Whispering Destiny
Kabanata 17 | Ceamera
_____________________________________
"Sino ba talaga kayo? What are you hiding to us?" tanong pa ni Ash.
"I told you, wala kaming tinatago sa inyo," sagot ko kay Ash.
"Simula ng dumating kayo ay tiyaka lamang nangyari ito. Hindi ba nakakapagtaka naman iyon?" gatong pa ni Ruby.
Napakuyom ako ng kamay dahil sa pagdidiin nila sa amin. Sa kasalanang wala kaming alam.
"Sinong nagsundo sa kanila?" tanong ni el maestro.
"Ako, si Misty, at Fin," sabi ni Mr. Chris at saka ko nakita ang tatlong sumundo sa amin.
Sila ang may kasalanan kung bakit kami nandirito. Hindi namin ginusto at pinangarap na mag-aral at makatuntong sa mundong wala kaming kaalam alam.
"Have you talked to their parents?" tanong ni Ms. Lewis.
Our parents. Alam kaya nila na mangyayari ito? Bakit hindi man lang nila sinabi sa amin?
"Yes. Actually they've agreed to us. At first ayaw nila Vera na sumama sa amin. They didn't even educate them about us, our world. They hid them from us sa loob ng labing pitong taon. Kaya nung una pa lang sinabi ko ng may mali Ms. Anastacia." pagkukwento ni Sir Chris.
Nakita kong tutok na tutok silang lahat sa pag-uusap.
"What do you mean, Chris?"
"Only their parents can answer our questions headmaster."
Bigla kaming napatahimik lahat. Nabalot ng katahimikan at tensyon ang paligid. Walang gusto magsalita. Our parents. Kailan namin silang makausap. Kailangan namin ng kasagutan sa lahat ng nangyayari.
Binasag ni Ms. Lewis ang nakakabinging katahimikan sa loob.
"I'm assigning Wanner, Ash, Briz, Zaireh, Mount, and the five of you for a special mission," sabi ni Ms. Lewis na ang pinagkakatukuyan ay kaming lima.
"A mission? Bakit hindi po kami kasama?" pagtatanong ni Emerald na mababakas ang pagtataka.
"The rest na hindi ko nabanggit you can go now," utos ni el mastro.
"But ma'am," pagtangi pa ni Emerald.
"I said go," pinal na sabi ni Ms. Lewis kaya wala ng nagawa pa ang mga elites kundi lumabas ng opisina kasama ng iba pang puno at konseho ng akademya.
"As I've said earlier you'll be having a special mission."
Kami? Mission? Eh hindi pa nga namin alam kung anong nangyayari. At pagkatapos ng nangyari sa akin mukhang hindi ko pa makakayanan kung anumang misyon ang ibibigay niya sa amin.
"I'm sending you to the mundane world. You need to gather information from their parents, from your parents. We need an answer as soon as possible," sambit ni Ms. Lewis na ikinatuwa namin. Akala ko kung anong misyon ang ibibigay niya sa amin. Kung ito ang ibibigay niyang misyon ay hindi ko na iindain pa ang sakit ng katawan ko dahil miski ako ay gustong gusto nang makakuha ng kasagutan mula sa kanila.
Kahit kami kailangan namin ng sagot. Sagot sa lahat ng aming mga katanungan. Kung paano kami napunta rito? Sino ba kami? Kung mage user din ba sila? Napakarami kong katanungan at hindi na ako makapagantay na makita sila.
"Tommorow morning, pupunta kayo ng mundane world. Wala kayong pagsasabihang iba about this mission. It's a private matter," tumango na lang kami sa sinabi niya.
"You only have two days and a night sa nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ni Ms. Lewis.
"Crystal," sagot naming sampu.
"You can go now." Tuluyan na kaming lumabas ng opisina matapos no'n.
Nararamdaman ko na ang unti unting pagkawala ng enerhiyang nilagay sa akin kanina ni Heart, nakita kong gano'n din ang nangyayari kay Zaireh.
"Vera, okay ka lang ba?" tanong ni Ari ng bigla akong mawalan ng balanse. Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot.
"Sure ka ha?" Paninigurado niya ngunit nakaalalay pa rin sa akin.
Naglakad na kami papalayo papunta sa dorm namin para makapagpahinga kahit papaano.
"Teka," pagtawag sa amin ni Zaireh kaya agad kaming lumingon sa kanila.
"We need to go to Heart, Vera," sabi niya at naalala ko ang sinabi ni Heart.
"Samahan ka na namin, Vera," suwesyon ni Ari na bakas ang pag-aalala sa akin.
Ngunit umiling ako. I can hear their thoughts. Pagod na sila at gutom.
"Huwag na. Kumain na muna kayo at magpahinga. Kaya ko na 'to," sabi ko na lang at pilit binuo ang boses sa nanghihinang katawan.
"Sigurado ka?" tanong pa ni Ari.
"Oo. Sige na. Alam ko namang gutom na gutom na 'yong isa riyan 'di ba Eren," nakangiting sabi ko. Kanina ko pa kasi naririnig ang isipan niya ng listahan ng kakainin niya para sa kanyang tanghalian.
"Uy grabe ka 'di naman, konto lang," pagdadahilan pa ni Eren at pinakita niya pa iyon sa dalawang daliri niya.
"Sige na," sabi ko bago pinagtabuyan na sila. Wala na naman silang nagawa dahil alam nilang hindi ako magpapapigil.
"Bilisan mo lang a, Vera," pagpapaalaa ni Sirene.
"Opo, mama Si," pabiro kong sabi bago kumaway sa kanila.
Nagsimula na naman silang maglakad palayo papunta sa dining hall dahil. Naudlot kasi ang pagkain namin kanina dahil sa nangyari.
"Una na rin kami bro," narinig kong pagpapaalam ni Mount at tinapik pa si Zaireh sa balikat.
"Andon lang si Heart sa may infirmary. Gusto niyo samahan ko na kayo?" Pag-aalok Wanner.
"Hoy, may utang ka pang chips sa akin, Wanner. Tumatakas ka ba?" nakataas na kilay na tanong ni Briz sa kanya.
Inakbayan naman ito ni, Wanner.
"Bro, ano ka ba kahit isang box ng chips ibibigay ko sa 'yo," sagot naman ni Wanner at ginulo ang buhok nito na ikinasiko sa kanya ni Briz.
"Gago," ang tanging sagot nitong si Briz bago inaayos ang buhok.
"Bromance na naman kayong dalawa," asar ni Mount na nakangising aso sa dalawa.
"Ulol!" sabay na sabi ng dalawa kay Mount. Hindi ko mapigilang hindi mapangito sa pagkukulitan na lang. Hindi naman pala sila gano'n ka seryoso. Parang kami lang pala sila.
"Tara na nga," asar na pag-aya ni Ash bago nauna nang maglakad. Nakita ko pa ang pag-irap nito bago maglakad palampas sa akin. Agad namang nagsisunuran sa kanya ang tatlo.
Psh. Bakla.
"Gano'n talaga 'yon si Ash. Mahilig umirap. Pagkanarinig niyang sinasabihan mo siya ng bakla ewan ko na lang," sabi niya na mukhang binasa na naman ang isipan ko.
Hindi na ako sumagot sa tinuran niya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa klinika para hanapin si Heart.
Ngunit pagkapunta namin doon ay wala si Heart o miski si Dr. Leah.
"Sa tingin mo saan sila pumunta?" tanong ko kay Zaireh.
"Hindi ko rin alam."
Nakita kong muntik na siyang matumba kaya't maagap na hinawakan ko ang braso niya para alalayan siya kahit na nanghihina rin ang katawan ko.
"Ayos ka lang?" pagtatanong ko.
"Kinda. Kailangang hanapin na natin si Heart," sinangayunan ko naman siya bago binatawan siya pero ako naman itong kamuntik nang mapaluhod dahil sa panghihina ng tuhod.
"Hey. Kaya mo pa ba?" pagtatanong niya sa akin bago ako inalalayan patayo.
"Medyo," sagot ko at pinilit na tumayo pero hindi niya na binitawan ang braso ko at inalalayan ako sa paglalakad. Hindi na ako umangal dahil alam kong hindi ko na kaya pang maglakad.
Nagpatuloy naman kami sa paglalakad ng may makita kaming babae from Equirrion. Nilapitan naman ito ni Zaireh at dahil nga inaaalalayan ako nito ay napasama na rin ako sa paglapit sa babae.
"Have you seen Heart?" pagtatanong niya sa babaeng sa aking basa'y Erika ang pangalan na isang Master.
"Ah ano, i've seen her sa may Equirrion kanina. Inutusan ata ni Dr. Leah," sabi ni Erika na hindi mapakali at mukhang may gusto kay Zaireh. Napakabilis basahin ng mga tao. Ako lang ba ang nakakaramdam ng gano'n? O' kasama sa mystic ko ang pagbabasa ng nararamdaman ng isang tao?
"Thanks," sabi ni Zaireh bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
Papunta kami ngayon sa right wing kung nasaan ang building ng mga taga-Equirrion. Agaw pansin naman kami dahil sa ibang kulay ng uniporme namin at ang nakalingkis na mga kamay ni Zaireh sa akin dahil sa pag-aalalay.
Ngayon lang ako nakapunta rito at makikita mo ang pagkalaki laking building nilang puti. Halos nakatingala na ako sa taas nito. Halos magkapareho lang naman disenyo ng kanilang gusali sa amin. Tanging kulay lang talaga nagkaiba.
Patuloy sa pagtitig sa amin ang mga tao. Rinig na rinig ko ang mga bulungan at ang admirasyon sa mga mata nila kay Zaireh. Eh paano namang hindi isang Mythic ang kasama ko. Kumbaga siya ang pinakatuktok sa food chain at isa pa itatanggi ko pa bang may itsura siya.
"Thanks," narinig kong sabi niya na ikinaliit naman ng aking mga mata ko. Ayan na naman siya sa pagbabasa ng aking isip.
"Puwede. Ang hilig mong magbasa ng iniisip ko," medyo asar na sabi ko sa kanya.
"Hindi ko kasalanang nakabukas ang utak mo at nababasa ko ang isipan mo," sabi niya na mukhang kasalanan ko pa. Aba naman talaga. Pasalamat siya at tinutulungan niya akong maglakad ngayon kundi talaga nako lang.
"Hi! Ms. Vera!" nagulat ako ng may biglang kumausap sa aking lalaki.
"Hello?" bati ko na parang tanong ata dahil 'di ko alam ang sasabihin.
"Para sa 'yo. Ako nga pala si Sean," pagpapakilala niya bago may inabot sa aking bulaklak na dilaw.
"Salamat," nakangiting sabi ko bago inabot sa kaliwang kamay ko na hindi nakakapit kay Zaireh..
"Sorry to interrupt but we have to go," sabi ni Zaireh na mukhang napansin naman ni Sean.
"Gotta go. Thanks again," sabi ko habang nakangiti sa kanya.
"Ang bait ni Ms. Vera. Mukha lang siyang masungit pero hindi pala," narinig kong bulong bulungan.
Napailing na lang naman ako sa tinuran nila.
"You're the talk of the Equirrion's," puna ni Zaireh. Kaya't nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya.
Marami pa akong nakausap at nagbigay sa akin ng bulaklak, pagkain at tsokolate bago namin nahanap si Heart. Hindi ko alam na may mga nag-a-admire sa akin. Ang akala ko kasi maging sila pinagsususpetsyahan ang pagkatao ko. Mukhang tama nga si headmaster ang mga tao rito ay mababait. Kaya siguro tinawag niyang positive user ang mga nandidito. No wonder.
"Hala, bakit niyo pa ako pinuntahan dapat nag-antay na lang kayo sa infirmary," gulat na sabi ni Heart pagkapasok na pagkapasok namin sa infirmary.
"Mukhang madami kang suitor ah Ms. Vera," sabi niya habang malokong nakangiti sa akin.
Hilaw na ngumiti lang ako sa kanya.
"Hindi naman," sabi ko bago kinain 'yong potato chips na binigay sa akin. Kanina pa kasi ako nagugutom talaga. Hindi ksi ako nakakain kanina dahil sa nangyari.
Inabutan ko naman si Zaireh. Baka nagugutom din.
"O' baka 'di ka pa rin kumakain," pagaalok ko na hindi niya naman tinanggihan.
"Amin na ''yong left hand mo Zai," nilahad naman ni Zaireh ang kaliwang kamau niya kay Heart at may ginawa siyang kung ano ano ro'n. Nakita ko na lamang ang paglabas ng pusyaw na ilaw papunta sa mga kamay ni Zaireh. Napangiwi si Zaireh dahil sa sakit nang tuluyan ng dumaloy ang enerhiya ni Heart papunta sa bahagi ng kaniyang katawan.
"Masakit ba talaga?" Tanong ko dahil mukhang masakit eh.
"A bit. Kasi nabugbog 'yong katawan niyo kanina sa sobrang paggamit ng mystic niyo. Hindi niyo lang masyadong nararamdaman dahil sa enerhiya ko na pinadaloy sa katawan ninyo kanina," pagpapaliwanag niya.
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Mabilis na natapos ang ginawa ni Heart kay Zaireh at nakita ko naman ang paglambot ng mukha ni Zai na mukhang nabunutan ng tinik.
Gaya ng ginawa niya kay Zaireh ay nilahad ko rin ang kaliwang kamay ko sa harap niya at naramdaman ko ang pagdaloy ng kakaibang enerhiya niya sa akin.
May kinuha rin siya sa kanan na parang langis at nilagay sa kabilang kamay niya bago pinahid sa akin at doon. ako nakaramdam ng matinding sakit. Iyon ang pinakamasakit na parts.
Napapikit ako dahil halos naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko. Kung gaano ako kapagod mula kanina pang umaga. Hanggang sa unti unting na lamang nawala ang sakit at unti unting gumaan ang pakiramdam ko.
"Don't overused your mystic for a while. Baka mapwersa ang katawan niyo at mas lumala ang pagkasakit ng katawan niyo," abiso niya sa amin bago inayos ang kanyang mga ka gamitan.
"Salamat, Heart," pagpapasalamat ko.
"Thanks, Heart," pagpapasalamat din ni Zaireh.
"No problem. Mauna na kayo sa akin. May aayusin pa kasi akong mga gamot na pinapadala ni Dr. Leah," sabi niya bago kami nagpaalam at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Is it true na wala kayong alam sa mga nangyayari?" kaswal pagtatanong ni Zaireh.
Nasanay na ako sa pagtataka ng lahat. Wala namang bago.
"Ilang beses ko ng sinabi na wala kaming alam. Nababasa mo naman ang isip ko kaya ikaw na ang bahala umalam," sabi ko na lamang. Pagod na ako sa mga ganitong tanong
"About earlier, you know how much mystic you released haven't you? I've been training myself my whole life so I can use and control properly my void as a replicator pero hindi ko pa masyadong nakokontrol ang ganoong kalakas. Yet you did," sabi niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong pinupunto niya sa mga sinasabi niya. Namamangha ba siya o nagsususpetsya. Hindi ko na rin alam.
"Hindi ko rin alam. Gaya ng sabi ko kanina, at that time all I can think is saving everyone," sagot ko.
Nabalot na uli kami ng katahimikan ng may lumapit sa kanyang babae.
"Ate, can you take a pic of us?" paghingi niya ng permiso habang may inaabot sa aking parang di pindot na kung tawagin sa bayan na tablet pero DSLR ang likod. Ano ang bagay na ito?
"Sure," sabi ko at inabot iyon at kinuhaan sila ng litrato.
"Ready. 1, 2, 3 smile!" pagbibilang ko pa.
Ang astig nga eh lumilipad 'yong mga litrato pataas pagkatapos makunan. Puwede mo ring palitan ang background habang kumukuha ka ng litrato na talaga namang napakamakatotohanan. Isang beses na akong nakahawak ng gadgyet mula sa aming guro pero ang bagay na ito ay talagang nakakamangha at kakaiba.
Masyado akong natuwa at maraming nakuhang litrato sa kanila.
"Thank you po, ate. Picture rin po tayo," sabi niya kaya pumayag din ako.
Ako ang naghawak at nag-selfie kaming tatlo.
"Kayo naman po dalawa. Picture po kayo," sabi niya at pinaglapit kami ni Zaireh. Wala na kaming nagawa kundi ang ngumiti. Gaya ng kanina ay lumipad din ang mga kuha niyang litrato. Nakakamangha talaga.
"Ito po tag-iisa tayo," sabi niya sabay abot ng litrayo namin ni Zaireh. Tinabi ko na lang 'yon sa bulsa ng aking uniporme.
Ang gara talaga ng tablet na parang DSLR. Parang gusto ko rin magkaroon no'n pero parang malabo kasi wala naman akong pera o pilak at tanda kong napakamahal nito.
"Salamat po sa inyong dalawa. See you around po" sabi niya bago kumaway palayo. Nakita kong siya si Yen na isang Master ayon sa kanyang pilak na nameplate.
"Hindi naman halatang nag-enjoy ka sa pagkuha ng litrato," puna niya na 'di ko alam kung pang-uuyam ba.
"Hindi naman, konti lang. Ano nga palang tawag do'n sa parang tablet na DSLR?" tanong ko sa kanya.
"Tablet?" tanong niya.
Ay hindi niya alam? Akala ko ang mga alam namin sa bayan ay alam din nila. Nagkakamali ata ako.
"Iyong pinangkukuhanan ng litrato kako," sabi ko na lang.
"It is called ceamera. Ang mga Wizards ang nakaimbento at gumawa no'n," sabi niya kaya mas lalo akong namangha.
Wizards sa pagkakaalam ko sila 'yong mga skilled sa paggamit ng mahika nila. Ano kayang itsura nila rito?
Nakarating na rin kami sa aming gusali at naghiwalay na rin kami ni Zai nang marating namin ang Agiria. Nagkanya na kami papasok ng kanya kanya naming dorm na ang tanging nasa isip ko lang ay ang ceamera.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆