Kabanata 10

1637 Words
Whispering Destiny Kabanata 10 | Agiria _____________________________________ Eren OMG. Ako na iyong susunod. Huminga muna ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papunta sa nakapagandang diwata sa gitna. Kaya mo 'yan, Eren. Wala sa bokubolaryo natin ang mahiya. Nakangiting sinalubong ako ng magandang diwata na ikinangiti ko rin. Grabe, 'di hamak na mas maganda pala sa malapitan. Paano kaya nagkaroon ng pakpak 'no? Parang gusto ko rin yata. Sa rami kong iniisip ay hindi ko na napansin ang paghawak niya sa aking kamay at napapikit na lamang ako sa liwanag na biglang bumalot sa akin. "Afraid, don't be afraid to take a risk or you will die," nangilabot ako sa isinabit niyang iyon. Jusko. Anong mamatay? Pinagsasabi ng diwata? Hindi pa ako handa sa ganyan. Lokohan lang ba 'yon? Jusko sana naman. "Equirrion!" Sa isang iglap ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kasuotan na katulad na katulad ng kay Sirene puwera na lamang sa pangalang naka-ukit. Grabe, napakaganda. Nakakayaman tingnan naman nito. Pakiramdam ko tuloy anak ako ng isang maharlikang reyna ng kaharian. Bida moments na naman ako nito. Nakangiti akong nagtungo sa kanang table. Napasimangot na lang ako nang matandaang nasa gitna pala si Sirene nakaupo. Ano ba 'yan magkagrupo nga kami 'di naman kami magkasama at magkatabi. "Go to the center table," napahinto naman ako sa gulat ng sabihin 'yon ni sir Hance pero mas nangibabaw ang saya. Kaya 'di na ako nagdalawang isip na tinabihan si Si sa upuan. Kung sinuswerta ka nga naman talaga. Magkasama pa rin kami. Nakipagkamao pa ako kay Sirene dahil dito at magkasabay na ngumiti. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ Airilyn O-okay ako na. Shems. Sana naman Equirrion din ako. Hindi ko alam pero nawala talaga tapang ko sa mga tingin ng tao ngayon sa amin. Hindi ako sanay, pa. Masasanay rin siguro ako. Lumapit na ako ro'n sa diwatang may magarbong pakpak. In fairness ang ganda niya. Pagkalipat ko sa kaniya ay hinawakan niya na 'yong kamay ko gaya ng ginawa niya sa iba. Tanging pagpikit na lamang ang aking nagawa sa sobrang liwanag. "Seek, you should seek for you to maintain practically and not harm," bulong niya na ikinakunot ng noo ko. Huh? "Lyttleton," anunsyo niya na ikinanlumo ng aking mukha kasabay ng pagpapalit ko ng kasuotan. Kagaya lamang ang kasuotan ng aming house mula sa kabilang house. Napalitan lamang ang puti ng pula. Hindi ko mapigilang hindi manlumo sa naging resulta. Bakit naman sa lahat ng house sa Lyttleton kung saan wala sina Sirene at Eren pa ako nilagay. Nakita ko ang paglukot ng mukha nilang apat. Akmang maglalakad na ako papunta sa kaliwa ng pinapunta rin nila ako sa gitna. Kaya atomatikong nanlaki ang mga mata ko at nakangiting naglakad papunta sa kanila. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ Fira "Trust, be careful to the people you will trust," sabi niya ikinataas ko ng isang kilay. Trust? Mukhang malabo 'yan. "Lyttleton!" Sa anunsyo niyang iyon ay nabalutan ako ng liwanag at napansin ko na lamang ang aking sarili na nakasuot ng unipormeng katulad na katulad nang kay Airilyn liban sa ukit ng pangalan. Hindi kagaya nila Ari ay naghintay muna ako ng utos at direksyon mula sa kanila kung saan nga ba talaga ako dapat umupo. "Ms. Alvidrez, you may sit on the center table." Mabilis akong tumalima sa sabing 'yon ni Hance. Dire-diretso na akong umupo sa tabi ni Ari dahil sa kaliwa dahil pansin kong kahit may mga nakaupo sa gitna ay nakaorganisa pa rin ang ayos ng lahat. Tinuon ko muli ang tingin sa entablado kung saan natitira si Vera. Saan kaya siyang house mapupuntang 'no? ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ Alvera Hindi ko inaasahan na ako ang mahuhuling matatawag sa dami ng estudyante kanina. At dahil ako na lang ang natitira ay wala na akong ibang kundi ang dumiretso sa direksyon ng diwatang may kaakit-akit na pakpak. Hinayaan kong hawakan niya ang palapulsuhan ko kagaya ng ginawa niya sa mga nauna sa akin. Ikinapikit ko ang biglang pagpasok ng sobrang liwanag sa paghawak niyang iyon. "Decision, be careful for your desicion is very important," sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Anong ibig niyang iparating? "Lyttleton!" anunsyo niya at bigla na lamang napalitan ang aking pulang bestida mula sa unipormeng itim at pula na kagaya ng kasuotan ngayon nina Fira at Ari. "You may also sit in the center table," sabi ni Hance na bahagyang ikinangiti ko. Magkakasama pa rin kami. Kahit pa sabihin mong nagkaiba kami ng house ay heto't magkakasama pa rin kami sa hapag. Walang pag-aalinlangang umupo ako sa tabi ni Fira. "Ngayong nasa kanya kanya na kayong houses at clans ay maaari na kayong magsimulang kumain. Once again, welcome Gravelleans!" sabi ng babae na nakaupo sa parang tronong upuan at sa isang pitik niya ay biglang na lamang mah lumitaw na masasarap na pagkain sa aming harapan. "Hala, ulang!" malakas na sambit ni Eren na ikinaagaw ng atensyon ng mga tao at ikinatapik sa kanya ni Sirene na katabi niya. Eren→Sirene --------table----------- Vera→Fira→Ari "So noisy," napalingon kami sa nag-komento at nakita ang lalaking nakaputing bandana. Hinampas naman siya ng katabi niyang babaeng taga-Equirrion bago kami tiningnan at nginitian "Pagpasensyahan niyo na 'yan si Light. Ganyan talaga siya," sabi niya naikinatingin sa kanya ng masama ng lalaki pero hindi niya 'yon pinansin. Nagsimula na kaming kumain habang si Eren ay akala mo ilang linggong hindi kumain. Hindi ko rin naman siya masisisi. Ang mga pagkaing nasa harap namin ngayon ay daang pilak ang halaga sa aming bayan. Ni minsan nga ay hindi pa kami nakakain ng mga putaheng nasa harapan namin ngayon. Ngunit kita mo nga naman ngayon libre na lamang naming nakakain. Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang aking Ina at Ama. Sana'y masarap din ang kanilang kinakain sa mga oras na ito. Nabaling ang atensyon namin ng tumikhim ang babaeng may puti't itim na buhok. Agad nagtungo ang akin tingin sa kanyang pilak na nameplate, Diamond, Diamond ang pangalan niya. "Nagtataka siguro kayo kung bakit kayo nasa gitna kasama namin?" tanong niya na ikinatango na lang namin. "It's because this group at the center table is what we called Agiria. Where strong mage user belongs. Whether you're in different clans as long as you have the ancient and rare type of mystics you belong in this group. I'm Diamond, Zaireh's elite, a gravity manipulator," sabi niya matapos magpakilala. "Teka, elite?" tanong ni Ari na nakakunot noo. "Elite, 'yong para bang kanang kamay?" dagdag pa niya na ikinatango ni Diamond. Matapos ni Diamond ay sunod sunod na silang nagpakilala sa amin. Hindi ko inaaasahang may mababait naman pala sa kanila. Mayroong healer, plant manipulator, warlock atbp. Mayroon namang special abilities lang ang taglay. Napag-alaman namin din na kapag may mystic ka wala ka na raw special abilities katulad na lamang ng invisibility, power booster, etc. Gano'n din kapag may special ability ka wala ka na ring mystic. Sa pagpapakilala nila ay napansin kong bente lang pala kami sa gitna. Konti kumpara sa dami ng bilang ng bawat houses sa kanan at kaliwa namin. "Light, light manipulator," pagpapakilala ng lalaking nagkumonte kanina kay Eren na taga-Equirrion at may puting mga buhok kagaya ng akin. "Emerald, Briz's elite. Fog manipulator," pagpapakilala ng babae sa klinik na may berdeng mahahabang buhok at taga-Equirrion din. "Sapphire, Wanner's elite. Ice manipulator." "Ruby, Ash elite. Heat manipulator." "Amethyst, Mount's elite. Sand manipulator." "Briz, mental manipulator." Ramdam ko ang kahanginan nito sa pagpapakilala niya na ka house namin. Mayroon siyang matingkad na kulay kayumangging mahabang buhok. Hindi rin nakatakas sa akin ang gintong nameplate niya. Mythic. "Mount, time manipulator," nakangiting pagpapakilala ng lalaking kulay olandes ang buhok gaya ni Sirene at Mythic base sa kanyang nameplate na ginto. "Wanner at your service, Voice manipulator. Single and ready to mingle," puno ng kalokohang pagpapakilala ng lalaking may kulay along buhok mula sa Equirrion clan, isang Mythic. At ang siyang sumalo sa akin sa klinika. "Ash, weather," maikling pagpapakilala niya na mapapansin mo ang angas sa tono ng pananalita. Siya rin iyong maangas kanina sa klinik na may pulang mga buhok at matatalim na itim na mata. Mukhang taga-house namin siya at isa ring Mythic. "Zaireh, copiar." Nagtama ang aming tingin sa pagpapakilala niyang iyon. Mukhang siya ang nagtataglay ng kaparehas ko na mystic. Itim na itim ang kanyang buhok at maging ang kanyang mga mata kabaliktaran sa aking puting buhok at abong mga mata. Matapos nilang magpakilala ay tiningnan nila kami na animo'y inaantay na kami naman ang magpakilala. "Kumusta! Ako si Eren Kasandra Zarilla. Isang time manipulator," masiyahing pagpapakilala ni Eren. "Sirene, voice manipulator," nakayukong pagpapakilala ni Si. "Airilyn here, a mental mind manipulator," taas noong pagpapakilala ni Ari na mukhang nakabawi na sa pagkakahiya kanina. "I'm Fira a weather manipulator," pagpapakilala naman ni Fira. "Vera, mystic replication," maikling pagpapakilala ko. "I see, but 'wag kayong magagalit ha. Kasi you know nagtataka kami kung paano kayo nagkaroon ng duplicate mystic. Paano nga ba kayo nagkaroon ng ganyang mystic?" takang tanong ng isang babae from Equirrion na isang plant manipulator. Nagkatinginan naman kaming lima bago napagdesisyonang ako na ang magpaliwanag. "Sa totoo lang, maging kami ay hindi alam kung papaano. Basta simula noong nangyari ang insidente sa aming bayan nagbago na ang aming buhay. Sa isang ilusyon na inyong pinakatutukuyan ang naglabas ng aming kakayahan at ang siyang dahilan ng aming pagkadiskubre rito," paliwanag ko habang patuloy pa rin sa pagkain. "That's it?" tanong niyang muli na ikinabaling ko ng tingin sa kanya. "That's it," seryosong sagot ko. Agad na nag-iwas ng tingin siya na akala mo'y natakot sa aking mga tingin at nagpatuloy na sa pagkain. Nagkibit balikat na lang ako sa nangyari. Ano bang problema nila sa amin? Para bang isa kaming malaking banta sa kanilang lahat. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD