Whispering Destiny
Kabanata 11 | Ikaunang Araw
_____________________________________
"Grabe! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na may mystic tayo at may mundong ganito. Tingnan niyo naman, ang gaganda natin. Para tayong nag-ibang anyo mula sa pagiging diyosa," manghang manghang sabi ni Eren na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.
"Parang pakiramdam ko tuloy isa lamang panaginip ang lahat," sabi pa ni Sirene.
Maging ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga kaganapan. Sa isang iglap ay nagbago ang aming mga buhay. Sa isang insidente na nagdala sa amin sa kinalalagyan namin. Ni hindi ko man lang nagawang mayakap si Ama at makapagpaalam nang maayos kay Ina. Kakayanin ko kaya ang limang taong walang koneksyon sa labas ng lugar na ito?
Sinabi rin kasi sa amin na hindi kami maaaring magkaroon ng koneksyon sa sinuman sa labas ng Aevetura hanggang nandirito kami sa mundong ito. Noong una nagalit kami pero alam naman namin sa sarili namin na wala kaming magagawa. Alam kaya ng mga magulang namin ang tungkol dito? Kaya ba sila pumayag?
"Ang bilis ng mga pangyayari," ani Ari bago pabagsak na umupo sa isang malambot na mahabang upuan.
Matapos naming kumain ay dinala kami rito sa isang tinatawag nilang dorm sa loob ng gusali ng Casa. Para itong isang napakalaking dalawang palapag na bahay. May sala, kusina, banyo, at anim na kwarto sa may i-taas. Napakagarbo ng istilo at disenyo nito. At ayon sa naghatid sa amin dito ay kaming lima lamang ang maguukopa sa lugar na ito na isang malaking ikinapasasalamat namin.
Hindi kasi ako komportable na magkaroon ng ibang taong kasama sa lugar na ito. Ramdam ko sa mga tingin nila ng headmistress ng mga ka-house at kasamahan namin ang pag-disgusto nila sa aming lima. Ibang-iba sa trato nila sa mga ibang baguhan sa eskwelang ito. Para bang pingdududahan nila ang aming personalidad.
"Hindi ko gusto 'yong mga tanong at tingin nila sa atin kanina mula pa kanina. Hindi tama. Parang meron tayong malaking kasalanan sa kanila. Are we even welcome here?" Iiling-ilng na sabi ni Ari.
"Kahit ako ay ramdam 'yan. Kung alam lang nila kung papaano tayo na punta sa lugar na ito. Kung paano tayo sinalubong ng kakaibang mundo at katauhan na kailanman ay hindi pumasok sa ating mga utak," dagdag ni Fira na may galit sa mga tao. Nagkatingin kami ng maramdam ang pag-init ng temperatura sa loob.
"Calm down, Fira" sawau ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Fira bago dumikwatrong umupo sa sopa.
"Kaya nga. Hindi lang naman tayo iyong bago rito pero bakit ibang-iba ang trato sa atin," malungkot na dagdag pa ni Sirene.
"Simula ngayon magandang gawin ay makihalubilo sa kanila at makisama. Saka na natin problemahin ang lahat dahil tanging ang mga magulang lang natin ang makakasagot nito. Perhaps, they're also like us. Ang hindi ko lang alam ay kung paano natin sila makakausap gayong nasa loob na tayo at sinabi nilang hindi tayo maaaring magkaroon ng koneksyon sa kahit kanino sa labas ng Aevetura," sabi ko na nagpatahimik sa amin.
"Ang ikinatataka ko lang ay bakit hindi pinaalam sa atin ito ng ating mga magulang? Ilang dekada nila itong itinago sa atin." Nagkibit balikat na lang kami sa sinabing iyon ni Sirene dahil maging ako ay hindi alam.
"Sa ngayon kailangan ng pahinga. Alam kong lahat tayo pagod sa mga nangyari at mga nalaman natin. Bukas na lang muli tayo mag-usap. Kausapin na lang natin ang headmistress bukas kung maaari ba nating makausap ang ating mga magulang. We need an answer," sabi ko kaya't umagree naman sila at umakyat na kami papunta sa taas.
Hindi ko na binaggit pa ang maharlikang nagdala sa amin sa peligro at maging gayon din sila. Ayaw na namin pa itong pag-usapan pa.
"Paano natin ngayon hahatiin ang kwarto?" tanong ni Eren.
Hindi na pinansin ni Fira ang tanong na 'yon at nagdire-direto na sa ika-unang kwarto. Sumunod din naman si Ari na inukupa ang katabi ni Fira. Nagkibit balikat na lang ako at pumunta rin sa katabing kwarto ni Ari. Nakita ko pa ang pagpasok ni Sirene sa katapat ng kwarto ko at si Eren sa tapat naman ni Ari.
Pagpasok ko sa loob ng silid ay purong itim lang ang room na pinasukan ko pero unti unting nagbago ito pagkaapak na pagkaapak ko sa karpet. Unti unting nagkakulay ang kwarto. Ang dating itim na kwarto ay naging napakaganda at kumikinang na silver at diamond ang disensyo. Napaganda ng disensyo at nakakamangha.
Inikot ko ang magiging kwarto ko at namangha sa laki nito. May sarili na rin itong banyo at napakalaking silid ng mga damitan. Balak ko pa sanang ikutin ang magiging kwarto ko pero nakaramdam na ako ng antok dahil sa mga nangyari kaya't na pag-desisyonan kong dumiretso na muna sa silid damitan para makapagpalit na ng komportableng kasuotan pantulog.
Nanlaki ang mga mata ko ng kusang mapalitan ang unipormeng suot ko ng isang padyamang maluwag na siyang nasa isip ko ngayon.
Sinipat ko ang aking sarili sa salamin at napailing na lamang mula sa pagkamangha. Hindi ko na pala kailangang maghanap n damit.
Nakangiting bumagsak ako sa higaan na ngayon ko lamang natamasa sa lambot. Hindi ko maiwasang maalala ang kama kong marupok. Kita mo nga naman ngayon ibang iba na ang tinutuluyan ko. Higit pa sa inaasahan.
Inaayos ko lang ang kumot papapulupot sa akin at ipinikit na ang mga mata.
Staying here isn't a bad idea after all.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆
"Wakey wakey little sleepy head."
"5 minutes," inaantok kong tugon.
Unti unti na akong nilalamon muli ng antok ng bigla na naman may manggising sa akin.
"Wake up sleepy head. Time for school," gising niya pero umikot pa ako ng pwesto.
Ayaw ko pa. Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog nang matulog.
"I will give you 5 more minutes. If you won't wake up I had no choice but to do that thing."
Niyakap kong muli ang malambot na kung ano sa tabi ko pero halos mapatalon ako sa gulat nang makaramdam ako ng parang kuryente na dumaloy sa akin. Nabigla ako at napabangon dahil sa gulat.
"Hoder!" asar na mura ko at naniningkit ang mga mata na bumangon.
"At last. Bumangon ka na rin," nakita ko si Zeke na siyang nagsalita.
"You don't have to do that. What a good way to start my day, Zeke. Good morning," asar na sabi ko at dumiretso na sa banyo para maligo.
"Halos ilang oras kitang ginigising. And you're still not up. So what do you expect me to do?" sabi pa ni Zeke habang dinidilaan ang balat nito.
Kunot noo kong sinara 'yong pintuan. Aba't sumasagot pa ang panda. Pasalamat na lang siya talaga at cute siya.
Nawala naman ang inis ko nang makita ang banyo. Gawa sa presa ang lahat ng kagamitan. Mula siyampu hanggang sa tutpeys na sobrang kong ikinatuwa. Isa ang presa o strawberry sa aking paborito.
Mukhang ang kwarto na ito ay bumabase sa gusto at iniisip mo.
Agad na akong nagsimulang maligo at matapos ay dumiretso na sa nakapalaking silid damitan.
Gaya ng nangyari kagabi ay kusang napalitan ang suot ko ng uniporme ng aming house.
Napaisip lang ako saglit, para saan pa itong napakalaking silid damitan kung kusa namang nagpapalit ang damit depende sa naiisip ko? Nagkibit-balikat na lamang ako.
Inaayos ko lang ng konti ang puting puti kong buhok at sinipat ang sarili bago napagpasyahang lumabas na ng kwarto. Nakita ko naman ang pagbalik ni Zeke bilang kwintas ko.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. Bigla bigla na lamang siyang susulpot kapag gigisingin ako tapos hindi na magpaparadaman. Nagiging panda siya kung kailan niya lamang gusto.
Napailing na lang ako bago winaksi ang mga hindi dapat sa aking isipan ko. Napatingin ako sa malaking orasan habang pababa ako ng hagdan. Nagulat ako nang makitang mag-a-alas siete na pala. Ang karaniwan gising ko kasi ay alas singko sa bayan dahil nagsisimula ang klase namin ng alas sais.
Mukhang napasarap ako ng tulog dala ng napakalambot na kama at kumot.
Ano kaya ang oras ng pasok dito? Hindi ko na kasi nakita dahl inahatid na kaagad kami rito. May pasok pa kaya rito o parang pag-eensayo na lamang ang mangyayari? Hindi ko malalaman hangga't hindi ko ito nakikita sa aking sarili.
Pagkababa ko ay mga inaantok pa na mukha nila ang aking naabutan. Mukhang ginising din sila ng kanilang mga alaga. Ni hindi man lamg nila napansin ang presensya ko.
"Nagugutom na ako," biglang bulalas ni Eren habang nakanguso.
"Nakita niyo ba ang ating iskedyul?" tanong ko sa kanila pero napailing na lang sila.
Namataan ng aking mata ang isang parang papel sa aming harapan namin na walang sulat.
"Ano 'yan?" tanong ni Fira ng hawakan ko ang papel na iyon.
Bigla na lamang itong nag-ilaw at unti unting lumabas ang mga nakatagong sulat mula riro.
"Woah! Astig," bulalas ni Sirene.
Mukhang mahihirapan kami mag-adjust dito dahil halos nagugulat at nasusurpresa kami sa mga nangyayari at nakikita namin.
Nagsilapitan sila sa akin at binasa ang mga nakasulat dito.
"Hala. Iyan pala ang ating iskedyul," puna ni Ari.
Tiningnan namin ang iskedyul at nakalagay doon ang almusal na nagsisimula ng alas siete impunto.
Binasa pa namin ang iba at napagalamang kailangan ay impunto lagi kung hindi ay may karampatang parusa at alam kong kakaiba 'yon dahil na nga rin ay wala kami sa ordinaryong mundo.
"Anong oras na?" seryosong tanong ni Fira.
"6:54 na," alanganing sagot ni Eren.
Agad agad kaming nag-ayos at nag-handa para lumabas.
"Kaloka! Mukhang mahuhuli pa tayo sa unang araw ng klase natin," sabi ni Ari.
"Kitakits na lang sa Great Hall. Bye bye! Mahuli alam na!" sabi pa ni Ari at kumaripas na ng takbo papalabas.
"Hoy, hala! Saglit lang maduga ka Ari!" asar na sabi ni Eren bago kumaripas din ng takbo papasunod. Nagkatinginan pa kaming tatlo bago sumunod sa tatlo.
Ito na naman kami sa paunahan namin. Palagi naming itong ginagawa sa tuwing mahuhuli kami sa klase at ang mahuhuli ay susunod sa utos at gusto ng bawat isang mananalo. Si Ari ang nagpasimuno nito. Palibhasa'y mabilis siyang tumakbo.
Ngunit ngayon ay iba na. Dalawa ang maaaring karampatang parusa ng mahuhuli. Magiging alalay namin at ang parusa sa pagiging huli na hindi pa namin alam kung ano.
Nauuna na si Ari at sunod si Eren at halos magkakapantay lang kaming tatlo nina Si at Fira kaya napaisip ako ng ideya. Nakita kong nakita 'yon nina Si at Fira na agad nakaiwas sa atake ko. Sunod kong pinatamaan si Ari na mukhang nagulat at natigilan sa nangyari at si Eren napatigil pero agad din naman silang nakabawi pero huli na nang malagpasan ko sila.
Naglaglag ako ng mga spikes na matutulis sa sahig para mahirapan sila sa paghabol pero halos mapagulong ako sa pag-iwas sa nagliliyab na apoy na galing kay Fira.
"Sheesh. Muntik na ako!" naiusal ko bago nagpatuloy sa pagtakbo.
Nakita kong maabutan na ako ni Eren kaya gumawa ako ng bolang apoy mula sa nakopyang kong mystic kay Fira at inihagis sa kanya. Nakita kong nadaplisan siya nito na kinaasar nito.
Nakita ko ring inaatake ni Fira si Sirene ngunit nauupos lang ng inuusal ni Sirene ang apoy ni Fira kaya naasar ito at kay Ari na lang pinatama ang bolang apoy niya na ikinasama ng tingin ni Ari.
Halos magkagulo na ang paligid dahil sa pagbabatuhan namin ng mystic na kahit ako ay gulat kung paano namin nakokontrol.
Dahil sa asar ni Ari sa ginawa ni Fira ay nakita kong biglang nawala ang apoy ni Fira na akmang papatamaan naman si Eren ng dahil kay Ari. Oops. HAHAHA. Paktay ka ngayon Fira.
Ngunit halos mauntog ako sa harapan ko nang makita ang isang malaking bato ang nakaharang sa daanan ko at sa biglang pagbagal ng oras sa akin.
Nilagpasan lang ako ni Eren at naunahan na ako. Naningkit ang mata ko ng maunahan ako ni Eren. Nakikita ko na ang pinto papasok sa Grand Hall. At mas lalong nagsunod sunod ang pag-atake nila mula sa likod kaya iwas lang ako nang iwas ng maisipang pabagalin ang apat ngunit hindi ito umupek kay Eren.
Malapit na sana si Eren sa pintuan ng atakihin ko siya ng napakalas na bolang apoy mula sa akin. At nakita kong muntik na siyang madaplisan at kinuha ko ang tiyansang iyon para mauna na.
"Sorry, Eren." bulalas ko.
Hingal na hingal ako nang pabalya kong binuksan ang pintuan ng Grand Hall ang dining hall pero napatigil ako ng mapansing halos lahat ay nakatingin ngayon sa amin. Mukhang naagaw ng atensyon nila ang biglang pagbukas ko ng pinto. Sana pala dinahan dahan ko ang bukas.
"Mukhang ikaw na naman Sirene ang nahuli paano ba 'yan," asar ni Ari sa kanya.
"Eh kasi maduga kayo eh. Pinagtulungan niyo ako ni Fira!" asar nasigaw pa ni Sirene bago bumusangot.
"Guys," mahinang tawag ko sa kanilang atensyon na nagpatahimik naman sa kanila at napagtanto ang sitwasyon namin ngayon.
Halos lahat ng mata ng tao ay nakatutok ngayon sa amin at mukhang kapwa nagtataka sa mga nangyayari. Ngunit hindi ko na lang 'yon pinansin at pikit matang dumiretso na lang sa upuan namin kahapon. Tiningnan ko ang orasan at napabuntong hininga ako nang makitang sakto lang kami sa oras na nakarating.
Ngayon ko lang napansin ang galos sa katawan ko at ganon din silang apat.
"Ang sakit ng kamay ko. Vera kasi," sabi ni Eren sa akin na katapat ko at inismiran ako.
Nginisian ko na lang siya. "Kasalanan ko bang 'di ka nakailag?" pang-aasar ko pa sa kanya.
"At least hindi ako ang nahuli," sabi niya at biglang sumilay ang ngiti bago siniko si Sirene na nakabusangot at inaayos ang magulong buhok.
"Makikita niyo makakabawi rin ako sa inyo," sabi ni Sirene at umirap sa aming lahat na ikinangiti namin.
"Pang-ilang beses ko na ba iyang narinig. Hmm. 4, 10, 50?" pang-aasar pa ni Ari na may pahawak pa sa baba niya at pagbibilang sa kamay.
"Actually halos sampung taon niya na 'yang sinasabi. I lost count," dagdag pa ni Fira na ikinatawa pa namin ng mahina.
"Nakakaasar kayo. Maghahanap na lang ako ng ibang kaibigan talaga. Hindi ko na kayo mahal. Hindi ko na kayo kaibigan. Simula ngayon magkalimutan na tayo," pagdadrama pa ni Sirene.
Napatahimik kami ng mga segundo at nagkatingin bago sabay sabay na napatawa.
"Ayaw ko na!"
"Pang-artista ang aktingan! Iba rin!"
"HAHAHAHA!"
Tawa lamang kami nang taw pero pinanatili naming tahimik ni Fira ang tawa hindi katulad nila Eren na bulgaran. Tuwing magkakasama talaga kami ay parang kami lang ang tao sa mundo.
"Excuse me," napatigil kami sa biglang pagtikhim ng taong nasa harapan namin.
"Patay," narinig ko pang bulong ni Eren.
"What happened to the five of you at parang dumaan kayo sa g**o pagpunta rito? And what are you laughing at?" tanong ng mukhang parang mataas ang posisyon dito dahil sa kakaiba niyang kasuotan.
Nakita ko sa gitno niyang pin ang ngalan niyang Gino.
Patay nga talaga kaming lima.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆