Whispering Destiny
Kabanata 30 | Team Selection
_____________________________________
Napatigil ako sa pagkagulat sa pagkapili kay Eren. Napahugot pa ako nang malalim bago bumuga ng hininga sa pagkagulat. Maging sina Ari at Fira ay kapwa nagulantang sa kinilabasan ng pagpili.
"Bakit si Eren pa?" takang sabi ni Ari.
Nagkibit balikat na lang ako. Mukha naman kasing wala na kaming magagawa. Kitang kita pa sa screen ang panlalaki ng mga mata ni Eren dahil sa pagkagulat ngunit agad din naman siyang tumalima ng igiya siya ng katabing si Heart na mukhang nagulat din.
Maingat na naglakad si Eren papunta sa tabi ni Wanner at ng head of house nila. Hindi kagaya kanina na halos mabingi ako, ngayon ay kakaonti lamang ang sumuporta nang malaman na si Eren ang napili.
Nagpatuloy ang pagpipili ng estudyante at sa ngayon ay mayroon ng tig-siyam na kalahok ang bawat house at nasama rin si Ari sa napili kanina. Halos 'di rin kami makapaniwala gaya ng pagkagulat namin nang malaman na kasali rin si Eren. Hindi na nga makatayo si Ari kanina sa pagkagulat at 'di pagkapaniwala sa naging resulta. Mabuti na lang at tinapik siya ni Summer at pinagkatulakan papuntang field kundi ay baka 'di na nakababa iyon.
Sa house of Equirrion ay nadagdag sina Light, Emerald, Sunny, Franco, Valir, Gail, at Jay. Habang sa house naman namin nadagdag sina Gray, Summer, Ruby, Gusion, Harith, Faye, at Sean.
Nag-flash na sa screen ang house Equirrion at nagsimulang magpapalit palit ng mukha sa mga estudyante. Huling pili na para mabuo ang miyembro ng kanilang house. Sino kaya ang maswerte o malas na masasali? Unti unti nang bumagal ang galaw sa mga litrato ng studyante, na pahugot pa ako nang malalim ng dahang dahang dumaan ito sa litrato ni Sirene. s**t. Huwag mong sabihin na siya ang mapipili. Natigilan ako saglit at 'di alam ang kahahantungan ng pagpili. Hanggang sa tuluyan itong tumigil sa mukha ni Amethyst. Kaya napahinga ako nang maluwag. Hay. Akala ko pati siya kasali eh.
Kung tama ang pagkakatanda ko si Amethyst ay isang elite hindi ko lang alam kung kanino. Nagkibit balikat na lang ako bago nilingon ang linya namin sa unahan. Kami na lang nina Zaireh, Briz, Sapphire, Fira, at ako ang natitira, halos karamihan kasi ng sa agiria ay napiling kalahok sa patimpalak na 'to.
Malakas na hiyawan ang dumagundong sa house of Equirrion dahil sa pagkapili kay Amethyst.
"Hala. Siya pa ang napili," nag-aalang tonong sabi ng isa naming ka house lilingunin ko sana nang makita ko na lumabas na rin sa screen ang pangalan ng house namin at nagsimulang pumili sa mga ka house namin. Matamang tinuon ko ang aking buong atensyon sa screen. Narinig ko pa ang mahinang usal ng babae sa likod ko.
"Sana ako. Ako. Ako." Mukhang gusto niya pala sumali. Nilingon ko siya at tumambad sa akin ang maamong mukha ng babae.
Napaharap naman agad ako nang mahulog ang dala kong panyo sa sahig. Nako. Lagi na lang nalalaglag o kaya kundi nawawala ko ang mga panyo ko. Parati akong may dala nito, hindi ko kasi kayang mabuhay ng walang panyo. Ewan ko ba. Agad kong inabot 'yong panyo kong nahulog sa sahig, pero 'di ko mahanap kung saan na napadpad. Aba naman talaga. Kaya ginala ko pa ang mga mata ko para mahanap kung saan napunta.
Naramdam ko ang pagtapik sa akin ni Fira sa likod. Nako Fira. Naghahanap ako. "Teka. Hinahanap ko panyo ko," sagot ko sa kanya at sakto namang nakita ko na 'yong panyo ko. Nice. Agad ko nang inabot ang puting puti kong panyo.
Pinagpag ko pa iyon ng tuluyan kong mapulot at umupo ng ayos. Mabuti na lang 'di siya nadumihan. Puti pa man din.
"s**t ka Vera. Bumaba ka na," asar na sabi sa akin ni Fira.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya at sasagot pa sana nang makita ko ang mukha ko sa harap ng malaking screen. What the heck?! Ako? Napili?
Natigilan ako saglit at ng matauhan ay nagsimula na akong tumayo. Mukha bang may pagpipilian pa ako.
Hindi ko maiwasang matuwa sa maliit na pagsuporta sa akin ng mga taga-Equirrion. Marahan nilang winawagayway ang poms poms sa akin habang iilan lamang sa mga ka house ko ang aking narinig.
Kabado man ay taas noo pa rin akong bumaba. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na natatakot at kinakabahan ako sa kadahilanang hindi ko pa gamay ang aking mystic at ngayo'y lalaban agad ako. Napakalakas ko talaga kay disgrasya.
Papalapit sa field ay nakikita ko ang kunot noong titig ni Abo sa akin habang naglalakad at masamang tingin ni Ruby. Bakit? Akala ba nila gusto ko mapasali? Shet talaga. Ako pa huling miyembro. Sana 'yong babae na lang sa likuran ko ang pinili. Ang malas malas ko naman talaga.
Pumwesto na lang ako sa tabi ni Sean na pangsiyam na napili. Nginitian niya pa ako bago ako makapwesto.
"Team selection is now closed! Kompleto na ang team ng bawat house. Handa na ba kayo, Gravelleans?" tanong ng emcee na babae at bumalik na ang ingay ng bawat houses. Kanya kanya silang sumangayon na halos 'di na maintindihan dahil sa halo halong mga sagot, basta ang sigurado ay eksayted na sila sa pagsisimula ng labanan.
"Mag-ingay para sa house of Equirrion!" malakas na sigaw ng ka house nilang lalaking emcee. Hindi na magkamayaw sa sigawan ang house nila at halos mapunit na ang mga banner sa sobrang pagwawala. Kahit na ang layo namin sa kanila ay dinig na dinig pa rin namin ang tilian mula sa puwesto namin.
"Magpapatalo ba ang house of Lyttleton?" tanong naman ng babaeng emcee na ka house namin na sabay sabay na sinagot nila ng hindi.
"Make some noise house of Lyttleton!" Halos dumaundong din ang ingay nila sa buong field. Hindi magkamayaw ang kanilang suporta para sa house namin.
"Wala na bang ilalakas 'yan?" sabi pa niya na mas lalong nagpaingay sa kanila.
"Lyttleton! Fight! Fight! Fight! Fight! Lyttleton! We are one!" narinig ko na sabay sabay nilang chant. Aba't mukhang may pa chant pa nga ang house namin at may pa bombo pa.
"Mukhang nag-iinit na ang bawat house. Sino kayang mananalo? Ang reigning champion kaya ng Equirrion? O ang house of Lyttleton? Kaya 'di na tayo magpapatumpik tumpik pa. Simulan na natin ang labanan!" Naramdaman ko na lang ang biglang pagdilim sa buong field. Halos wala akong makita at na blanko ang aking paningin.
Anong nangyayari?
Napapikit ako ng aking mga mata baka namamalikmata lang ako. Sakto pagkamulat ko ay mag-isa na lamang ako sa isang maze. Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid ko. Kita ko ang mga estudyante ng parehas na house ngunit sobrang layo na nila na halos hulma at postura na lang nila ang aking nakikita. Paano nangyari 'yon?
Na alerto naman agad ako nang maramdaman na parang gumagalaw ang maze na gawa sa bato kaya nagpokus ako sa paligid ko at pinakiramdaman ang paggalaw ng maze.
Kailangan kong magsimula sa paggalaw. Sa aking pagkakatanda ito ang unang stasyon pero paano? Asan?
Nagkibit balikat na lang ako bago napabuga ng hininga. Ang goal ko lamang ngayon ay ang malampasan ang lahat ng istasyon ng walang galos at maayos. Sana'y maisagawa ko 'yon.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆