from moving on," sabi uli ng boses sa isip ko at nakaramdam na lang ako ng biglang pagdampi ng balahibo sa may paanan ko. Unti-unti kong ibinuka ang mga mata ko at nakita si Mio sa paanan ko. Kaya tuluyan nang nagsunod sunod ang pagpatak ng luha ko. Ito ang ikinatatakot ko. Natatakot akong kapag umiyak ako'y hindi ko na mahanap ang sarili ko na tumahan at magpalunod na lamang sa mga alala ng nakaraan. Ayokong makita ako ng sinuman na mahina at lugmok kagaya ngayon. Nakakatakot. Nakakapangamba. Hindi ko alam kung saan paanong paraan ko naririnig at naiintindihan ang tigre kong si Mio gayo'y isa itong hayop habang ako'y isang tao. Takot lamang ang pumangingibabaw sa akin sa mga oras na ito. "Go Fira. Face your past. Nandito lamang ako, sasamahan kita sa pagharap nito. Hindi ka nag-iisa," sabi pa ni Mio sa isip ko. Mariing napapikit ako at kinuyom ang magkabilang palad. Maaaring tama siya. Ito na siguro ang tamang pagkakataon na harapin ang nakaraan. Kailangan kong maging matatag. Unti-unti kong inangat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang repleksyon ng salamin mula sa pangyayari ng nakaraan. "Tatay! Bakit niyo po kami iiwan ni Nanay?!" Mangiyak ngiyak na tanong ng batang ako habang hinahabol si papa papalabas ng aming munting tahanan. Pinilit kong tibayan ang sarili ko sa pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. "Pasensya ka na, anak. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Tatay," huling katagang sinambit ni papa bago niya kami tuluyang iniwan. Nakita ko pa ang sarili ko na luhaang pilit na hinahabol si papa. Napapikit ako nang mariin ng biglang lumiwanag sa pagbabago ng eksena kung saan ay mas tumanda na ang aking edad. "Anong nginangawa-ngawa mo?! Magsaing ka na hoy! Puros iyak, imbierna! Kahit anong gawin mong iyak diyan hindi na babalik ang tatay mo!" sigaw ni nanay bago padabog na lumabas ng bahay. Nakita ko ang dating ako na humahagulgol habang hawak hawak iyong litratong kasama si tatay. Maka-papa kasi ako, kaya sobra na lamang ang sakit ng iwan niya kami. Bukod pa ron ay pakiramdam ko'y nag-iisa na lamang ako sapagkat wala akong maiyakang kapatid dahil nag-iisang anak lamang ako. Habang pinapanood ko ang sarili kong iniiyakan ang litrato ng tatay ay hindi ko rin napigilan ang sarili kong mangilid ang mga luha. Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin malaman ang dahilan ng kanyang pag-iwan sa amin, sa akin. Muling nagbago ang eksena. Marahang pinalis ko ang luha sa gilid kong mga mata at pilit na tinatagan ang sarili ko. "Eto na, dalawapung tanso 'yan ah. Asan na ba?" "Teka lang. Fira!" sigaw ng nanay kaya agad agad akong lumabas sa aking kwarto. "Po?" inosenteng tanong ng batang ako. "Tama ka nga. Sariwang sariwa," ani ng may katandaang lalaki at malagkit na pinagkatitigan ang batang ako. "Sabi ko sa iyo eh. Sumama ka sa kanya. May pupuntahan kayo saglit," utos sa akin ng nanay. Napakuyom ako ng kamay at pilit na tinatatagan ang sarili. "Pero po nag-aaral pa po ako," pangangatwiran ko pa noon. "Mamaya na 'yan. Dalian mo sumama ka na sa kaniya," dagdag pa ni nanay at pinagtutulakan pa ako palabas kaya wala na akong nagawa nang pagsarhan niya ako ng pinto. "Halika na," sabi ng lalaki at hinila na ang kamay ko na agad kong ibinawi. "Saan po ba tayo pupunta?" utal na tanong ng batang ako habang pilit na umiiwas sa kanya. "Sa langit," narinig ko pang bulong niya. "Po?" tanong ko pa muli sa kaniya pero hindi niya na ako sinagot pa at hinilang muli ako. Halos mapahinto ang batang ako nang mapagtanto kung saan papunta ang daang tinatahak kasama ang estraherong lalaki. "Uwi na po ako," nahihintakutang sabi ko na ikinatawa ng lalaki at unti-unti na akong lumakad pabalik pero hinila ang batang ako ng lalaki. "Hindi ka na puwedeng umuwi. Bayad na kita," katakot-takot na ani ng lalaki na ikinabigla ng batang ako at ikinatakot. "Bitawan niyo po ako! Ayokong sumama sa inyo!" sigaw ng batang ako at nagpupumiglas pa sa lalaki pero sadyang mahina ako noon. "Matapang na bata. Gusto ko iyan," malademonyong sabi pa niya bago unti-unting lumalapit iyong lalaki sa batang ako. Tama na. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Sa sobrang higpit nang pagkakakuyom ko sa aking magkabilang kamay ay hindi ko na namalayang nagdurugo na pala ito. Nakaramdam ako ng kakaibang init na papapunta sa akin katawan mula sa aking galit at sa isang iglap ay nabasag na ang salamin sa harap ko at nagliyab ang mga katabi nitong kahoy. Ibinenta ako ng sarili kong Ina para sa kanyang makasariling hangarin. Sa galit na galit na aking mga tingin ay sunod sunod na natamaan at pinabagsak ng kidlat ang mga matitingnan ng aking mga mata. Sa isang iglap lang ay pinapapalibutan na ako ng isang malaking ipo ipong kagaya ng sa insidente sa bangin nang kamuntik na kami mamatay. Ang walang hiyang lalaking iyon ang nagawa akong bilhin at kamuntik na gahasain! Tangina niya! Napakahalang ng kanyang kaluluwa! Mas lalong lumakas ang ipo ipo na nakapalibot sa akin at ramdam na ramdam ko na ang lamig nito pero parang normal lang iyon sa akin. Kasabay nang ipo ipo ay ang pagkidlat na animo'y bumabagyo. Mabuti na lamang ay may dumating na isang tigreng si Mio upang iligtas ako sa kamay ng halang na lalaki. Tuluyan nang lumaki ang ipo ipo at tanging pwesto ko na lang at ni Mio ang 'di natatamaan. Hindi ko mawari kung paanong parang umaayon sa aking emosyon at nararamdaman ang nangyayari sa aking paligid. Tila nararamdaman nito ang tindi ng galit na namumutawi sa akin. Kung gaano ko kinamumuhian ang aking nanay at ang walang hiyang lalaki na kamuntikan na akong pagsamantalahan. Hindi inaasahang bigla na lamang sumabog ang ipong ipo dahil sa sobrang presyon na nagdahilan nang pagtama sa akin ng mga bubog mula sa salamin at ikinasira ng silid. Para akong malakas na tinulak sa pader at malakas na napahiyaw sa sakit. Napakasakit at dami nang dumampi sa aking balat. Isama mo pa ang epekto ng aking biglang pagtalsik sa bubugan. Sakit. Iyon ang namumutawi sa aking sa mga oras na ito ngunit hindi ko na kaya pang gumawa ng ingay dahil sa sobrang pagod na aking nararamdaman. Mapa-emosyonal man o pisikal. Pinikit ko na lamang ang aking mata at hinantay na lamang ang pagbagsakan ng nasirang silid mula sa akin. Sa wakas, na harap ko ng muli ang aking nakaraan. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ Alvera Katapusan ko na. "Nagkakamali ka sa bagay na 'yan," ani ng kung sino sa utak ko at naramdaman ko na naman iyong kakaibang enerhiya noon na lumabas sa akin at naramdaman ko nang mahawakan ko si Misty. Pagkamulat na pagkamulat ko ng mata ko ay halos mapaatras ako sa gulat nang makita ko ang isang pulang panda sa mismong harapan ko. "Ako si Zeke at tutulungan kita na ganap na mailabas ang iyong tinatagong mistika," hindi kapani-paniwalang ani ng pulang panda sa aking isipan. Papaanong nagagawa ko siyang maintindihan? Unti-unti itong lumapit sa akin at walang pakundangang pumatong sa kaliwang balikat ko. Hindi ko na nagawa pang umangal nang makaramdam ako ng pagdaloy ng kakaibang enerhiya sa aking katawan mula sa pulang panda na mas malakas kumpara sa naramdaman ko ng magtama ang aming balat ni Misty. Pagkamulat na pagkamulat ko ng aking mata ay naabutan ko iyong napakalaking ahas na nakaharap at papalapit sa akin. Ramdam na ramdam ko ang nag-uumapaw na enerhiyang ipinapasa sa akin ni Zeke. Nakakalunod at nakakagaan ng pakiramdam. Hindi ko na alam kung saan ko hinugot 'yong lakas ng loob ko at bigla bigla ko na lang tinapat sa nakapalibot na ahas 'yong kamay ko. Para bang may sariling buhay ang aking kamay at katawan sa mga oras na ito na hindi ko makontrol. Malakas na liwanag ang sumalubong sa ahas nang itinapat ko sa kanya yung kamay ko. "Flakkorus," naiusal ko ng hindi ko namamalayan. Kusa na lamang itong lumabas sa tinig ko na mas ikinalakas ng liwanag na bumabalot sa kamay ko. Wala na akong makita sa mga oras na ito at tanging liwanag na lamang na nanggagaling mula sa aking mga kamay. Isang nakakabinging tinig ang bigla kong narinig bago biglang nawala 'yong nakakasilaw na liwanag. Napakurap pa ako para makapag-adjust ang akong mata sa biglang pagdilim at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumambad sa akin ang nagkanda pira-pirasong katawan ng kaninang buhay na buhay na malaking ahas. Maglalakad na sana ako papalapit doon nang biglang bumigay ang pundasyon ng aking mga paa. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nanghina ang aking mga paa't tuhod at bumigat ang aking katawan't pakiramdam. Hindi ko alam kung anong sunod na mga nangyari nang magsimulang manlabo ang akinh mga mata kasabay nang tuluyan kong pagbagsak mula sa malamig na sahig. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ Misty Kitang kita namin ang buong pangyayayari sa loob. Pero halos mapatayo ako sa gulat gano'n din ang ibang estudyante nang nakita naming sabay sabay na lumabas ang kanilang pet na nakukuha lamang pagkatapos ng isang pagsubok, ang Trial of Delusion. Nagugulahan man maging ang iba ay nagpatuloy pa rin kami sa pagsubaybay sa ginagawa at bawat kilos nila. Matamang nanonood kami, alerto sa kung anuman ang mga mangyayari sa loob. Nakita ko pa ang pagsimpatya ng iilang mga estudyante nang makita ang hinagpis nina Ms. Alvidrez at Ms. Zarilla. Ngunit tuluyan na akong napatayo nang biglang maglabas iyong lima ng sabay-sabay na duplicate mystique. Si Ms. Airilyn na nagpakita ng mental manipulation, Ms. Sirene ng voice manipulation, Ms. Eren ng time manipulation, Ms. Felicity ng weather manipulation, at Ms. Alvera ng copiar na mystique. Tama nga ang hinala namin. Ang akala ko ay si Ms. Alvera lang ang nagtatagalay ng duplicate mystique. Hindi ko inaasahan na tama ang hinala ko na pare-parehas silang lima ang nagtatagalay nito. "What is happening?" naisigaw ng isang estudyante. Mababakas sa lahat ang pagkabigla at pagkalito sa kanilang mga nasasaksihan. Maging ang mga council ay hindi maipaliwanag kung anong nangyayari at lalong lalo na ang mga limang nagtataglay ng kapareho nilang mistika. Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante at pare-parehas na hindi makapaniwala sa nakikita. Lalo kaming na bahala nang makita na halos masisira na nila ang Vales Realm. Hindi maganda ito. Napatayo agad ako nang makita ito. "Storm! A shield, now!" sigaw ko sa force-field user. Nakita ko ang pagkataranta sa mukha nila at ang biglang pagkakaroon ng isang malaking shield na pumoprotekta sa aming lahat. Saktong pagkagawa niya nang harang ay ang pagsabog ng napakalakas na pasabog. Halos masira ang ginawang harang ni Storm na ikinagulat naming lahat. Hindi pa nasisira at nagkakalamat iyong harang niya, until today. Pinagtulungan na namin ang pagpapatibay sa harang, iba't ibang kulay ang nagsamasama papunta sa harang para pagtibayan ito. Minuto ang tinagal at akala namin ay ayos at humupa na ang lahat, kaya't unti-unti naming tinanggal ang mistika mula sa barrier ng isang napakalakas na liwanag ang biglang sumabog. Walang pagdadalawang isip at awtomatiko naming ibinalik ang aming mistika sa harang at mas pinalakas ito. Halos kapusin ako sa hininga sa pagpipigil sa harang na masira at ganon din ang council. Napakalakas ng enerhiya at kahit pinagsama samang kapangyarihan ng mga malalakas at ng mga estudyante ay walang panama. Anong nangyayari? Sino ba sila? Ramdam ko ang magkahalong pagtataka at takot sa mga estudyante maging sa council at maging ako ay nakakaramdam na rin ng pangamba sa maaaring sunod na mangyari. Sa gitna ng kaganapan ay nakita namin ang apat na ngayo'y nakahiga't wala ng malay habang si Ms. Alvera ay nakatayo pa rin habang nagliliwanag ang mga kamay. Don't tell me that she's the one who did this? Nakita ko rin ang pagbaling ng ilang tao sa hologram na hindi tinatanggal ang pagiging alerto sa pagsuporta sa harang. Ngunit halos magkalamat ang pinagsama samang mistikang lakas na harang na aming ginawa nang walang pag-aalinlangan niyang isinagawa ang Asika na tanging ang naunang copiar user lamang ang nakagawa. Nanlaki ang mga mata namin at maging ng council sa nasaksihan. s**t. This is bad. Unti-unti nang nasira ang ginawa naming harang na ikinagulat naming lahat. Paunti-unti nitong nilalamon ng liwanag na ikinawawala ng harang na ginawa namin. Papaanong nasira niya ang harang na ito? Sinakop ang buong silid ng nakakabulag na liwanag na ikinatakip ko sa aking mga mata. Is this our end? ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD