Kabanata 13

2130 Words
Whispering Destiny Kabanata 13 | Hellivator _____________________________________ "Saan unang klase natin, Vera?" tanong sa akin ni Sirene na sumiksik pa sa akin. Sinipat ko naman ang aming iskedyul at hinanap ng mata ko ang Tuesday dahil martes ngayong araw. "Crafting," basa ko sa nakasulat. "Eh? Crafting? Anong klaseng subject 'yon?" takang tanong ni Eren. "Hindi naman malalaman hangga't hindi natin napupuntahan. Kaya't tara na," pag-anyaya ni Fira. "Teka, saan ba 'yong silid na tinutukoy diyan?" tanong naman ngayon ni Ari. "Equirrion Bldg, 5th floor, Room 504 A at Lyttleton Bldg, 5th floor, Room 505 A," basa naman ni Sirene kaya nag-diretso na kami sa gusali at mukhang magkakahiwalay kami ng pupuntahan. Kahit pa kasi magkasama kami sa Agiriang lima ay kung anong iskedyul namin sa aming respektibong clan ay doon dedepende ang lahat. Nakita ko ang paglungkot ng mukha nila. "Mukhang magkakahiwalay ata tayo ay," puna ni Ari. "Mukha nga, pero andito naman si Si. Ano pa't natalo siya kanina," sabi pa ni Eren sabay kapit at ngiti kay Sirene. Napabusangot na lang naman si Sirene dahil alam niyang wala siyang ibang choice kundi gawin ang mga iuutos ni Eren. "Kahit kasi na magkakasama tayo ng dorm ay 'di pa rin tayo magka-house asar naman. Sayang tuloy ang kaparusahan ni Sirene si Eren lang makikinabang," nakabusangot na sabi ni Ari na mas inaalala pa ang kaparasuhan pero alam kong hindi 'yon ang inaalala niya. Wala siyang makukulit dahil wala ang dalawa. Madalas seryoso kasi kami ni Fira kaya malungkot 'yan si Ari. "Mamimiss ko kayo!" maingay na sabi ni Eren at niyakap pa kami. Napatampal na lang kami sa noo sa ginawa ni Eren. "Baka 'di ba magkikita drn tayo mamaya. OA lang Eren," bara ko sa kanya pero dinilaan niya lang ako. "Eh sa bawat minuto at oras na hindi ko kayo nakikita namimiss ko na kayo," sabi pa ni Eren at kumapit pa sa amin ni Fira. Nagkunware pang nasusuka si Ari. "Pwe. Ewan ko sa 'yo. Masyado ka atang maraming nakain ngayon ah. Hala sige pasok na," sabi pa ni Ari at pinagtulakan na 'yong dalawa. "Mahal din kita!" habol pa ni Eren. "Teka nga muna paano tayo makakapunta ro'n kung puro kayo chika tara na!" saad ni Eren at hinila ako palakad. "Tara na," aya rin ni Fira na nanguna na at nilagpasan kami. "Yes boss, Fira!" sabay sabay na sabi namin. Nakisali na rin ako. Nakita ko namang tinaasaan kami ni Fira ng kamao niya. "HAHAHA. Ito na nga susunod na po boss," sabi pa ni Eren bago kami sumunod na maglakad sa kanya. Hindi pa rin talaga sanay sa pagbabago ng mga itsura nila. Masasanay rin talaga ako. Darating na lang siguro ang araw na masasanay na ako sa lahat sa paligid ko. Napahinto kaming liman ng may makita kaming kakaiba sa 'di kalayuan. Isa siyang parang baging na upuan sa gilid kung saan ay nakabantay ang malilit na diwatang kamukha ni Gaia. "Ano 'yon?" kyuryos na tanong ni Sirene. "Mukha bang alam namin," bara sa kanya ni Ari. Sinamaan lang naman ni Sirene ng tingin si Ari. Magsisimula na naman po ata sila. "Saan po kayo?" cute na tanong ng green na napakaliit na diwata. Buti na lang ay nagsalita na siya para matigil na sila at 'di na matuloy ang kung anumang nabubuong away. "Ang liliit nila. Parang maliit na bersyon ni Gaia!" gigil na sabi ni Eren at akmang hahawakan ito ng ng bigla itong umatras at parang may boltaheng mabilis na dumaloy sa katawan ni Eren na berdeng bola na nangaling sa munting berde na diwata. "Eren!" sigaw ni Sirene at agad na inalalayan si Eren patayo. Mukhang nagulat naman si Eren sa nangyari. "Shemay ang sakit. Ayoko na sa mga maliliit na diwata," nakabusangot na sabi ni Eren habang sinasamaan ng tingin ang mga ito. "Maaari ko bang matanong kung saan makikita ang mga palapag na ito?" Tanong ni Sirene at pagkakuwan ay itinuro ang aming destinasyon. "Upo na po kayo at ihahatid na namin kayo," maliit na beses na sabi ng diwatang kulay dilaw. Nagtaka naman kami sa tinuran nito. Teka, huwag mong sabihing diyan kami sasakay papunta ng kanya kanya naming building?Wala bang hagdan dito? "Mukhang bago pa lang po kayo rito. This is the fastest way po papunta sa mga floors unless you can teleport po or walk thru the stairs na sobrang tataas. This is called Hellivators. Sakay na po kayo baka mahuli pa kayo sa klase niyo," magalang na sabi ng dilaw na diwata kaya wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang umupo sa baging na upuan at gano'n din sila. Bigla kaming lumipad pataas na siyang ikinagulat ng aking buong pagkatao. Kaya mahigpit akong napahawak sa baging sa takot na mahulog. "What the!" "OMG!" "Ayoko mahulog! Mama!" "s**t" Napapikit ako nang mariin habang mahigpit na nakahawak sa baging. Takot ko na lang mahulog 'di ba. Naramdaman ko na naghiwalay na kaming tatlo sa kanila dahil magkaibang gusali at palapag ang tinatahak namin. Shet. Halos mahulog ang puso ko sa sobrang bilis. "Ms. Vera, nandito na po tayo," sabi ng kulay lilang diwata na nagpabalik sa akin sa ulirat. Inayos ko ang sarili ko. Sheez, anong klaseng sasakyan ba 'yon? Hindi man lang nagsabi na gano'n pala iyon. Masasanay rin siguro kami sa environment. Pang-ilang beses ko na yatang nasabi yan. Ewan ko ba. Sakto naman na binaba niya kami sa Lyttleton na ika limang palapag. Nagsimula na kaming maglakad matapos naming pasalamatan ang mga munting diwata na nagdala sa amin dito kahit na halos malaglag kami sa bilis. Literal na hell talaga ang karanasan sa pagsakay ng Hellivator. Napailing na lang ako. Nagsimula na kaming maglakad at sinuyod ang palapag na ito. Halos wala na kaming nakikitang naglalakad sa pasilyo at kita namin sa aming lakad na ang karamihan sa kanila ay nasa mga silid na nila. Kaya sinimulan na naming hanapin ang silid namin. 508... 507... 506... 505... "Ayon, 505 A," turo ni Ari sa silid na nakatalaga sa aming tatlo. Matapos no'n ay agad na kaming pumasok sa loob. Gaya kanina si Fira na ang nauna at bumukas ng pintuan. Lahat ng mata ay natuon sa amin pagkapasok na pagkapasok pa lang namin. Nandito na sina Zaireh, Briz, Ruby, Sapphire, at si Abo. Kung minamalas ka nga naman. Buti na lang talaga may pin kami na naka-ukit ang aming mga pangalan kaya't mabilis ko silang nakikilala. Kung hindi 'di ko malalaman kung sino sila dahil hindi ako magaling sa pag-alala ng mga pangalan. "Hey, new classmates," bati ni Briz sa amin. Tinanguan lang naman namin ang pagbati niya. Para atang isang laboratoryong silid ito dahil sa disensyo at kagamitan sa loob. Tanging ang puwesto kung nasaan si Zaireh na lamang ang may bakante kaya agad na kaming tumungo ro'n. Apat kase siyang tao kada lamesa na mahaba. At walo lang kami kaya sakto na kami ro'ng tatlo. Nasa harapan ko si Fira habang nasa kanan ko si Zaireh at sa harap niya si Ari. Wala kaming imikan ng makapwesto na kami ro'n. Uupo na sana ako ng may demonyong biglang nag-alis ng upuan ko. Mabuti na lang ay mabilis ang pandama ko at agad akong gumawa nang mauupuan ko pandalian gamit ang mystic ko. Kung minamalas ka nga naman. Ganda ganda ng umaga sisiraan ng kupal na 'to. Tinapunan ko siya nang masama. Bwisit na Abo 'yan lakas ng sapak. Siya lang naman ang may pakana ng pag-alis ng upuan ko habang papaupo ako para malaglag sana ako. Gigil 'di ba. Tinaasan niya naman ako ng kilay at nginisin bilang sagot. Kung nakakapatay lang ang tingin ay kanina pa patay sa matalim kong titig 'to at naging abo na ng tuluyan. Kinalma ko ang sarili ko bago ko kinuha ang upuan ko pabalik kahit na naiinis ako sa ginawa niya. Ayoko ng g**o. Kakalipat lang namin eh. Gusto ko ng tahimik na buhay. Tandaan mo Alvera na ginagawa mo ito para kayna Inay at Itay. Kahit kating kati na ako gumanti ay hinayaan ko na lang siya. Mariin akong napapikit ng tuluyan na akong nakaupo bago napabuntong hininga. "Wala kang gagawin? Gusto mo ako na lang?" takang tanong sa akin nj Ari. "Masasayang lang ang oras mo kapag pinatulan mo pa ang ka isip batang kilos ng abong 'yon," sabi ko at alam kong rinig na rinig niya ang sinabi ko dahil nasa likod lang siya ni Zaireh. Narinig ko ang pagkalabog ng bagay sa likuran ko. Awtomatikong napangisi ako sa naging reaksyon niya. "What did you just fvcking say?!" nag-a-apoy sa galit na sabi ni Abo. Akmang haharapin at lilingunin ko na sana siya na g marinig ko ang boses na galing sa pintuan na papasok na ngayon sa loob ng classroom "What the f**k is happening here, Mr. Ash?" pangagaya niya ng tono ng boses sa sinabi at boses ni Ash. Napatigil naman siya at na agaw ng pansin namin ang lalaking masungit na siyang nag-sundo sa amin kahapon. "Nothing. Just an idiotic girl who doesn't know who is she talking at," sabi niya pa na nagpaikot ng mata ko. Yeah yeah. Napakaisip bata. "Enough of that, Mr. Ash. I assume that you three are new from here. And I know that i'm very familiar too the three of you right, Ms. Vera?" sabi pa ni sir Chris na ikinaiwas ko ng tingin. Nakita ko ang takang tingin nila Fira at Ari sa akin. Nagkibit balikat na lang naman ako. "So since you're new here. I'm just giving some brief information about our subject. Crafting, by the word itself crafting or craft means a job or activity that requires special skill. Here, we will craft different kinds of potion. The basic one are the invisiblity, speed, strength etc." pagpapaliwanag niya sa amin. Kaya pala may mga kagamitan na sa paligid. "There's a certain ingredients for the potion that is assign per day. There's also instruction on the ingredients, so you won't need to ask. Just simply follow it. You must do it and follow it perfectly. Dahil kahit iisa lang ang mali niyo o patak lang ng pagkakamali ang nalagay niyo ay may posibilidad na makasira ng potion iyon. So you need to be careful, okay," paliwanag pa ni sir kaya tumango tango lang kami. Para lang naman siyang asignatura naming culinary na hinaluan ng chemistry dahil sa hindi pagkain ang gagawin kundi potion. "I bet na nakuha niyo na ang ibig kong sabihin. Hindi na ako magpapaligoy pa. Our task for today is the Iphram Potion," sabi ni sir at nagulat ako sa biglang pagliparan ng mga papel papunta sa amin. Alam kong pati sina Ari at Fira ay nagulat din at namangha sa nangyari. Nakita ko ang pagngisi ng abong 'yon pero gaya kanina hindi ko na lang siya pinansin. Anong inaasahan niya eh sa bago sa amin ang lahat ng nakikita at nararanasan namin. "You know what's the use of Iphram potion, right? It's a healing potion or kinda like an antidote for an Iphram's bite. Aware naman kayo 'di ba sa kamandag ng kagat ng Iphram," sabi ni sir na mukhang masungit ang mukha dahil sa kilay nito. "Isn't it dangerous for us to get near the Iphram sir?" napalingon ako sa likod at nakitang si Sapphire ang nagtanong. "Are you doubting yourself, Ms. Sapphire?" masungit na tanong niya kay Sapphire. "It's not like that sir. What I mean is it's dangerous to get in touch with them like what i've known and read, sir. Just a bite of it is deadly. It can kill anyond in just a bite," sabi pa ni Sapphire. Nagkatinginan lang kami nila Fira. I know na medyo kinakakabahan kami dahil nga'y kapwa bago kami sa ganito at wala pa kaming kaalam alam sa mga makakasagupa namin at kung paano ang mga bagay bagay rito. "I'm well aware of the danger, Ms. Sapphire. Ano pa't isa kayong ancient at elite mystic holeder dito kung hindi naman mapapakinabangan, right," sabi pa niya at nakita ko ang pagkibit balikat ni Sapphire. Mukhang wala na kaming ibang magagawa kundi gawin ang pinagagawa niya. Is it really that dangerous for her to be that scared? Nagkibit balikat na lang din ko. "This activity will be done by pairs," sabi pa niya habang may kinukuhang papel. "Here's the list. Listen carefully as I won't repeat it anymore. Ms. Airilyn & Mr. Zaireh, Mr. Briz & Ms. Fira, Ms. Ruby & Ms. Sapphire, and lastly Mr. Ash & Ms. Vera." Bigla na lang may lumipad na naman sa aming papel kung saan nakalagay ang mga kakailanganin namin sa paggawa ng Iphram Potion. Pero, teka, ano raw?! Kapares ko si Abo? Sa lahat naman ng tao bakit siya pa! ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD