Kabanata 29

2513 Words
Whispering Destiny Kabanata 29 | Clash of Clans _____________________________________ Nagsimula na kaming maglakad pababa. Nilagpasan kami ng lima at nagsimula na ring maglakad pababa. Paano ba naman siguro, magkakasama na naman kami sa klase na sunod. Nang makadaan kami sa ikatlong palapag ay nakita namin sina Summer at Gray na kakalabas pa lang ng kanilang silid. Kinawayan kami ni Summer. Ginantihan naman ng kaway ni Ari si Summer at nginitian lang namin siya ni Fira. Akala ko ay sasabay sila kayla Sapphire maglakad pero mukhang mali ata ako. Nagsimulang maglakad ang dalawa papalapit sa amin. "Hey! Sabay kami sa inyo ha. Nagsasawa na kasi ako sa pagmumukha ng limang 'yon," pagkuwan na sabi ni Summer na nginisian ko lang. Nahagip pa ng mata ko ang paglingon ni Ruby sa amin at pagtataray niya. Inirapan ko na lang siya pabalik nang magtama ang panangin namin. "Sure," nakangiting sagot ni Fira sa kanila. Palakaibihan naman talaga si Fira. Mukha lang nakakatakot pero 'di naman talaga. Kailangan lang na siya ang una mong kausapin bago ka niya rin kausapin. "Tara na sa field!" Anyaya ni Summer at nakita ko ang pag-angkla niya ng kamay kay na Fira at Ari habang si Gray ay tahimik na nakasunod lang sa amin. Siya lang kasi ang nag-iisang lalaki sa amin. "Teka. Ano nga pa lang klase natin sunod? Hindi kasi nakalagay sa iskedyul namin," tanong ni Ari habang nakaabresta kay Summer. Oo nga, ano bang huli naming klase? "Clash of Clans," sagot ni Gray. "Clash of Clans?" takang tanong ko sa nasa tabi kong si Gray at inangat ang tingin sa kaniya dahil 'di hamak na mas matangkad siya sa akin. Is it a game or what? Iyong mobile game na nilalaro ko dati. Ayo'n ba? Nakita ko naman sa mukha ng dalawa ang taka. "It's a team battle kung saan maglalaban laban ang dalawang houses from different clans. Kahit pa ay Agiria tao ay sa mga ganitong pagkakataon ay sa houses natin tayo na kagrupo," sagot ni Gray na ikinatango naman namin. Ah, laban pala ng mga houses. Paano kayang battle? As in nagsasapakan gano'n? Huwag naman sana. "Kaya ba kasama sa klase natin ang Physical Combat at Hoplology para sa mga ganitong event?" tanong ni Fira. Nag-aabang lang ako ng magiging sagot nila sa mga tanong namin. "Yes, kasama na rin siya, pero hindi naman talaga ito ang pinakareason kung bakit natin 'yon pinagaaralan, naalala niyo sa history class?" pagtatanong ni Summer tiyaka ko naalala ang sinabi sa history class namin kanina lamang. Lahat ng ito ay para maprotektahan namin ang sarili laban sa mga Elliol na maaaring umatake anumang oras. Paano ko ba malilimutan 'yon eh tingin ng iba sa amin ay kampon kami ng Eziariel na pinadala para mag-espiya rito. Buti nga at hindi kami pinagsususpetsyahan ng dalawa eh. Pero hindi nga ba? "Aren't you like them? Suspicious about our personalities?" diretsang tanong ko na ikinatigil ng lahat. Ayoko kasi nang nakikipagplastikan lang eh. Kung ginagawa nila ito at kinakaibigan kami para lang gamitin kami ay mabuti ng maaga pa lang ay maputol na ang koneksyon namin sa kanila. "Nah. We're not like the others. We don't judge," sagot ni Gray na nagpangiti nang maliit sa akin. Naramdaman ko rin naman ang sinseridad sa sinabi niya kaya't napanatag ako. Mukhang makakasundo talaga namin sila. Mabuti naman kung gano'n. May kung anong mainit ang bumalot sa puso ko na nagpagaan ng pakiramdam ko. Mayroon pa palang tao sa mundong ito ang 'di kami hinuhusgahan dahil lang sa pinanggalingan at kapangyarihang taglay namin. Akala ko pa nga ay masungit si Gray at suplado pero 'di naman pala talaga. Don't judge the book by it's cover nga talaga. "Yah. Tiyaka isa pa galing din kami sa Mundane World bago kami napunta rito. Mas maaga nga lang kami na expose sa lugar na ito. Siguro mga seven gano'n," dagdag pa ni Summer. Cool. Galing din pala sila sa mundane world. Kung gano'n ay walang duda na talagang magkakasundo kami. Nakarating na kami sa quant building at nakita ko na halos lahat ng studyante ay papunta sa field. May nakasabay pa kaming mga taga-clan din namin at pati ng mga taga-Equirrion na papunta sa quant building. "Excited na ako sa clash of clans!" "Bakit ba kasi ginawang once a week lang ang clash of clans?" "Siguro akong maglalaro ang mga Agiria." "For sure 'yan na kasama sila sa line up." "Makakasali kaya 'yong mga baguhan?" "Duh. As if naman makakalaban sila eh beginner pa lang sila at walang alam sa mystic nila." "Wala ka kasi no'n sa auditorium eh kaya 'di mo nakita ang nangyari." "I don't care. Tiyaka baka may kapit sila sa taas kaya napasok sila sa Agiria." Napalingon ako sa nagchichismisang mga babae sa gilid ko. Mukha namang naramdaman nila ang presensya namin dahil agad silang nanahimik. Tinapunan ko lang sila ng tingin. Naramdaman ko na mukhang papatulan ni Ari ang mga babaeng nag-uusap tungkol sa amin na mukhang ka clan pa namin, pero agad siyang nahila ni Fira at napigilan sa balak gawin. Sinamaan ko lang si Ari ng tingin at kinausap gamit ang utak ko para pigilan siya at pagsabihan. Hindi ko alam kung paano ito gumagana pero mukhang gumana naman. Bukod sa akin ay si Ari talaga ang pinakapalaaway sa amin. Lahat papatulan niyan basta sinabihan siya o kami nang masama. Mabuti nga kahit papaano ay naawat naman namin at nakikinig naman siya. "Hayaan niyo na 'yan sila. Tara na mukhang marami na ang nandodoon," sabi ni Summer at hinila na si Ari kaya nahila na rin si Fira at hinila naman ako ni Fira kaya hinila ko na lang din ang nananahimik na si Gray sa gilid ko. Hindi ko maiwasang isipan sila Eren. Asan kaya iyong dalawa? Huling kita namin ay 'yong kinausap pa kami ni Headmaster. Nakarating naman kami sa field at tumambad sa amin ang napakalaking espasyo sa loob. Kung ikukumpara sa mga field namin sa eskwela ay triple hindi mas malaki pa talaga ng sobra ito. May mga ilaw rin sa paligid at mayroong mga benches sa magkabilaang bahagi. Na sa kanan ang mga Equirrion habang ang Lyttleton na siyang clan namin ay nasa kaliwang bahagi. Habang tanaw ko sa harap amg mga professors at mukhang ang puno ng mga houses ay nandidito rin. Nakilala na kasi namin si sir Joe ang head ng clan namin. Unfortunately, hindi na namin siya masyadong nakilala sa kadahilanang sa Agiria kami namamalagi. Sa taas nito ay ang pagkalaking laking screen na magkabilaang nakalagay ang Clash of Clans para makita nang magkabilang bahagi ng manonood. Anong klaseng battle kaya ang nangyayari rito? Sa nakikita ko'y mukhang ang lahat ng estudyante ay eksayted sa kung anumang magaganap sa araw na 'to. Nagdiretso naman na kami sa bahago namin at ngayon ko lang napansin na halos lahat pala ng mga mata ay nakasunod sa amin. Nagkibit balikat na lang ako bago ako nagpahila sa kanila. Sa harapan kami pumwesto kung nasaan ang lima na nauna ng nakaupo. Nakita ko pa na napatingin din samin sila sa pagdating namin. Pero nanliit ang mata ko dahil sa masamang tingin ni Abo sa kamay ko. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad niya akong inirapan. Bakla talaga. Nako. Sarap dukutin ng mata. Napansin kong nakahawak pa rin ako sa kamay ni Gray kaya agad ko na itong binitawan at umupo sa puwesto na napuntahan namin. Nakita ko na gano'n din naman ang ginawa ng tatlo at ni Gray. Hindi magkamayaw ang ingay sa field dahil sa usapan ng mga tao na mukhang eksayted na eksayted na sa mga nangyayari. Ano ba kasing nangyayari? Paanong clash? Nang hindi na ako makatiis ay tinawag ko na ang pansin ni Gray para magtanong "Hey," tawag ko sa atensyon ni Gray. "O?" tanong niya na tumingin sa akin. "Anong gagagawin dito? Paanong clash?" tanong ko sa kanina ko pa gustong itanong pero bago pa masagot ni Gray ang tanong ko ay agad na mamatay ang ilaw at tanging ang malaking screen na lang sa taas ang natatanging ilaw na nakabukas. Nagsimulang tumugtog ang musika at nilabas ng screen ang mga nangyari sa mga nakaraang Clash Of Clans. Lumalabas dito ang mga mukha ng nagkampyong house sa loob ng buwan na ito. Rinig ko ang hiyawan ng mga tao kada lumalabas at nag-fa-flash sa screen ang mga houses na nanalo sa araw na iyon. Unang nag-flash sa screen ang house namin at todo hiyawan naman ang mga ka house namin. Halos mabingi na nga ako sa lakas eh. Sunod naman na nag-flash ang Equirrion clan. Kaya 'di magkamayaw naman ang ingay nila at natahimik ang house namin. Nakita ko sa 'di kalayuan sina Eren at Sirene na nakikitili rin kasama si Heart. May hawak hawak pa silang pom poms. Ngayon ko lang napansin na may kanya kanyang banner ang dalawang houses at mukhang may pa tambol pa. Parang intrams lang ah. Gano'n lang ang nangyari habang isa isang lumalabas sa screen ang mukha ng mga nanalong houses at mukhang ang Equirrion ang nanalo sa nakaraang Clash of Clans at ang naghaharing kampeon sa nakaraang laban. "Good evening, Gravelleans!" Pagsulpot ng MC sa harapan na nagpaingay sa buong field. Tumambad sa amin ang isang babae na galing sa house namin at lalaki na galing sa house ng kabila na may hawak hawak na mikropono sa mga kamay. Kung gayo'y Gravelleans pala ang tawag sa mga nag-aaral dito. "Make some noise!" sigaw ng lalaking MC na mas nagpalakas ng hiyawan. Halos dumaundong ang ingay sa buong field dahil sa ingay. Napahawak pa ako sa tainga ko dahil sa napakalakas na tilian ng mga babae sa likuran namin. "I'm Hannah and I'm Drake, your host for tonight!" pakilala ng dalawa. "Enough with the protocols already and let's get started," ang sabi ni Hannah. "For today's Clash of Clans we have set of four. It will test your knowledge, physical strength, mystic and most specially your team strategy. Hindi katulad sa mga nakaraang clans na pipili ng grupo kada station ngayon ay sampung tao lamang ang gagawa nito sa lahat ng station. It will going to be a race between the two houses. Sinong clan kaya ang mauunang makakatapos ng apat na stasyong aming hinanda? Is it the house of Equirrion?" palitan na sabi ng dalawang emcee na ikinahiyaw ng house of Equirrion. Mukhang alam na alam nila ang kanilang ginagawa. "Or is it from the house of Lyttleton?" sabi naman ng babaeng emcee from our house na ikinahiyaw ng mga taga-house namin. Nakita ko na isa isang lumabas ang mga rounds and station na sinasabi at tinutukoy nila sa screen. "At the beginning of the battle, the team will be scattered around the maze that we've created. Kailangang malagpasan nila ang unang station that will test their knowledge para mahanap ang daan papunta sa kanilang mga teammates, but you must remember that someone can be eliminate in this round. Elimination means deduction from the total points that you will get." Nag-flash naman sa harapan ang parang maze na sinasabi nila na sobrang laki. Hindi ba parang nakapaimposible namang makahanap ng tao sa laki ng field at porma ng maze? Nagkibit balikat na lang ako bago muling nakinig sa dalawang emcee. "Sa pangalawang station ay kakailanganin ninyo ng lakas sa pakikipaglaban gamit ang kamay." Seryoso lang akong nakikinig sa bawat rules at mga mangyayari sa loob ng field. Hindi ko namalayang natapos na sila sa pagpapaliwanag at pagpili na ng mga miyembro ng pangkat ang susunod. "So, for the most exciting part. Team member selection!" Anunsyo na ikinahiyaw ng dalawang houses at lumabas sa screen ang picture ng mga students sa house namin at mukhang gano'n din ang lumabas sa kabilang screen ngunit house naman nila. "It's going to be a random pick. Now, let's start from our reigning champ, Equirrion." Naghiyawan ang house nila pero natahimik ang lahat ng magsimula nang gumalaw ang mga mukha sa screen at pumili ng unang miyembro mula sa house nila. Nakikita rin namin sa screen ang nagaganap na pagpipilian ng miyembro. Hindi naman pala lahat ay makakalaro sa clash of clans. Kung sino lamang ang mapili ay siyang magrerepresenta sa kabuan ng mga houses. Nakita ko ang kabadong mukha nila ng unti unting bumagal ang paggalaw nang pagpili. Na ipa-ekis ko ang aking daliri nang dumaan sa mukha ni Eren ang mabagal pagpapalit palit ng mukha sa screen ng mga studyante. Mas bumagal pa ito nang na daanan ang mukha ni Sirene. Napahugot kami nang hininga habang hinihintay ang pagtigil nito. Naramdaman ko na napahawak na pala ako may Fira dahil sa pagkakatensyon. Hindi ko inaakala na magiging ganito ka tensyonado ang magiging pagpili ng mga miyembro para sa clash of clans. Akala namin ay hihinto na kay Sirene ngunit napahinto ito sa kasunod na mukha ni Si, Wanner. Biglang naghiyawan ang house nila dahil sa naging resulta ng pagpili. Nagpokus kay Wanner ang spatlait at ang mukha niya sa screen. Nakita ko naman siya katabi si Mount na magkakalinya sa unahan. Kitang kita ko ang laki ng ngiti niya nang malaman na siya ang kauna-unahang member na napili. "As expected," narinig kong sambit ng babae sa likod ko kaya agad kong nilingon. Inaasahan ata nila na talagang makakasama siya sa clash of clans. "Go! Wanner!" "Woo! Itaas mo ang bandera ng Equirrion!" "We love you!" Kanya kanyang sigawan ng mga ka house niya at nanatili lamang na tahimik ang house namin. Mukhang loyal sila sa house namin ah. Mabilis naman na naglakad si Wanner papunta sa tabi ng head of house nila. Sumunod na lumabas sa screen ang pangalan ng house namin at mabilis na nagpapalit palit iyon habang namimili ang screen ng isang estudyante na magiging una naming representatibo. Nagsimula ang pagpapalit palit ng mukha hanggang sa unti unti itong bumabagal. Napakalakas ng t***k ng aking puso ko ngayon sa nagaganap na pagpili. Paulit-ulit kong iniisip sa sarili ko na sana hindi ako mapili at mukhang mabait sa akin si tadhana dahil nilagpasan niya ang laraaan ko at huminto sa larawan ni Ash. Agad na tumapat ang spatlait kay Ash kasabay ng paglabas ng kanyang mukha sa screen. Halos mabingi ako ngayon sa hiyawan at napakalakas na tilian ng aking mga ka-house. "Go, Ash!" "Laban Lyttleton!" "Fighting!" Iilan lamang sa mga nangingibabaw na tilian ng aking mga ka house. Pakiramdam ko nga'y parang mabibingi na ako anumang oras dahil sa lakas ng mga tili nila. Napagawi pa ako sa direksyon ni Ash at nakitang taas noo itong naglakad papunta sa head of house namin na animo'y pagmamay-ari niya ang daan. Nakatingin lang ako sa malaking screen dahil may kalayuan ang puwesto nila at 'di nakikita ng ayos kundi lang sa tulong ng screen sa harapan. Matapos makarating ni Ash sa gitna ay agad namang nag-flash sa screen ang pangalan ng kabilang house at gaya kanina mabilis itong nagpapalit palit sa mukha ng nga taga Equirrion. Tutok na tutok kami hanggang sa mapili at huminto ito sa mukha ni... teka, huh?! Eren?! ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD