Whispering Destiny
Kabanata 28 | Hoplology
_____________________________________
"Good afternoon class! I'm Gino, your Hoplology professor. For today's class ay tuturuan ko kayo ng paggamit ng Ranged Weapons. Pero bago 'yan ay maupo muna kayo at ipaliliwanag ko pa ito sa inyo bago tayo magsimula sa actual," ang sabi niya kaya agad naman kaming umupo sa artificial na d**o. Dahil kami ang nauna sa pagpasok kanina ay nasa harapan kami ni sir Gino ngayon. Nasa gitna namin ni Fira si Ari. Nakita ko rin na tumalima ang lima sa sinabi ni sir Gino.
"Ranged weapons are weapons which are used in ranged combat. It is any weapon that can engage targets beyond hand-to-hand distance at distances greater than the physical reach of the weapon itself. The defining trait of ranged weapons is their requirement of ammunition in order for the weapon to operate. Nahahati sa limang klase ang ranged weapons base sa panahon o period na nagawa o nakilala ito. Una ang Prehistoric and Ancient period, Pre-modern period, Early modern period projectile weapons, Late modern/contemporary period projectile weapons at ang Future/Conceptual period.
Sa araw na ito ay pagtutuunan natin ng pansin ang hand throwing weapons sa panahon ng Prehistoric at Ancient Period. By the word itself, hand throwing it is meant specifically for throwing weapons. The ability modifier used for ranged weapon attack is dexterity. Kaya't kakailanganin niyo ng skill sa pagsasagawa nito lalo na sa inyong mga kamay. But since ginagamit ng ibang section ang javelin ay knife ang gagamitin nating weapon for today," napangiti ako nang sabihin ni sir Gino ang gagamitin naming armas sa araw na 'to.
Yes. I love knife throwing. Isa ito sa mga paborito kong laro bukod sa darts.
"Ang rule sa game natin ay simple lang gaya ng larong darts. Kailangan mong patamaan ang target sa gitna and each circle have a corresponding points. Ang pinakaunang circle ay 10 points, the second one ay 25 points at ang center na 50 points. Ang makukuha niyong score rito ay macoconvert bilang mana ninyo." Napakunot ang noo ko sa paliwanag ni sir. Mana? Ano raw? Pamana gano'n ba?
"Mana ang matururing bilang pera sa mundo natin sa mga hindi nakakaalam," maagap na paliwanag ni sir Gino na ikinatango lamang namin. Ah, mana pala ang tawag sa pera rito. Akala ko naman ang tinutukoy ay ang makukuha mo sa iyong mga magulang o kapamilya. Mabuti ng nagkakaliwanagan.
"So. Shall we start?" tanong ni sir Gino na ikinatango namin. Ekstayted na ako pero pinipilit kong itago ang pananabik na nararamdaman ko sa sarili.
"Sa unahan tayo magsisimula from the right side," sabi niya kaya agad akong kinabahan at tumingin sa gilid ko. Nasa dulo si Sapphire na katabi ni Fira. Sino sa amin? Sa pananaw ni sir ay si Sapphire ang nasa kanan pero sa point of view namin ay ako ang nasa kanang bahagi kaya't sino sa amin?
"Let's start with you, Vera," sabi niya na nagkumpirma ng mga katanungan ko. Naramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Mukhang eksyated ka na ah. Dali na tayo ka na," ang sabi sa akin ni Ari na mukhang alam ang kasiyahan ko sa klase namin.
Alam kasi nila na mahilig ako sa kung ano-anung sports sa impluwensya ni ama at isa ang knife throwing sa mga kinahihiligan kong palaro.
Agad naman na akong tumayo at humarap kay sir Gino. Pinagpag ko pa ang pwetan ko bago ako lumapit sa kanya.
"Ready ka na ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti na nakapaglabas ng kanyang pusyo sa pisngi.
"Yes po," mabilis na sagot ko. Mukha namang hindi ako eksayted talaga ano.
"Mayroon ka lamang tatlong tiyansa sa pagpapatama sa target," sabi niya at nakita ko ang biglang pagsulpot ng lamesa na may mga kutsilyo at ang target na limang metro ang layo sa kinatatayuan ko. Mukhang malayo ang target. Ang karaniwan kasi'y mga tatlong metro lang para sa palarong 'to ngunit mukhang iba rito. Ano nga bang inaasahan ko sa kakaibang mundo na ito.
"You may start now," sabi ni sir Gino na tinanguan ko na lamang. Agad na akong lumapit sa lamesa na mayroong tatlong punyal sakto para sa akin.
Nakakamiss humawak ng punyal. Matagal-tagal na rin simula ng nakawak ako nito para sa ganitong aktibidad.
Pinuwesto ko na ang sarili ko sa linya kung saan ako mag-tatarget at tumayo nang tuwid. Hinarap ko ang kanang paa ko at mahigpit na hinawakan ang punyal na parang naghahawak ako ng martilyo. Inanggulo ko ang punual at pinagkatitigan nang mabuti ang target ko. Kailan ko nang matinding lakas sa pagtapon ko ng punyal dahil sa layo nito. Marahang itinaas ko ang kaliwang kamay pataas kasabay ng aking ulo para tansyahin ang aking pagbato. I keep my wrist unbent. Makakatulong ito ng sa gayo'y hindi masyadong umikot at gumalaw ang punyal sa hangin na kakailanganin dahil sa layo ko mula sa target.
Nang sa tingin ko ay ayos na ang aking tindig at porma ay agad kong kinasa ang aking target.
Nilipat ko ang aking buong bigat mula sa aking dominanteng paa papunta sa hindi upang makalikha ako ng pagsulong na momento. Kasabay nito'y ang pag-indayog ko ng aking bisig pasulong mula sa siko upang ang aking braso ay diretso sa harapan ko. Nakita ko na mabilis na bumulusok sa ere ang binato kong punyal. Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib at tila bumagal ang oras sa naging paglipad nito.
Agad akong napangiwi nang tuluyan ng tumama ang aking pulya sa target board.
Narinig ko pa sa likod ang pagpalapak ni Ari na agad din namang tumigil. Mukhang nahiya siya pero 'di pa rin nawala ang pagkadismaya sa mukha ko. Paano ba naman kasi nasa pangalawang bilog lang ang natamaan ako.
"What a great throw, Ms. Vera. 25 points for your first throw," sabi niya kaya agad ko nang kinuha ang pangalawa pang punyal at pinuwesto ang sarili gaya kanina. Ngunit ngayon ay mas tinutok ko na ang aking mga mata sa target. Hindi ko na palalampasin ang pangalawang pagkakataon. Simula ako'y bata ay nilalaro ko na ito kaya't hindi ako makakapayag na lumagpas na naman ang pangalawa kong tira.
Seryosong seryoso ako habang nakatingin sa target at walang pagaalinlangang inindayog ang kaliwang kamay bago ko ito binato nang makuha ko ang tiyempo ng pagbato ko sa target. Mabilis na bumulusok muli ito papunta sa target board. Kaibahan kanina ay mas mabilis ang pagtama ng aking pangalawang tira sa board. Bahagya pa akong napapikit at nang marinig ko ang paglapat sa boatf ay agad kong namulat ang aking mga mata at napangiti ng maliit nang makita na tumama na ito sa target ko. Nice.
"Bullseye! 50 points, Ms. Vera!" anunsyo ni sir na kinalaki ng ngiti ko.
Hindi na naman ako nag-aksaya pa ng oras at kinuha ang pangatlo at huling punyal.
Pinuwesto ko na muli ang aking sarili. Hinarap ko ang kanang paa ko at hinawakan sa kaliwa ang punyal ngunit 'di gaya kanina na paharap, umatras ako ng isang hakbang paatras mula sa linya ng pagbabatuhan at isa pang hakabang para makuha ko ang 45-degree na puwestong ninanais ko. Pagkatapos ay inilagay ko ang aking paa sa likod ng isang hakbang papapunta sa harap na halos parang mid-stride mula sa aking target na nasa gilid. Nang makuha ko ang tamang tindig at porma ko ay inindayog ko na aking mga kamay at humakbang papaharap gamit ang aking dominanteng paa at buong pwerang ibinato ito dahil sa layo ng target. Sinigurado kong sa aking pagbato ay nakahalang lamang ang punyal.
Sa huli kong tira ay ginawa ko ang power target teknik na kaunaunahan kong teknik na natutunan.
Nakita ko na mabilis na bumulusok ang tira ko na halos hindi ko nasundan nang mabilis itong tumama sa target board. Lumawak ang aking ngiti nang makitang halos magkadikit ang pangatlong knife na binato ko at ang pangalawa dahil sa lapit sa isa't isa.
"It looks like you have mastered the knife throwing, Ms. Vera. For your last throw 50 points! A total of 125 points," ang anunsyo ni sir Gino at nag-akmang pumunta na pabalik sa aking puwesto katabi ni Ari.
"Can I ask you something, Ms. Vera?" pagtawag ni sir Gino sa atensyon ko na nagpatigil sa akin sa paglalakad pabalik sa puwesto ko.
Napataas ako ng kilay bago muling humarap kay sir Gino at antayin ang kanyang tatanungin.
"Sige lang po. Ano ba 'yon, sir?"
"Since when did you start handling a throwing knife?" tanong niya na bahagyang nagpakunot ng noo ko pero pinatili ko ang aking blankong ekspresyon. Don't tell he's suspecting me right now? Pinigilan ko ang magirap ko at tinago na lang sa sarili. Hindi pa rin talaga maiiwasan ang mga pagtataka at suspetsya mila sa amin kahit anong mangyari at mukhang unti unti na akong nasasanay mula rito.
"I'm a daughter of a keeper in our city. He serves as a protector of one of the known clan and as his daughter I learned a lot of things about fighting and holding weapons such as knifes," pagpapaliwanag ko sa kaniya bago pinakitaan ng peke kong mga ngiti.
"I see. That explains why you're so good at it," tatango tangong sabi niya bago ako pumunta na sa puwesto ko katabi ni Ari.
"Next. Ms. Airilyn," pagtawag ni sir Gino na mukhang wala ng balak pang magtanong muli sa akin dahil sa naging sagot ko.
Nakita ko na tumayo na si Ari. Marahang hinawakan ko lang ang balikat niya and mouthed her good luck. Ngiwi lang ang natanggap kong sagot sa kanya.
Sa tingin ko naman ay makakapuntos si Ari. Kasi noong mga bata kami kapag may natutunan akong bagong kaalaman mula kay ama ay tinuturo ko rin ito sa kanila. Kaya kampante ako na kaya nila protektahan ang kanilang sarili ng wala ako sa tabi nila.
Pumwesto na si Ari sa may linya ng paghagis at pinagkatitigan ang target board bago kinuha ang punyal gamit ang kanyang kanang kamay.
"Mukhang malayo ang target," mahinang ani ni Fira.
"Halos limang metro ang layo nito," sabi ko kay Fira.
Binalik ko ang tingin ko kay Ari. Nakita ko na nakapwesto na siya at nakaporma na. Handa na niyang ihagis ang punyal mula sa kanyang mga kamay at 'di nga ako nagkamali dahil agad niya nang inihagis ito papunta sa kanyang target. Napakagat pa ako ng labi sa sobrang antipasyon sa pagtama ng punyal niya sa target board. Napangiti naman ako nang tumama sa ikatlong bilog ang kanyang unang tira. Hindi na masama.
"Sa unang tira ay nakakuha ka ng 10 points, Ms. Airilyn. Keep it going," anunsyo ni sir Gino bago ko nakitang muling kumuha ng punyal si Ari.
Tiyempo kung kailan mo bibitawan ang punyal ang pinakamahirap na parte sa pagbabago ng punyal. Ang pag-alam kung kailan dapat bitawan, at kung paano bibitawan ang talim para umikot ito ng tama at tumama sa ninanais mo ay isang malaking trial at error. Praktis lamang ang tanging daan para maperkpekto ang ganitong klase ng kakayahan. At hindi rin siya basta basta dahil sa layo ng target.
Sa pangalawang tira niya ay matagumpay niyang na ipatama ito sa ikalawang bilog na nakapagbigay sa kanyang ng 25 na puntos at sa pangatlo naman at huling tira niya'y muli itong tumama sa pangalawang bilog. Ito ay nakapagbigay sa kanya ng kabuuang 60 puntos.
Tinaasan namin siya ng hinlalaki bilang pagbati't puri at nginitian. Mukha namang nasiyahan si Ari si nakuha niya bago bumalik sa tabi ko.
"Mabuti talaga at nagpaturo ako sayo noon ng pagbato ng kutsilyo kundi ay kulelat ako ngayon," sabi ng nakangiting si Ari.
Siya kasi 'yong pinakaayaw ng mga ganitong gawain. Pinipilit pa 'yan nila Eren para lang sumama sa amin pero sa huli ay siyempre sumasama pa rin naman siya sa amin.
Sumunod na si Fira at nakakuha siya ng kabuuang 85 na puntos at sunod sunod nang nagsisunuran ang natirira pa. Mukhang bihasa ang lima sa ganitong sports dahil si Sapphire ay nakakuha ng 125 katulad sa akin habang sina Ruby, Briz, Zai, at Abo na nakakuha ng 150 points. Napangiwi ako sa naging resulta. Hindi ko kasi nagawang maka-perfect na puntos ngayon. Hayaan mo na sa susunod ay babawi ako. Hindi kasi talaga ang knife throwing ang pinaka-expertise kong kakayahan sa mga laro.
"Iyon lamang sa araw na ito. Isesend ko na lang ang mana na nakuha ninyo sa vault niyo mamaya. Dismissed," sabi ni sir Gino at nagsimula na kaming maglakad papalabas.
Vault, ano naman iyon? Inalis ko na lang sa isip ko iyon at nagsimula na kaming maglakad palabas. Masasagot din naman iyon.
Pagkalabas namin ng silid ay hindi ko maiwasang magulat nang makitang palubog na ang araw at bahagyang madilim na. Hindi tulad sa karaniwang klase namin, tig-dalawa at kalahating oras ang klase namin sa Physical Combat at Hoplology at mayroon pa kaming last class sa may quant building ma mukhang mixed class na naman.
Hindi pa namin alam ang huli naming klase sa araw na 'to. Wala kasing nakalagay na asignatura bukod sa oras.
Nagkibit balikat na lamang ako at tinahak ang daan papunta rito. Hindi na ako makapagantay na matapos ang araw na ito.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆