Kabanata 32

2313 Words
Whispering Destiny Kabanata 32 | Labyrinth _____________________________________ Huh? Anong ibig sabihin ng mga ito? Pang-anim na bandera ko na ito na nakukuha at sa bandera na ito ay larawan ang nakalagay 'di gaya sa mga naunang banderang nakuha ko. Hindi ko makuha kung ano ang ibig sabihin nito. Mga numero lang siya na mukhang kailangan kong sagutin. 1 2 6 2 + 3 x 4 = 10 ÷ 2 x 3 = 3 + 5 x 3 = 4 x 6 - 4 = 2 - 5 x 2 = Malaki at naka-bold 'yong 126 sa taas habang may mga numero Sa baba nito na kailangang masagutan. Kailangan bang i-direkta ko ng sagot ito? At anong ibig sabihin ng 126 sa taas? Hindi kaya clue 'yon? Nadulas ito sa pagkakahawak ko nang makirinig ako ng parang tunog ng pagsabog. Agad akong napatingala at nakita ang bisibleng nakasulat sa langit. EQUIRRION Gail Napakunot noo ako ng lumabas ito kasama ang mukha ng babae galing sa house of Equirrion na parang naging screen sa langit. Unti unti itong naglaho sa langit na parang naghihiwalay hiwalay. Anong ibig sabihin no'n? Ibig sabihin ba nito ay tanggal na siya sa labanan? Nagkibit balikat na lang ako dahil mukhang tama ang hinala ko. Naalala ko pa na maaaring magkatanggalan sa stasyong ito. Hindi ko alam kung paano siya na tanggal ngunit mukhang kalamangan sa house namin ito dahil nabawasan ng isang miyembro ang kabilang house at magkakaroon ng bawas sa kanilang kabuuang iskor pagkatapos ng labanan. Binalik ko na ang atensyon ko sa bandera at akmang aabutin na ito nang mapatigil ko. Teka. Mukhang alam ko na ang sagot. Agad ko nang pinulot 'yong bandera at isa isang sinagutan. Kung tama ako ay ang ibig sabihin ng 1 2 6 ay ang numero ng alpabeto mula 1 - 26. Kailangan kong sagutan itong mga ekwasyon sa baba bago ko makuha ang hinahanap kong sagot. Simpleng matematika lang naman ito kaya't madali na lang. Ang unang ekwasyon ay 2 + 3 x 4. Ang sagot ay 14. Inuna ko muna ang multiplication bago ang addition gaya ng rule sa PEMDAS kaya nakuha ko ang sagot. Sunod ay 10 ÷ 2 x 3 at dahil nakaayos naman na ito ay diretso ko na lang itong sinagutan at nakuha ang sagot na 15. Sa pangatlong ekwasyon gaya ng nauna ay hindi ito nakaayos kaya ang ginawa ko ay inayos ito mula sa 3 + 5 x 3 ay ginawa kong 3 x 5 + 3 kaya't ang magiging sagot ay 18. Mukhang nakaayos naman ang sa pang-apat na ekwasyon at madali kong nakuha ang sagot na 20. Sa huling ekwasyon naman ay nakakuha ako ng sagot na -8. Paanong may negative? Hindi kaya mali ang hinala ko tungkol sa 126? Bagamat mukhang madali lang ang ekwasyon dahil simpleng matematika lang naman ito at madadaan mo sa pagsagot gamit lamang ng isip ay bahagya pa rin itong naging komplikado. May nakatago pa kasing salita sa likod nito na hindi ko makuha kuha. Kahit gano'n at na guguluhan ay sinubukan ko pa rin ang alpabeto sa nakuha kong mga numero. At dahil wala namang lapis at kung anong panulat ay tinandaan ko na lang ang mga sinagot ko kanina lamang. Nanlaki naman ang mga mata ko nang malaman na mukhang tama ang hinuna ko. Agad naman na akong dumiretso papunta sa bandang hilaga at dumiretso ang daan ng maze. Ang naging sagot kasi ay North. Binase nga siya sa alpabeto. Sa alpabeto ang numerong 14 ay N tapos ang 15 ay O, 18 ay R, 20 ay T at -8 ay H. Kahit pa sabihin na negative ang kinalabasan ng sagot sa huling ekwasyon ay mukhang may nabuo namang salita ro'n ng direksyon na nagbigay kahulugan dito. Patuloy lang ako sa paglalakad sa kadiliman. Nakakaramdam na ako ng pagod pero patuloy pa rin ako. Ano ba naman kasing clash of clans na ito? Hindi ba nabuburyo ang mga estudyante na panoorin kami habang nasa field? Kasi sa totoo lang kapag ako papanoodin mo ng ganito ay talagang mabuburyo ako. Kasi naman, ang tagal tagal kaya bago makaaalis ng maze na ito. Idadag mo pa na wala kang ibang gagawin kundi manuod kung paano makakaalis ang kalahok na parang kahmghangan lang. Nagkibit balikat na lang ako sa naiisip ko. Papatagal nang papatagal ay paliit nang paliit ang daang tinatahak ko. Naging mahabog na rin sa paligid. Napahinto ako nang makaramdaman ng pagtaas ng balahibo sa aking batok kaya't agad akong napahawak rito bago mabilis na tumingin sa likuran ko ngunit bigo akong makakita ng kahit ano. "AHHHHHHH!" Nanlaki ang mga mata ko at naging alerto nang makarinig ako ng tili sa 'di kalayuan. Kaya agad kong tinungo ang pinanggagalingan ng tili. Mabilis akong nagpaliko liko para sundan ang tiling narinig ko. Napakagat ako ng labi nang makita ang ka house namin na unti unting kinukuha ng baging na nanggaling sa madamong pader ng maze. "Tulungan mo ko!" Napabalik ako sa sarili ko sa naging sigaw niya at mabilis na napakilos. Kung hindi ako nagkakamali siya si Faye ang ikawalo sa napili sa house namin. Pilit kong tinutupok ang baging na bumabalot sa kanya pero mabilis na tumutubo lang ito at unti unti na siyang napapalibutan nito. "Get away from me!" histerya niya habang pilit tinatanggal ang baging na nakapalibot sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi rin ako nakakatulong dahil tumutubo pa rin ang baging sa kahit anong gawin ko. "Hindi matanggal! Bumabalik din siya!" sigaw ko at pilit na tinatanggal at pinapatamaan ito ng mistika ko. Napatigil ako ng nagsimulang gumalaw ang pader sa pagitan namin at unti unti itong nagdidikit at kung hindi ako aalis ay pareho kaming matatanggal sa laro pero ni hindi ko maigalaw ang paa ko. Hindi ko siya kayang iwan ng ganito. Baka mapaano siya at kasalanan ko iyon dahil hindi ko siya nagawang mailigtas. "Umalis ka na!" sigaw niya sa akin. "No!" sigaw ko at patuloy tinutupok ang baging kahit na alam kong wala ring silbi. s**t. s**t. s**t. Bakit ba 'di ka matanggal. "I said umalis ka na! Mas kailangan ka ng grupo! Hindi puwedeng dalawa tayong ma-eliminate sa laban!" sigaw niya at nakita ko na papalapit na sa kinakatayuan namin ang nagdidikit na pader. s**t. "Go! Hayaan mo na ako!" sigaw niya at pinagtabuyan na ako. Napakagat ako ng labi bago nakita ang unting unting paglapit nito sa paanan ni Faye. "s**t. I'm sorry," kagat labi kong sabi. Nakita ko kung paano siya unti unting nilamon ng baging at ng dahon sa pader. Mabilis akong tumakbo papalabas sa gitna. Hindi ako tumigil at halos makalapit na ito sa akin. Halos naiipit na ako sa pasikip na pasikip na daan nito ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad. Halos paluhod na akong nakalabas galing doon at hindi ko na alintana ang pagkirot ng tagiliran ko. Hinihingal na napahawak ako sa tuhod ko. s**t. Bago ko nakita at narinig na malakas na tunog at ang paglabas ng mukha at pangalan ni Faye. s**t. Bigo akong matulungan siya. Alam kong isa lamang itong laro pero kasi. Aish. Napahinga ako nang malalim bago mariing napapikit. Pagmulat ko ng aking mga mata ay ngayon ko lang napansin ang sobrang pagkahamog ng paligid hindi kagaya kanina. Halos wala na akong makita sa lagay na ito. Napatigil ako at pinakaramdaman ang paligid. Sa tingin ko ay parang may mali sa paligid ko. Maingat akong naglakad sa gitna ng hamog at 'di ko hinahayaan ang sarili ko sa maaaring panganib sa paligid. Halos 'di na ako gumagawa ng tunog sa bawat apak ko sa sahig at tanging ang kuliglig na lang ng puno't dahon ang maririnig sa paligid. Miski paghinga ko ay napigil ko na sa sobrang kaba sa maaaring sumulpot sa tabi ko. Mabilis akong gumalaw pakanan ng nakaramdam ako nang matalim na bagay na papalapit sa akin. Agad akong napalingon sa direksyon ng taong nagpatama sa akin at nakita ko si Franco na siyang nagpatama. Natanaw ko sa plate name niya ang pangalan niya. Equirrion. Mukhang siya ang una kong makakaharap sa labanang ito. s**t. Kamuntik na ang pisngi kong madaplisan. "Kung sinuswerte ka nga naman," ang sabi niya at nakita ko ang mabilis na paggalawa ng kamay niya at pagpapatama ulit sa akin ng hawak niyang maliit na sibat. Imbis na iwasan ay agad ko itong nasalo sa kaliwang kamay ko. Naramdaman ko ang hapdi sa palad ko sa pagsalo kong iyon. Nakita ko pa ang bahagyang pagkamangha ni Franco sa ginawa ko. Naisip ko kasi na dehado ako kung wala akong armas panlaban man lang sa kanya kaya naisip kong saluhin iyon kahit alam kong mag-iiwan iyon ng daplis sa mga palad ko. Mukhang pinaghandaan niya ang labanan na ito dahil sa armas niyang dala samantalang ako ay tanging sarili lang ang dala. "Mukhang magiging masaya ang labanan natin," sabi ni Franco at mabilis na umatake pa suntok sa akin ngunit agad akong umiwas mula sa akmang pagsapak niya sa pisngi ko. Hindi ko alam kung paanong mabilis siyang napunta sa puwesto ko pero agad akong pumusisyon para maghanda sa pagharap sa kanya. Shit. Kahit lalaki siya ay wala siyang pakialam kung makakapanakit siya ng babae. Sinubukan kong magpalabas ng mystic pero para akong na kuryente sa ginawa ko. s**t. "You can't use your mystic. You have to defeat me in order to win," bulong niya sa tainga ko nang makalapit siya sa akin. Instinct ang nagsabi sa akin at agad na tinadyakan ang kanyang ibabang bahagi na ikinawala ng postura niya. Kinuha ko naman iyon para agad na makalayo ng kakaunti sa kanya. "Tangna!" pagalit na mura ni Franco. Naramdaman ko ang pagkirot ng tagiliran ko sa ginawa kong iyon at mukhang napansin iyon ni Franco. "Seems like your wounded," sabi niya ng may ngisi sa labi na ikinatiim baga ko. "Anong gusto mo sa 'kin?" tanong ko sa kanya. "Kung ako sa 'yo ay mag-su-surrender na lang ako kung ayaw mong mas masaktan pa lalo," mayabang na sabi niya bago unti unti lumalapit sa puwesto ko. Hindi ako gumalaw sa kinakatayuan ko. Ayokong maramdaman niyang apektado ako sa presensya niya kasi hindi naman talaga. Isa lang ito sa mga karaniwang sparring na ginagawa namin ni ama kada sesyon ang kaibahan lang ay sugatan akong makikipaglaban at mukhang hindi basta basta ang makakalaban ko. Hindi hamak na mas malaki siya sa akin kung ikukumpara ang tangkad at laki namin pedo hindi ako si Vera kung mahina ako. Matamis ko siyang nginitian ng tuluyan na siyang makalapit sa akin. Nakatingala pa ako sa kanya dahil sa tangkad nito lalo na at malapit siya sa akin. "What? Suko ka na—" naputol ang sasabihin niya nang mabilis kong hinawakan ang braso niya at malakas na sinipa siya sa kanang paa at ginamit ko ang buong pwersa ko para mapabagsak siya sa sahig. Kahit na nahirapan ako sa bigat niya ay nagawa ko pa ring mapaikot siya at pabalibag na ibagsak. "Asa. Hindi ako duwag para umatras sa isang labanan," ang sagot ko sa nakadapa ngayong si Franco. "Tough. That's what I want," ang sabi ni Franco at pilit na tumayo ngunit agad din naman siyang napaupo sa lakas ng impact na ginawa ko sa kanya. Nakita ko pa ang ngiwi sa kanya dahil sa naging impact pero kahit na gano'n ay nagpumilit pa rin siya sa pagtayo. Bakas sa kanyang mukha ang hirap at masyado akong napakampante kaya't hindi ko napansin ang sunod niyang mga galaw. Halos napatalsik ako sa lakas ng naging sapak niya sa tagiliran ko. Talagang sinakto niya na patamaan ako sa parte na may sugat ako. Napaubo ako sa sakit na dinulot nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dugo na inuubo ko. Nandilim na rin ang mga mata ko sa sakit pero pilit kong nilalabanan ang sakit. Sa nanlalabong mata ay nakita ko ang tuluyang pagtayo ni Franco. s**t. Nakita ko ang unti unting niyang paglapit sa kinaroroonan ko at kung hindi ako kikilos ay tiyak na mapababagsak niya ako. "Sabi sa 'yo eh. Sumuko ka na. Ayoko pa naman sanang saktan ka pero ikaw kasi," malokong sabi niya. Pilit kong tinayo ang sarili ko kahit ramdam ko ang pagpoprotesta ng katawan ko sa pagtayo. "Oh. Mukhang determinado ka talagang matalo ako," ngising sabi niya habang pilit kong dinediretso ang aking tayo. Bahagya ng lumilinaw ang aking paningin ko ngunit ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko. Ang kagustuhang tumagal sa laban ang namutawi sa akin nang mabilis kong nailagan ang papalapit na atake sa akin ni Franco at mabilis siyang na sapak sa bandang tiyan ngunit mukhang wala lang sa kanya iyon at mabilis na umatake muli sa akin pero mabilis akong nakaikot at napunta sa likod niya. Kung papatagalin ko ang laban namin ay tiyak na matatalo ako dahilan ng kondisyon ko ngayon. Napangisi ako ng may nabuong ideya sa isipan ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at agad na sinagawa ito. Mabilis na inabot ko ang batok niya bago mabilis na hinanap ang vital spot niya at pinatamaan ito na ikinawalan niya ng malay at ikinabagsak niya sa sahig. Napakagat ako sa labi nang makitang tuluyan ko na siyang napabagsak na siyang ikinahinga ko nang maluwag. Naramdaman ko ang unti unting panghihina ng tuhod ko na ikinaluhod ko sa sahig. Ramdam ko na ngayon ang sakit ng buong katawan ko dahil sa sakit ng tagiliran ko. Halos buong katawan ko ay na apektuhan sa lakas ng naging atake ni Franco. Nakita kong unti unting nang kinuha ng liwanang si Franco at hinigop ito na ikinawala niya sa field. Kasabay nito ang malakas na tunog at paglabas ng pangalan ni Franco sa langit kasama ng mukha at house niya. Shit. Kinaya ko. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD