Kabanata 14

2272 Words
Whispering Destiny Kabanata 14 | Iphram Potion _____________________________________ Andito kami ngayon sa matalahib na bahagi ng eskwelahan. Simula kanina pa ay nakasunod lang ako kay Abo dahil baka kasi alam ko 'yong pasikot sikot sa school na ito. Baka lang naman. Kaya wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang sumunod na lang sa kanya. Sa paglalakad ay napag-alaman ko ring parehas lang kami ng aktibidad ngayong araw nila Eren dahil nakasalubong namin sina Mount at Sirene kanina na magkapares at sina Eren at Light naman daw ang pares. Sinipat kong muli ang listahan ng mga kailangan pa naming hanapin. IPHRAM'S POTION Ingredients Eye of Newton Erumpment Tail Dandelion Savannah Root Aconite Bdelium Blood of Iphram Natapos na kami sa unang apat at tinatahak na namin ang daan papunta kung saan namin makikita ang Aconite na isang dried poisonous tuberous root ayon kay Zeke. Sa kanya na lang kasi ako nagtatanong. Kasi naman 'di ba baka sagutin ako ng tama niyang Abo na 'yan. Bakit ba kasi siya ang pares ko? Badtrip naman. Napalaban din kami kanina sa pagkuha ng mga kailangan dahil minsan ay mayroon kaming nadadaanang mababangis na hayop at kakaibang itsura na mga hayop na hindi ko alam kung anong tawag at mukhang wala namang balak ipaliwanag ito sa akin ni Abo kung anong klaseng hayop o anuma ang nakakasagupa namin. Kung minsan naman ay maiilap talaga ang mga hinahanap namin kaya't natatagalan kami. Napakahirap maghanap. Mabuti na lang at sinanay ako ni Ama sa mga bundok kaya't kahit papaano ay nakakasabay ako. Ang kinaibahan lang kakaibang mga bagay ang aming ginagawa. Ayon kay sir ay sa Hemera Forest daw matatagpuan ang lahat ng kailangan namin at sobrang laki nito na kung hindi ako sumusunod kay Ash ay baka naligaw na ako. Nagulat ako sa biglang pag-hinto ni Abo na nagdahilan ng pagkabunggo ng ulo ko sa likod niya. "Over there is the tree. Now, you, get the Aconite," pag-uutos nito pero inirapan ko na lang siya bago pumunta ro'n. Sa pagkakatanda ko ay lubhang nakakalason ito kaya't kailangan kong maging mas maingat. Ngunit paano ko naman kukunin pala 'yan kung malalason nga ako kapag hinawakan ko? "Ano pang tinutunganga mo riyan. Just get it! Makikipagtitigan ka na lang ba hanggang sa makuha 'yan?" asar na sabi ng kasama ko. Kung siya kaya ang kumuha naasar na ako ah. Kanina pa 'yan utos nang utos eh. Akala mo binabayaran ako at pinapakain ako dahil sa dami ng utos mula pa kanina. Pasalamat siya at sumusunod na nga lang ako sa kanya kasi baka iwan ako ng walang hiyang abong 'yan dito. Pinilit ko naman pa kalmahin ang sarili at mariing napapikit bago muling nag-isip nang paraan para makuha ko iyon ng hindi na lalason. "Kung ayaw mong gawin ako na ang gagawa!" asar na sabi niya bago ako binangga sa balikat at akmang hahawakan at kukunin na iyon nang mabilis kong pigilan ang kamay niya. "What the hell!" angil na naman niya sa akin. "It's poisonous," anas ko rito na pinanatiling kalmado pa rin ang boses. Kanina ko pa pinipilit na maging kalmado dahil ayokong magalit kung puwede lang. Kahit na kanina ko pa gustong sumabog sa galit at inis at sigawan siya. Nakita ko ang pag-irap ng abong 'yon. Kabaklaan. Agad ko namang inalis ang kamay ko sa braso niya nang mapansing nakahawak pa rin ako rito. "So what now? Titignan na lang ba natin 'yan hanggang sa makuha natin?" asar na naman na sabi niya. Isa pa isa pa talaga Abo at makakatikim ka na sa akin. Please lang. Sobra sobra na ang pagpipigil ko. Huwag mo akong sagarin, Ash. Napapikit naman ako nang mariin at napahawak ako nang mahigpit sa coat ko. Kinang. "What?! An— Can you just freaking shut up? Kung wala kang matinong sasabihin, puwede ba? Kanina ka pa kasi dada nang dada riyan eh! Nakakairita na!" pagpuputol ko sa dapat na sasabihin niya. Punong puno na talaga ako. Gustong gusto ko na siyang saktan at ilabas lahat ng galit at inis ko. Kung bakit hindi sa amin sinabi ng mga magulang namin ang tungkol dito, kung bakit parang banta ang turing niyo sa amin, kung bakit kami na pasok sa tanginang lugar na ito, kung paano namin nakokontrol ang mga bagay na hindi naman inaasahan, at napakaraming mga katanungan. Ang tanging gusto ko lang naman ay ang tulungan ang aking mga magulang. Pucha. Gusto kong sumabog ngayon. Napalunok ako at napakagat sa labi dahil sa sobrang tindi ng pagkasiphayp ko mula pa kagabi. Pero alam kong hindi ito ang tamang oras at panhon para sa mga ganitong bagay kaya pinigil ko ang sarili ko. Naramdaman kong bumaon na ang kuko ko sa mga kamay ko dahil sa tindi ng pagpipigil ko. Katulad kanina ay inirapan niya lang naman ako. Ang sarap dukutin ng mata. Kung pwede lang. Binaling ko na muli ang titig sa aconite at nagulat ako ng bigla ito umangat papataas. "Calm down, Master," narinig kong sabi ni Zeke sa akin. Gaya ng sinabi niya ay kinalma ko ang sarili ko at pinasunod sa akin ang aconite at inilagay sa isang bote ang nakuha namin at sinelyo ko ito ng aking mystic. "Seems like you know a lot on how to use your mystic, huh. I wonder if you five are really not aware about the mystic you possessed," sabi niya na ikinasama lalo ng timpla ko. "What are you implying, Mr. Ash?" may diing tanong ko sa kanya habang seryosong seryoso ko siyang tinititigan sa mga mata. "I know you have a secret at malalaman ko rin iyon," sabi niya na ikinangisi ko. "Sige, alamin mo. Gaya ng sabi ko wala kaming tinatago. Mapapagod ka lang kakaalam," pailing iling na sabi ko sa kanya. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hilain at patulak na sinandal sa puno. Ramdam ko ang init niya at ang sobrang lapit niya sa akin. Halos ilang pulgada na lamang ang layo niya sa akin at amoy na amoy ko ngayon ang kanyang pabango. "Don't lie to me. Sa oras na malaman ko ang sekretong iyon ay hinding hindi ako magdadalawang isip na pabagsakin kayo," seryosong seryosong sabi niya. Nakipagtitigan lang ako sa kanya nang matalim. Kitang kita ko ang abo nitong mga mata na nag-aalab sa galit. I know that you're hiding something to us, kayong lima. O 'di kaya galing kayo sa Eziariel at pinadala para mag-espiya rito. At hinding hindi ako makakapayag na mangyari 'yon. Kahit gayahin niyo pa ang mga kapangyarihan namin ay hinding hindi niyo kami mapapantayan. Napakurap ako nang marinig at mabasa ang nasa sa isip niya. How? "Really, Mr. Ash? I'm telling you we're not hiding anything. Bakit ba nagpapaliwanag pa ako sa 'yo," asar na sabi ko bago siya tinulak nang malakas papalayo dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Bakit ba parang napakalaki naming banta sa kanila? Spy? Eziariel? Ni hindi mga namin ginustong mapunta sa kalagayan namin ngayon. Ni hindi namin pinangarap na makapunta sa lugar na ito. Oo, maaaring nangarap kaming makapag-aral sa isang unibersidad pero hindi sa ganitong paraan. Ang tanging gusto lang namin ay ang magandang buhay sa aming mga magulang. Ang maiahon sila sa kahirapan. Bakit ba ganito sila sa amin? Hindi ko napansing nakuha na namin ang Bdelium dahil sa inis at ang Blood of Iphram na lang ang kailangan naming makuha para matapos na itong walang kwentang aktibidad na ito at mailayo na ako sa Abong ito. Kunot noo ko lang siyang sinundan dahil sa asar. Bakit ba lahat sila tingin sa amin malaking banta? Ano bang mayroon? Napahinto ako nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid pero patuloy pa rin si Abo sa paglalakad. Nakarinig pa ako ng kaluskos na unti unting papalapit sa kinaroroonan namin ngayon. "Hey, why aren't you following me? Baka gusto mong maiwan?" Kunot noong tanong ni Abo. Bigla na lang akong nakakita ng isang malaking kulay asul na cougar na may halong tigre na ngayo'y papalapit na sa nakaharap sa akin na si Abo at handa na itong atakihin. Kaya agad akong na alerto nang makita ito. "Sa likod mo!" Sigaw ko bago mabilis na tumakbo papalapit sa kanya at pinatamaan ng batong na sambot ko ang cougar o tigreng asul na hayop na nagdahilan ng pagkaatras nito palayo kay Ash. Halos mapatalon ako sa gulat nang makaramdam ako ng apoy na muntik ng tumama sa mukha ko dahil kay Abo. Agad ko siyang sinamaan ng tingin ngunit pagkaharap ko sa likod ko ay mayroon ding cougar/tiger na ngayo'y pula naman ang kulay sa likod ko na kamuntik na ako dakmain na tumumba sa atake ni Abo. "Ano ang mga 'yan?" tanong ko. "Iyan na ang hinahanap natin. Ang mga Iphram. s**t. Hindi ko napansing papalapit tayo sa lungga nila," sabi niya kaya humanda na ako sa maaaring mangyari. Magkaralikuran na kami ngayon. "What should we do?" tanong ko dahil nga sa wala akong alam. "As if you don't know what to do," sabi niya na napaginit ng ulo ko. Pati ba naman ngayon. Bwisit talaga. Dahil sa asar ko pinagtuunan ko na lang ang Iphram na nasa harap ko. Anong kailangan mo, huh? Little Iphram? Inatake ko na siya ng aking kapangyarihan pero nagulat ako ng hindi na gumagana ang kopyang kapangyarihan ko kay Fira. Papalapit na ang Iphram at kung hindi ako kikilos ay madadakma ako. Gulat man ay mabilis akong nakabawi at hinawakan ang kaliwang palapulsuhan ni Abo. Naramdaman ko ang kakaibang sensasyon ng pag-agos ng mystic niya sa akin pero hindi ko na pinansin pa ito at agad na akong gumawa ng patama na ikinalsik nang papalapit na sanang Iphram. "What was that for?" takang tanong ni Abo. "I'm copying some of your ability," sagot ko at binitawan na ito ng may sumulpot na namang bagong Iphram. Sinisigurado kong sa paa lang sila papatamaan. Hangga't sa maaari ay ayaw ko silang masaktan. Hindi ko na inabalang tumingin sa laban ni Ash. Alam kong kaya na niya. Sa aking pakikipaglaban ay kamuntik na akong matamaan sa mukha dahil sa pag-atake nitp na nag-iwan ng daplis sa aking kanang pisnge. Kaya't nang nakakita ako ng opening ay 'di na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na pinatamaan siya sa paa ng sunod sunod na nagpabagsak sa kanya. What are you doing in our territory? You shouldn't be here. Napaatras ako dahil sa narinig kong boses at naramdaman kong tumama ako sa likod ni Ash. Napagalaman kong galing 'yon sa Iphram na nakalaban ko na ngayon ay nakahandusay na sa lupa. "We just need a little blood from you for our activity," I said out loud. Napatingin naman sa akin si Ash na kakatapos lang ng laban dahil sa pagsasalita ko. Then go get it. You should have told us a while ago. "I'm sorry. I just don't know what to do. I'm new here," sagot ko at nilapitan siya nang pigilan ako ni Abo at hawakan sa balikat. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na siya ngayon. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" asik niya sa akin. "Kukuha ng dugo?" sarkastikong sagot ko at agad nang pumunta sa kinaroroonan nito. "Hey!" sigaw niya pa pero 'di ko na siya pinansin at kumuha na ng dugo mula rito at nilagay sa boteng dala namin. "Hindi ka ba nag-iisip baka bigla kang atakihin niyan!" galit na asik niya sa akin bago ako kinaladkad paalis. Bye. I'm sorry for hurting you, little Iphram. Sinabi ko na lang sa utak ko na sana'y makarating sa kanilang dalawa. "Hindi ko talaga alam kung wala kang alam o sadyang nagpapanggap ka lang na walang alam," sabi niya na nagpainit ng ulo ko. Pabalang kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at hinarap siya. "What the hell! Kanina ka pa ah. Kung 'di ka naniniwala sa akin puwede 'wag mo na lang i-salita at i-pamukha pa sa akin," asar na sagot ko sa kanya. "Kung sabihin mo na lang kasi— Hey, saan mo nakuha 'yan?" sabi niya na medyo napahinto sa pagsigaw. "What?" iritang tanong ko. "Iyong sugat sa pisngi mo?" seryosong seryosong tanong niya pa. "Doon sa Iphram habang magkalaban kami," asar na sabi ko bago siya nilagpasan at nagsimula nang maglakad. Makatanong akala mo naman talag may pake siya. Baka kahit mamatay na ako ay wala pa rin siyang pakialam. Baka nga mas matuwa pa siya eh. "Shit." Narinig kong mura niya bago ako hinawakan sa braso. Aangal pa sana ako ng bigla siyang tumakbo hawak ang braso ko nang napakabilis. "We need to go back, quick. Bago kumalat ang lason ng Iphram sa katawan mo," sabi niya na napagtanga sa akin habang patuloy sa pagtakbo. Bakit ko ba nakalimutan, na ang simpleng kagat lang nito ay nakakamatay paano pa ang daplis. s**t naman. Bigla na lang ako nakaramdaman ng panghihina pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Dahil sa asar ko hindi ko na naalala at naramdaman ang panghihina mula kanina. Kahit nanghihina ay pinilit kong magpahila lang kay Ash. Bakit ba ang napaka walang ingat ko? s**t. Kung sana kasi sinabi niya lang sa akin ang gagawin 'di ako magkakaganito. Natatanaw ko na ang tarangkahan ibig sabihin na papalapit na kami pero napahinto na ako. Hindi ko na maigalaw ang aking mga paa at napakabigat na ng pakiramdam ko. Anong nangyayari sa akin? Hindi ko na maaari pa. "Damn!" asar na sabi ni Abo pero mas nagulat ako nang buhatin niya ako. Master. Anong nangyayari? Bakit hindi mo hiningi ang aking tulong?! Huli kong narinig bago ako nawalan ng malay at lamunin ng dilim. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD