Kabanata 12

1406 Words
Whispering Destiny Kabanata 12 | Statue ___________________________________ "What happened to the five of you at parang dumaan kayo sa g**o pagpunta rito? And what are you laughing at?" Nagkatinginan kaming lima at sabay sabay na tumingin kay Sirene. Oras na para sa kaparusahan dear, Sirene. Tumikhim muna si Sirene bago nagsalita. "We're sorry sir. Late po kasi kaming nagising kaya't hindi po kami nakapagayos kaagad. Hindi rin po kaai namin nakit ang aming iskedyul sa araw na ito. Huli na naming nakita ito at nakasaad dito na may karampatang parusa sa mahuhuli kaya't nataranta po kami. Halos mawalan pa po ako ng balanse sa pagtakbo kaya po nagkagalos ako gano'n din po sila. Natatawa po kami kasi po nakarating po kami sa tamang oras matapos ang lahat ng nangyari. We're really sorry po for what happened. Hoping for your understanding," magalang na sabi ni Sirene na hindi mahahalata ang bahid kasinungalingan sa mga ito. Mukhang talaga siyang purong at walang gagawin ng masama pero siyempre wala namang perpekto kaya 'di maiiwasan ang mga ganito. Pero maniwala kayo, si Sirene iyong tipo ng taong napakalas inosente, mabait, at mapagmalasakit. Masasabi kong siya ang pinakamabait na taong aking nakilala. "Is that so Ms. Sirene? I understand that you're new here at wala pang alam dito, but looking at your wound especially Ms. Eren's wound ay napalaki naman para sa isang dapa lamang. Unless you're lying to me, Ms. Sirene," mapanuring sabi ni Mr. Gino na mukhang. Tumaas ang tensyon dahil sa paratang niyang iyon. Dapat hindi niya malaman ang nangyari patay talaga kaming lima 'pag naabutan nila ang gulong ginawa namin sa labas. Pasimple kong hinawakan ang kwintas ko. 'Clean our mess Zeke' utos ko kay Zeke. 'As you wish master' sagot niya na ikinahinga ko nang maluwag. Mukhang kailangan na ni Sirene ng backup. "Actually, Mr. Gino, totoo po ang sinabi ni Sirene. You all know naman po na may matulis na statue malapit sa Grand Hall and Eren accidentally run towards it. Mabuti na lang po at 'yong gilid lang ng braso ang nasayad sa kanya," sabi ko at nakita kong medyo nakumbinsi si Mr. Gino sa sinabi ko. "So shall we look at the traces? Sigurado akong may traces ng dugo si Ms. Eren doon hindi ba Ms. Vera?" nakangisi niya pang saad. "Pardon, sir, but as I observe the statue isn't a kind of statue that can recognize such blood traces since isa lamang itong realistic ilusion. Kaya lamang nakakaramdam ang taong makakalapit dito ng sakit at galos sapagkat nakapalibot ang ilusyong 'yon ten kilometers from it. Kaya habang nasa sakop ka nito ay mararamdaman mo pa rin ang sakit na dulot nito and it won't leave any traces 'cause it's just an ilusion," segunda ko na nagpanganga sa kanila. Seems like hindi sila aware sa bagay na iyon. Gayon din sina Fira na nagtataka bakit ko nalaman ang mga impormasyon na sinabi ko. Kahapon kasi habang papunta kami sa aming gusali ay napahinto ako nang makitang parang kakaiba 'yong statwa na isang jaguar pero mukhang napakatulis. Nagtataka ako kung bakit napakatulis nito. Out of curiosity ay dinikit ko ang daliri ko rito at nakita ko ang pag-agos ng dugo sa daliri ko. Hinayaan ko na lang na dumaloy ang dugo sa daliri ko, pero habang papalayo kami ay nakita kong unti unting pagkawala ng sugat ko na ikinalaki ng mata ko at naalala ko ang sinabi ni Emerald. Napangisi na naman ako ng mapagtantong isa lang iyong ilusyon. Nabalik ako sa reyalidad sa pagsasalita ni Mr. Gino. "Very keen observation Ms. Vera. You're just new here pero nalaman mo na agad ang tungkol sa bagay na iyan na karamihan sa mga estudyante ay hindi nalalaman. Apology accepted," sabi pa ni Mr. Gino na naglakad na papunta sa harapan kaya napahinga ako nang maluwag after that. Akala ko mahuhuli na talaga kami. Ni hindi pa nga namin alam ang taglay naming kakayahan at ang mundong ito. "I assume that everyone was here. So you can start eating now. Enjoy your meal," sabi ni Headmistress Anastasia. Narinig ko pa ang mga bulong bulungan sa paligid. "Bro, she's extraordinary. I never knew about it since now." "She's something.." "She's interesting. What's her name again, Vera?" "Kaya pala hindi nawala wala 'yong sugat ko noon." Iilan lamang 'yan sa narinig ko. "Iba ka talaga, Vera," sabi ni Ari sa akin habang nagsisimula nang kumain. "Akala ko katapusan na natin kanina," sabi pa ni Sirene at inayos ang buhok. "Ang sakit pa rin ng sugat ko. Nakakaasar ka Vera," sabi pa ni Eren. Kaya hinawakan ko ang kamay niya na may sugat. Aangal pa sana siya ng bigla na lang dumaloy ang enerhiya ko papunta sa sugat ni Eren at unti unti nitong pinaghilom ang sugat ni Eren. Kahapon kasi na diskubre ko na kinaya ko ring kopyahin ang kakayahan ni Dra. Leah pero saglitan lang. Nagulat naman siya sa ginawa ko at ang unti unting paghilom ng sugat mula sa braso niya. "Woah. Woah, Vera," sabi ni Eren at sinipat sipat pa ang braso nito. Hindi ko na lang ito pinansin at nagsimula nang kumain. "Seems like you're keen and observant Ms. Vera. But I know that it was just a cover up from what have you've actually done," malamig na sabi ng lalaking pula ang buhok at may earring sa kanang tenga. "Excuse me?" "I've seen, oh no, We've seen how you five played while running towards the Grand Hall. The wound on Ms. Eren's arm is caused by your attack and not from the statue you're talking about," sabi niya na nagpatigil sa amin. Alam kong kinakabahan na ang apat dahil sa sinasabi nitong pulang buhok na animo'y manok na lalaki. "So, shock huh? Scared?" May halong pang-uuyam na sabi niya habang blanko at malamig pa rin ang titig. "What is it to you if we lie? Does it concern or bother you?" sagot ko sa kanya. "Let me say that we can actually tell what really happened and that you're lying to Mr. Gino. You don't know how Mr. Gino hates liars like you," segunda ni Ruby na sa pagkakaalala ko ay elite ni sino nga ulit itong manok na lalaking 'to? "Ash," napatingin naman kami kay Zaireh nang sagutin niya ang tanong sa isipan ko. "What?" takang tanong ng malamanok kay Zaireh. Ash, Ash nga pala ang pangalan niya. Hindi ko kasi makita masyado ang kanyang pin dahil medyo nasa dulo siya na kahilera ko. Nakita ko ang masamang titig at pagdilim ng awra ng apat at handa na sa mga susunod na mangyayari. "Then go. Tell him what you saw," matapang na sagot ko kay Ruby. Nakita kong medyo nagulat silang lahat na mga nakakarinig sa gitna pero agad namang silang nakabawi ng bigla akong ngumisi at bumalik sa pagkain. "Aren't you scared of what will happened after we spill what we saw?" hindi makapaniwalang tanong ni Amethyst ang elite ata ni Mount. Bakas din sa mukha ng iba ang pagtataka at pagkagulat sa sinabi ko. "Why would I? Do you even have an evidence?" Tanong ko na hindi man lang tumitingin sa kanila at nagpatuloy lang sa pagkain. Nakita ko sa peripheral vision ko ang biglang pagtahimik nila. Mukhang nakuha nila ang gusto kong sabihin. "You're unbelievable," iling iling na sabi ni Ash sa akin pero hindi ko na sila nilingon pa. "Nakahanap ka rin ng katapat mo, Ash," asar ni Mount sa kaibigan at tumawa tawa pa. "Mukha nga Ash," gatong pa ng Mount. "Shut up you two," asar na asik ng malamanok na si abo. Simula ngayon Abo na ang itatawag ko sa kanya dahil kasing kulay ng abo ang budhing meron siya. "Nawalan na ako ng gana," sabi pa ni Abo bago umalis. "Sundan ko muna," sabi ng elite niya bago ko nakitang sinamaan ako ng tingin. Ginawa ko sa 'yo? "Mukhang naasar si Ash ah. Nice job, Vera," sabi pa ni Wanner pero hindi ko siya pinansin. Alam kong ako ang nagsabing makipagkaibigan kami pero hindi ko nagugustuhan ang kanilang dating. "Tara na," sabi ko nang mapansing tapos na 'yong apat na kumain. "Ouch naman. In-ignore ako ni Ms. Vera after I saved her from falling," sabi pa ng Wanner at pailing iling pa. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdiretso na palabas. Gusto ko lamang ngayon ng normal na araw. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD