Kabanata 31

1430 Words
Whispering Destiny Kabanata 31 | The Maze _____________________________________ Naglakad ako sa daan na nakita ko sa maze. Siguro ay gaya sa mga tipikal na maze ay kailangan mong alamin ang daan papalabas. Kaya't nagsimula na ako at patuloy lang sa paglalakad. Nakakita ako ng dalawang daan pakanan o pakaliwa. Sinunod ko na lang ang instinct ko at sinundan ang daan pakanan. Ilang minuto rin akong naglalakad sa walang katapusang maze. Sinusundan ko lang ang daan kung paminsan minsan pa nga ay napupunta ako sa dead end kaya wala akong ibang nagagawa kundi ang bumalik. Nakita ko sa pagliko ko ang maze na gawa na ngayon sa pader na madamo. Mukhang ibang parte na ito ng maze. Gaano ba ito kalaki? Sa nakita ko kanina ay talagang napakalaki ng maze. Napakaimposible yata naman ng paghahanap ko sa daan palabas. Ngunit kahit gano'n ay patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit walang kasiguraduhan ang daang tinatahak ko. Napatigil naman ako sa paglalakad ngan maramdaman ko ang paggalaw ng sahig na inaapakan ko. Unti unti itong umaangat pataas kaya madali akong umalis sa pagkakaapak dito. Maging ang ibang bahagi ng maze ay nagbabago rin ng ayos at porma. Kaya mabilis akong lumayo at iniiwasan na mabitag habang nagbabago ang anyo ng maze. Tinalon ko ang papataas na pader at halos maipit ako ng unti unti na itong nagdidikit sa isa pang pader kaya mabilis akong nagpagapang papaalis dito kundi ay patay ako. Tagaktak ang pawis ko ng tuluyan akong nakalabas sakto naman ng pagdikit ng dalawang pader. Halos gumulong ako dahil sa pagbagsak naman ng panibagong pader pababa sa mismong puwesto ko. Agad kong pinagpag ang pwetan ko bago mabilis na tumakbo. Iwas, talon at gulong ang aking ginawa sa pag-iwas sa mga nagbabagsakan at nagbabagong maze. Mukhang ito ang nangyayari sa maze. Nagbabago ng porma at kaya nakakaramdam ako ng paggalaw pagkaapak ko pa lang dito sa simula ng laban. Hingal na hingal ako nang maramdamang natigil na ang mga ito sa paggalaw. Sa wakas. Napahawak pa ako sa may bandang tiyan ko dahil nahagip ang bandang ito ng mga batong nasira sa paggalaw. Nakita ko ang dugo mula sa kamay ko na naggaling dito. Napangiwi ako nang makita 'to. Awit naman hindi pa nga nagsisimula eh. Kung magtatagal ako sa field at laro ay hindi ako tatagal ng may ganitong sugat. Kailangan kong humanap ng dahon para magamot at matapalan ang aking sugat gayong may mga pader na dahon naman dito sa napuntahan ko. Nilibot ko ang aking mata habang nakahawak sa aking tagliliran para matigil ang pagdudugo ng aking sugat. Matagal akong naghanap nang naghanap ng maaari kong magamit pantapal hanggang sa makakita ako ng pader na gawa sa dahon ng bayabas. Tanda ko ang amoy ng bayabas at hulma nito. Mabuti naman at may ganito rito. Pumitas ako ng iilang piraso ng dahon ng bayabas bago unti unti sumandal pababa sa pader na ito. Sinilip ko ang sugat na nakuha ko kanina. Napangiwi na lang ako nang makitang mukhang malalim ito. Pinunit ko ang bahagi ng tagiliran ko upang mas makita ko ang itsura ng sugat. Gaya ng inaasahan ay mukhang malalim nga ito. Shit talaga. Mabuti na lang at nakakita talaga ako ng dahon ng bayabas dito kundi ay baka maubusan ako ng dugo. Hindi pa ako handang matanggal sa labanan ng ganito kaaga. Hindi pa maaari. Orgulyo ko ang nakataya rito at hinding hindi akl papayag na matanggal ng basta basta na lamang. Inabot ko na ang dahon ng bayabas at nginuya iyon bago nilagay at tinapal sa aking sugat. Napakagat ako ng labi dahil sa hapdi na dulot nito ngunit alam kong kailangan kong magpatuloy. Ginawa ko lang ng paulit ulit ang pagnguya ng dahon ng bayabas hanggang sa natapalan na ang buong sugat ko. Pinunit ko pa ang pula kong coat nang pagkalakas lakas para lang maitapal ko sa tagiliran kong nilagyan ng dahon ng bayabas. Pinagdugtong ko ang napunit kong hibla ng tela para sumakto papaikot sa tagiliran ko. Kahit masakit ay pinagkadiin ko ang pagkakatali upang hindi matanggal. Napahinga pa ako nang malalim dahil sa pagpipigil ng sakit. Bakit ba kasi iniwan ko ang bandana ko sa dormitoryo kanina. Edi sana hindi ko na kailangan siraan pa itong uniporme ko. Papatayo na sana ako ng biglang may pumasok sa isip ko. Hindi ba nakaya kong magpagaling ng sugat noon? Natatandaan ko na napagaling ko noon ang sugat ni Eren. Hinawakan ko ang kwintas ko upang kausapin si Zeke at makapagtanong. Alam kong matutulungan niya ako. "Zeke. Kaya ko bang gumamot ng sugat?" diretsang tanong ko kay Zeke. "Oo. Basta't na kopya mo o nakasalamuha mo ang isang healer. Kaya mo gumamot ng sugat ng ibang tao ngunit hindi ng sarili mong mga sugat," sagot ni Zeke na ikinanlumo ko. Makakapagpagaling ako sa tulong ng kopyang mitika ngunit ang sarili ko ay hindi ko kayang magamot. Ganito kaya ang nararamdaman ng mga manggagamot at healer na gaya ni Heart? Nagkibit balikat na lang ako. "Gano'n ba Zeke. Salamat sa impormasyon," sagot ko na lang na bakas ang pagkadismaya. "Walang anuman, master. Mag-iingat ka," ang sagot ni Zeke na ikinangiti ko. Huwag kang mag-alala mag-iingat ako at gagawin ang lahat papaalis dito. Unti unti na akong tumayo at kumuha ng suporta mula sa pader. Kailangan ko nang mahanap ang daan papalabas dito. Nasa ika-unang stasyon pa lang ako at madami pa akong stasyon na pagdadaanan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Bahagyang bumagal ang kilos ko dahil sa aking sugat sa tagiliran. Ramdam ko ang kirot sa bawat lakad ko pero pinalis ko na lang iyon sa isipan ko. Gaya kanina ay sinundan ko lang ang daan ng maze at kung paminsan minsan ay lumiliko at umiiba ng daan. Napatigil ako at naningkit ang mga mata sa nakikita ko. Nilapitan ko pa ito para kumpirmahin at mukhang tama nga ang hinala ko. Sunog na pader ito, halatanag ginamitan mg mistika na madalas gamitin ni Abo. Tiyak na galing dito si Ash at nasa paligid lamang. Kung gayo'y kailangan ko siyang mahanap pero ang alam ko at natatandaan sa sinabi ng emcee kanina ay may pagdadaanan pa kaming pagsubok na indibidwal bago mahanap ang daan papunta sa mga kasamahan. Pero papaano? Kung wala naman akong nakikitang clue kung paano makalabas? O miski mahanap man ang daan papalabas ay hirap ako. Napanguso na lang ako bago nagpatuloy muli sa paglalakad. Hindi ko na mabilang ang oras sa loob ng maze. Sobrang dilim at tanging ang ilaw na gawa sa bolang ilaw na ginawa ko ang nagsisilbing ilaw ko sa paglalakad. Tutal kasi gabi na nagsimula ang clash of clans kaya tutal madilim. Halos mawalan na ako ng pag-asa dahil parang walang kabuluhan lahat ng ginagawa kong paglalakad dahil wala akong clue man lang sa paglabas. Napapaltak ako sa asar. Konti na lang ay mawawalan na ako ng pasensya idagdag mo pa ang patuloy na pagkirot ng sugat ko sa tagiliran. Napatigil lamang ako nang makakita ako ng parang kakaiba sa 'di kalayuan kaya agad ko itong sinipat. Dahan dahan akong naglakad papalapit dito at nakita ang isang bandedang pula? Litaw na litaw kasi ito dahil sa taglay nitong kulay ngunit mas naagaw ng pansin ko ay ang nakasulat dito. Mas nilakasan ko ang ilaw ko at nilapit sa bandera. "Where do the chicks lay close at night?" Naningkit ang mga mata ko habang binabasa ang nakasulat. Bugtong na ito? Kailangan ko bang sagutin 'to? Mukhang kailangan nga. Napaisip naman ako sa tanong bago napataas ang kilay. Siyempre sa tirahan nila. Hen house? Chicken Coop? Ano bang sagot? Walang sense mga iniisip ko. Siguro hindi literal ito eh. May kinilaman kaya ito sa direksyon o kaya't iba pang bagay. Hindi kaya nest? Pero ano namang kaugnayan sa bugtong na 'to? Teka. Nest? Hindi kaya West ang katumbas niyang sagot? Hindi ako sigurado kung tama nga ba ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad papunta sa kanlurang bahagi. Mas mabuti na siguro 'to, titingnan ko muna kung tama kaysa naman walang wala akong alam sa pinupuntahan ko. Minuto ang lumipas at napatigol ako nang makita ang tatlong daan na maaari kong pillin sa paglalakad. Nakakita akong muli ng pulang bandera sa gilid kaya agad ko itong kinuha. Mukhang tama ang west at nasa tamang daan na ako ngayon. Kung kanina ay patuloy lang ako sa pagtahak sa daang hindi ko alam ay mukhang ngayon nahanap ko na ang maaaring magdala sa akin papalabas ng maze. Sana nga makalabas ako rito sa lalong madaling panahon. ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD