Kabanata 9

2426 Words
Whispering Destiny Kabanata 9 | Salubong _____________________________________ "Have a seat." Agad kaming tumalima sa kanyang pag-anyaya. "I'm Anastacia Lewis the headmistress of the academy," pagpapakilala niya na may ngiti sa labi. Sa tindig at pananalita niya ay masasabi ko na agad na napakaelegante niyang tao. "I'd like to personally welcome you to Gravellea Institute of Arcane. Ms. Fira, Eren, Airilyn, Sirene, and Ms. Vera," nakangiting pagbati niya sa amin na ikinapasalamat namin sa kanya. Matapos kasing sabihin ni Violet na hinahanap kami ng el maestro ay agad kaming napunta sa silid ni Ms. Anastacia sa hindi namin malaman na dahilan. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Who are your parents? Where do you come from? How did you get a mystic such that?" sunod sunod na tanong niya na ikinakunot ng noo namin at ikinawala ng mga ngiti sa aming mga labi. "Ernie at Leonora Zarilla." Ibubuka pa sana ni Eren 'yong bibig niya para magsalita nang pigilan siya ni Ms. Lewis. "That's not what I mean," nakita namin ang pagbuntong hininga ni Ms. Lewis at ang biglang pagseryoso niya bago muli kaming tinanong. "Do you know that you possessed a mystic and since when?" "Recently, just as when we got in the ilusion. I even got myself a pet in which I assumed the four of them have as well," sagot ko sa lengguwaheng Ingles. Turo kasi ng guro namin na kapag tinanong ng Ingles sasagutin din ng Ingles. "Alam niyo bang nalalabas lang ang pet pagkatapos ng isang examination at tiyaka lang din magbabago ang mga itsura niyo? But you did it all in just a span of a day," sabi niya habang seryosong seryosong nakatingin sa amin. "What are you trying to say?" tanong ni Fira. "Tell me who you truly are."matigas na sabi niya na may diin sa bawat salita na binabanggit niya na ikinaseryoso ng mga mukha namin. "I'm sorry but we who we are," sabi ko sa kanya. Nakita ko ang mariing pagpikit niya bago muli kaming binalingan. "Nah. Let's talk about the rules and regulation and other stuff here at the academy," sabi niya at naramdaman namin ang biglang pagbaba ng tensyon. "Actually there is one and only rule here in the academy." "What is it?" agad na tanong ni Ari ng biglang huminto si Ms. Lewis sa pagsasalita. "Don't kill and don't die," sabi niya na ikinataas ng mga balahibo namin. Magsasalita pa sana ulit si Ari nang magpatuloy si Ms. Lewis sa pagsasalita. "So about your mystic I know you knew what it is already right?" tanong niya na ikinatango lang namin. "Mine is mental manipulation," ani Ari. "I can control the time," sabi naman ni Eren. "I can use my voice to express what I want," sunod na sabi ni Sirene. "I can manipulate the weather basing on my emotions," dagdag ni Fira. "Copiar. Just by touching others I can copy their mystic." "Very well. Other information about your mystics shall teach you in your respective classes," sabi niya na ikinatango namin. "You'll definitely learn it as duplicate mystic in our world is highly unlikely and no one knows how come it happened. Going on to our topic, this school is for special people. Special people who possessed some kind of magic like you. Here, magic do really exist," sabi niya na ikinakinig ko nang mabuti. I know, I can feel that she didn't like us. Kanina ko pa ramdam ang pagdisgusto niya sa kakayahang taglay namin na mismong kami ay nangangapa pa rin. Sa mga salita niya parang nangangamba siya sa katauham namin at kinukwestyon kami at ayoko ng pinararamdam niya sa amin. "Here, we will teach you how to enhance and control your mystics. There are three buildings here including this building for the Casa. The white building is for the Positive Users called Equirrion Clan and the Black one is for the Negative Users called Lyttleton Clan" Eh? Positive and Negative Users? "Huh? Positive at Negative users?" tanong ni Ari na ikinabaling ng atensyon namin kay Ms. Lewis. "Positive users are for mage users who possessed a mystics that does not misbehave while Negative users are for mage user that has an aggressive mystic. Usually a fire user belongs in this clan since their mystic our quite aggressive," sabi niya pero hindi pa rin namin masyadong maintindihan kaya muli uli siyang nagpaliwanag. "Imagine a battery with a positive and negative charges. Hindi ba't magkahiwalay sila? It is because they are not compatible to each other. Let's connect it in science, once they met it will just repell or like. Maaaring lumamang ang isa at hindi 'yon pwede dahil paglumamang ang isa hindi magiging pantay ang agos ng kuryente. Katulad din sa buildings, kapag pinagsama mo ang magkaibang ugali magkakagulo lang at hindi magiging balanse. Maaari kasing mag-misbehave ang mga mystic na siyang iniiwasan namin," mahabang paliwanag niya na ikinatango namin. Sa kanyang paliwanag ay masasabi kong tiyak na si Ms. Lewis ay nanggaling sa Huelva dahil sa kanyang kaalaman sa asignaturang siyensya. "You'll be given two sets of uniforms for the regular classes and P.E. One thing you must recognize, black and red are for Lyttleton's while black and white for the Equirrion's. The colors will be the indicator of your clans. I know you already notice it upon meeting other students, on the upper left of the uniform is your metal pin. Iyan ang crest ng Gravellea at sa baba nito kung saan ang nameplate naka-engrave ang panglan niyo na at ang magiging indicator kung gaano na kayo kalakas. Bronze, silver, and gold. Bronze for the Gremlin. Those who are beginner and still has no control on their mystic. As a freshman you belong in this category. Silver for Masters and gold for Mythics that have a great control on their mystics." "Ibig ho ba nitong sabihin ay may tiyansa na magkakahiwalay kami?" tanong ni Si habang nakatingin kay Ms. Lewis. Oo nga 'no. "Puwedeng oo, puwede ring hindi," sabi niya na ikinakunot ko. Paanong oo at hindi? Nabaling ang atensyon namin sa pintuan ng biglang may pumasok na isang lalaking naka-puting scarf. Bahagya itong yumukod biglang biglang paggalang kay Ms. Lewis. "Ano pong maitutulong ko?" tanong ng lalaking na nagngangalang Hance. Nakita ko sa na-ukit niyang name plate. Mukhang ang pagkilala sa ngalan ng tao sa eskwelahang ito ay magiging madali na lamang sa akin. "Escort them to the Grand Hall," ani headmistress Lewis. "Let's go." Agad na kaming tumayo. "Mauna na po kami," magalang na sabi ni Sirene kay Ms. Lewis na ikinatango lang niya sa amin. Sumunod na kami kay Hance nang magsimula itong maglakad. Inikot ko pa ang paningin ko at nakita ang nagagandahang mga palamuti at ang kung tawigi'y chandelier sa taas at ang sahig ay magara na naka-carpet. "Wow! Ang ganda rito," bulong sa amin ni Eren habang nangingislap ang mga matang nakatingin sa paligid. "Bakit kaya walang tao. Asan 'yong mga estudyante?" takang tanong ni Ari. "Baka nasa klase," sagot naman ni Sirene. Napatigil naman sila sa pag-uusap nang huminto kami sa isang pintuan. May sinabing salita 'yong lalaki na naging hudyat sa pagbubukas ng napakalaking pintuan sa aming harapan. Napapikit ako sa sobrang liwanag nang bumukas ang pintuan. Marahang napakurap pa ako bago imulat ang mga mata at tinanaw ang pinanggagalingan ng liwanag sa aming harapan. Natulos kami sa kinatatayuan namin nang makita ang napakaraming estudyante na ngayo'y nakatingin sa amin. "Follow me," sabi ni Hance na ikinabalik namin sa ulirat. Agad agad kaming sumunod sa lalaki. Ako ang nauuna sunod sina Fira, Ari, Si, at Eren. Sinusundan kami nila ng tingin na ikinailang namin at kahit na ang hayok sa atensyong si Ari ay tumiklop. Ito siguro ang matuturing na hapagkainan. Sa kinatatayuan ko ngayon ay nakikita ko ang napakaraming tao na nakaupo sa mahabang hilera ng upuan at lamesa. Agaw pansin talaga ang Victorian style nilang uniporme na napakaelegante at kakaiba sa aking paningin. Bukod pa ro'n ay mapapansin na nasa kaliwa ang mga nakaitim at pula habang sa kanan ang mga nakaitim at puti. Mayroon ding gitnang lamesa na halo ang kulay ngunit magkakatabi pa rin at organisado sa iisang bahagi ang magkakaparehas na house at clans kaya maayos pa rin ang lahat. Tanaw naman sa harap ang hinuna ko'y mga pinuno at konseho ng eskwelahang ito. Ngunit ang hindi ko inaasahang makita ay ang mga estudyanteng kagaya rin namin na nanggaling sa iba't ibang distrito ng Huelva na nakasuot ng uniporme. Sa nakikita ko'y hindi lamang kami ang bago rito na taliwas sa aking na isip. Pati ang pinakasikat na eskwelahan ng mahaharlika ay makikita mo sa alon ng tao sa harapan. Maharlika man o hindi ay nandirito. Hindi ko mapigilang hindi magulat at mamangha. Kami lang ata ang napili mula sa aming eskwelahan dahil wala na akong iba pang nakitang mga nakapulang bestida kagaya namin. Papalapit namin sa unahan ay agad sumama ang timpla ng aking mukha. Hindi nakatakas sa aking tingin ang mukha ng maharlikang nag-utos na kami'y ipapatay at ang dahilan kung bakit kami napunta sa lugar na ito. Naputol ang aking pagkakatitig sa kanya nang igiya kami papapunta sa platapotma sa harapan ng lahat ng mga estudyante. Kaya ngayon ay ramdam at kitang kita ko na ang 'di mabilang na matang nakatingin ngayon sa amin. "Nahihiya ako," nakayukong sabi ni Sirene na mukhang hindi napansin ang presensya ng maharlika. Mukhang ako lamang ang nakapansin sa kanya. "Andaming gwapo," komento naman ni Eren na ngayo'y nagpupuso na ang mga mata. Ramdam ko ang pagkakaba ni Ari sa tabi ko kaya inabot ko ang kamay niya at marahang pinisil na ikinangiti niya sa akin. Kita mo nga naman, ganito lang pala makakapagpatiklop sa isang Ari. Sa muli kong paglilibot ng aking mga mata ay namataan ko ang limang babae't lalaki na siyang aming nakita kanina lamang sa kilinika na kasalukuyang nakaupo sa gitnang lamesa kasama ang iilang mga estudyante. "Good evening, students!" "Good evening, sir Widget!" masiglang bati ng mga estudyante sa lalaking ngayo'y naglalakad sa entablado. Nagulat kaming lahat ng nasa harapan ng biglang nagkaroon kami ng upuan at ngayo'y nakaupo na kami kaharap ang 'di bilang na mga estudyante. Nagkatingin pa kaming lika bago muling binaling ang atensyon sa harapan. "Today is the day we celebrate and honor the academia's very own tradition. Were we gather and find mage user across the globe who truly belong in our world. And now, ten years later, here they are. I'd like to proudly present to you our freshman's!" sabi niya na ikinapalakpak ng mga tao. "And for our most awaited part, Gaia!" Pumalakpak ng isang beses ang lalaking nagngangalang sir Widget at biglang na lamang may sumulpot na isang maliit na diwata na nagtataglay ng iba't ibang kulay ng pakpak. Kasing laki ito ng tao ngunit ang kaibahan lang ay mga tainga nitong sing tulad ng isang duwende. "Gaia will classify in which houses you belong. When I call your name you shall come upfront, Ms. Aira Haloma." Tanging tango lamang ang naging sagot namin sa kanya at nagsimula na siyang magtawag ng mga estudyante. Sa bawat paghawak niya sa kamay ng mga lalapit sa kanya ay naglalabas siya nga kakaibang ilaw sa palapulsuhan ng mga ito na wari ko'y paraan niya ng pag-aalam ng houses sapagkat pagkatapos nito'y kaniyang binabanggit ang salitang Equirrion o Lyttleton. At sa pagbanggit niya ng houses ng mga ito ay kasabay ang pagbabago ng damit ng mga ito sa kanilang respektibong houses na kinabibilangan. "Ms. Felicia Gomez." Ramdam ko ang pagsinghap ng apat matapos matawag ang ngalan ng maharlikang nanliit at nagpahamak sa amin. "Anong ginagawa niya rito?" puno ng pagtatakang tanong ni Sirene. "Hindi ba siya 'yong maharlika?" "Siya nga." "Mukhang isa siya sa mga populasyon ng Felicia sa bayan." Hindi ko mapigilang hindi mapailing sa komento ni Eren. Taas noo itong lumapit kay Gaia na punong puno ng kumpyansa sa sarili. "Equirrion!" Anunsyo ni Gaia at sa isang iglap nagbago ang kasuotan nito mula sa itim at puting uniporme. Nagpalakpakan ang house of Equirrion sa anunsyong ito at mainit na tinanggap si Felicia na ngayo'y ngiting ngiting dumiretso sa kanan kung saan nakapwesto ang mga Equirrions. Ilang minuto ang nagdaan at napansin ko na lang na kaming lima na lang ang tanging estudyanteng natitira at agad na nagtungo si Sirene ng siya naman ang tawagin ni sir Widget. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ Sirene Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa paglapit ko sa gitna. Saan kaya akong house mapupunta? Pagkalapit na pagkalapit ko sa napakagandang diwata ay hindi ko maiwasang mamangha sa taglay nitong ganda. Napakaganda nito at ang pakpak niyang kaakit-akit sa mga mata. Ngitian niya ako kaya hindi ko maiwasang ngitian din siya pabalik. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko gaya ng ginawa niya sa iba. Matiim na napapikit na lang ako at hinihintay kung saan ako mapupuntang. Ang tanging hiling ko lang at sa pare-parehas kami ng house nila Eren. "Emotion, don't let your emotions eat you it will be your weakness," bulong niya na tanging ako lamang ang nakakarinig. Anong ibig niyang sabihin? "Equirrion!" sabi niya kasabay ng pagbabago ng aking kasuotan. Ang pula kong bestida ay napalitan ng Victorian style na uniporme na ilang haba ang taas mula sa aking tuhod. Puting polo na pinatungan ng itim na amerikana na may kakaibang itsura at istilo. Puting bandana at sa kaliwang bahagi ng aking uniporme nakalagay ang simbolo ng eskwelahan at sa baba nito ay ang tansong metal kung saan naka-ukit ang aking pangalan. Pati ang sandals ko ay ngayo'y napalitan ng isang magarang itim na bota na abot hanggang sa aking tuhod at ang maliit na sumbrerong itim sa aking buhok. Isa lang ang aking masasabi. Ang ganda. Napakaganda ng kasuotan ko ngayon. Nakita ko sa gilid ko ang pagtaas ni Eren ng hinalalaki sa akin bilang pag-sangayon sa aking kasuotan at house. Matamis ko silang ngitian ko. Nagsimula na akong dumiretso sa kanan kung saan ang house ko kaso hindi pa ako nakakapunta ro'n ay bigla na lamang may nagpahinto sa akin. "You should sit at the center table," sabi ng lalaking naghatid sa amin dito na ikinasinghap ng mga tao. Huh? Hindi ba Equirrion ako? Taka man ay pumunta na lang ako ro'n at tumalima sa kanya, nakakahiya kaya andaming nakatingin sa akin. Nakayuko akong naglakad patungo kung saan napansin ko ang pamilyar na mga mukha na aking nakita sa klinika kanina lamang. Tahimik na umupo ako sa kanan katabi ng mga nakaunipormeng kagaya ko. Sana magkakagrupo kami. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD