Whispering Destiny
Kabanata 8 | Pagbabago
_____________________________________
Alvera
"How, how did she do that?"
"We don't even know. Let's just wait for them to wake up. Sila lang ang makakapagsabi sa atin."
"Aray!"
"Hmm.."
"Ouch!"
"Huh?"
"They're awake!"
Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng ingay sa paligid. Sinalubong akong ng puting kisame.
Where am I? Bakit puro puti ang nakikita ko? At parang isang mabilis na tempong bumalik sa akin ang mga alaala kung paano ako napadpad sa kinalalagyan ko ngayon.
Agad agad akong napabangon pero halos mapahiga ulit ako nang makaramdam ako ng sakit ng ulo at pagbigat ng katawan.
"Mierda!" I silently cursed. Ang sakit ng buo kong katawan. Mabuti na lang at nakakapit agad ako sa may hawakan sa gilid ko.
"Good morning!" narinig kong bati ni Zeke sa isip ko. Napapikit ako nang makaramdam ako ng pagdaloy ng enerhiya sa katawan ko na unti unting nagpapagaan at nagpapawala ng sakit sa katawan ko.
Naimulat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pag-ayos ng katawan ko. Nilibot ko ang mga mata ko upang hanapin si Zeke pero iba ang nakita ko.
Tumambad sa akin ang limang lalaki at limang babae na kumportableng nakaupo sa isang magarbong upuan habang matamang pinagmamasadaan ako, kami.
Agaw pansin ang kanilang uniporme suot suot. Kailanman ay hindi pa ako nakakakita ng ganyang kasuotan. Para kasi siya 'yong sa mga Victorian style na kasuotang aming napag-aralan patungkol sa mga Britanya.
Kapansin-pansin din na may maliit na sombrero ang mga babae sa kaliwang bahagi at ang kanilang mga buhok na pinintahan ng kakaiba at matitingkad na kulay na akala ko'y imposibleng maikulay sa isang buhok. Pati rin ang mga mata nila'y kakaiba ang kulay.
Hindi ko mapigilang kamanghaan sila sa kanilang suot at itsura. It's fascinating. They're beautiful.
Nakita ko sa kabilang kama iyong apat na kapwa nakaupo sa kani-kanilang kinalalagyan. Hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata sa aking nakikita at nasasaksihan. Nag-iba ang mga itsura ng aking mga kaibigan.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero agad din akong nakabawi. Alam ko sa itsura nila na nagtataka din sila at hindi makapaniwala sa nangyayari. Naguguluhan ako sa nangyayari. Paano? Ang mga itsura nila...
Ang mahabang itim na buhok ni Eren ay naging kulay tsokolate at ang kayang mata'y kaakit-akit sa kulay ng karamelo.
Si Sirene ay nag-alamistulang Cinderella sa olandes nitong mga buhok at ang animo'y along kulay na mga mata.
Ang maikling buhok ni Ari na ngayo'y abo na sa kulay at ang berde nitong mga mata na animo'y nangungusap.
Mas lalo namang pumuti si Fira sa kayang mala apoy na kulay na buhok at malalalim na itim mga mata.
Sa pagsisipat ko sa apat ay tumama ang aking tingin sa isang salamin at dito'y nakita ang aking sarili. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili. Ang dating itim at mahabang buhok ko ay ngayo'y kulay puti na at ang malalim na itim kong mga mata ay naging abo.
Hindi ko maiwasang mamanghang sa mga nakikita at magtaka.
"Anong nangyari!?" sabay sabay na tanong naming lima.
"Oh, gising na pala kayong lima," nabaling ang atensyon namin sa biglang nagsalita. Tumambad sa amin ang babaeng may itim na buhok na nakasuot ng pang-doktor na uniporme.
Isa-isa niya kaming chineck habang nagpapalabas ng kakaibang liwanag na clear ang kulay na ikinakislap ng mga mata namin. Napapailing iling pa si Dr. Leah habang ginagawa 'yon. Nabasa ko sa uniporme niya ang pangalan niya.
"You five are perfectly fine. Pwede na kayong pumasok simula bukas," sabi niya habang nagsusulat sa maliit niyang hawak na papel.
Napakunot noo naman kaming lima sa sinabi niya.
"Huh? Paano pong ayos lang? Eh halos mamatay na po ako ng mahulog ako sa bangin?" takang tanong ni Eren.
"Oo nga po, halos mamatay na rin po ako sa sobrang hangin sa loob," sabi naman ni Ari.
"Ako rin, halos mamatay na ako nang dapuan ako ng nag-aalab na mga bato. Tapos sasabihin mo na we're perfectly fine?" dagdag pa ni Fira.
What?! Kumuntik na silang mamatay tatlo?!
"Isang ilusyon ang pinasok niyo, kung saan nakita niyo ang mga bagay na pinaka-kinakatakutan niyo. Kaya automatik na mawawala 'yong mga galos na natamo niyo pagkalabas na pagkalabas niyo ro'n," nabaling naman ang atensyon namin sa babaeng nagsalita. Kulay berde ang kanyang buhok at sa nakikita ko sa kaliwang gilid ng puting niyang uniporme, naka-ukit sa pilak na metal na siya si Emerald.
Ilusyon? Pati 'yong ahas ilusyon lang? Lahat 'yon?
Napailing na lang ako nang maalala ko na naman ang mga nangyari.
"Emerald is right, I've got to go. I have some errands to do. Okay na naman kayo. You can just come back here if anything goes wrong that will be needing my help," sabi ni Dr. Leah at naglakad na papalabas.
"Who are you?" Agad akong napatingin sa biglang pagsalita ng maangas na boses pagkalabas na pagkalabas ni Dr. Leah.
Agad nagtama ang tingin namin ng lalaking may pulang buhok tulad ni Fira na mayroong pilak na hikaw sa isa niyang tainga at ngayo'y matalim kaming pinagkakatitigan sa napakalalim nitong itim na mga mata.
'Omg! Nakakatakot siya!'- Sirene
'Shete! Ang gwapo!' - Ari
'Papable! May abs kaya 'to?' - Eren
'In fairness, may itsura siya.' -Fira
Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng boses sa utak na nangagaling sa apat na ikinatalon 'ko sa gulat na nagdahilan para kamuntik akong mahulog.
'You okay?' napabalik naman ako sa ulirat nang makitang nakalutang ako habang umiilaw.
'Omg! Si Vera!'
'How did she do that?'
'What the hell?!'
Napahawak ako sa tainga ko nang makarinig na naman ako ng boses sa utak ko. Parang mabilis na agos ng tubig ang pilit pumapasok sa utak ko at hindi ko iyon mapigilan. Ang sakit.
Ang sakit sakit. Nakakabingi.
"Shut up can you?" sigaw ko habang nakahawak pa rin ako sa tenga ko.
'Huh? Wala namang nagsasalita ah.'
'Nabaliw na kaya 'to? O' baka naalog 'yong utak sa ilusyon? Jusko 'wag naman wala na akong buburautan ng pagkain.'
"Pwede ba?" sigaw ko habang pilit na inaalis 'yong mga boses sa utak ko. Napahawak ako nang mahigpit sa tainga ko nagbabakasaling mawawala ang mga boses.
"Concentrate, and try to block them for you to not hear them," narinig kong may nagsalitang boses lalaki pero hindi ko na alam kung saan ko siya naririnig sa utak ba o hindi.
Gayon pa man ay ginawa ko pa rin ang kanyang sinabi. Kinonsentra ko ang aking sarili at i-hiniwalay ang kakaibang enerhiya papaalis sa aking isipan at naramdaman ko na lang ang biglang pagkagaan ng utak ko.
Pero halos mapasigaw ako ng unti unting nawawala ang ilaw na pinapatungan ko.
Malalag na ako. This time totoo na ito. Inintay ko na lang ang paglaglag ko sa lupa pero...
Napamulat ako nang naramdaman kong may sumambot sa akin.
"Careful," sabi niya at nginitian pa ako na medyo ikinapula ng mukha ko. Binalik niya ulit ako sa kaninag hinihigaan ko bago muling bumalik sa mga kasama niya.
'Yes naman, Vera!' nabawi naman ako sa pagkakatulala kanina at tiningnan nang masama 'yong apat, pero umiwas lang sila ng tingin sa akin.
Akmang magsasalita pa si Eren ng biglang may sumulpot na lamang na babae sa harap namin.
"Hi there!" Ngiting ngiting pagbati nito.
Siya'y may kulay lila na buhok na nagngangalang Violet?
"Headmistress wants to talk to the five of you. Come with me."
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆