Whispering Destiny
Kabanata 15 | Mensahe
_____________________________________
Master okay na ba ang iyong pakiramdam? Gumising ka na.
Nakaramdam ako ng pagdaloy ng enerhiya sa aking katawan na nagpagaan ng nararamdaman ko at nagpagising sa akin. Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ang pamilyar na mukha ng aking mga kaibigan.
"Gising na si Vera! Vera!" Palahaw ni Eren bago ako napalibutan ng apat.
"Omg, Vera!"
"Vera!"
Agad akong niyakap ng mga ito.
"Ayos lang ako. Maaari niyo na akong bitawan. Teka, anong nangyari ba?" tanong ko sa kanila bago pinagtatanggal sila sa pagkakayakap sa akin.
"Gaga ka. Alam mo bang kamuntikan ng kumalat sa 'yo ang lason ng Iphram kasi nadaplisan ka raw. Bakit 'di ka naman kasi nag-iingat. Alam mo namang daplis lang no'n ay nakakamatay na. Kung hindi ka lang kaagad nadala ni Ash sa klinik aba nako talaga ayoko na lang isipin," pagkukwento ni Sirene.
Doon ay biglang bumalik sa akin ang pangyayari kanina lamang. Kung sana sinabi lang kasi ng Abo na 'yon na mag-ingat ako at nakakalason maski ang daplis lang. E 'di naalala ko na napakadelikado no'n 'di ba.
"Ano ba kasing nangyari ro'n sa inyo?" pagtatanong ni Eren na mababakas mo ang pag-aalala sa akin. Kaya kinuwento ko na lang sa kanila ang buong pangyayari.
"Ano ba kasing meron? Bakit parang threat na threat tayo sa kanila? Eh wala naman tayong ginawang masama para katakutan?" takang tanong pa ni Ari.
"Exactly," pagsangayon ni Fira.
"Gising ka na pala, Ms. Vera," sabi ng kakapasok lang na si Dr. Leah.
"Kumusta? Ayos na ba ang iyong lagay?"
"Opo. Maayos na naman," sagot ko.
"Mabuti na lang at naidala ka ni Ash ng mas maaga rito at hindi kumalat ang lason sa katawan mo. Idagdag mo pa ang tulong ng iyong pet na pinigil ang lalong pagkalat nito mula sa iyong katawan. O' siya maari ka ng ma-discharge at magpatuloy sa iyong klase," sabi ni Dr. Leah bago tumungo sa iba pang pasyente sa loob.
"Tara na. Wala na raw tayong klase ngayon dahil sa nangyari sa 'yo," sabi pa ni Eren.
Nanghihina pa rin ang katawan ko kahit na ang sabi ni Dr. Leah ay natanggal na naman daw ang lason sa katawan ko.
"Kaya mo ba?" tanong ni Ari.
"Kakayanin. Hali na kayo," sabi ko pero inalalayan pa rin ako ni Sirene sa paglalakad.
Hinawakan ko ang kwintas at nagpasalamat kay Zeke.
Walang anuman. Tungkulin ko ang protektahan ka.
Napangiti ako sa isinagot ni Zeke sa akin. You're forgiven.
"Kain muna tayo. Oras na rin naman ng pagkain," sabi ni Fira.
"Yes, boss!" sabay sabay na sambit namin.
"Yan na naman kayo," sabi ni Fira na nakakunot ang noo ngunit makikita mo ang maliit na ngiti sa mga labi niya.
Nagtawanan na lang kami sa nangyari bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Hays. Ibang iba talaga rito 'no. Ang hirap mag-adjust," biglang sabi ni Eren pagkatapos ay malalim na bumuntong hininga.
"Bakit kaya hindi sinabi sa atin ng ating mga magulang ang patungkol sa ating mystic? Bakit?" Malungkot na tanong ni Sirene na mismong kami ay hindi alam ang sagot.
Napahinto kami nang makarinig kami ng pasabog sa may grand hall. Kaya agad kaming napatakbo papunta ro'n. Alerto kami sa aming bawat kilos at paligid ng may maramdaman kaming kakaiba rito. Tanaw pa namin ang ibang mga taga-Agiria na nasa labas at mukhang papunta pa lang sana sa grand hall para kumain nang mangyari ang pasabog.
"Anong nangyayari?" pasigaw na tanong ni Eren.
Nakarinig ulit kami ng pasabog na nagpadapa sa akin dahil sa lakas ng impact na dala nito.
Agad naagaw ng aking pansin nang makakita ako ng itim na enerhiyang papalapit sa amin ngayon. Malayo pa lamang ay ramdam ko na ang lakas nito palapit sa amin. Hindi ko alam kung paano pero napangunahan ako ng instinct ko na protektahan silang lima at ang mga tao sa loob ng dining hall. Kaya agad akong pumikit at pinakiramdaman ang sarili ko. Ramdam ko na unti unting lumalabas ang mystic ko papunta sa mga kamay ko at ng naramdaman kong sapat na ito ay gumawa ako ng malaking harang na poprotekta sa buong grand hall.
Napansin ko ang paglayo ni Sirene sa akin na parang napaso dahil sa enerhiyang ipinalalabas ko.
Unti unti ko itong pinapatibay dahil sa intensidad ng itim na enerhiyang papalapit sa amin.
"Stay calm, everyone! Huwag kayong mag-panic!" narinig naming sigaw ni Ms. Anastacia.
Wala na ang mga taga-Agiria na kanina'y na sa labas at kaming lima na lamang ang natira ngayon.
Nakita ko at ramdam ko na ang papalapit na enerhiyang itim papalapit sa Quen. Halos pigilan ko ang aking hininga dahil sa presyur na nararamdaman ko habang papalapit ito sa barrier na ginawa ko.
"Pumasok kayo sa loob! Anong ginagawa niyo?" takang tanong ni Amethyst sa amin.
Napaatras ako at napatalon naman sa gulat sila Ari nang maramdaman kong tumama ang itim na enerhiya sa barrier na ginawa ko. Nagdala ito nang malakas na impact sa amin.
Hindi ko tinanggal ang aking konsentrasyon sa ginawa kong barrier at mas nilakasan ito dahil sa papalapit pa muli na malakas na enerhiya.
"Vera! Halika na!" sigaw ni Ari.
"Hindi puwede. May papalapit na malakas na enerhiya sa atin. Maaaring sumabog at masira ng tuluyan ang grand hall kung hindi ko ito haharangan," sabi ko pa.
Nakita ko ang paglabas din ng iba pang ancient users.
"She's right! s**t!" narinig kong sigaw ni Zaireh ngunit huli na ang lahat.
Halos mapaatras ako sa lakas ng impact ng enerhiya na iyon. Hindi ko na napansin ang dugong lumalabas sa aking ilong. Kitang kita mo ang enerhiyang sana'y tatama sa amin.
Alam kong nakita na rin ng iba 'yon dahil sa lakas nito ay naging visible na ito at maging ang iba na hindi nakakakita ng enerhiya ay nakikita na ito pero isang malakas na enerhiya na naman ang parating. Nanginginig na ang kamay ko sa pagpapanatili ng harang na ginawa ko ngunit hindi ako nagpatinag. Mas nanaig sa akin ang proteksyonan ang mga tao sa paligid ko. Halos mapaluhod ako sa lakas ng pagtama nito sa mystic ko. Kamuntik na magkalamat ang barrier na ginawa ko pero kahit gano'n pa man ay pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko.
"Vera! Baka mapaano ka na! Stop it!" sigaw ni Fira sa akin.
"Zaireh, anong ginagawa mo? Go, help her!" narinig kong sigaw ni Wanner.
Nagsimulang balutan uli ng isa pang barrier ang aking ginawang barrier.
Nakita ko ang paglabasan ng mga heads mula sa loob kasama si headmistress.
"Hanapin niyo kung saan nanggagaling ang enerhiyang iyon! Ngayon din!" utos ni Ms. Lewis sa mga elites.
Akmang tutulong sila sa pagpapatibay ngunit nalulusaw lamang ito na ikinasinghap nila. Tanging ang akin at kay Zaireh lamang ang siyang nagsisilbing harang.
May papalapit na naman na itim na enerhiya na sing lakas ng pinagsamang lakas mula pa kanina at dahil sa lakas nito ay halos nakikita na ng lahat ang enerhiyang papalapit mula rito. Kita ko ang magkahalong takot at pag-aalala sa mga mukha nila.
"Vera! Kaya mo pa ba? What should we do to help you?" Nangingiyak na tanong ni Eren na akmang hahawakan ako ngunit napaatras siya dahil sa lakas ng enerhiyang pinapalabas ko.
"I can do this," sagot ko sa garagal na boses. Tuloy tuloy na sa pag-agos ng dugo ang aking ilong ngunit alam kong dapat kong ipagpatuloy ito.
Kitang kita ng lahat ang enerhiyang papalapit sa amin. Kaya mas nilakasan ko pa ang harang at kita kong ganon din ang ginawa ni Zaireh.
Isang malakas na pasabog ang nangyari nang magtama ang itim na enerhiya mula sa barrier namin. Makikita mo ang pagkasira ng barrier na ginawa ni Zaireh at pagbagsak nito.
"Zaireh!"
Kitang kita rin ang lamat na nadulot nito sa aking barrier. Batid kong dalawang ilong ko na ang nagdudugo ngayon at wala na itong tigil sa pagdurugo. Mukhang na pwersa ko yata ang aking katawan at mystic. Sa nanghihina at naginginginig na paa ay pinilit kong tatagan ang tayo ko.
Agad kaming nabahala ng makapasok ang kakaunting itim na enerhiya sa loob ng barrier nang magkalamat ito at biglang may nabuong mga salita.
Nanlaki ang mga mata ng council at maging ang mga nakakita lalo na ni headmaster sa mga nabuong salita o simbolo. Sa nanghihina kong tuhod ay agad akong napaupo na nagdahilan ng pagkawala na ng tuluyan ng barrier dahil sa panghihina ng aking katawan.
"Vera!" sigaw ni Sirene bago ako sinambot.
"This isn't happening," narinig kong sambit ng isa sa mga konseho.
"What was that?" tanong ni Briz.
Halos lahat sila ay hindi makapaniwala sa nakikita. Pinagmasdan kong muli ang kinakabahala nila at nakita ang kakaibang simbolo na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.
ᛏᚺᛖᚤ ᚨᚱᚱᛁᚡᛖᛞ ᚹᛁᛏᚺ ᛏᚺᛖ ᛈᛟᚹᛖᚱ ᛏᛟ ᚡᚨᚾᛩᚢᛁᛋᚺ ᛏᚺᛖ ᛞᚨᚱᚴᚾᛖᛋᛋ ᛋᚺᚨᛚᛚ ᚨᚲᛩᚢᛁᛖᛋᚲᛖᚾᚲᛖ ᛟᚾᛖᛋᛖᛚᚠ
"Meeting, now!" saad ni Ms. Anastacia na makikita mo ang pagkabahala sa mukha.
Hindi ko alam kung ano na namang mangyayari ngunit tiyak akong hindi ito magiging maganda para sa amin.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆