Kabanata 16

1313 Words
Whispering Destiny Kabanata 16 | Pagpupulong _____________________________________ "Invite all the duplicate mage users to my office now!" utos pa ni Ms. Anastacia bago tuluyan nang naglakad papalayo. Nakita ko sa gilid si Zaireh na tinulungan ni Diamond sa pagtayo. Mukhang kakarating lang ng mga elites nila. "Are you okay?" alalang tanong ni Diamond kay Zaireh. "Anong nangyari?" tanong naman ni Ruby pero walang gustong sumagot sa tanong nito. Lahat kami ay nabigla sa mga nangyari. "We have to go. Follow us," sabi ni Briz na tinutukoy ay kami. Inalalayan naman ako ni Sirene at Eren sa pagtayo. Habang pinunasan ko ang dugong tumutulo sa magkabilang ilong ko. Napakagara naman nga talaga ng simula ng unang araa ko sa eskwelahang ito. Kamuntik na akong mamatay at ngayon naman ay halos manghina at bumigay na ang katawan dahil sa nangyari. "Ano sa tingin niyo ang nangyayari?" takang tanong ni Ari sa amin. "Simula ng pumasok tayo rito sa lugar na ito ay lahat ng bagay ay tila isang malaking question mark," sabi ni Fira. "Kung sana lang talaga ay may tiyansa tayong makausap ang ating mga magulang," ani Eren. Kamuntik na akong matumba nang nakaramdam ako ng hilo sa bigla kong pagtayo. Parang tinutusok ng napakaraming karayom ang aking ulo at katawan sa sakit. Nakita ko ang papalapit na piguri ni Heart sa amin na isang healer. Kasama rin namin siya sa Agiria na mula sa Equirrion. "Hi! Let me help you," sabi niya bago in-offer sa akin ang kamay niya na pahinto kami saglitan pero agad ko pa rin namang tinanggap ang mga kamay niya. Umaasa na mapapawala niya ang sakit at matutulungan niya ako. Hinawakan niya lang ang kamay ko at ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pagdaloy ng enerhiya sa katawan ko at ang paggaan ng kakaunti ng aking katawan. "Hindi pa kita lubos na mapapagaling ngayon dahil kailangan ko ng mga kagamitan para mapagaling ka ng tuluyan. Temporary lang 'yang pagkawala ng sakit. Ilang oras bago muling bumalik ang sakit. Lapitan mo ako kaagad kapag nakaramdam kang muli ng sakit," sabi ni Heart na tinanguan ko na lamang. "Salamat," sambit ko. "No problem," sabi niya bago maglakad papunta sa kanyang mga kasamahan. "Ano, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Sirene. "Oo, medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. Tara na," anyaya ko sa kanila kaya't nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa opisina ng headmaster. "Mabuti kung ganoon," sabay na sabi nina Eren at Sirene at mukhang nabunutan ng tinik. Bakit ba ang lapitin ko sa aksidente? Kanina lamang ay kamuntik na akong mamatay dahil sa lason tapos ito naman ngayon. Gosh. Vera. Dumiretso na kaming lahat sa opisina ni headmaster. Malaki naman siya kaya't nagkasya kami. Bente kaming Agiria at ang iba pang mga heads ng school ay nandirito rin. Halos lahat ata ng konseho ng eskwelahan ay nandidito. Seryosong seryoso ang lahat sa loob at ramdam mo ang tensyon sa bawat isa. Tumikhim si Ms. Anastacia para makuha ang aming atensyon. "They're on the move," panimula niya. "You just saw what happened. Didn't you?" sabi pa niya habang seryoso kaming tinitingnan. "The symbol. It's been a decade since nagpadala sila sa atin ng gano'n. Ibig sabihin lang ay nalalapit na ang kanilang pagbabalik," dagdag pa ni headmaster. Sino? Anong simbolo? Sinong magbabalik? Naguguluhan na ako. "Who?" mahinang tanong ni Ari. "Eziariel, the darkness. You'll know more on your history class," mukhang narinig ni Heart at bumulong siya pabalik. "Salamat," mahinang bulong din ni Ari. "Kailan natin alamin ang sinasabi ng pinadala nilang mensahe para sa atin as soon as possible. Ely and Grace. Kailangan niyong pumunta sa Zimley isama niyo ang Delta team. Dalhin niyo rito si Pabio by hook or by crook. I don't care kung gaano katagal ang abutin niyo. Basta maidala niyo siya rito," nanlaki naman ang mga mata ng tinutukoy niyang Ely and Grace sa tinuran ng headmaster. Ngunit wari ko'y agad din naman nilang naintindihan ang sinabi ng headmaster at taas noong humarap dito. "Masusunod," buong tapang na sabi ng dalawa ng may paggalang. Subalit sa kabila niyo ay nakikita ko ang pangamba sa kanilang mga mata sa magiging misyon nilang ito. Nilibot ko ang mga mata ko at nakita ang gulat sa mga ito. Hindi sila makapaniwala sa kanilang mga naririnig. Kahit anong sabihin nila ay wala akong naintindihan dito. Zimley? Pabio? Can anyone tell me what's going on? "Zimley is the farthest and dangerous district in Aevetura. Hindi basta basta ang makapunta sa lugar na iyon, aabutin ka ng ilang linggo sa pagpunta pa lamang sa lugar na iyon. Lalong lalo na ang hanapin at harapin ang isang Pabio ang Legendary Warlock." Napatingin naman ako kay Zaireh nang malaman kong nababasa niya na naman ang iniisip ko at sinagot ang mga katanungan ko. Tahimik na nagpasalamat naman ako sa kanya. Warlock? Sa pagkakaalam ko sila ay mapanganib at hindi mapapagkatiwalaan. Bakit kailan nilang dahil iyon sa academy? Napailing na lang ako para matigil na ako sa kakatanong dahil mismong ako 'di alam ang sagot. Kanina lamang ay narinig kong iniisip ni Ash tungkol sa Eziariel. Tingin niya ay parte kami nito. Siguro ngayon ay pinagsuspetsyahan na nila kaming lahat. I can tell by their looks. "Ms. Vera, can you tell us what happened outside ng wala pa kami?" tanong sa akin ni Ms. Lewis. Nakita kong halos lahat sila ay natuon ang atensyon sa akin. "Kagagaling lang namin sa may kilinika nang mangyari ang lahat. Nakarinig kami ng pasabog sa may grand hall kaya agad kaming pumunta ro'n. Naabutan pa namin sina Zaireh na papunta sana sa loob. When I felt something odd," pagkukwento ko. "Something odd?" pagtatanong ni Mr. Ferdie the second in command ni Ms. Anastacia. "Nakaramdam ako nang malakas na pwersa na papalapit at doon ko nakita ang itim na enerhiyang papalapit sa grand hall. My instinct kicks in and all I can think at that moment is to protect my friends and the people inside the dining hall. Kaya agad akong gumawa ng barrier hoping it'll help and keep us from the black energy," dagdag ko pa. "Where are you that time, Mr. Zaireh? Hindi mo ba nakita ang nakita ni Ms. Vera?" tanong naman ni Mr. Chris. "Huli na nang makita ko ang papalapit na enerhiya. Nakita niyo namang lahat kung paano nabasag ang aking barrier dahil sa lakas ng pwersa nito. I can tell na hindi basta basta ang umatake kanina. It's aiming for a kill," sabi pa ni Zaireh kaya nagkatinginan naman kaming lima. Sino? Sino ang balak nitong patayin? Bakit? Sa anong dahilan? "What did you see ng pinahanap ko ang pinanggagalingan ng enerhiya?" tanong naman ni headmaster sa elites. "Wala kaming nakita. Malinis ang kanilang gawa at walang kahit anong marka," pagsasabi ni Diamond. "Simula ngayon isasama na rin natin ang grand hall sa barrier. Alam nilang ang grand hall lang ang kaya nilang patamaan dahil sa wala itong harang para proteksyunan," sabi pa ni headmaster. "Can I ask?" pagtataas ng kamay ni Abo. Agad nagtama ang tingin naming dalawa at kitang kita ko ang kaseryosohan sa mga mata nito. "How did you manage to control such a strong mystic? Paano mo nasangga ang lahat ng atake nila gayong mag-isa ka lamang?" Takang tanong sa akin ni Ash habang nagtatanong ang mga mata. Nakikita ko na gano'n din ang tingin sa akin ng halos lahat ng nasa loob na nakakita ng nangyari. "Sino ka ba talaga?" dagdag na tanong pa ni Abo habang 'di tinatanggal ang mga tingin sa akin. Kung alam ko lang ang sagot sa bawat katanungan niyo ay matagal ko ng sinagot ang mga tanong na iyan. Siguro kung gano'n ay sana ngayon ay hindi na kami naguguluhan at nagugulat sa mga nangyayari sa amin. Kung alam ko lang. "Sino ba talaga kayo?" ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD